You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention


Material

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan- Ikalawang Linggo

1
ANG ISIP AT KILOS-LOOB NG TAO

ALAMIN

Natatangi kang tao na nabubuhay sa


mundong ito. Wala kang katulad at hindi ka naulit
sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang
talinhaga subalit ito ay totoo. Sa madaling salita
ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na
kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo.
Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang tungkol
dito. Ano ang taglay mo na nagpapabukod-tangi
sa iyo kaya’t mas pahahalagahan mo ang buhay na ipinagkaloob sa iyo?
Tuklasin mo!

Sa aralin na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa
tao.
2. Nagagamit ang isip at kilos-loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo
sa katotohanan at kabutihan.

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong papel.

1. Ang mga sumsusunod ay ang tatlong nilikha ng Diyos na may buhay


maliban sa:
a. Bagay c.Hayop
b. Halaman d.Tao
2. Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa kanyang, ______________.
a. Kalooban c.Pananaw
b.Katalinuhan d.Wangis
3. Ito ay kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang
bagay.

a. Damdamin c. Kilos-loob
b. Isip d.Pananaw
4. Ayon kay _______________., ang tao ay may tatlong mahahalagang

sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.

a. Dr. Rone Esguerra c.Dr. Manuel Dy Jr


b. Dr. Benjamin Lee d.Dr. Nicolas Sy

1
5.Ang _______ o ang katawan ay sumasagisag sa pandama,
panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsulat).

a. Bagay c. Kamay
b. Damdamin d. Kasama
6.Nahuli ng kanyang guro si Vincent na nagpapakopya sa kanyang
kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy
na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay
palaging sinisisi ni Vincent ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin.
Ano ang nakaligtaan ni Vincent sa pagkakataon na ito?

a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak


ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa
kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring
magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
7. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao
ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating
buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.

a. Isip c.Katawan
b. Gamit d.Puso
8. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi
nagtatapos. Ang pahayag ay:

a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.


b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong
hangganan.
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang
nagpapahinga.
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan
ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na
tunguhin.
9. Ang mga sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:

a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.


b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga
pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng
buhay.
10. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga
bagay

2
11. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob :
___________

a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos


b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan
ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi
ang nadarama
12. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag
ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at
walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa
mabuhay, maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din
silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
13. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang
_______________.

a. Kabutihan c.Katotohanan
b. Kaalaman d.Karunungan
14.Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o


disiplina .
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-
loob .
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-
iisip at pamimili .
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at
puno ng karanasan.
15. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan .


b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama .
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang
tunguhin.
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng
isip .

BALIKAN

Noong nakaraang aralin iyong natutunan na ang tao ay nilikha ng


Diyos ayon sa larawan at wangis. Ang tao din ay mas maraming
kakayahan at talento kumpara sa ibang linikha ng Diyos na may buhay
kagaya ng hayop at halaman.

3
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao sapagkat ang tao
pinaka mataas na uri na nilikha ng Diyos.

Sa aralin na ito ay higit pang lalawak ang pang-unawa mo isip at


kilos loob ng tao. Inaasahang makikilala mo bilang isang nagdadalaga o
nagbibinata na may mga talento at kakayahan ka na dapat tuklasin,
paunlarin at mga kahinaang kailangang malagpasan.

MGA PAGSUBOK

TUKLASIN
Panuto: Suriin ang tatlong larawan sa ibaba.

Halaman Hayop Tao

1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?

__________________________________________________
__________________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?


__________________________________________________

__________________________________________________
3. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag

__________________________________________________
__________________________________________________

SURIIN

Ano ang kakayahan ng tatlong ito? Tuklasin mo sa pamamagitan ng


paggawa ng sumusunod:
 Isa-isahin ang kakayahan o katangiang taglay ng bawat nilikha.

 Ilista ito sa hanay ng bawat nilikha.


 Gamitin ang tsart sa ibaba para rito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

4
KAKAYAHAN
Halaman Hayop Tao

Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo:

Ang halaman, ang hayop at ang tao. Katulad sa halaman,


nangangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang makaya niyang suportahan
ang sarili. Katulad sa hayop ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y
nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot
siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi inaasahan.
Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit
kumakalma sa tuwing pinakitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga
ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa
“wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra
maestra.

Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?Ang bawat indibidwal ay


biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang
mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay
lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.

 Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin


ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may

kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag


alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang
isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason),

intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness),


konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual
memory)
batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
 Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa

buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay


na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya

at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.


Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.

5
 Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay

sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at

pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit

sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na

naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang

mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga

ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang


ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan.

Samakatuwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan,

ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng

mga ito ang kani kaniyang layunin. pamamagitan ng katawan,


naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang

kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-uganayan sa ating kapwa.

PAGPAPAYAMAN
Panuto:
 Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Bilang isang
nagdadalaga at nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa
mga mga situwasyong ito. Gamit ang ilustrasyon ng angkop na
speech balloon, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong iisipin at
gagawin sa bawat situwasyon.

Isulat sa loob ng speech balloon na


ito ang dapat na iisipin.

