You are on page 1of 12

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Learning Activity Sheet
Ikalawang Markahan –Modyul 1
Gamit at Tunguhin ng
Isip at Kilos-Loob

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Modyul Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
1

Alamin

Binabati kita, ikaw ay espesyal sa mundong ito! Hindi lahat ay nabibigyan ng


pagkakataong mabuhay kaya ikaw ay kasama sa plano ng Panginoon. Ibig sabihin
ikaw ay may kakayahan o katangian na nagpapabukod-tangi sa iyo sa lahat ng nilikha
ng Diyos dahil ikaw ay may taglay na isip at kilos-loob. Sa yugto ng iyong pagbibinata o
pagdadalaga ngayon, mahalagang magabayan ka ng tama. Handa kana bang alamin?
Tuklasin mo!

Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang iba’t ibang tungkulin ng isang


kabataan. Ang hamong ito ay hindi madali. Subalit, mahalaga ito patungo sa susunod
na yugto ng iyong buhay at paghubog ng iyong pagkatao.

Ang susunod na ating tatalakayin ay tungkol sa isip at kilos-loob ng tao. Bakit


sinasabing ang katangiang ito ang siyang nagpapabukod-tangi sa tao? Bakit itinuturing
na ang pagsunod sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ay maghahatid sa tao sa
kanyang kaganapan bilang tao? Gamitin natin ang ating isip at kilos-loob. Handa ka na
ba?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan at


pag-unawa sa sumusunod:

a. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


(EsP7PS-IIa-5.1)
b. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob. (EsP7PS-IIa-5.2)
Tuklasin

Sa pagpapatuloy ng ating aralin, basahin ng mabuti ang parabula sa ibaba at


sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina. Isulat sa dyornal notbuk.

Ang Mabuting Samaritano

(Lucas 10: 25-37)

“Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang
hanggan?” Ito ang tanong ng isang dalubhasang lumapit kay Hesus upang Siya’y
subukin.

“Ano ba ang nakasulat sa Kautusan?” ang sagot ni Hesus.

“Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapwa,” sabi ng lalaki. “Ngunit sino ang aking
kapwa?”

Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa isang


taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan.
Kinuha ang lahat ng gamit ng manlalakbay, pati ang damit sa kanyang katawan!

Siya ay binugbog at iniwan sa daan na halos walang buhay. Nagkataong


dumaan ang isang pari. Siguradong siya ay tutulong sa sugatang lalaki. Ngunit hindi!
Nang makita ang taong duguan, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad sa
kabila ng daan.

Pagkatapos ay may isa na namang parating. Siya ay Levita- ang mga taong
tumutulong sa pari sa templo. Nilapitan at tiningnan ang taong nabugbog, ngunit siya ay
nagpatuloy din sa paglalakad at hindi tumulong.

Ngunit may isang Samaritanong dumaan. Galit ang mga Hudyo sa mga
Samaritano. Ang mga nakikinig kay Hesus ay hindi inakala na isang Samaritano ang
magiging mabait sa kwento. Ngunit ang Samaritano ay naawa at huminto para
tumulong. Ang Samaritano ay lumuhod, at nilagyan ng gamot at benda ang sugat ng
lalaki. Pagkatapos ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno. Sa isang bahay-
panuluyan, inalagaan ng Samaritano ang lalaki buong gabi. Kinabukasan, nagbayad
ang Samaritano sa may-ari ng bahay-panuluyan upang alagaan ang lalaki hanggang sa
siya’y maging mabuti muli.

Nang matapos ang kwento ni Hesus, “Sino kaya sa tatlo ang naging tunay na
kapwa sa taong nasaktan?” Ang sagot ng dalubhasa, “Ang kanyang kapwa ay ang
Samaritano na tumulong sa kanya.” “Sige ganoon din ang iyong gawin,” ang sabi ni
Hesus. Ang kapwa ay ang sino mang nangagailangan. Maari nating maipakita ang ating
pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa mga taong nangangailangan. Iyan ay
kalugod-lugod sa Diyos.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ginawa ng Mabuting Samaritano?

