You are on page 1of 1

Tinatangi

Ang pag-ibig ay isang makapangyarihang emosyon. Ito ay isang


matinding pakiramdam ng pagmamahal sa isang tao. May mga bagay sa
mundo na nakakayang gawin dahil sa pag-ibig, na nakakayang tiisin
para rito. Paano nga ba makikilala ang isang totoo at dalisay na
pagmamahal? Ano-ano ang maaring gawin ng isang tao upang
mapatunayang wagas ang kanyang pag-ibig?

Para sa akin, walang eksaktong kasagutan upang makilala mo ang


wagas at tunay na pag ibig. Sapagkat ito ay kusa mong mararamdaman
ng walang ibang dahilan at ito ay mahal mo ang taong ito. Ito’y hindi
nasusukat sa estado ng buhay o itsura dahil lahat ng ito ay nagbabago.
Ngunit, isa lang ang sigurado at ito ay ang Diyos ay gagabay sa iyo.
Upang mahanap mo at makilala mo ang tunay at wagas na pag-ibig na
itinakda ng Diyos para sa iyo, kailangan mong magtiwala sa itaas at
sundin ang tinitibok ng iyong puso.

Maraming paraan upang mapatunayang wagas ang kanyang pag-


ibig. Una, pagsakrapisyo para sa ikakabuti ng tao. Ikalawa, pagmamahal
ng walang kapalit, yung tipong kahit masakit handang indahin para sa
taong mahal mo. Sunod ay ang pagtatanggap sa tao, kung ano at sino
man siya ay tanggap mo ng buong puso. Panghuli, pag-unawa at
pagtiwala na kahit dumaan man ang maraming pagsubok, magtitiwala
kang matatapos din ang lahat ng ito.

Hindi kailangan ng mga materyal na bagay upang ipadama sa isang


tao kung gaano mo siya kamahal. Ang pananatili sa tabi niya ay sapat na
upang maipakitang hindi mo siya iiwan. Dumaan man ang panahon,
kung nakatadhana talaga kayo para sa isa't-isa, magiging kayo pa rin sa
huli. Sa pamamagitan ng pagtiwala sa lahat ng pagkakataon dito
makikita ang tunay na pagibig.

You might also like