Isulat sa loob ng speech balloon na


ito ang sasabihin o gagawin

6
Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga
magulang sinita ka nila at hinihingian ng paliwanag. Takot sabihin ang
totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Bakit gabi ka
nang umuwi?
Hindi ka man lang
nagpaalam kung
saan ka pupunta
para hindi kami
nag-aaalala sa
Iyo.

GABAY NA GAWAIN 1

Tukuyin kung anong sangkap ng tao ang inilarawan ng mga


sumusunod na pangungusap. Isulat ang “P” kung ito ay Puso, “I” kung ito ay
Isip at “K” kung ito ay Kamay/Katawan ang tamang sagot.

PUSO ISIP KAMAY/KATAWAN

1. Ito ay may kakayahang alamin ang buong diwa ng isang bagay.


2. Ito ang bumabalot sa buong pagktao ng tao
3. Ito ay sumasagisag sa pandama, paggalaw at paggawa.
4. Ginagamit ito sa pagsasakatuparan ng kilos o gawa.
5. Nararamdaman nito ang lahat ng bagay na nararamdaman o
nangyayari sa buhay ng tao.
6. Ito ay may kakayahang maghusga, mangatwurian at magsuri.
7. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon
8. Dito hinuhubog ang personalidad ng tao.
9.Ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan.
10.Dito nagmumula ang pagmamahal.

GABAY NA GAWAIN 2

Panuto: Basahin at unawing mabuti ang bawat katanungan isulat ang T


kung ito ay Tama at M naman kung ito ay Mali.

1. Ginagamit ng tao ang isip at kilos-loob, konsensiya at kalayaan upang


siya ay magpakatao.

2. Ang kilos ng tao ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman,


malaya at kusa.

7
3. Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan:
kilos-loob, walang kilos-loob at di kilos-loob

4. Nararapat na maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong


kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral at etikal.

5.Maaaring makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay


masama o mabuti.
6.Hindi pananagutan ng tao ang anumang kahihinatnan ng kaniyang
kilos, mabuti man ito o masama.
7. Ayon kay Manuel Dy, may nararapat na obhetibo ang kilos
8. Ang categorical imperative o kautusang walang pasubali ay isang
kautusan na sagana sa kondisyon.
9. Dapat pinag-iisipan ng mabuti ang bawat desisyon na gagawin.
10.Laging piliin kung ano yaong mas makakabuti sa lahat.

ISAISIP

PAGNINILAY

Sadyang natatangi ang tao dahil sa


kanyang isip at kilos-loob na taglay. Hindi
tayo magiging tao kapag hindi natin ginamit
sa tama ang kakayahang ito katulad sa
larawan sa naunang bahagi ng modyul na
ito. Malaking gampanin ang kumilos tayo
nang tama bilang isang taong
mapanagutan sa paggamit ng isip at
malayang kilos- loob.

ISAGAWA
Magtala ng tatlong (3) halimbawa ng mga karanasan na nangyari
sa iyong buhay na nagbigay sa iyo ng inspirasyon para mas lalong
magpursigi at magpatuloy sa buhay.

1.
2
3.
8
PAGTATASA
ISAGAWA

Panuto: Basahin at unawain. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang


pangungusap ay tama, ekis ( X ) naman kung ito ay mali.

MGA SITWASYON

_____1. May nakita kang pitaka sa loob ng klase at ipinagbigay alam


mo ito .
_____2.Naglalakad ang isang matanda at napadami ng kanyang
dinadala, wala kang ginawa at hinayaan mo lang siya.
_____3.Inaya ka ng mga kaibigan mo na maglakwatsa, pero ang ipinag
paalam mo sa iyong magulang ay gagawa kayo ng project.
_____4. Minura mo ang iyong kaklase dahil sa maling nagawa nito.
_____5. Pinagbintangan mo ang iyong kapatid na kumuha ng pera mo.
_____6. Lagi kang nagpapasalamat sa mga nagagawang kabutihan sa
iyo ng iyong kapwa.
_____7. Itinuturing mong kapatid ang iyong mga kamag-aral.
_____8. Sinuntok mo ang iyong kaibigan dahil hindi kaniya pinahiram ng
libro.
_____9. Kinuha mo ang sukli ng iyong magulang ng walang paalam
_____10. Hindi ka nakikinig sa iyong guro habang siya ay nagtuturo.

SANGGUNIAN:

 Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learner’s Material (Unit 1& 2, p.)


 EsP 7 Curriculum Guide
 Google Search Engine

MGA SAGOT
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin
1. A 6. C 11. B
2. D 7. D 12. C
3. A 8. B 13. A
4. C 9. C 14. B
5. C 10.B 15. D

Gabay na Gawain I
1. I 4. K 7. P
2. P 5. P 8. P
3. K 6. I 9. K
10. P
9
Gabay na Gawain II
1. T
2.M
2. M
3. T
4. T
5. M
6. M
7. M
8. T
9. T

ISAGAWA
1. (/)

2. (X)
3. (X)
4. (X)

5. (X)
6. (/)
7. (/)
8.(X)
9.(X)

10.(X)

10

You might also like