You are on page 1of 16

7

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Isip at Kilos-Loob: Kaloob sa Atin
Ikalawang Markahan - Ikalawang Linggo

1|P ahi na
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 7
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Isip at Kilos-Loob: Kaloob sa Atin
Ikalawang Markahan - Ikalawang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Romelyn G. Marzal


Editor/Tagasuri: Genefer T. Alcantara
Tagaguhit/Tagalapat: Joenalie D. Marfil
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
ISIP AT KILOS-LOOB:
KALOOB SA ATIN

Panimula

Modyul o Facebook? Anuman ang piliin tiyak na kailangan nating gamitin


ang ating isip at kilos-loob. May bagay na bigla na lang nating naiisip at nagagawa
na sa bandang huli ay pinagsisisihan natin? Ikaw, naranasan mo rin ba ito?

Sa nagdaang aralin, naunawaan mo ang katangian, gamit at tunguhin ng isip


at kilos-loob. Tiyak na magagabayan ka na sa paggawa at pagbuo ng angkop na
pagpapasiya patungo sa katotohanan at kabutihan kung ito ay gagamitin nang
wasto. Tara na at ating palalimin!

Kasanayang Pampagkatuto

1. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao,


kaya ang kaniyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan
at kabutihan (EsP7PS-IIb-5.3)

2. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa


katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob (EsP7PS-IIb-5.4)

1|P ahi na
Mga Layunin

Pagkatapos mong basahin ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatatalakay ng mahahalagang konsepto patungkol sa isip at kilos-loob


ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kaniyang mga pagpapasiya ay
dapat patungo sa katotohanan at kabutihan;

2. nakapagpaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa


tao, kaya ang kaniyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa
katotohanan at kabutihan; at

3. nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbuo at angkop na pagpapasiya


tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob.

Balik Aral

Panuto: Tukuyin ang mga salita sa cross word puzzle sa tulong ng mga gabay na
tanong sa pagsagot nito. Huwag ng iguhit ang puzzle, isulat na lamang ang sagot sa
iyong sagutang papel.
10 8

2
9
4

7 6
3

2|P ahina
Pahalang:

1. Ito ang tunguhin ng kilos-loob.


2. Siya ang nagsabi na ang tao ay binubuo ng isip, katawan at kamay o katawan
ang tao.
3. Hinahanap ng tao ang _________ sa pamamagitan ng pagtuklas ng kaalaman.
4. May kakayahang ________ ang kilos-loob.
5. May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

Patayo:

6. Ang tao ay natatanging ________ ng Diyos.


7. _________ ng Diyos ang tao kaya tinawag na obra maesta Niya.
8. Ito ang gamit ng kilos-loob.
9. Ito ang gamit ng isip.
10. Biniyayaan ng ________ ang tao ng isip at kilos-loob.

Pagtalakay sa Paksa

May kasabihan tayong, “Madaling maging tao, mahirap magpakatao”. Ang


pagpapakatao ay paggamit ng isip at kilos-loob. Nag- iisip muna bago magpasiya at
kumilos. Isinasaalang-alang ang kapakanan ng sarili at ng kapwa.

Biniyayaan ng isip at kilos-loob ang tao kung kaya siya ay natatanging


nilalang ng Diyos. Inaasahan na bilang tao ay magiging makatarungan tayo dahil sa
kaniyang katangian at kakayahang ito. Bilang makatarungang tao, inaasahan na
siya ay walang kinikilingan, may pantay na pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapwa at sa iba pang nilikha ng Diyos tulad ng hayop at halaman. Naunawaan mo
na sa pamamagitan ng ating isip, hinahanap ng tao ang katotohanan sa
pamamagitan ng pananaliksik at pagtuklas ng mga kaalaman. Maaari nating suriin
at unawain ang bawat pangyayari o impormasyon sa tulong ng ating mga pandama.
Inaalam ng ating isip kung ano ang maaaring kahihinatnan ng ating magiging pasiya
o pagkilos. Hinahanap ng ating isip ang katotohanan tulad ng paghahanap ng
liwanag ng ating mga mata. Mayroong hangganan ang isip ng tao at hindi ito
perpekto katulad ng sa Diyos kaya nakadarama ang tao ng kakulangan. Ngunit ang
paghahanap ng isip ay tungo sa katotohanan ay nagpapatuloy at hindi natatapos.

