You are on page 1of 7

ESP 7

LEARNING ACTIVITY SHEET


NAME:_________________________________ DATE:________

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakagagawa ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, inaasahan ang mag-aaral na;
 Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
 Nasusuri ang isang pasiyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
 Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kaniyang mga pagpapasiya
ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan;
 Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip
at kilos-loob.
SURIIN
Isip at Kilos-loob
Sa lahat ng nilikhang may buhay, bukod-tangi ang tao. Ano ang katunayan nito? May tatlong nilikha na may
buhay at may mga pagkakatulad ang mga ito: ang halaman, hayop at tao. Ang halaman at tao ay parehong kailangan
ng nutrisyon upang mabuhay. Pareho ring lumalaki at lumalago ang mga ito. May kakayahang magparami din ng
kanilang uri ang mga ito. Ang hayop ay may pandamdam, pagkagusto at pagkilos o paggalaw. Mayroon ding
pandamdam ang tao tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Pareho rin silang may pagkagusto o
kakayahang gustuhin ang kanilang nararamdaman. At pareho silang nakagagalaw. Subalit ang tao ay nilikha na may
kakayahang higit pa sa ibang nilalang; kaya tinatawag ang tao bilang obra maestra. Ano ang nagpapahigit sa kaniya
sa ibang nilalang? Ang taglay niyang isip at kilos-loob.
Kahulugan ng Isip at Kilos-loob
Ang isip ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatuwiran. May kakayahan itong mag-isip, alamin ang
diwa at buod ng isang bagay. Kapangyarihan din ng isip ang maghusga, magsuri, mag-alaala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay. Hindi perpekto ang isip ng tao. At dahil dito, nakadarama siya ng kakulangan. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ang pangunahing gamit ng
isip ay ang pag-unawa at katotohanan ang tunguhin nito.
Ang katotohanan ay pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at katanggap-tanggap ng walang
pasubali para sa lahat ng tao saan mang lugar ito nakatira. Ito ay hindi nagbabago at ang pagkamakatotohanan nito ay
maaaring mapatunayan gamit ang mga sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito. Ang kilos-
loob ay ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili. Ayon kay Santo Tomas de
Aquino, ito ay isang makatuwirang pagkagusto (rational appetency) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang
pangunahing gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa at kabutihan naman ang tunguhin nito.
Ang kabutihan ay ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti, kahusayang moral o kagalingan. Ang kabutihan
ay lubus-lubusan kaya wala itong anomang bakas ng kasamaan o kabulukan. Ito ay positibong katangiang
naipamamalas sa mga gawang mabuti at kapaki-pakinabang para sa kapuwa.
Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangang gamitin ng tao ang pandamdam. Ito ang kumikilala sa mga bagay
sa labas ng isip. Gamit naman ang kaniyang isip, nauunawaan niya ang mga bagay o nakabubuo siya ng konsepto at
paghuhusga. Ang pandamdam ng tao ay nahahati sa dalawang uri: Ang panlabas na pandamdam na kinabibilangan ng
paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at panlasa at ang panloob na pandamdam na binubuo ng kamalayan,
memorya, imahinasyon at instinct.
Sanayin at Linangin ang Isip at Kilos-loob
Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan ngunit ang kabutihan ay may iba’t ibang uri. Nakasalalay naman ang
pagsasaliksik at pag-alam ng mga ito sa isip. Ang isip ang magsasabi kung ano ang higit na mabuti upang ito ay
mapiling gawin ng kilos-loob. Samakatuwid, tulad ng katawan ng tao, kailangan ding sanayin at linangin ang isip at
kilos-loob. Magiging hadlang sa pagiging ganap ng isip at kilos-loob ang paggamit ng mga ito sa maling paraan at
mababalewala ang tunay na layunin ng mga ito.
Upang magamit nang lubusan ang isip ayon sa tunguhin nito, kailangan itong linangin at gamitin sa
tamang paraan. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Pagsasaliksik at pagtatanong. Ang pagsasaliksik ay maingat na pagiimbestiga. Sa paghahanap ng
katotohanan, marami ang mga pagkukunan ng impormasyon at datos tulad ng mga aklat at maaari ring magtanong sa
mga taong nakaaalam.
2. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali. May kaugnayan ang isang pangyayaring
(epekto) magaganap dahil sa isa pang pangyayari (sanhi).
3. Paglutas ng mga problema nang may katwiran. Ang paghahanap ng katotohanan ay makalulutas sa isang
problema. Ito ay katotohanan kung ito ay may tamang katwiran.
Upang magamit nang lubusan ang kilos-loob ayon sa tunguhin nito, kailangan itong linangin at gamitin sa tamang
paraan. Ilang mga tamang paraan ang sumusunod:
1. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya.
2. Pagsanay sa disiplina sa sarili
3. Pagkontrol ng mga emosyon
Ang Tungkulin ng Tao sa Kaniyang Isip at Kilos-Loob
Tungkulin ng bawat isa sa atin ang sanayin, linangin at gawing ganap ang ating isip at kilos-loob. Mahalagang
gamitin natin ang mga ito nang mapanagutan. Sa gayon, magiging mabuti ang kilos-loob at magiging isang mabuting
nilalang ang tao. Hindi sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan ang tunay na sukatan ng kabutihan, kundi kung
paano ginagamit ang mga kaalamang ito sa pagpapaunlad ng sariling pagkatao, sa paglilingkod sa kapuwa at sa
paglilingkod o pakikibahagi sa pamayanan.
GAWAIN 1
Mga Tanong:
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Sagutin mo ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.
1. Bakit sinasabing obra maestra ang tao?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
2. Bakit tinawag na napakabukod -tangi ang tao sa lahat ng nilalang ng Diyos?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
3. Paano maipakikita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw- araw na kilos?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
4. Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip at kilos-loob?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Ngayong ganap mo nang naunawaan ang gamit ng isip at kilos-loob at ang mga tunguhin ng mga ito, suriin kung
tugma ba ang iyong ikinikilos o ginagawa gamit ang mga ito.
Nakatala
ang ilang

