You are on page 1of 1

Kariktan ng Kanyang Pag-Ibig

Informative

Narasan mo na bang masaktan dahil sa pag-ibig? Naranasan mo narin bang ibigin ka ng taong
pinakamamahal mo? Sa ating buhay, ang pag-ibig ay natural sa ating mga tao, napakasarap sa
pakiramdam ang maramdaman ang pagmamahal sa ating magulang, kasintahan, kaibigan at iba pa.

Ngunit, merong pagmamahal ang pinakadakila sa lahat. Ito ang pagmamahal na ibinigay ng Diyos sa atin.
Napakadakila at dalisay ang pag-ibig ng Diyos satin, hindi nya tayo pinabayaan at patuloy lang syang
andyan para sa atin. Nakakalungkot lang dahil ito ang pag-ibig na hindi natin napapansin. Nakatuon na
lamang ang ating sarili sa paghahanap ng pag-ibig sa iba, ngunit ang kanyang pag-ibig ay hindi man lang
natin pansinin. Gayunpaman, patuloy pa rin tayong minamahal ng ating Panginoon sa kabila ng ating
patuloy na pagkasala sakanya.

Dahil sa kariktan ng kanyang pag-ibig, patuloy nyang binibigyan tayo ng pag-asa at lakas sa araw araw.
Pinagpapala niya tayo sa aspeto ng ating buhay pinansyal, material, maging ang katalinuhan at
karunungan ay patuloy nyang ibinibigay sa kanyang mga anak. Madalas, lagi nating hindi binibigyang
importansya ang kanyang pinagkakaloob, ngunit napakaswerte natin dahil tayo ay nabubuhay pa.

Napakasarap ang mabuhay sa pag-ibig ng Diyos, ikaw ay may seguridad at walang pag-aalala sa buhay
dahil alam mo na may Diyos sa iyong buhay na hindi ka pababayaan. Ang kanyang pag-ibig ay
napakadakila sa lahat at nararapat lang na ibalik ang pagmamahal na ibinigay nya satin. Nagmula
sakanya ang pagmamahal, at siya ang unang nagmahal sa atin.

Kaya't kailangan muna nating mahalin ang ating Diyos dahil sya ang unang umibig at nagmahal sa ating
lahat at subod na rito ang pagmamahal natin sa ating kapwa. Sa kanyang pagmamahal, hindi tayo
makakaramdam ng sakit or ano pa man. Ang kanyang pag-ibig ay perpekto at walang hanggan. Kaya
natin nararanasan ang iba't ibang uri ng pag-ibig sa ating magulang, kaibigan, kasintahan at marami pang
iba dahil ito ay regalo sa atin ng Diyos.

You might also like