2. Bakit pinamagatan ang parabula ng Mabuting Samaritano?

3. Dapat bang tumulong sa kapwa kahit di mo kakilala? Bakit? Ipaliwanag.


Suriin

Sa simula pa lang, karangalan na ng tao na nakikibahagi siya sa karunungan ng


Diyos dahil itinuturing ang tao na ”kawangis ng Diyos”, ibig sabihin ang tao ay binigyan
ng kakayahan na makaalam at magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang
mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at
isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap:
ang isip, ang puso, at ang kamay o katawan.

Isip. Ito ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa


(essence or meaning) at buod (summary) ng isang bagay. Ito ay
may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-
alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang
isip ay tinatawag na katalinuhan(intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan
(intellectual consciousness), konsensiya (conscience)atintelektuwal na memorya
(intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.

Puso. Isang maliit na bahagi ng katawan na


bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat
ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang
pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.
Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.

Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama,


panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o
pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Mahalagang bahagi
ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang
ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong
paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang
nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa
ating kapwa.

Ngayon naman, mahalagang malaman ng tao kung ano ang gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob. Ito ay makakatulong din sa iyo bilang isang nagdadalaga o
nagbibinata para mahubog ang iyong kakayanan na gumamawa ng tama at
makabuluhang desisyon sa pagharap ng mga hamon sa buhay.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba:
Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Kumilos o gumawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan. Patuloy ang
kanyang pagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanan
na natutuklasan. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng
Maylikha, siya ay nakadarama ng kakulangan.
Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay kusang naakit sa
mabuti at lumalayo sa masama. Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ito ay
umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Kaya, naiimpluwensyahan ng isip ang
kilos-loob dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o
nauunawaan. Ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos tungo sa
kaganapan ng tao.
Halimbawa:
“Nakita mo na ang tamang tawiran ay malayo pa sa iyong kinaroroonan.
Nagmamadali kang makapasok sa paaralan. Mayroong mas malapit na tawiran ngunit
mayroong nakalagay na "bawal tumawid". Sa paggamit ng isip at kilos - loob, mas
pipiliin mo na dumaan sa pedestrian lane kaysa tumawid na lamang sa pinakamalapit
na tawiran na hindi naman tama.”

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.


Ngunit hindi lahat na mabuti ay magkakapareho ng uri kaya, nakasalalay sa tao na pag-
aralan at alamin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid
ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at paunlarin upang
gawing ganap ang kakayahang ito.
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat sa iyong dyornal
notbuk.
May nakita kang wallet sa daan na
naglalaman ng malaking halaga ng pera at I.D. ng may-
ari. Nagkataon naman na matindi ang inyong
pangangailangan sa pamilya. Wala na kayong pambili
ng bigas. Naubos na rin ang tulong mula sa lokal na
pamahalaan at hindi pa nakabalik sa trabaho ang iyong mga magulang dahil sa CoViD-
19. Kung gagamitin mo ang pera, sasapat na ito para sa pangangailangan ninyo sa
loob ng isang buwan. Nalungkot ka para sa may-ari, pero gusto mong makatulong sa
iyong pamilya. Nagdesisyon kang huwag ito isauli at gamitin muna.
1. Nagpapakita ba ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob ang nakapulot ng
wallet sa kwento? Bakit?

2. Kung sakaling ikaw ang nakapulot ng wallet sa kwento, paano mo


maipapakita ang iyong isip at kilos-loob na nagpapabukod tangi sa iyo? Ano
ang gagawin mo? Ipaliwanag.
Isaisip

Kung laging susundin ng tao ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, maabot
ng tao ang kanyang tagumpay at kaganapan ng pagkatao. Anong konsepto ang
naunawaan mo mula sa iyong binasa?

Panuto: Sagutin ito sa iyong dyornal notbuk gamit ang graphic organizer.

Ang tao ay ______________ na nilalang dahil siya ay may:

Kilos-loob na
Isip na
____________________
______________________

Ang gamit ng kilos-loob ay


Ang gamit ng isip ay
_______________________
______________________

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay

_______________________ ________________________
______

Kaya, nararapat na ______________, _______________, at _____________ ang isip

at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.


Tayahin

Upang masukat ang iyong kaalaman, handa kana bang tayahin ang iyong pag
unawa tungkol sa isip at kilos-loob? Kung handa kana, suriin ang mga panuto sa ibaba.