tungkulin ng isang kabataang katulad mo. Suriin mo kung alam mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
simbolong tsek () o ekis (×) sa tapat nito. Suriin din kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng parehong
simbolo. Gabay mo ang halimbawang ibinigay.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakagagawa ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, inaasahan ang mag-aaral na;
 Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at
kalayaan.
 Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na
Batas Moral

SURIIN
Ang Konsensya at ang Likas ng Batas Moral
Ang natatangi na likha ng Diyos ay ang tao dahil nilikha siya “sa wangis ng Diyos” at tinatawag na Kaniyang obra
maestra. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasiya nang malaya. Ang kakayahan
niyang makaalam at mangatuwiran ay tinatawag na isip. Ang kakayahang pumili, magpasiya, at isakatuparan ang pinili ay
tinatawag namang kilos-loob. Dahil sa isip, may kakayahan ang tao na alamin ang katotohanan. Sa patuloy na pag-alam
ng tao sa katotohanan, biniyayaan din siya ng kakayahang kilalanin ang mabuti sa masama. Ano ang tawag sa kakayahang
ito? Ito ang magiging tuon ng babasahing ito: ang ating konsensiya.
Ang konsensya ay nagmula sa salitang Latin na cum na ang ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig
sabihin ay “knowledge” o kaalaman. Ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge” o may kaalaman. Ang
kakayahang makaalam o magkaroon ng kaalaman ay isa sa mga kilos ng isip ng tao. Ayon kay Santo Papa Juan Pablo II,
ang konsensiya ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama. Ito kung gayon ay ang kilos ng isip na maghusga
kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama. Ito ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Ang hatol ng
konsensiya ay isang praktikal gawin o hindi gawin. Maaaring magkaroon ang tao ng kalituhan o hindi magandang
pakiramdam sakaling makagawa siya ng pasiya at kilos na taliwas sa sinasabi ng kaniyang konsensiya. Ngunit paano
nalalaman ng konsensiya ang mabuti at masama sa isang situwasiyon? Saan ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o
paghusga sa isang pasiya o kilos?
Ang Likas na Batas Moral
Sa pananaw ng marami, ang konsensiya ay ang “tinig ng Diyos” na bumubulong sa atin tuwing nagpapasiya o
kumikilos tayo. Lahat ng tao ay taglay ito. Mayroon itong dalawang mahalagang elemento - una, ang pagninilay upang
maunawaan ang mabuti at masama sa isang situwasiyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o ilos ay mabuti o
masama at ang pakiramdam ng obligayong piliin ang mabuti. Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat
gawin sa isang situwasyion. Ngunit dahil ang konsensiya ay subhetibo, (ibig sabihin, personal at agarang pamantayan ng
paghusga kung ang pasiya o kilos ay mabuti o masama at maaaring magkamali), may pinagbabatayan pa itong mas mataas
na pamantayan. Ang batayang ito ay tinatawag na Likas na Batas Moral.
Ang Likas na Batas Moral ay batas na iniukit ng Diyos sa ating mga puso mula nang tayo’y Kaniyang nilikha.
Ipinagkaloob ito sa atin dahil nakikibahagi tayo sa Kaniyang karunungan at kabutihan. Sa pamamagitan ng batas na ito,
nagkaroon ng kakayahan ang tao na kilalanin ang mabuti at masama. Samakatuwid, binibigyang-direksiyon ng Likas na
Batas Moral ang pagpapasiya at pagkilos ng tao. Sinusunod natin ang batas na ito upang magkaroon ng paggalang sa
kapuwa at makipagtulungan sa mga awtoridad, mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng
lahat. Sa ating pagsunod sa batas na ito, gumagawa tayo ng mabuti at napauunlad natin ang ating pagkatao. Ngunit kapag
hindi natin sinunod ito, nababawasan ang ating pagkatao. Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang
matutuhan o malaman ang Likas na Batas Moral dahil nakaukit ito sa kaniyang pagkatao. Ang unang prinsipyo ng batas
na ito ay: Gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Nakatatak na sa isip ng tao ang prinsipyong ito mula sa kaniyang
pagsilang.

