Professional Documents
Culture Documents
Ang telebisyon ang itinuturing na makapangyarihang media sa buong mundo dahil sa dami ng mamamayang naabot nito.
Filipino ang nangungunag midyum sa telibisyon sa buong bansa.
Ang fliptop ay isang pagtatalong oral
Ang pick up line ay itinituring na makabagong bugtong.
Multilinggual at Multikultural ang Pilipinas
Ang katangiang heograpikal n gating bansa ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba n gating wikaat kultura.
Laganap ang paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa.
Ang Ingles ay nanatiling makapangyarihang wika sa ating bansa.
Ang lehitimong wika ay tumutukoy sa sa wikang ginagamit sa pag-unalad ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng
sistema ng pagagawa.
Pinag-iisa at pinatatatag ng lehitimong wika ang ekonomiya at politika ng isang bansa.
Pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming tagapagsalita sa Estados Unidos.
Binago ng social media ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino
Tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
BAHAGI NG PANANALITA
-Pangngalang pantangi- tiyak na ngalan ng tao,bagay,hayop at pangyayari. Ito ay karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
Hal.Joan S. Tique,Sta.Rosa,Mang Inasal
-Pangngalang pambalana- pangkalahatang ngalan ng tao bagay,hayop,lugar at konsepto.Ito ay nagsisimula sa maliit na titik. Hal.
Mamamayan,paaralan, guro, mag-aaral.
ANTAS NG PANG-URI
-LANTAY-walang pinaghahambing (hal. Maganda, matalino,mabilis)
-PAHAMBING-may pinaghahambing ( mas maganda, mas matalino, mas mabilis)
-PASUKDOL- nangingibabaw sa lahat ( pinaka maganda,pinaka matalino, pinaka mabilis)
5 .PANG-ABAY (adverb)- mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing ito sa pang-uri,pandiwa,o kapwa pang-abay.
URI NG PANG-ABAY
-PAMANAHON-kailan naganap ang kilos. (Hal. Kanina, ngayon, kahapon,bukas,mamaya,kagabi)
-PANLUNAN- saan naganap ang kilos. (hal. Sa plaza, sa mall,sa kusina, kina Zonia)
-PAMARAAN –paano naganap ang kilos. (hal.patalikod,paharap,patagilid, nang mabilis, nang marami)
-PANGAANO-nagsasaad ng timbang,bigat, o sukat.(hal. Kaunti,marami, 1 kilometro, 1 taon, isang gating,katamtaman)
6. PANGATNIG (conjuction)- ito ang mga salitang nag-uugnay sa ng dalawang salita,parirala o sugnay.
-hal. at , pati, ni, subalit, ngunit, dahil,sapagkat,datapwat,bagaman,habang ,kung.
7. PANG-ANGKOP (ligature)- ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.Kabilang dito ang na,-
ng,-g.
8. PANG-UKOL (preposition)-iniuugnay nito ang isang pangngalan sa iba pang salita.Halimbawa sa, /sa mga,mula sa/kay,
tungo sa/kay, para sa/kay,hinggil sa/kay,ayon sa/kay.
9. Pantukoy- ito ang mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.Kabilang dito ang si, sina,ang, at ang mga.
Pangawing(linker) –Ito ang salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri. Sa Filipino ang ay ay isang pangawing na salita.
PAGBUO NG MGA SALITA
PAGLALAPI- Tumutukoy ang prosesong ito sa paggamit ng panlapi upang makabuo ng ng mga bagong salita. Sa
Filipino may limang paraan ng paglalapi.
1. Unalpi- ikinakabit sa unahan ng salitang ugat(umawit).2. Gitlapi- ikinakabit sa gitna ng salitang ugat(tinapos) 3.hulapi- ikinakabit
sa hulihan ng salitang ugat(awitan) 4. kabilaan- ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat (nagawitan)5.laguhan- ikinkabit sa
unahan,gitna at hulihan ng salitang ugat.(nagsumigawan)
-Pag-uulit na di ganap- inuulit ang unang pantig ng salita. (hal. Tatakbo, tatalon,sisigaw,aasa,uulit)
-Pag-uulit na ganap- inuulit ang buong salita( hal. Araw-araw, gabi-gabi,maya-maya, damay-damay)
-Haluang pag-uulit- inuulit ang buong salita at bahagi ( pipikit-pikit, tatalon-talon,sisigaw-sigawan,loloko-lokohin)
PAGTATAMBAL- Tumutukoy ang prosesong ito sa pagbuo ng bagong salita mula sa dalawang magkaibang
salita. Maaaring may linker o wala ang pagtatambal.
