Professional Documents
Culture Documents
Baitang : 7
Bilang ng Araw : 1
___ ___
___
___ ___
Tao
___ ___
Mga Tanong:
Lakbay –aral:
May tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang hayop at ang tao. Katulad
sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha siya
ng sapat na sustansiya upang makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad sa hayop ang tao ay may
damdamin kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa
kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang
hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang
kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay
tinatawag na kanyang obra maestra.
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang
mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-
tangi sa kanya sa iba pang nilikha.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso
at ang kamay o katawan.
Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay
may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan
ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason),
intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience)at
intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya.
Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya
at isakatupar an ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay isang
makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti
at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay
hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap
lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-
akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Naiimpluwensiyahan ng isip ang
kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan.
Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang kilos -loob ang
siyang ugat ng mapanagutang kilos.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Ngunit hindi lahat
ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit
na mabuti upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan,
ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani -kaniyang layunin. Kung
hindi, magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkakamit ng kaganapan ng
tao.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit
ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at
kilos-loob. Habang marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-
aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit
ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging mabuting nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang
katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano
ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa
kapwa at pakikibahagi o pagli lingkod sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at
kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasan… ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa
pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan
tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
Gawaing Pampagkatuto:
Gawain 2. Tao Bilang natatanging Nilalang: Ibingay ang mga natatanging katangian ng tao na hindi
tinataglay ng iba pang nialalang na may buhay. Ilagay ang sagot sa mga kahon na nakapalibot sa tao.
Gawain 3: Bumuo ng isang sanaysay na tatalakay sa iyong pagkaunawa sa konsepto ng isip at kilos
loob. Ang sanaysay ay kinakailanganng nagtataglay ng 3 hanggang limang talata.
Pamantayan sa Pagtataya:
A. Nilalaman 30%
B. Kaugnayan sa paksa 40%
C. Kaayusan ng Ideya 20%
D. Paggamit ng Salita 10
Kabuuan 100%
Karagdagang Gawain:
Gumuhit ng isang poster sa kahon sa ibaba na magpapakita ng batayang konsepto ng Isip at Kilos
gawa. Gawing kaakit-akit at makulay ang iyong ginawang poster.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Baitang : 7
Bilang ng Araw : 1
Balik-Aral: Anong konsepto ang natutunan mo sa nakaraang aralin. Buuin ang graphic organizer sa
ibaba.
Lakbay-Aral:
Basahin ang kuwento at tukuyin ang naging bunga nga isang pagpapasyang hindi
nakabatay sa wastong tunguhin ng isip at kilos-gawa.
May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa
katauhan ng bata. Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli siyang napagbibintangan
ng di mabuti. May karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kaya’y napagbintangan ng di mabuti?
Basahin ang kwento at ikaw na ang humatol sa mga tauhan nito.
"Kalupi (Buod)"
Minsan sa ating buhay, may mga mali tayong desisyon na pagsisisihan sa bandang huli. Dala
siguro ng problema, bugso ng damdamin o pagkalito.
Ganito ang nangyari kay Aling Martha, isang pangkaraniwang ina sa araw-araw ay abala sa
gawaing bahay at pag aasikaso sa nalalapit na pagtatapos ng anak.
Pinasya ng ginang na mamalengke ng maaga upang mamili. Sa kanyang paglalakad ay di
inaasahang mabangga siya ng isang batang madungis.
Agad na nahusgahan ni Aling Martha ang bata, ito ay mahirap, walang pinag-aralan at walang
modo.
Nang kukuha na ng pambayad ang ginang ay tsaka na lamang nito natanto na nawawala na
ang kanyang kalupi. Agad na nataranta at nag-isip. Sa loob-loob nya ay hiyang hiya sya sa nangyari.
Natitiyak nya na ang batang madungis ang nakakuha ng kanyang kalupi. Agad na nagmadali
ang ginang upang mahagilap ang batang sa tingin nya ay kumuha ng kanyang pitaka.
Nang makita ang batang madungis ay agad na hinablot ng ginang ang damit nito, pinit na
pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka.
Ngunit ang bata ay panay ang tanggi kahit na pinipilit itong paaminin ni Aling Martha.
Marami na ang nakapaligid sa kanila, may naawa sa bata ngunit wala iyon kay Aling Martha.
Hanggang sa may dumating nang pulis, Nagtanong sa bata ang sinabi pang ito'y dadalhin sa presinto.
Lubhang natakot ang batang madungis. Ang binili nitong isda para sa tyahin ay malamang
hinihintay na kanina pa.
Ang mahigpit na hawak ni Aling Martha ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kaya't kinagat
nito ang kamay ng ginang.
Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang bata at agad itong tumakbo papalayo.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, kasabay ng paglayo ng bata sa mapanghusgang si Aling
Martha ay ang tilian ng mga naroroon.
Nabangga ito ng humahagibis na dyip. Bago mawalan ng hininga ang kawawang bata ay iginiit
nito na wala syang ninakaw.
Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Martha na ang nangyari sa bata ay kapalit ng
pagkuha ng kanyang kalupi.
Pagkauwi ng bahay ni Aling Martha ay nagtaka ang mister nito kung saan galing ang pinamili
gayong naiwan nito ang pitaka sa bahay.
Namutla si Aling Martha sa narinig. Sa pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay.
Marahil hanggang sa ngayon ay binabagabag parin si Aling Martha sa nangyari sa bata.
Gabay na Tanong:
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Aling Martha, ganoon din ba ang iyong gagawin?
Ipaliwanang ang sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Gawain 1. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, ano ang
iyong iisipin at gagawin sa mga sitwasyong ito. Gamit ang ilustrasyon ng angkop na speech balloon,
isulat sa iyong kuwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon.
1. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpass o tulay kaya kahit na may nakasulat
na, “Bawal Tumawid,” hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid na hindi dadaan sa overpass o tulay.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?
2. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang sinita ka nila at
hinihingian ng paliwanag. Takot sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong
iisipin at gagawin?
3. Mahaba ang pila sa kantina nakita mong malapit na sa unahang pila ang iyong bestfriend at
niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali ang pagkuha mo ng pagkain.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?
4. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng kaibigan
mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan.
1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang naiisip mong gawin subalit hindi ito ang iyong
ginagawa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba ito? Bakit oo? Bakit hindi?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Paano mo mapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na iyong iniisip?

SAN JOSEF NATIONAL HIGH SCHOOL
San Josef Sur, Cabanatuan City
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Baitang : 7
Bilang ng Araw : 1
Balik-Aral:
1. Ano ang tamang tunguhin ng isip at kilos-gawa?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Bakit natatangi ang tao sa lahat ng nilalang na may buhay?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Lakbay –Aral:
O, kumusta? Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Nakatulong ba ito upang mabuo mo ang
Kakailanganing Pag-unawa? Narito ang ilang tanong na sasagutin mo sa iyong kwaderno upang
maglinaw ito sa iyo.
Gawain 1. (Pangkatang Gawain) Pangkatin ang klase sa apat. Ang bawat pangkat ay magkaka-iba ang
pamamaraan na gagawin sa pagpapakita ng angking kaalaman kaugnay sa tinalakay na aralin.
Unang Pangkat: Kayo ay bubuo ng isang awit na nagpapaliwanag na ang isip at kilos-loob ang
nagpapabukod -tangi sa tao. Lapatan ito ng himig at itanghal sa harap ng klase.
Ikalawang pangkat: Kayo ay bubuo ng isang poster na nagpapakita ng pag- gamit ang isip at kilos-
loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan. Ipaskil ito
sa pisara at ipaliwanag sa klase ang konseptong binuo.
Gawain 2. Gumawa ng isang Islogan na babagay sa paksang tinalakay. Gawing kaaki-akit ang lilikhaing
islogan.
Gumawa ng isang panayam sa isang taong nagtagumpay dahil sa wastong pag-gamit ng isip
at kilos-loob sa kanyang mga pagpapasya. Kunan ng video ang panayam at ipanood ito sa klase.
SAN JOSEF NATIONAL HIGH SCHOOL
San Josef Sur, Cabanatuan City
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Baitang : 7
Bilang ng Araw : 1
Balik-Aral:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Bakit kailangang pahalagahan ng tao ang katotohahan at ang kabutihan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang inaasahang dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip at kilos-loob?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Patutunguhan
Tula ni Judy Ann Omar
Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin,
Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin,
Marami pang problema ang kailangang kayanin,
Mga pagsubok ay dapat nating harapin.
Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian,
Ang tuwid na daan at makipot na daan,
Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan,
Makiipot ma’y sa tamang landas naman.
Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo,
Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.
Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa,
Buong katawan ko ri’y mababagsak na,
Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata,
Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.
Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko,
Bagaman alam ko na, kung ano ang haaharapin ko,
Lakas ng loob para sa kinabukasan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
Mga Gabay na katanungan:
1. Anong mga daan ang kailangang pagpilian sa pagtahak sa landas ng buhay ayon sa tula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang pagkakaiba ng dalawang landas ayon sa tula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang papipiliin anong landas ang tatahakin mo? Ipaliwanag.