You are on page 1of 14

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Ang Tunguhin at Gamit ng Isip
at Kilos-loob
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapito na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Tunguhin at Gamit ng Isip at Kilos-loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jeraldine B. Pansacala
Editor: Gerda D. Pepito
Tagasuri: Gerda D. Pepito
Tagaguhit:
Tagalapat: Rachelle Mae B. Eguna
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Hermogina G. Bonga – Education Program Supervisor – ESP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Tunguhin at Gamit ng Isip
at Kilos-loob
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Self
Learning Module (SLM) para sa Ikalawang Kwarter.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan at matulungang makamit ng mga mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makauugnay sa mga mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-dalawampu’t isang siglo habang isinaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga
mag-aaral kung paano gamitin ang mga ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mga mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mga mag-aaral:


Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Self
Learning Modules (SLM) para sa ikalawang kwarter.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang
isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay ng
kompetensi at mga kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay
sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral kahit ikaw ay nasa iyong tahanan. Hangad nito
na mabigyan ka ng pagkakataon na matuto kahit sa panahon ng pandemya.

1
Alamin Natin

Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at


hindi ka nauulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang talinhaga subalit ito
ay totoo. Sa madaling salita ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na
kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo.

Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang tungkol dito. Ano ang taglay mo


na nagpapabukod-tangi sa iyo kaya’t mas pahahalagahan mo ang buhay na
ipinagkaloob sa iyo? Tuklasin mo!

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
(EsP7PS-IIa-5.1 )
2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa Nasusuri ang isang pasyang ginawa
batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP7PS-IIa-5.2 )

Aralin
Ang Tunguhin at Gamit ng
5 Isip at Kilos-loob

Subukin Natin

Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa papel sagutan


ang tsek ( / ) kung ang pahayag ay TAMA at ekis ( x ) kung ang pahayag at MALI.
1. May tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo. Ito ay ang
halaman, ang hayop at ang tao.
2. Ang tao ay tinawag na obra maestra dahil ang tao ay nilikha ayon
sa “wangis ng Diyos”.
3. Lahat ng indibidwal ay pare-pareho ng kakayahan at katangian.
4. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay binubuo ng tatlong
mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o
katawan.
5. Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan.
Kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa
nang naaayon sa katotohanang natuklasan.
6. Ang kilos-loob ay may kapangyarihang pumili, magpasya at
isakatuparan ang pinili.
7. Ang isip ng tao ay kasing perpekto ng Maykapal at ito ay walang
limitasyon.
8. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman
magugustuhan ang mismong masama.

2
9. Hindi kailangang sanayin at paunlarin ang isip at kilos-loob. Kusa
itong lumalabas sa panahon na kailangan.
10. Ang tao ay naiiba sa lahat ng may buhay sa abilidad nitong mag-
isip at makaunawa.

Aralin Natin

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon


ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe.
Simulan na at kayang kaya mo yan!

ANG GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB

Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo:


• Ang halaman - Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang makaya niyang
suportahan ang sarili.

• Ang hayop - may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa


kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto ng
pangyayari na hindi inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang
hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng pagkalinga.

• Ang tao - Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang


lumaki, kumilos at dumami. Katulad rin ng hayop, ang tao ay may damdamin
kaya’t siya’y nasasaktan, natatakot, at nagagalit.

Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay
nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang
obra maestra. Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?

Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na


nagpapadakila sa kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya,
katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang
nilikha.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap:
ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.

Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at


buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan
ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan
(intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan
(intellectual consciousness), konsensya (conscience) at
intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit
nito sa bawat pagkakataon.

Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa


buong pagkatao ng tao. Nakakaramdam ito ng lahat ng bagay
na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at
emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat
ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.

3
Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag
sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa
bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-
isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang
mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga
ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang
ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita
ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang
instrumento sa pakikipag uganayan sa ating kapwa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at


magpasya nang malaya.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.


Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Kumikilos / Gumagawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

• Isip - Ang kapangyarihan niyang mangatuwiran. Ang pandamdam ng tao


ay nakatutulong upang makamit ang katotohanang ito. Dahil ang isip ng
tao ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya ay
nakadarama ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa
katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng
isip.

• Kilos-loob - Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang


pinili.

Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de


Aquino ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t
ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan.

Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman


magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap lamang ang pagpili sa
masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at
kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o


gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin ang
nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang
kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.

TAYAHIN NATIN ANG IYONG PAG-UNAWA:

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos”?


2. Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?

4
Gawin Natin

Panuto: Masdan mo ang mga sumusunod. Basahin nang maayos ang


mga tanong at ilagay sa iyong papel sagutan ang iyong sagot.

HALAMAN HAYOP TAO

HALAMAN HAYOP TAO


Ano ang
pagkakatulad ng
tatlo?

Ano ang
pakakaiba ng
tatlo?

Alin sa tatlong
ito ang
nakahihigit sa
lahat?

