You are on page 1of 17

MODYUL 1:

Mga Angkop at
Inaasahang
Kakayahan at
Kilos
sa Panahon ng
Pagdadalaga at
Pagbibinata.
Mga Palatandaan ng pag-unlad sa iba’t ibang aspeto:

Pangkaisipan:
Nagiging mahusay makipag talakayan
Nakagagawa ng pagpaplano sa hinaharap
Nahihilig sa pagbabasa at
nakakapag memorya

Panlipunan:
Nagkakaroon ng maraming kaibigan
Nagiging rebelde
Dumadalang ang pangangailangang
makasama ang pamilya

Pandamdamin:
Nag aalala sa pisikal na anyo
Nagiging mapag-isa
Madalas malalim ang iniisip

Moral:
Alam kung ano ang tama o mali
Tinitimbang ang pamimilian bago mag pasya
Pantay ang pakikitungo sa kapwa.
Tatlong mahalagang layunin ng inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda.

1. Gabay- kung ano inaasahan ng lipunan sa


bawat yugto ng buhay.

2. Motibasyon- nagsisilbing pangganyak


upang gawin ang mga inaasahan sa kanya

3. Malilinang ang kakayahng iakma ang sarili


sa mga bagong sitwasyon.
Walong inaasahang kakayahan at kilos na
dapat malinang ayon kay Havighurst.
Pagtamo ng bago at ganap na
pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Pagtanggap ng papel sa lipunan na
akma sa babae at lalaki
Pagtanggap sa mga pagbabago sa
katawan at paglapat ng tamang
pamamahala
Pagtamo ng mapanagutang asal sa
pakikipag kapwa
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa
ng maingat na pagpapasya
Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Paghahanda para sa pag-aasawa at
pagpapamilya
Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga.
MODYUL 2:
Talento Mo, Tuklasin,
Kilalanin at Paunlarin.
Talento Kakayahan
Biyaya at kakayahan Kalakasang
Pambihira at likas na intelektuwal upang
kakayahan makagawa ng
Genetics o minana sa pambihirang bagay
magulang Likas o tinataglay ng
ato dahil sa
kakayahang mag-isip

Bawat tao ay may talento at kakayahan. Bawat


tao ay may kani kaniyang panahon ng pagsibol.
Ang iba ay tinatawag na late bloomer.
Multiple Intelligences ni Dr. Howard Earl Gardner

Visual/Spatial
 Paningin
 Pag-aayos ng mga ideya
 Madaling makita sa isip ang gagawin
 Maaaring maging alagad ng sining o taga- disenyo
 Arkitektura at inhinyera

Verbal/Linguistic
 Talino sa wika ( pasalita o pasulat)
 Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento, at pagmememorya ng mga
salita at petsa
 Mahusay sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpatis
 Mga nasa larangan ng pagsulat, abogasya, pamamahayag (journalism)
politika, pagtula at pagtuturo
Mathematical/ Logical
 Mabilis ang pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at pag lutas ng
suliranin (problem solving)
 Kaugnay ng lohika at numero
 May kahusayan sa matematika, chess, computer programming
Bodily/Kinesthetic
 Mas natututo sa paggamit ng katawan gaya ng pagsasayaw o paglalaro
 Mausay sa pagbuo at paggawa ng mga bagay gaya ng pagkakarpintero
 Muscle memory
 Tinatahak ang pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pagaartista,
pagiging doctor, konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo
Musical/Rhythmic
 Nauukol sa ritmo tunog tono at musika
 Mang-aawit, conductor, disc jockey, orator, manunulat ng tugtugin
Intrapersonal
 Kakayaang linangin ang sariling damdamin saloobin at kilos
 Mapagnilay
 Pipiliing mapag-isa maging sa pagtatrabao
 introvert
Interpersonal
 Talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao
 Bukas sa pakikipag-kapwa o extrovert
Naturalist
 Pagmamasid sa kalikasan at kapaligiran na angkop sa mga magsasaka at
magaalaman
 Enironmentalist
 Magsasaka o botanist
Existentialist
Pagtuklas ng katotohanan tungkol sa sarili at sa gampanin sa mundo
MODYUL 3:

Pagpapaunlad
ng mga Hilig
HILIG- preperensya sa mga particular na uri ng gawain,
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.

