You are on page 1of 9

Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay

ginagamit para lamang sa paghahanap ng


katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
EsP10MP-lb-1.3

Nakakagawa ng mga angkop na kilos upang


maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan at maglingkod at magmahal.
EsP10MP-lb-1.4
Basahin at sagutin ang mga tanong.

1. May mga pagkakataon na ikaw ay nasa labis na


pangangailangan at ikaw ay walang-wala sa oras na iyon ni wala
kang isang piso o pambili ng isang kilong bigas. Nagkataon na
may isang taong sinundan mo sa paglalakad at nakita mo na
nahulog ang kanyang limang daang piso sa daan.
Ano ang iyong gagawin sa pagkakataong iyon?

2. Kung mayroon kang matalik na kaibigan na gumawa ng isang


bagay na hindi mabuti, paano mo maipakita ang iyong totoong
pagmamahal sa kaniya?
Ilan sa mga dahilan na ang tao ay bukod tangi kaysa
ibang mga nilalang ay ang pagkakaroon ng isip para sa
pagpili ng katotohanan at kilos-loob upang gawin ang
tama. Kapag ito ay piniling gawin ang tama at
kabutihang ito ay esensiya ng ating pagkatao na tayo ay
kawangis ng Diyos. Nararapat lamang na tayo ay
manindigan palagi sa pagpanig ng katotohann upang
sanayin ang ating sarili sa paggawa ng mabuti, at ang
paglilingkod at paggawa natin sa ating tungkulin na
kaakibat ang pagmamahal ay siyang mahalagang
sangkap upang tayo ay gumawa ng ayon sa kabutihan at
ayon sa kagustuhan ng Panginoon para sa ating kapwa.
Ayon kay Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmunimuni kaya’t
nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. May kakayahan ang tao na
lumayo o humiwalay sa sarili at gawing abito ng kamalayan ang sarili tungo
sa pagsasaibayo sa sarili (Self-transcedence). Dahil dito, kaya niyang pigilin
ang sarili, ang udyok ng damdamin at pagnanasa. Halimbawa, maaring
sabihin siya sa sarili na “ Ok lang ako lumabas sa gitna ng Pandemya ngayon
basta’t hindi mahuhuli ng mga Pulis”, ngunit mapagtanto niya na maaring
mahawaan siya ng sakit at ang kanyang pamilya kapag ginawa niya ito.
Isa pa sa nagagawa ng tao dahil sa kaniyang isip ay ang kakayahang kumuha
ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral (mag-
abstraksiyon). Dahil sa kakayahang ito ng isip, ang tao ay nakabubuo ng
kahulugan at kabuluhan ng bagay (man is a meaning maker). Nahuhulog ang
mga bagay at tao sa isang kahulugan o katotohanan at humingi sa tao na
maging saksi, maging tapat sa katotohanan. Samakatuwid, ang tao ay may
kakayahang magbigay-kahulugan at maghanap ng katotohanan.
Ang tao ay may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o
esensiya sa mga bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-loob ay
magkakaroon ng magkaibang pagkilos. Halimbawa, maaring piliin ng kilos-loob
na hindi lumabas sa gitna ng GCQ (General Community Quarantine) ngunit ang
kanyang emosyon ay naakit na lumabas. Kaya’t maari niyang sabihing “ Gusto
ko, subalit ayaw ko sapagkat bawal at maaring makakasama sa aking
kalusugan”. Ibinigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwensiyahan ang kilos-loob. Mahalaga ito sa moral na pagpili, sapagkat
kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon at ang
paghuhusga at pagpapasiya sapagkat may kakabit itong moral na tungkulin.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng
tawag sa tao (Calling) na dapat niyang tugunan. Maaring ang tawag na ito ay
ang tumulong sa kapuwa ayon sa sitwasyon. Ang tumugon sa obhektibong
hinihingi ng sitwasyon ay katarungan, mna minum ng pagmamahal. Ang
pagmamahal ay maipakikita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na
siyang pinagmulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kaniyang
sarili.
Ang paghahanap ng katotohanan ay ang magpapalaya sa iyo at ang
pagpanig sa tama ang magpapalaya sa atin.

⮚ Sa pagtupad ng iyong tungkulin ay laging isaisip ang paggawa ng


mabuti.
⮚ Palaging pumanig sa katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
⮚ Maglingkod nang may pagmamahal sa iyong tungkulin upang laging
makagawa ng tama
Ang pagtupad nang may kaakibat na pagmamahal ang siyang
nagpapagaan ng iyong gawain at siyang nagtutulak sa iyo upang sundin
Dugtungan mo ng iyong sariling ideya ang pangungusap
sa ibaba.
Ang aking gagawin upang maipakita ko ang kakayahang
hanapin ang katotohanan at maglingkod at magmahal ay
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2__
10
Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
1. Gaano kahalaga ang isip at kilos-loob sa tao?
2. Bakit mahalagang gamitin ang isip at kilos-loob sa katotohanan?
3.Bakit mahalagang paunlarin natin ang katangian ng ating
pagpapakatao?
4. Paano mo hinubog ang iyong pagkatao upang ang isip at kilosloob
ay papanig sa kabutihan?

You might also like