Narito ang mga katangian ng Likas na Batas Moral:


1. Obhektibo (Objective). Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay natutuklasan
lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ang batas na ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito
at hindi nakabatay sa tao.
2. Pangkalahatan (Unibersal). Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa
kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao.
3. Walang hanggan (Eternal). Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan, at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
4. Hindi nagbabago (Immutable). Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng
tao (nature of man).

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot
bago ang numero.
1. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa konsensiya?
A. Ito ay ang batayan ng kilos-loob sa paghuhusga ng mabuti o masama.
B. Ito ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
C. Ito ay ang kilos ng isip na maghusga kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama.
D. Ito ang nagsasabi sa atin nang malinaw kung ano ang dapat nating gawin o hindi gawin.
2. Mayroon dalawang elemento ang konsensiya: una, ang pagninilay upang maunawaan ang mabuti at masama sa isang
situwasiyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong
piliin ang mabuti. Ito ay nangangahulugang ang pangunahing gamit ng konsensiya ay:
A. makinig sa pakiramdam na piliin ang mabuti. B. pagnilayan ang kalalabasan ng pasiya o kilos.
C. tukuyin ang dapat gawin sa isang situwasyion. D. kilalanin ang mabuti at masama sa isang situwasyion.
3. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?
A. Batas panlipunan B. Likas na Batas Moral
C. Mga turo sa simbahan D. Mga aral ng magulang
4. Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensiyahan ng anomang bagay lalo na ng pagtingin ng tao rito. Ito ay
nangangahulugang ang batas na ito ay: A. obhektibo C. walang hanggan B. unibersal D. di nagbabago
5. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?
A. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
B. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
C. Ito ang batayan ng paghusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensiya na kilalanin ang mabuti at masama.
6. Ano ang magandang epekto sa konsensiya kung gagamitin nitong gabay ang Likas na Batas Moral?
A. Matutukoy ng konsensiya ang mabuti o masama at magagabayan ang ating mga pasiya at kilos.
B. Magiging handa tayo sa mga mahihirap na sitwasyon na darating sa ating buhay.
C. Magkakaroon ng pamantayan ang ating konsensiya sa pagtukoy ng ating mga pangarap.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali sa mahirap na sitwasyon.
7. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa isang kamag aral. Hinikayat niyang
kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-aralin. Sinasabi sa iyo ng iyong konsensiya na dapat maging tapat ka sa
mga gawain pang-akademiko sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Makikinig sa iyong konsensiya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.
B. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo na lang siya sa susunod na ikaw naman
ang may ginawang takdang-aralin.
C. Susundin mo ang iyong konsensiya at gagawa ka ng sariling takdangaralin upang maging tapat ka sa paggawa
ng takdang aralin.
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang ang susunod na takdang-
aralin.
8.Ang konsensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil ang konsensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
B. Tama, dahil ang konsensiya ang kumikilala sa tama at mali.
C. Mali, dahil ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
D. Mali, dahil ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
9. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat ng tao. Ito ay nauunawaan at katanggap-tanggap sa lahat. Dahil ito ay
nakaukit sa kalikasan ng tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Ito ay nanginigbabaw sa lahat, anoman ang lahi, kultura, sa
lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang ipinahahayag dito?
A. Walang hanggan ang Likas na Batas Moral. B. Ang Likas na Batas Moral ay unibersal.
C. Ang Likas na Batas Moral ay laging obhektibo. D. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral.
10. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral, nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit mayroon ding malayang
kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Ano ang mabubuod mula sa mga pangungusap na ito?
A. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam niya ng konsensiya niya ang pamantayang Likas na Batas Moral.
B. Nakikilala ng tao ang mabuti o masama dahil sa Likas na Batas Moral ngunit dahil malaya siya, maaari pa rin
niyang piliin ang masama.
C. Hindi kailanman pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama dahil alam nito ang mabuti at
masama.
D. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsensiya ang tamang batayan ng mabuti at masama.

GAWAIN 2
I. Panuto: Isulat ang salita o mga salita na nagpapahayag ng iyong sariling pagkaunawa sa salitang konsensya.

II. Sagutin ang mga tanong;

A. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensiya?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
B. Batay sa iyong karanasan, ano ang natuklasan mo tungkol sa konsensiya?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
C. Paano ka nagabayan ng konsensiya sa mga pasiya at kilos mo? Magbigay ng halimbawa ng situwasiyong hinarap mo.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

You might also like