You are on page 1of 6

Ponolohiya ng Wikang Filipino

Sa pag-aaral ng Istruktura ng wikang Pilipino (Ponolohiya, Morpolohiya,


Sintaktika), binibigyang linaw rito ang tungkol sa tamang paggamit ng mga salita sa
pagpapahayag, pasulat man o pasalita. Ang kaalamang ponolohikal ay tumutukoy sa
pamilyaridad sa tunog ng wika na makakatulong din sa pagkilala sa mga salita na
bumubuo sa isang wika.

Isa sa mga katangian ng wika ay ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng
tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na
sinasalita.

Ang Filipino tulad ng alinmang wika sa daigdig ay binubuo rin ng mga tunog.
Talakayin natin ngayon ang mga tunog na bumubuo sa wikang Filipino. Ngunit upang
ganap nating maunawaan, alamin muna natin ang mga sangkap na ginagamit natin sa
paglikha ng mga tunog sa ating pagsasalita.
Ang Pagsasalita

Tatlong salik ang kailangan upang makapagsalita ang isang tao.

1.ang pinanggalingan/ pinagbuhatan ng enerhiya

2.ang artikulasyon o ang kumakatal na bagay, at

3. ang resonador o patunugan

Ang interaksyon ng tatlong sangkap na ito ay lumilikha ng alon ng mga tunog at


ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga tunog upang marinig ang mga ito. Ang
enerhiya ay nalilikhang presyur ng papalabas na hiningang galing sa baga na siyang
nagpapakatal sa mga babagtingan pantinig na siyang gumaganap na artikulador.
Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siyang namang nagiging patunugan
o resonador. Mga guwang ng ilong ang itinuturing na mga resonador.

Apat na bahagi ng bibig na mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.

1.Dila at panga (sa ibaba)

2.Ngipin at labi (sa unahan)

3.Matigas na ngalangala (sa itaas)

4.Malambot na ngalangala (sa likod)

Nagbabago-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at


sa dila na kapwa malayang naigagalaw. Ang dila naman ay napapahaba, napapaikli,
napapalapad, naitutukod sa ngipin o sa ngalangala, naikukubkob, naililiyad o naiaarko
ayon sa tunog na gustong bigkasin. Nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan ng
pagtaas at pagbaba ng alinman sa tatlong bahagi ng dila- harap, sentral, likod-at sa
pamamagitan ng pagbabagu-bago sa hugis ng espasyo ng bibig, kasama na ang mga
labi na dinaraanan ng tinig. Dahil sa pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng
pagsasalita ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.

Ponolohiya ng Filipino
Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema.
Makahulugan ang isang tunog ng isang wika kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o
di kayay may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng isang morpema o salita.
Ponema ang tawag sa mabuluhan o mahulugang tunog.

Ang wikang Filipino ay may dalawampu’t isang ponemang napapangkat sa


dalawa- mga ponemang katinig at mga ponemang patinig. Ang mga ponemang katinig
ay mailalarawan sa pamamagitan ng punto ng artikulasyon o kung saang bahagi
isinasagawa ang pagbibigkas ng ponema at sa paraan ng artikulasyon o paraan ng
pagpapalabas ng hangin sa pagbibigkas ng ponema at kung ang paraan ng
artikulasyon ng bawat isa ay may tunog o walang tunog.

Samantala, ang mga ponemang patinig naman ay mailalarawan sa pamamagitan


ng posisyon ng dila sa pagbigkas ng mga ito at sa kung saang bahagi ng dila
nagaganap ang pagbigkas ng bawat isa

Mga Ponemang Segmental

Ang Ponemang Segmental ay tumutukoy sa mga indibiduwal na tunog ng wikang


Filipino. Ang mga tunog na ito ay nirerepresenta ng mga simbolong ponemiko na halos
katulad din ng mga titik. Kabilang sa mga ponemang segmental ang mga katinig,
patinig,

May 21 na ponema ang wikang Filipino. Labing anim (16) na katinig at limang
(5) patinig. Ang mga ponemang ito ay inirerepresenta ng mga titik maliban sa impit na
tunog o glottal pasara /?/ na hindi kinakatawan ng letra o titik. Sa halip isinasama sa
palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa / / o pakupya / / at ang gitling /-/ naman
sa pagitan ng salitang nagtatapos sa katinig at ang kasunod na salita ay nagsisimula sa
patinig. Ang impit na tunog o glottal na pasara /?/ ay nalilikha sa pamamagitan ng
pagsara sa glottis.

Mga ponemang katinig sa wikang Filipino

May labing-anim na ponemang katinig sa Filipino kinabibilangan nito ang /p, t,


k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h, l, r, w, y/. Tulad ng mga patinig sa Filipino, makikita rin sa
inisyal, midyal, at pinal na posisyon ng mga salita. Dahil ang Filipino ay isang wikang
bukas sa pag-aambag ng mga wikain sa Pilipinas at panghihiram sa mga banyagang
wika, naging makabuluhan ang mga ponemang katinig sa pag-adap sa mga pag-
aambag at panghihiram na ito.
Mailalarawan ang mga katinig ng Filipino sa pamamagitan ng limang punto ng
artikulasyon gaya ng mga sumusunod:
1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p, b, m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. /t, d, n/
3. Panggilagid – ang ibaba ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s,
l, r/
4. Pangalangala
Matigas (Palatal) – dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng
punong dila. /y/
Malambot (Velar) – dumidiit sa malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw
ng punong dila. /k, g, ŋ/
5. Glottal – nagdidiit, nalalapit, hinaharang, at inaabala ng mga babagtingang pantinig
ang presyur ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog ,/?,
h/. Kung ang glottal /?/ ay nasa posisyong pinal ng nag-iisang salita o kaya’y ng
pangungusap, ang presyur ng papalabas na hangin ay biglang pinipigil upang lumikha
nang paimpit na tunog.

Inilarawan naman sa paraan ng artikulasyon kung paanong gumagana ang


ginagamit na mga sangkap o salik sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay
lumalabas sa bibig at ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.
Napapangkat sa anim ang paraan ng artikulasyon sa Filipino.
1. Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p, t, k, ?, b, d, g/

2. Pailong – ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng


dulong dila sa itaas ng ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala ay
hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. ./m, n, ŋ/

3. Pasutsot – ang hanging lumabalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at


ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig. /s, h/

4. Paligid – ang hangin ay lumabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay
nakadiit sa punong gilagid./l/

5. Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinabayaang lumabas sa


pamamagitan ng ilang beses na pagpalag sa dulo ng maarkong dila. /r/

6. Malapatinig – nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo


sa ibang posisyon. /w, y/.
Mga ponemang Patinig sa Filipino

Itinuturing ang patinig na pinakatampok na bahagi ng pantig, walang pantig sa


Filipino kung wala ang patinig. May limang (5) titik na patinig sa Filipino na
nirerepresenta ng mga grapemang a,e,i,o,at u. Ayon sa mga linggwista at ilang
mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino: /a/, /i/, at /u/ (De Castro, 2007).
Ayon kina Ernesto at Nelly Cubar (1994) hiram sa kastila at Ingles ang mga
ponemang /e/ at /o/. Bihirang salitang katutubo ang nagsisimula sa mga tunog na ito.
Sanhi ng panghihiram, may mga salitang Ingles at kastila na nagiging bahagi ng wikang
Filipino kung kaya may mga salitang Filipino na magkakaiba ang kahulugan kapag
pinalitan ang /e/ ng /i/ at /o/ ng /u/ tulad halimbawa ng /oso/ at /uso/, /mesa/ at /misa/.

Tsart ng mga Ponemang Patinig ng Filipino

Harap Sentra Likod


l

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a

You might also like