Dalawang aspekto ng mga hilig:


1. Larangan ng mga hilig
 Outdoor- nasisiyahan sa mga gawaing panlabas
 Mechanical- paggamit ng mga kagamitan o tools
 Computational- gamit ang bilang o numero
 Scientific- pagtuklas ng bagong kaalaman at pag imbento
 Persuasive- pakikipag kaibigan
 Artistic- nagiging malikhain at pag didisenyo
 Literary- pagbabasa at pagsusulat
 Musical- pakikinig at paglikha ng awit, pagtugtog ng
instrumentong musical
 Social Service- nasisiyahang tumulong sa ibang tao
 Clerical- gawaing pang-opisina

2. Tuon ng atensiyon
 Tao
 Datos- katotohanan, records, files, detalye
 Bagay- tools, machine
 Ideya- pag-iisip at organisa ng ideya
MODYUL 4:
Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan

 Tungkulin sa Sarili
Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa
sarili
Pagpapaunlad ng talent at kakayahan
Makabuluhang paggamit ng hilig
 Tungkulin bilang anak
Mahalin, igalang at pagkatiwalaan ang mga magulang
 Tungkulin bilang kapatid
Mahalin at igalang ang mga kapatid
 Tungkulin bilang mag-aaral
Mag-aral mabuti at pagyamanin ang sariling mga
kakayahan
 Tungkulin sa pamayanan
Makibahagi, tumulong at makiisa sa pamayanan at
sumunod sa batas
 Tungkulin bilang mananampalataya
Manalangin araw-araw
 Tungkulin bilang consumer ng media
Piliin ang panonoorin, at gamitin ang media ng may
pananagutan
 Tungkulin sa kalikasan
Makiisa sa mga gawaing pangkalikasan
Gawain #1
Isulat kung anong aspeto ang nalilinang sa mga sumusunod:
(pangkaisipan panlipunan moral pandamdamin)
1. Alam ang tama at mali.______________
2. Nagkakaroon ng maraming kaibigan._____________
3. Mahusay makipagtalakayan._________________
4. Nagaalala sa pisikal na anyo.__________________
5. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap._______________
Tama o Mali
Ang mga inaasahang kilos at kakayahan na dapat malinang ay…
6. pagkakaroon ng pagpapahalaga.__________
7. Umasa sa mga magulang.____________
8. makagawa ng maingat na pagpapasya.____________
9. sumunod sa lahat ng Gawain ng barkada._________
10. Paghahanda sa paghahanap buhay.____________

Gawain # 2
Sang-ayon o hindi.
1. Angpaparoon ng tiwala sa sarili ay isang paraan ng pagpapaunlad ng sarili.
2. Ang paggamit ng mga talent at kakayahan para sa sarili lamang ay higit na mabuti kaysa ibahagi sa iba.
3. Isa sa mga paraan ng pagpapaunlad ng sarili ang pagkakaroon ng kamalyan sa sariling kakayahan.
4. Piling pili lamang ang mga taong may talino.
5. Lahat ng tao ay may kakayahan.
6. Sa pagpapaunlad ng sarili, mabuting sumangguni sa dalubhasa.
7. Bigyang tuon ang kakayahang hindi mo taglay bilang tulong sa pag unlad.
8. Napakalaki ng kaibahan ng talino sa kakayahan.
9. Maaaring paglabanan ang kahinaan.
10. Mahalagang matuklasan ang taglay na kahinaan sa pagpapaunlad ng sarili.