a.Salita Pagbigkas
pagsulat: boto /bi-ow-ti-ow/
b.Pantig
pagsulat: it /ay-ti/
c.Akronim
pagsulat: MERALCO /em-i-ar-ey-el-si-ow/
d.Daglat
pagsulat:Bb (binibini) /kapital bi-bi/
e. Inisyal ng Tao
pagsulat: LKS( Lope K Santos) /el-key-es/
g.Simbolong pang-
agham/pangmatematika /ef-i/
pagsulat: Fe( iron) /key-ji/
kg(kilogram)
2. PASULAT NA PAGBABAYBAY-
Sa pagbabaybay ng hiram na salita mula sa mga banyaganag wika,panatilihin ang orihinal nitong anyo.
Halimbawa ng mga salitang mula sa Espanyol,baybayin ito ayon sa Abakada.
Hal. Familia- pamilya Cheque – tseke
Sa pag-uulit ng mga salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “e” hindi ito pinapalitan ng letrang “i”. Kinakabitanng pang-
ugnay (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng dalawang salita.
hal. Kape- kapeng- kape Libre- libreng-libre
Sa pag-uulit ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig na “o” hindi ito pinapalitan ng letrang “u”. Ginagamitan ng gitling sa
pagitan ng salitang ugat.
hal. Sino – sino-sino buto - buto-buto
May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang- ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling ay
nagpapahiwatig na hindi taglay ng salitang ugat ang kahulugan nito. Sa halip nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang
buong salita gaya ng: Salu salo(piging) Halu halo (pagkain)
Hindi kasama ang salitang paru paro at gamu gamo dahil walang salitang-ugat na paro at gamo at hindi makakatayong mag-
isa.
Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa “e”, ito ay nagiging “i” at “o” ay “u”.
hal. Korte- kortihan balot- balutin
Gayon pa man, may mga salitang nanatili ang “e” kahit hinuhulapian.
hal. Sine- sinehan bote- botehan
Hindi pwedeng palitan ng “i” ang “e” at “o” sa “u”. Dapat pa ring gamitin ang baybay na matagal na o lagi nang ginagamit.
hal “babae” at hindi “babai” “buhos”at hindi “buhus”
6. KARAGDAGANG TUNTUNIN
a.Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang hiram kapag inuunlapian.
maka-Diyos maka-Ingles
Sa aspetong Kontemplatibo (panghinaharap), inuulit ang unang katinig at patinig ng salita.
magpa-Pal magfo-Ford
b.Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng unang kp sa unlapi.
magju-juice ,magju-duty
c.Sa pag- uulit ng mga salitang may klaster, dalawang paraan ang maaring gawin:
• Inuulit ang unang KP ng salitang-ugat
prito- pipritutuhin – magpiprito
• Inuulit ang tunog ng unang KP
blow-out – magbo-blow-out drawing – magdo-drawing
KAALAMANG SINTAKTIK
Ang kaalamang sintaktik ay tumutukoy sa sa pagbuo ng mga parirala,sugnay at pangungusap na may kabuluhan.
• Ang pangungusap sa Filipino ay may dalawang bahagi ito ay ang simuno at panguri.
• May dalawang ayos ang pangungsap , karaniwang ayos at di-karaniwang ayos
• Mauuri ang pangungusap ayon sa layunin nito: pasalaysay,patanong,pautos at pakiusap
• Ang sugnay ay kalipunan ng mga salita o parirala na may simuno at panaguri.
• Sugnay na makapag-iisa kapag nagpapahayag ng buong diwa
• Sugnay na di nakapag-iisa kung hindi buo ang diwa.
ESTRUKTURA NG PANGUNGUSAP
• Payak- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa
• Tambalan- binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa, ginagamitan ng panimbang na at,pati,ngunit,datapwat,subalit,o,
maging.
Hugnayan- isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa , ginagamit ang mga pantulong na
kapag,kung, pag,samantalang,habang,samakatuwid,upang at nang.
Langkapan- binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa .