You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ESP 7

DATE: FEBRUARY 21, 2020


CODE: EsPPB-IVf- 15.3
EsP7PB-IVf-15.4

LAYUNIN:
a. naipakikita ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng paggawang Goal Setting at Action
Planning Chart.
b. nakabubuo ng limang trabaho o negosyo na angkop batay sa Talaang Trabaho/Negosyong
Angkop sa Akin.EsP7PB-IVf-15.4
a. naipakikita ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng paggawang Goal Setting at Action
Planning Chart.
b. nakabubuo ng limang trabaho o negosyo na angkop batay sa Talaang Trabaho/Negosyong
Angkop sa Akin

NILALAMAN:

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o


Teknikal-Bokasyonal o Negosyo.
KAGAMITAN SA PAGTUTURO:

A. SANGGUNIAN:
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p.122-144
B. KAGAMITAN:
chalk, larawan

IV. PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain
Panalanginan
Pagtala ng mga Lumiban
a. Pagganyak
- Magpakita ng mga larawan
b. Paghahabi ng Layunin
B. Ipabasa ng tahimikang iba’t ibang Key Employment
Generators. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Integrative
Approach)
Key Employment Generators

Cyberservices. Ang Information and Communications Technology


(ICT) ang natukoy na pinakamataas ang potensyal sa pagbibigay
ng trabaho sa mga kursong knowledge-based. Patuloy ang
paglago ng industriya ng cyberservices o mga serbisyong
ibinibigay sa cyberspace

o internet tulad ng teleservices, e-services, IT Outsourcing, IT-


enabled services, ICT-enabled services at mga business process.

Agri-Business. Lubhang mahalaga ang papel na gagampanan ng


agri-business sa pagbaba ng kahirapan sa bansa kung ito’y
pagtutuunan ng higit na atensyon.

Health-Related at Medical Tourism. Sa kasalukuyan ay may


pagbaba ang bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito na
nananatili at nagtratrabaho sa Pilipinas. Gayunpaman,
hinuhulaang sa mga darating na taon ay tataas ang demand sa
ganitong uri ng mga propesyon dahil sa potensyal ng bansa bilang
lugar para sa pagpapagamot, pagpapaganda, paglilibang at
pagpapahinga.
Mga Kailangang Manggagawa:

Sa Health: nurse, herbologist, optician, optometrist

Sa Medical Tourism: surgeons, opthalmologists, dentists at cosmetic


reconstructive surgeons, nurses, oral-maxillo facial surgeons at mga
interpreter/translators, IT professionals na may kasanayan sa
medical IT equipment, mga call center agents na may kasanayan
sa health care. Hotel at Restaurant. Kakambal ng pag-angat ng
industriyang turismo ang pagtaas ng potensyal ng industriyang ito
sa pagbibigay ng maraming trabaho. Ayon sa Medium Term
Philippine Development Plan (MTPDP), sa tinatayang 5 milyong
pagdating ng turista may 3 hanggang 6 na milyong trabaho ang
kakailanganin.

Mga Kinakailangang Manggagawa; Front office


agents/attendants, receptionists, bakers, chefs, waiters and
bartenders, resort/restaurant/eateries workers, food servers and
handlers, foods and beverages service attendants.
Construction. Pinakamataas ang demand sa industriya para sa
fabricator, pipe fitter at welder. May 57,114 na mga welder na
nagtratrabaho sa ngayon ay may sertipiko mula saTechnical
Education and Skills Development Authority (TESDA). Wala ni isa
namang nabigyan ng sertipikasyon ang TESDA para sa fabricator
at structural steel erector. Iisang institusyon lamang ng TESDA ang
nagsasanay para rito at nakapagsasanay lamang ang mga ito ng
150 mag-aaral taon-taon. Ang tanging programa ng pagsasanay
para sa trabahong ito ay Structural Erection National
Certificate(NC) II.

Mga Kinakailangang Manggagawa: Fabricator, Pipe Fitter, Welder

Banking and Finance. May mahigit sa walong libong mga


nagtapos ng mga kursong tulad ng Business Administration,
Business Management, Commercial Science/Arts and
Entrepreneurial Management, Banking and Finance or Business
Management ang makapupuno sa mga pangangailangan sa
mga manggagawa para sa industriyang ito.
Mga Kinakailangang Manggagawa: Operations Manager, Teller

Mga Posisyong Mahirap Punan: Accounting Clerks, Bookkeepers,


Auditor, Cashier, Credit Card Analyst, Finance Analyst/Specialist,
Accountant (Account Officer, Analyst), Risk Management
Officer/Manager

Manufacturing. Ayon sa DOLE, ang sektor na ito ay may 9,185


lamang para sa mga kritikal na trabaho tulad ng machine
operators, lathe operators, bench workers/fitters, technicians,
machinists, sewers at tailors.