Gawain # 3
Tukuyin kung saang talino kabilang ang mga sumusunod na pahayag.
Intrapersonal naturalist verbal interpersonal bodily kinesthetic visual musical
1. taglay ng tao na may lubos na kaalaman sa wika____________
2. ukol sa ritmo, tunog, at tono_____________
3. kakayahang kontrolin ang paggalaw ng katawan______________
4. madaling Makita sa kanyang isip ang nais niyang gawin______________
5. ukol sa kahusayan sa pagbasa at pagsulat___________________
6. ukol sa pakikipag ugnayan sa sarili_______________
7. ukol sa pakikipag ugnayan sa kapwa____________________
8. ginagamitan ng muscle memory______________
9. pagmamasid sa kapaligiran at kalikasan_____________________
10. nais maging mapag-isa______________
Gawain #4 (Summative Test (Module 1 & 2)
I. Tama o Mali
1. Bawat tao ay may mga inaasahang kakayahan at kilos.
2. Inaasahan sa isang nagdadalaga at nagbibinata na tanggapin ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili.
3. Habang nagkakaisip ang isang tao pareho lamang ang kanyang pagtingin sa kaniyang kapwa.
4. Kailangan ng isang nagbibinata at nagdadalaga ang gabay mula sa mga nakatatanda.
5. Nakasasama sa pakikipag ugnayan ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.
6. Ang paghahanda sa pagpapamilya ay hindi mahalagang linangin ng isang tinedyer.
7. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay landas patungo sa tagumpay.
8. Sa isang nagdadalaga at nagbibinata ang pagpapasya ay laging naka depende sa sasabihin ng kanyang
mga magulang.
9. Ang pagtataglay ng mga kakayahan at kilos ay mahalaga para sa iilang tao lamang.
10. Hayaang mangibabaw ang mga kalakasan at ang mga kahinaan ay hayaang ibaon sa limot na lamang.

II. Alamin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa kahon.

Naturalist Mathematical/Logical Intrapersonal Talento


Musical/Rhythmic Kakayahan Interpersonal Visual/Spatial
Bodily/Kinesthetic Verbal/Linguistic

11. Ito ay pambihira at likas na kakayahan.


12. Kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
13. Talinong may kinalaman sa lohika at numero.
14. Ang taong may talinong ito ay mabilis matuto sa pamamagitang ng paningin.
15. Talino sa pagbigkas at pagsulat ng salita.
16. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng ritmo o musika.
17. Mataas ang muscle memory ng taong may ganitong talino.
18. Talino na kaugnay ng kakayahang magnilay at mapag-isa.
19. Taong bukas sa pakikipagkapwa o extrovert.
20. kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist at magsasaka.
III. Isulat kung sang-ayon ka o hindi sa mga sumusunod na pahayag.

21. Walang takdang panahon ang pagusbong ng talento.


22. Dapat ikasira ng loob ang mga kahinaan.
23. May mga taong tinatawag na late bloomer.
24. Pili lamang ang mga taong espesyal.
25. Ang Multiple Intelligences ay teorya ni Gardner.
26. Magkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kung aasa tayo sa opinion ng iba.
27. Ang tiwala sa sarili ay namamana.
28. Isang mabisang paraan ng pagpapaunlad sa sarili ang paggawa ng plano o hakbang para makamit ito.
29. Ang talento ay isang biyaya.
30. Ang mga talento at kakayahan ay dapat na sinasarili lamang.
Gawain #5 (Long quiz ( Module 3 and 4))
A. Tukuyin ang mga sumusunod na larangan ng hilig.
Musical hilig clerical artistic persuasive mechanical
scientific computational Literary outdoor social service
1. preperensya sa mga particular na gawain
2. paggamit ng tools
3. pakikipagkaibigan
4. pagtulong sa ibang tao
5. hilig sa gawaing panlabas
6. paglikha o pagimbento
7. pagbasa at pagsulat
8. hilig sa bilang o numero
9. gawaing pang-opisina
10. pagdidisenyo
11. pakikinig at paglikha ng awit
B. Tukuyin kung anong/saang tungkulin ang ipinapahayag ng mga sumusunod.
Mananampalataya anak mag-aaral consumer ng media mamamayan
Kapatid sarili kalikasan
12. pagmamahal sa magulang
13. mag-aral mabuti
14. maayos na pagtatapon ng basura
15. pagpapaunlad ng talent
16. maayos na pakikitungo sa kapatid
17. pagsunod sa batas
18. pagpili ng panonoorin
19. pananalangin
20. Magbigay ng isang tuon ng atensyon_____

Gawain #6

Sumulat ng tula tungkol sa talent at kakayahan.


Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao
7-
Teacher’s Guide
STRATEGIC
INSTRUCTIONAL
MATERIAL IN

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 7

You might also like