You are on page 1of 25

5.1.

Natutukoy ang mga


katangian, gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob. EsP7PS-Ia-5.1
A. Nasusuri ang larawan na
nagpapakita ng konseptong ang tao
ay bukod tangi sa lahat ng nilikha na
may damdamin, isip at kilos-loob.
B. Nakabubuo ng ideya sa
pamamagitan ng pagkukumpara
ng mga larawan upang malaman
ang pagkakaiba ng bawat isa.
C. Napapahalagahan ang
tatlong sangkap ng pagiging
isang tao.
PAGLINANG
MODYUL 5:
Isip at Kilos-loob (Will)
TAO:
ANG
NATATANGING
NILIKHA
Mayroong tatlong uri ng
nilikhang may buhay sa
mundo: ang halaman, ang
hayop at ang tao. Katulad
sa halaman, ang tao ay
nangangailangang alagaan
upang lumaki, kumilos at
dumami.
Kumukuha siya ng sapat na
sustansya upang makaya
niyang suportahan ang sarili.
Katulad sa hayop ang tao ay
may damdamin kaya’t siya’y
nasasaktan marahil dahil sa
kapabayaan at paghihirap.
Subalit higit pa sa mga
ito ang kayang gawin ng
tao sapagkat ang tao ay
nilikha ayon sa “wangis
ng Diyos”, kaya nga ang
tao ay tinatawag na
kanyang obra maestra.
Paano naiiba ang tao sa
ibang nilikha?
Ayon kay Dr. Manuel Dy
Jr., ang tao ay may tatlong
(3) mahahalagang
sangkap: ang isip, ang
puso at ang kamay o
katawan.
1. ISIP

Ang isip ay ang kakayahang mag-isip,


alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
Ito ay may kapangyarihang manghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
2. PUSO
Ito ay maliit na bahagi ng katawan na
bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na
nangyayari sa ating buhay. Dito
nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa
puso hinuhubog ang personalidad ng tao.
3. KAMAY O KATAWAN
Ang kamay o ang katawan ay
sumasagisag sa pandama, panghawak,
panggalaw, paggawa at pagsasalita (sa
bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang
ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang
kilos o gawa.
Kawangis ng Diyos ang tao dahil
sa kakayahan niyang makaalam at
magpasya nang malaya.
ISIP
Ang kapangyarihan
niyang mangatwiran ay
tinatawag na isip.
KILOS-LOOB

Ang kapangyarihang pumili,


magpasya at isakatuparan ang
pinili ay tinatawag na kilos-loob.

You might also like