You are on page 1of 5

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Markahan 2
Aralin 1

CapSLET
Capsulized Self-Learner
Empowerment Tool-Kit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

HINDI IPINAGBIBILI
Para sa Tanging Gamit ng Lungsod ng Zamboanga

Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


1

ASIGNATURA
EsP7 MARKAHAN 2 LINGGO 1 ARAW ________________
AT BAITANG dd/mm/yyyy

CODE EsP7PS-IIa-5.1
KASANAYANG Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-
PAMPAGKATUTO loob.

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang


inyong sagot sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Naibibigay ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
Paksa: Isip at Kilos-Loob: Mga Katangian, Gamit at Tunguhin ng isip at kilos-loob.
Panimula:
Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi ka
naulit sa kasaysayan. Natatangi Tawagin mo ito ay isang talinghaga subalit ito ay toto.
Sa madaling salita, ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang
Linangin
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila
sa kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya; katangiang taglay
lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr.
Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap; Ito ay ang isip, ang
puso at ang kamay o katawan.
Ang isip ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay,
na may kapangyarihang mangatwiran, manghusga, magsuri, mag-alala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect),
katwiran (reason), intelektwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensya
(conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa
bawat pagkakataon.
Ang puso ay ang maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao
ng tao.Nakararamdam itong lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito
nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.
Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay ditto natatago.
Ang kamay o katawan ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw,
paggawa at pagsasalita na karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o
gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang
mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi
ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng
isip at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao
ang nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrument sa pakikipag-ugnayan sa
ating kapwa.
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya
nang Malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang
kapangyarihang pimili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-loob.

Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


MELINDA A. LOZADA, SST-III
ZCHS-Main
2

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.


Isip Kilos-Loob
Gamit Pag-unawa Kumilos/Gumawa
Tunguhin Katotohanan kabutihan

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Ano ang katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-


loob?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Maaari mo bang tukuyin ang iyong natutuhan?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

GAWAIN 1:
Panuto: Masdan ang mga sumusunod na larawan. Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?

2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?

3. Anong mga kakayaha ng mga ito?

4. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag.

Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


MELINDA A. LOZADA, SST-III
ZCHS-Main
3

GAWAIN 2: Concept Map


Panuto: Batay sa salitang “TAO”, Ibigay ang salita o mga parirala sa naunawaang
konsepto sa nabasang sanaysay na nagpapatangi sa tao.

TAO

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

✓ Ang tao ay espesyal at may taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi


sa kanya.
✓ Dahil sa kanyang kakayahan, ito’y nagpapaangat sa kanya sa iba apng nilikha
✓ Inaasahan gagamitin niyang mga taglay niyang kakayahan ng tama sa mga
sitwasyon.
✓ Nilikha ang tao ayon sa kawangis ng Diyos kaya ang tawag sa tao ay kanyang”
Obra Maetra”.
✓ Ang tao ay may tatlong mahahlagang sangkap:
Ang isip. May kakakyahang mag-isip,alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
Puso-Maliit na bahagi ng ktawaan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
Kamay o katawan- sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa
at pagsasalita.
✓ Ang kapangyarihang pumili magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na
kilos=loob.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag gamit ang tamang sagot sa loob ng kahon.

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Isip Tao Dr. Manuel Dy Jr. Kilos-Loob Puso Kumilos

Katotohanan Kabutihan Kamay o Katawan Pag-unawa

___________ 1. Ang maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng


tao.
___________ 2. Tunguhin ng Kilos-loob
___________ 3. Ang sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita.

Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


MELINDA A. LOZADA, SST-III
ZCHS-Main
4

___________ 4. Gamit ng Isip.


___________ 5. Ang may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang
bagay.
___________ 6. Ang may kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.
___________ 7. Gamit ng Kilos-loob
___________ 8. Ang nagsabi na ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap.
___________ 9. Tunguhin ng Isip
___________ 10. Ang biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLet.

➢ Manuel B. Dy, Jr., Sheryll Gayola, Marivic Leaňo, Mary Jean


B. Brizuela, Ellanore G. Querijero, Edukasyon sa
Pagpapakatao -Ikapitong Baitang para sa Mag-aaral, ed.
Luisita B. Peralta, Pasig City: Vibal Publishing House, Inc.,
Sanggunian 2013, 117-136
➢ http://www.learnhive.net/learn/cbse-grade-3/environmental-
science/plants
➢ https://en.wikipedia.org/wiki/Dhole
➢ https://www.123rf.com/photo_17604593_casual-young-man-
standing.html
This learning resource contains copyright materials. The use of
which has not been specifically authorized by the copyright owner.
We are making this learning resource in our efforts to provide printed
and e-copy learning resources available for the learners in reference
to the learning continuity plan for this division in this time of
pandemic.
DISCLAIMER
This LR is produced and distributed locally without profit and will be
used for educational purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer. Credits and


respect to the original creator/owner of the materials found in this
learning resource.

Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


MELINDA A. LOZADA, SST-III
ZCHS-Main

You might also like