You are on page 1of 20

KAKAYAHANG

LINGGUWISTIK
Natututunan ang wika sa pamamagitan ng :
• Pakikinig at pakikisalamuha natin sa komunidad na ating kinabibilangan

• Kakayahang Lingguwistiko na kabilang ang mga asignatura sa wikang kanyang


kinukuha

Mga kursong sa Wikang Filipino


-Tuwiran at Di-tuwirang tinatalakay ang gramatika
-Nagiging epektibo sa paggamit ng wikang Filipino sa mga komunikatibong
sitwasyon
Ano ba ang Kakayahang
Lingguwistik?
Savignon (1997)

Kakayahang Lingguwistik sa Filipino


Ang Kakayahang Gramatikal ayon sa paggamit ni Chomsky (1965) at iba
pang estrukturalistang lingguwista, ay tinatawag ding Kakayahang
Lingguwistik
✘ Tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap

✘ Kakayahang magamit sa pagbuo ng mga salita, parirala, sugnay at mga


pangungusap at pagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga ito.
✘ Kakayahang umunawa sa mga morpohikal, ponolohikal, at sintaktik na
katangian ng wika
a. Morpohikal
-kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang proseso
b. Ponolohikal
-tumutukoy sa pamilyaridad sa tunog ng wika
c. Sintaktik
-kakayahan ng indibiduwal na makabuo ng mga makabuluhang
pahayag mula sa pag-uugnay sa mga salita
Ano ang mga Uri ng Ponema
sa Filipino?
Gonzales (1992)

Uri ng Ponema sa Filipino


 Ponemang Segmental
 Ponemang Suprasegmental
 Ponemang Segmental

-tumutukoy sa mga indibiduwal na tunog ng wikang Filipino.

-Ang mga tunog na ito ay nirerepresenta ng mga simbolong ponemiko na


halos katulad din ng mga titik (patinig, katinig, diptonggo, klaster,
digrapo at pares minimal).
 Ponemang Suprasegmental

-tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi


tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.

-sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan


ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin,
intonasyon at hinto.
Ano-ano nga ba ang patinig sa
Filipino?
Aldave-Yap (1979)

May anim na tunog ng patinig sa Pilipino


/ a, e, i, o, u, ə /
Patinig
a, e, i, o, u, ə
Bagaman may limang titik para sa patinig, may isa pang tunog na prominente
sa ibang wikain sa Pilipinas tulad ng sa wikang Ilokano

/ə/ o tunog ng schwa


-Ang ponemang patinig na ito sa wikang Ilokano ay baryant ng /e/
-Ang tunog na /ə/ ay maririnig sa mga pantig na may grapemang a
subalit walang diin.

Halimbawa:
balakin na may diin sa pantig na la ay binibigkas ng mga likas
nagsasalita ng Filipino na /bəlakin/.
aliw

Halimbawa ng salitang Filipino na may tunog na Patinig:
/a/: paso bira
/e/: eroplano sentimyento ate
/i/: ilog prito lalaki
/o/: orihinal propesor hilo
/u/: ulap duhat guru
/ə/: anihin sabihin sinira

Ayon sa pag-aaral, walang patinig sa inisyal at pinal na tunog
ng mga salita sapagkat:

o Ito ay nag-uumpisa sa ponemang /?/ o impit na tunog


o Ang nagtatapos sa grapemang patinig ay nagtatapos sa ponemang /?/
o /h/ na kapwa katinig

o Nagsisimula o nagtatapos sa patinig subalit kapag
binigkas ito, ito ay nagsisimula o nagtatapos sa katinig.
a. ibon /?ibon/
b. pila /piləh/
c. muli /muli?/
Bakit mahalaga ang pagkatuto
sa mga patinig?
-Dahil kailangang maisulat nang tama ang salita na madalas
gamitin sa pasalita at pasulat na komunikasyon.

 Baryant (walang pagbabago sa kahulugan kung bibigkasin sa


ano mang paraan)

/səkit/ at /səket/
/nitoh/ at /netoh/
/pulitikoh/ at /politikoh/
 Nagbabago rin ang kahulugan kung nagpapalitan ang
mga ponemang patinig sa pasulat na anyo

Halimbawa:

misa (ritwal ng relihiyon) at mesa (gamit sa kusina)


Oso (hayop) at uso (tinatangkilik)
Thank you & God bless!

You might also like