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot gamit ang
titik lamang sa iyong dyornal notbuk.
1. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang, ikaw ay
kanilang pinagalitan. Ano ang dapat mong gagawin?
a. Magtampo dahil ngayon lang naman ito nangyari at hindi na uulitin.
b. Humingi ng tawad, magpaliwanag at mangakong hindi na uulitin.
c. Iiyak at magalit sa magulang at hindi na uulitin ang ginawa.
d. Manahimik at balewalain ang magulang at hindi na uulitin ang ginawa.

2. Ang lahat ng pahayag ay tungkol sa katangian o kahulugan ng puso maliban sa


a. sa pamamagitan nito naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban

b. dito hinuhubog ang personalidad ng tao

c. maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.

d. dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao

3. Mahaba ang pila sa may paradahan ng dyip, nakita mong malapit na sa unahang
pila ang iyong bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran
upang mapadali ang iyong pagsakay. Tama ba na susundin mo siya?
a. Tama, lalapitan muna kaagad para mapadali ang iyong pagsakay sa dyip.
b. Mali, dahil maraming nakakita at baka magalit sila.
c. Tama, dahil nauna naman siya sa pila kaya ok lang na sumabay sa kanya.
d. Mali, dahil marami pang nauna sa iyo at nararapat lamang na sila ang mauna.

4. Ang tao ay itinuturing na ”kawangis ng Diyos”, ang ibig sabihin nito ay


a. binigyan ang tao ng magandang hanap-buhay para maging malaya
b. binigyan ang tao ng kakabambal na mga layunin at kalayaan.
c. binigyan ang tao ng kakayahan na mag-isip at magpasya nang malaya.
d. binigyan ang tao ng kapangyarihan tuklasin ang kalayaan.

5. Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng isip?


a. pag-unawa at katotohanan
b. pag-unawa at kabutihan
c. kumilos o gumawa at katotohanan
d. kumilos o gumawa at kabutinan

6. Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng kilos-loob?


a. pag-unawa at katotohanan
b. pag-unawa at kabutihan
c. kumilos o gumawa at katotohanan
d. kumilos o gumawa at kabutihan

7. May iniinom kang bottled water, nang maubos ito wala kang makitang basurahan
kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang
dapat mong gagawin?
a. Itapon nalang sa dinaraanan.
b. Itago nalang muna sa bag.
c. Hayaan ang kaibigan ang magtapon.
d. Hayaan nalang sa isang tabi.

8. Ang isip ng tao ay may limitasyon. Ang pahayag ay


a. Tama, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Mali, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga.
c. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi ito kasim perpekto ng Maylikha.
d. Mali, dahil walang limitasyon ang isip ng tao sa anumang gustong isipin.

9. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa


a. Ito ay ang kapangyarihang mangatwiran.
b. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Ito ay kusang naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
d. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.

10. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay


a. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
b. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
c. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
d. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.

B. Tama o Mali (11-15) Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangunugsap. Isulat
ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong dyornal notbuk.
11. Ang pangunahing tunguhin ng isip ay kabutihan.
12. Ang gamit ng isip ay pag-unawa.
13. Ang pangunahing tunguhin ng kilos-loob ay katotohanan.
14. Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa.
15. Ayon kay Santo Thomas de Aquino, may tatlong sangkap ang tao.

Karagdagang Gawain

Para mas matandaan ang iyong mga natutunan mula isip at kilos-loob, may mga
sitwasyong inihanda sa ibaba na maari mong basahin at unawain para mailapat ang
iyong mga natutunan sa mas personal na paraan.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at pumili ng isa para ilapat ang iyong
mga natutunan mula sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong dyornal notbuk.

Mga Sitwasyon:
1. Pakiramdam mo ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng dalawa mong
kaklase. Nasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang sabi niya komprontahin ninyo
pagkatapos ng klase.

2. Mahaba ang pila sa counter kung saan ka magbabayad ng iyong pinamili na


grocery at nagmamadali ka pa naman. Nakita mong malapit na sa unahang pila
ang iyong kamag-anak at tinawag ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran
upang mapadali ang iyong pagbabayad.

3. Ikaw ay sumama sa iyong mga kaibigan para dumalo sa isang kaarawan ng


inyong kaklase. Dahil doon, ginabi ka ng uwi at sinita ka ng iyong mga magulang.
Hiningian ka nila ng paliwanag ngunit takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo
kang pagalitan.

Gabay na tanong:

Ano ang iisipin at gagawin mo?

Susi sa Pagwawasto

You might also like