3|P ahi na
Ang kilos-loob ay patungo sa kabutihan ngunit nakadepende ito sa kung ano
ang sinasabi ng isip na mabuti dahil naaakit ito sa kung ano lamang ang mabuti.
May kapangyarihan ang kilos-loob na gumawa at pumili, kung kaya't ang kilos-loob
ang siyang ugat ng mapanagutang kilos. Maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti
sa tulong ng isip. Nararapat na gamitin ng wasto ang isip sa pagsasaliksik at pag-
alam ng katotohanan upang piliin niya ang mas makakabuti para sa lahat.
Kinakailangang paunlarin natin ang ating isip at kilos-loob upang magampanan ang
kani-kaniyang layunin. Kung hindi natin ito gagamitin ayon sa kanyang layunin o
sa maling paraan, maaari itong makahadlang sa pagkamit ng ating kaganapan
bilang tao.
Sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay sa atin ng Diyos, ang bawat tao
ay may pananagutan na sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Dapat sabay na pinauunlad ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ito
upang magamit sa tunay na layunin nito kung bakit ito ipinagkaloob sa atin.
Dumarami ang ating natutuklasang kaalaman at karunungan, kaya inaasahang
mas naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga ito.
Sa gayon, higit na magiging mabuting nilalang ang tao
Kinakailangan nating maging mapanuri sa pag iisip. Kailangang pagnilayan
ang lahat ng pagpipilian bago magpasiya at kumilos. Gamitin ang isip sa pagkalap
ng kaalaman at karunungan upang kumilos ang kilos-loob sa paggawa ng
kabutihang patungo sa pagpapaunlad ng pagkatao. Hindi sa kung gaano karaming
kaalaman o karunungan nasusukat ang pagiging mabuting tao kundi sa kung
paano niya ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng
kaniyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa
pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos
ayon sa kanyang kalikasan... ang magpakatao.

4|P ahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung tama ang
pahayag at MALI kung mali ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang tao ay natatanging nilalang dahil sa kaniyang isip at kilos-loob.


2. Natutuklasan ng tao ang kaalaman at karunungan sa tulong ng pandama.
3. Ang isip ay patungo sa kabutihan.
4. Hinahanap ng tao ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsasaliksik at
pagtuklas ng kaalaman.
5. Ang pagpapakatao ay gumagamit ng isip at kilos-loob bago magpasiya at
kumilos.
6. Naaakit sa kasamaan ang ating kilos-loob.
7. Kailangang sanayin, paunlarin at gawing-ganap ang ating isip at kilos-loob.
8. Kailangang may mapanuring pag-iisip bago magpasiya at kumilos.
9. Sabay na pinauunlad ang isip at kilos-loob upang magamit nang wasto ayon
sa layunin nito.
10. Madaling magpakatao, mahirap maging tao.

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga situwasyon. Isulat sa sagutang papel kung
paano ginamit ang isip at kilos-loob at ang magiging bunga nito batay sa inyong
naging pagpapasiya sa bawat situwasyon.

1. Naiwan ng guro ang sagot sa pagsusulit sa mesa. Ikaw lamang ang nasa loob
ng silid-aralan at nakakita ng papel.

Paano gagamitin ang Paano gagamitin ang Inaasahang Bunga


isip kilos-loob

5|P ahi na
2. Ikaw ang bantay ng inyong tindahan. Bumili ang matandang kapitbahay
ninyo ngunit kulang ang ibinayad niya sa iyo dahil yun lamang ang pera niya.

Paano gagamitin ang Paano gagamitin ang Inaasahang Bunga


isip kilos-loob

3. Nakita mo ang boyfriend ng ate mo na may kasamang iba sa isang kainan.

Paano gagamitin ang Paano gagamitin ang Inaasahang Bunga


isip kilos-loob

4. Naglalakad ka sa kalsada pauwi at nakita mong pinagtutulungan ng mga


lalaki ang isang babaeng may dala ng kaniyang paninda.

Paano gagamitin ang Paano gagamitin ang Inaasahang Bunga


isip kilos-loob

5. Binilinan ka ng nanay mo na alagaan ang iyong kapatid dahil siya ay pupunta


ng palengke. Biglang dumating ang iyong kaibigan at inaya ka niyang
pumunta sa tabing ilog.

Paano gagamitin ang Paano gagamitin ang Inaasahang Bunga


isip kilos-loob

6|P ahina
Rubriks para sa Pagmamarka ng Pinatnubayang Pagsasanay 2
Puntos Pamantayan
10 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto
sa bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
7 Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot.
Malinaw at nababasa.
5 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Gumawa ng isang paglalarawan na nagpapahayag o nagpapakita ng
kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos-loob sa tamang pagpapasiya. Pumili ng isa
sa ibaba ng gagamiting paglalarawan. Isulat o gawin ito sa isang coupon bond.

a. Islogan
b. Poster
c. Spoken poetry

Rubriks para sa Pagmamarka ng Pang-Isahang Pagsasanay

Krayterya 4 3 2 1

Organisasyon Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos


pagkakalahad organisasyon organisasyon ang
ng mga ideya ng ngunit hindi organisasyonn
sa kabuuan pagkakalahad masyadong mga ideya.
ng awtput ng mga ideya mabisa ang
sa kabuuan pagkakalahad
ng awtput. ng awtput.

Lalim ng Napakalalim Malalim ang Mababaw at Napakababaw


repleksiyon na nakikitang nakikitang hindi gaanong na walang
pag- pag- nakikita ang pag-uugnayan
uugnayan ng uugnayan ng pag-uugnayan ng kaalaman
kaalaman at kaalaman at ng kaalaman at at karanasan
karanasan karanasan karanasan

Paggamit ng Napakahusay Mahusay Mayroong mga Kailangang


Wika at dahil walang dahil kamalian sa baguhin dahil
Mekaniks mali sa kakaunti grammar, halos lahat ng
grammar, lamang ang pangungusap

7|P ahi na
baybay at mali sa baybay at gamit ay may mali
gamit ng grammar, ng bantas sa grammar,
bantas, may baybay at baybay at
mayamang gamit ng gamit ng
bokabularyo bantas bantas

Presentasyon Malinis, Malinis May kahirapang Mahirap


maayos at ngunit hindi unawain ang basahin dahil
malikhain lahat ay pagkakasulat o sa hindi
ang maayos ang pagkakabuo ng maayos na
pagkakabuo pagkakabuo presentasyon pagkakasulat
ng ng o pagkakabuo
presentasyon presentasyon ng
presentasyon

Pamamahala Kumpleto ang Medyo may Konti lamang Hindi


sa oras lahat ng kulang na ang napaghandaan
impormasyon impormasyon impormasyon sa ang awtput.
sa awtput sa awtput awtput

Pagsusulit

Panuto: Basahin at pagnilayan ang bawat situwasyon. Pagkatapos, sagutin ang


tanong sa iyong sagutang papel.

1. Lingid sa kaalaman ng iyong magulang ang pagkakaroon mo ng boyfriend o


girlfriend ngayong ikaw ay nasa unang taon ng mataas na paaralan. Mas
binibigyan mo ng oras ang iyong pakikipagrelasyon kaysa sa iyong pag-aaral
hanggang sa ipinatawag ng guro ang iyong magulang upang ipaalam na
bumaba ang lahat ng iyong mga asignatura. Ano ang dapat mong gawin?