Pamantayan sa Paggawa
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman (Content) 10

Kaayusan/Kalinisan
(Organization/Neatness) 5

Ideya/Paliwanag 15

Kabuuan 30

5
Sanayin Natin

Panuto: Pag-aralan ang mga comic strip sa ibaba. Isulat ang iyong mga
posibleng sagot sa speech balloon. Gawin ito sa iyong papel sagutan.

Natapos mo ng sagutan ang iyong mga modules para sa buong lingo.


Nakita mo ang iyong kapatid na hindi pa natatapos sagutan ang ilang
modules na meron siya. Humihingi ng tulong sa iyo ang nakababata mong
kapatid na kung maari ay gawin mo muna ang gawaing bahay na
nakatalaga sa kanya. Ikaw naman ay malapit na rin matapos sa mga gawain
bahay na nakatalaga sayo. Ano kaya ang magiging tugon mo dito?

Ate, maari ba na Isulat sa Isulat sa speech


ikaw muna ang speech balloon balloon na ito
gagawa ng na ito ang ang sasabihin o
pinapagawa ni dapat mong gagawin.
Mama? isipin.

Mga Tanong:
Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang naiisip mong gawin subalit hindi
ito ang iyong ginagawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba ito? Bakit
oo? Bakit hindi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Tandaan Natin

Panuto: Ano ang nauunawaan mo mula sa babasahin? Sagutin ito sa iyong


kuwaderno o sagutang papel gamit ang graphic organizer.

Ang tao ay ________________ na nilalang dahil siya ay may:

Isip na Kilos-loob na

_____________________ _____________________

Ang gamit ng isip ay Ang gamit ng kilos-loob ay

_____________________ _____________________

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay

_____________________ _____________________

Mahalagang malaman ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob upang masuri ang pasyang
gagawin at naaayon sa gamit at tunguhin nito.

Suriin Natin

Panuto: Basahin ang bawat pangungungusap. Isulat sa iyong kuwaderno o sagutang


papel ang sagot sa patlang.

1. Sa _______________________ hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan


at kabutihan ng tao ay dito natatago.
2. Ang tunguhin ng _____________________________ ay ang kabutihan. Hindi ito naaakit
sa kasamaan.
3. Sa pamamagitan ng ___________________________, naipakikita ng tao ang nagaganap
sa kanyang kalooban
4. Ang kilos-loob ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung
kaya’t siya ang ugat ng mapanagutang __________________.
5. Ang _______________________ ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto
ng Maylikha.

7
6. Ang bawat ____________________ ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na
nagpapadakila sa kanya.
7. Ang _____________________________ ng tao ay nakatutulong upang makamit ang
tunguhin ng isip.
8. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang
_______________________________, (9) ang __________________________________ (10) at
ang ________________________.

Payabungin Natin

Panuto: Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong kahalagahan ng pag-


unawa sa tunguhin at gamit ng kilos-loob. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

• Bakit mahalagang maunawaan ang mga katangian at gamit ng isip at kilos-loob?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
• Nararapat bang maging gabay ng bawat tao ang tunguhin at gamit ng isip at
kilos-loob? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman 15 puntos
Orihinalidad 5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan Ng Gawa 5 puntos
KABUUAN 30 Puntos

Pagnilayan Natin

Panuto: Magtala ng sampung (10) sitwasyon na nagpapakita na ang pasyang ginawa


batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. ________________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________________

4. ________________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________________

6. ________________________________________________________________________

8
7. ________________________________________________________________________

8. ________________________________________________________________________

9. ________________________________________________________________________

10. ________________________________________________________________________

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo,


magpunta ka na sa susunod na modyul. Kung hindi,balikan mo ang mga
gawain sa modyul na ito.

Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

Susi sa Pagwawasto

/ 10. Kamay at katawan 10.


X 9. Puso 9.
/ 8. Isip 8.
X 7. Pandamdam 7.
/ 6. Tao/nilalang 6.
/ 5. Isip 5.
/ 4. Kilos 4.
X 3. Katuwiran 3.
/ 2. Kilos-loob 2.
/ 1. Puso 1.
Subikin Natin Suriin Natin

Ang tunguhin ng isip ay katotohanan Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan


Ang gamit ng isip ay umunawa Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa
Isip na nakaaalam Kilos-loob na nagpapasiya/pumipili
Ang tao ay natatangi na nilalang dahil siya ay may:

TANDAAN NATIN

9
Sanggunian

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2010.


Gabay sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor

Intellect, Will, and Feelings in the Process of Fulfillment (n.d.) Retrieved


June 3, 2009 from
http://www.cormacburke.or.ke/node/113

The Philosophy of Man: A Brief introduction to Rational Psychology adapted


from various sources and edited by Jonathan Dolhenty, Ph.D. (n.d.)
Retrieved June 1, 2009 from
http://radicalacademy.com/jdpsychology8.htm

4 Ang Puso (n.d.) Retrieved November 11, 2009,


htt://dspadua.tripod.com/kaluluwa4.html

10
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

11

You might also like