You are on page 1of 1

Ang dengue ay isang sakit dulot ng virus na nakukuha sa kagat ng lamok na aedes aegypti.

Ang mga
sintomas ng dengue ay: mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at kasu-
kasuan, pagsusuka, pananakit ng mata at may mapupulang butlig sa balat. Kapag nakikita ang mga
sintomas na ito, kaagad na komunsulta sa doktor. tekstong impormatibo

Araw-araw ka bang tinutuksong naligo sa uling? Nais mo bang pumuti ang iyong balat ngunit hindi
gumastos ng malaki? Narito na ang solusyon ng inyong problema - ang calasoap. Ang calasoap ay sabon
sa katawan na pinag-aralan at ginawa ng mga eksperto upang magpaputi. Ito ay pinaghalong ingredients
ng papaya at calamansi na kilala sa pagpaputi. Binibenta ito sa mga grocery at mga botika. Ano pang
hinihintay n’yo? Putian time na!

May FOREVER, at maniniwala akong may forever hangga’t may nagmamahal at minamahal. Ang
Forever kase hindi lang naman yan nakatuon sa pag-ibig lang sa kapareha mo na dapat mo lang
paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa lawak at kakayahan mong magmahal sa mga nakapalibot sayo. Para
sa akin maituturing mong forever ang pagmamahal kahit isa ka lang na nagmamahal, ibig sabihin
mananatiling mahal mo siya kahit walang tugon ng pagmamahal mula sa iyong sinta. Hangga’t may
kakayahan kang magmahal at may nagmamahal naniniwala ako at maniniwala parin ako sa forever.
Sapagkat ang tao’y nabubuhay sa pagmamahal at pagmamahal lamang. Para sa akin isang kahibangan
ang pagiging bitter, sila kase yung mga hindi naniniwala sa forever dahil nasaktan sila, pero ganoon
naman sadya kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka dahil kaakibat nito ang sakit at
kabiguan. “Hindi ka pa kase nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng isang bitter?”,
alam ko ang pakiramdam na yan dahil lahat naman tayo nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi yun
dahilan para itaga sa sarili mo na walang forever. Huwag mong ikulong ang galit at sakit na
nararamdaman mo dahil lang sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o pagmamahal mo sa
iisang tao lamanng dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong nakapalibot sa iyo, yung mga
taong hindi mo napapansin, yung mga taong nasa likod mo lang.

Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil Oo lahat may katapusan, lahat ay mamamatay,
lahat ng bagay binibigyan ng life span. Pero hindi ito ang basehan na wala talagang forever. Ang
pagmamahal ng Diyos sa atin, di ba forever yun?, ang pagmamahal natin sa pamilya natin, sa mga
kaibigan natin, sa lahat ng taong mahalaga sa atin di ba forever yun? Hangga’t naniniwala ka at may
pagmamahal kang nadadama, may FOREVER, maniwala ka.

You might also like