You are on page 1of 18

7

Edukasyon Sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan: Modyul 2

1
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan:Modyul 2
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pag kuha


ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marjorie P. Gallebo, T I

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

2
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Modyul 2

3
Sapulin

-Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang


katulad at hindi ka naulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang
talinhaga subalit ito ay totoo. Sa madaling salita ikaw ay espesyal, mayroon
kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo. Sa modyul
na ito, matutuklasan mo ang tungkol dito. Ano ang taglay mo na
nagpapabukod-tangi sa iyo kaya’t mas pahahalagahan mo ang buhay na
ipinagkaloob sa iyo? Tuklasin mo!

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

- Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa


tao kaya ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa
katotohanan at kabutihan. (ESP7PS-IIB 5.3)

- Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa


katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob (ESP7PS-IIB
5.4)

4
Simulan

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa malinis
na papel
_________1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi
nagtatapos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong
hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang
nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na
ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
_________2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang
kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa
patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay
palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na
sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng
epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng
kapwa ng akuin ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng
kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit
_________3. Ang mga sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay

5
_________4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip B. magpasya
C. umunawa D. magtimbang ng esensya ng mga bagay
_________5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama
_________6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay ,
maging malusog at makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang
alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
_________7. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.
A. kabutihan B. kaalaman
C. katotohanan D. karunungan
_________8. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan
_________9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin D.
Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
_________10. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at
kilos-loob.
A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap

6
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit
Panuto:. Lagyan ng tsek mark () kung ang mga sumusunod ay nagpapahayag
ng tamang pagbubukod tangi ng tao at ekis () naman kung mali.

_________1. Tanging ang tao lamang ang may kakayahang mag-isip.


_________2. Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman,
ang hayop at ang tao.
________3. Ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay
tinatawag na kanyang obra maestra.
_________4. Ayon kayJohn Holland, ang tao ay may tatlong mahahalagang

sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.

_________5. Ang kamay o katawan ito ang karaniwang ginagamit sa

pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.

_________6. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at

magpasya nang malaya.

_________7. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang

masama.

_________8. Ang bawat hayop ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing

ganap ang isip at kilos-loob.

_________9. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng

pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman upang ilaan

ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglingkod sa kapwa

at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.

_________10. Natatangi ang hayop dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na

kumilos ayon sa kanyang kalikasan … ang magpakatao.

7
Lakbayin

TAO: ANG NATATANGING NILIKHA

Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang
hayop at ang tao.

Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa


kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay
lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr.
Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso
at ang kamay o katawan.
- Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng
isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri,
magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag
na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan
(intellectual consciousness), konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya
(intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
- Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong
pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating
buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang
personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.
- Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa
pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat).
Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi
sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang
mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga ito.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at


magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatuwiran ay tinatawag
na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay
tinatawag na kilos-loob.

8
Ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay isang
makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na
naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.

Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang
isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang
tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang
magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob.

Habang marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan


ng pag-aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao
ang mapanagutang paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging
mabuting nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi
nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano
ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang
pagkatao, paglingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.
Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa
kanyang kalikasan … ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng
kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng
kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.

9
Galugarin

Gawain I:
Ang Aming Pagkakatulad at Pagkakaiba!
Panuto: Masdan mo ang mga sumusunod na larawan. Sagutin ang mga
tanong at nakatakdang gawain pagkatapos nito.

Hayop Halaman Tao

Isulat mo sa iyong papel ang mga sagot mo sa sumusunod na tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?


__________________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?


__________________________________________________

3. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat?


__________________________________________________

4. Alin sa tatlong ito ang may kakayahang mag-isip?

__________________________________________________

5. Alin sa tatlong larawan ang nakakaramdm ng emosyon?

__________________________________________________

10
6. Alin sa mga larawan ang may kakayahang mangatwiran, magsuri, magalaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay ?