2. Inaanyayahan ka ng barkada mo na dumalo sa isang handaan na gustung-


gusto mo rin puntahan, subalit kailangan mong magsuot ng magandang
damit. Wala kang pambili ng damit. Inaalok ka ng kaibigan na pauutangin ng
pambili upang matuloy ang pagdalo mo sa handaan? Ano ang gagawin mo?

8|P ahina
3. Nakita ko ang aking kuya na kumuha ng pera sa pitaka ng aming tatay nang
walang paalam. Nang matuklasan ni Itay ang nangyari, lahat kami, pati na
ang mga kasambahay ay napagbintangan. Takot naman akong sabihin ang
aking nakita dahil sa banta ng aking kuya na ako’y isusumbong sa aking
paglalaro sa computer shop. Ano ang dapat kong gawin?

4. Nahuli ka sa klase at sinabi mo sa iyong guro na tinulungan mo muna ang


nanay mo sa pag-aayos ng inyong paninda sa palengke ngunit sa
katotohanan ay nakipaglaro ka muna ng bilyar sa kanto ng inyong lugar. Ano
ang gagawin mo?

5. Naging bisyo mo sa tuwing umuuwi ka ng bahay ay ang maglaro sa computer


shop malapit sa inyong bahay. Uuwi ka lamang upang kumain at matutulog
na. Ipinaalam sa iyo ng iyong guro na hindi mo naipasa ang lahat ng iyong
asignatura. Ano ang gagawin mo?

Rubriks para sa Pagmamarka ng Pinatnubayang Pagsasanay 2

Puntos Pamantayan
Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto
10
sa bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot.
7
Malinaw at nababasa.
Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
5
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

Pangwakas

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa aralin sa paggamit ng isip at kilos-


loob. Isulat ito sa inyong sagutang papel o journal.

9|P ahi na
Ang aking natutunan sa aralin ay _________________________________

Ang aking nararamdaman sa pag-aaral ng aralin ay ____________


_________________________________

Ang gagawin kong hakbang sa mga natutunan sa aralin ay


____________________________________________

Mga Sanggunian

"K12 MELC With Corresponding CG Codes And Guidelines". 2020. Commons


PH. https://commons.ph/k12-melc-cg-codesguidelines/.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7, Kagamitan Ng Mag-aaral. Pasig
City, Philippines: Department of education – Bureau of Learning
Resources, 2014.

Arrogante, Constantina S.,De Vega Nenita I., Quiambao, Dolores S.,Ramirez,


Veronica E.,2013. "Edukasyon sa Pagpapakatao 7". Vibal Publishing
House, Inc. 1253 G. Araneta Avenue, Quezon City.
Punsalan, Twila G.,Gonzales, Camila C., Nicolas, Myra Villa D., Marte,
Nonita C., "Pagpapakatao 7". Rex Publishing, Inc. 1977 C.M. Recto
Avenue, Manila.

10 | P a h i n a
11 | P a h i n a
BALIK-ARAL
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 2
1. Kabutihan
Ang sagot ay magmumula sa 2. Manuel
sariling kaalaman at opinyon ng 3. Katotohanan
mag-aaral. Gagamitin ang 4. Pumili
inihandang rubriks bilang panukat 5. Isip
6. Nilalang
PAGSUSULIT 7. Kawangis
8. Kumilos
Ang sagot ay magmumula sa 9. Umunawa
sariling kaalaman at opinyon ng 10. Diyos
mag-aaral. Gagamitin ang
inihandang rubriks bilang panukat PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
PANGWAKAS 4. TAMA
5. TAMA
Ang sagot ay magmumula sa 6. MALI
sariling kaalaman at opinyon ng 7. TAMA
mag-aaral. Gagamitin ang 8. TAMA
inihandang rubriks bilang panukat 9. TAMA
10. MALI
Susi sa Pagwawasto
Pagkilala
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng
tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag
at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang
tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan
upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at


mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang
kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang


patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat


asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy


sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

12 | P a h i n a
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong
panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like