Ownership Dwellings, Real/RetirementEstate. Mayroong 3, 456 na


mga lisensyadong building manager, civil engineer, at construction
manager sa taong 2009. Ang mga propesyong tulad ng civil
engineer, mechanical engineer, surveyor at 136 arkitekto ay ilan sa
mga posisyong mahirap punan. Ayon sa Commission on Higher
Education (CHED) mayroong 172 na lisensyadong surveyor lamang
sa Pilipinas sa 42 institusyon. Sa kabuuan ang sector ng edukasyon
ay nakapagpapatapos lamang ng 6, 252 na mga potensyal na
manggagawa para sa mga kritikal o mahirap punang posisyon sa
399 lamang na institusyon.

Transport and Logistics. Kinakailangan ng TESDA na makahikayat


ng maraming mga manggagawa sa sektor na ito upang kumuha
ng pagsusulit sa AutomativeServicingNC III. Kinakailangan ding
kontrolin ng pamahalaan ang paglipat sa ibang bansa o
international airlines ng mga piloto at aircraft mechanics.

Mga Kinakailangang Manggagawa: Checker, Maintenance


Mechanic, Stewardess Wholesale and Retail. Ang industriyang ito
ay patuloy na umuunlad sa bansa dahil sa gumagandang takbo
ng ekonomiya. Habang dumarami ang mga wholesale at retail
enterprises
sa bansa, tumataas din ang pangangailangan sa manggagawa
sa industriyang ito.
Mga Kinakailangang Manggagawa: Merchandiser/Buyer,
Salesman/Saleslady, Promodizer.
Talaan ng Trabahong/Negosyong Angkop sa Akin
Mga Mga Mga Limang
Minimithin Pansarili KEG na Trabahong/Negosy
g ng tugma ong
Karera Salik na sa Angkop sa Akin
(Isulat ang tugma minimith
tatlong at ing
pinakami kailang Karera,
mithi sa ang Negosy
lahat) paunlari o
n para o
sa Trabaho
minimith
ing
Karera,
Negosy
oo
Trabaho
Halimba pangangataw HEALTH
wa: an MEDICAL 1. Beterinaryo
1.Beterin Kailangang 2. Surgeon
aryo Paunlarin Iba pa na
2. Pediatrician Interes: Hilig maaring
3. Guro o sa bigyan ng
College asignaturang konsiderasyon
Instructor Zoology 3. Nurse
Pagpapahala 4. Dentist
ga: 5. Optometrist
Pagkakaroon
ng
sapat na
kaalaman
sa
animalrightsa
t
pagkalinga
sa mga
strayanimals
Kakayahan:
Membership
and
Linkages in
different
animal
welfare
associations

c. Pag-uugnay ng halimbawa
-Magpapakita ng mga larawan at ipahula sa kanila ang bawat
isa.

Paglinang ng Aralin
Pagtatalakay ng Konsepto at Kasanayan
- Pangkatang Gawain
Pangkatin sa limang grupo ang klase. Pag-usapan ang mga
detalye ng bawat Key Employment
Generators. Pumili ng lider na mag-uulat. (gawin sa loob ng
15 minuto)(Collaborative
Approach)
Sagutin ang sumusunod na katanungan: (gawin sa loob ng
5 minuto) (Reflective
Approach)
1. Ano-ano ang mga Key Employment Generators?
2. Alin sa mga Key Employment Generators ang tumutugma
sa iyong kakayahan, interes o hilig
sa buhay?
3. Bakit mahalaga ang pagtutugma ng mga personal na
salik at mga requirements sa
pinaplanong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
sining o sports, negosyo o
hanapbuhay?
d. Paglinang ng kabihasnan
Gamit ang Goal Setting and Action Planning Chart, isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa
pagbubuo ng karera o negosyo. (gawin sa loob ng 10 minuto) (ConstructivistApproach)

Mithiin (Goal) Balangkas ng mga Hakbangin (ActionPlan)


1. Sa minimithing karera o negosyo a. _________________________________
___________________________ b._________________________________
___________________________ c._________________________________

2.Sa pag-aaral
___________________________ a. _________________________________
___________________________ b. _________________________________
___________________________ c. _________________________________

3. Sa pamilya a. _________________________________
___________________________ b._________________________________
___________________________ c._________________________________

4.Sa sarili (personal)


___________________________ a. _________________________________
___________________________ b. _________________________________
___________________________ c. _________________________________

 Pangwakas na Gawain
e. Paglalapat ng Aralin(Analisis)
- Pangkatang Gawain
Aktibiti: Bakit mahalaga ang pagpaplano sa karera o negosyong
tatahakin? iulat sa klase ang sagot ng grupo

g. Paglalahat ng Aralin (Abstaksyon)

Magkakaroon ng Maikling talakayan.


h. Pagtataya ng Aralin- Pagsusulit

i. Kasunduan (Takdang Aralin)


-Mag-aral nang maigi para sa susunod natin na leksyon.

Inihanda ni:
MERAPRECE D. DE ASIS
Guro-ES7
Sinang-ayunan ni:
MA. LIZA T. BANDOLA
School Head

You might also like