__________________________________________________

7. Alin sa mga larawan ang nakakapagbigay ng sariwang hangin?

__________________________________________________

8. Alin naman sa tatlong ang may kakayahang magbigay ng sariwang gatas?

__________________________________________________

9. Alin sa tatlong larawan ang sinasabing kawangis ng Diyos dahil sa kakayahan


niyang makaalam at magpasya nang malaya ?

__________________________________________________

10. Alin sa mga larawan ang nakakapagbigay ng masustansiyang pagkain?

__________________________________________________

Gawain II: Ang aking tungkulin!


Panuto: Bilang indibiduwal na may isip at kilos-loob may tungkuling nakaatang sa
iyo na dapat mong isabuhay. Nakatala ang ilang tungkulin ng isang kabataang
katulad mo. Suriin mo kung alam mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay

ng simbolong thumbs up ( ) kung ginagawa mo at thumbs down naman

kung di mo ginagawa ( ).

Tungkulin Ginagawa ko Hindi ko ginagawa

1. Wastong paggamit ng computer, internet,


at iba pang gadgets.

2. Nangongokpya sa mga kaklase sa oras ng


pagsusulit.

11
3. Paggawa ng takdang-aralin at proyekto at
pagpasa nito sa takdang oras.

4. Pagtatapon ng mga basura sa gilid ng ilog.

5. Tumulong sa mga gawaing bahay lalo na


ang paggawa ng gawaing nakatakda sa akin.

6. Pakikipag-away sa mga kaklase at sa


kapwa.

7. Suwayin ang utos at patakaran na

itinakda ng mga magulang.

8. Magsimba at magtatag ng ugnayan sa


Diyos.

9. Makiisa at makipagtulungan sa proyekto


ng pamayanan o baranggay na
kinabibilangan

10. Pumasok nang maaga o sa tamang oras.

12
Palalimin

Gawain 1: Gamit ang Venn Diagram isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad


ng hayop at tao.

Pamantayan sa Paggawa

Nilalaman…………………………………………………….. 5 puntos

Orihinalidad …………………………………………………5 puntos

(Sariling gawa at walang pinagtularan)……………… 5 puntos

Kalinisan at Kaayusan ng Gawa………………………. 5 puntos

____________________

KABUUAN- 15 puntos

13
Sukatin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
malinis na papel
_________1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi
nagtatapos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong
hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang
nagpapahinga
D.Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na
ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
_________2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang
kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy
na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging
sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin. Ano
ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng
epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng
kapwa ng akuin ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng
kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit
_________3. Ang mga sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay

14
_________4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip B. magpasya
C. umunawa D. magtimbang ng esensya ng mga bagay
_________5. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama
_________6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay ,
maging malusog at makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang
alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
_________7. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.
A. kabutihan B. kaalaman
C. katotohanan D. karunungan
_________8. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan
_________9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin D.
Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
_________10. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at
kilos-loob.
A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap

15
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit

16
Susi sa Pagwawasto

Simulan -1 Simulan -2 Galugarin Sukatin

1. B 1.  Gawain 2 1. B

2. C 2.  2. C
1. 3. C
3. C 3. 
4. B 4.  4. B
2.
5. B 5.  5. B

6. C 6.  6. C
3.
7. A 7.  7. A

8. B 8.  4. 8. B

9. D 9.  9. D
10.  5. 10. A
10. A

6.

7.

8.

9.
Galugarin
Gawain 1
10.
1. May buhay
2. Isip
at damdamin
3. Tao
4. Hayop/Tao
5. Hayop/Tao
6. Tao
7. Halaman
8. Hayop
9. Tao
10. Hayop/Halaman

17
Mga Sanggunian
Aklat
Edukasyon Sa Pagpapakatao (Grade-7) Learner’s Material (Units 1 & 2)
Pahina 115-134.

Internet/Images:
Pinterest.ph
ph.lovepiv.com
brainly.ph
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+venn+diagram&tbm
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+tao&tbm=isch&ved
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+halaman&tbm=isch&ved
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+hayop&tbm=isch&ved

18

You might also like