You are on page 1of 10

Pagmamay-ari ng BUSCO ACADEMY MPC

HINDI IPINAGBIBILI
7
Edukasyon sa Pagka-Tao at
Pagpapakatao 7
Unang Markahan - Pangalawang Linggo
Modyul 1
Yunit I: Kaaya-ayang Buhay-tinedyer
Aralin 2: Aking Talento at Kakayahan
Lilinangin ko

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 7
Alternative Delivery Mode

Quarter 1 - Module 1:

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government
of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created
shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate
and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them.

Mga Bumubuo at Kasapi ng Modyul

Guro: Mylene B. Segocio


Tagasuri: Mark Joseph Babon
Tagaguhit: Ang mga larawan ay kinuha mula sa Google.com
Mga Namamahala
Chairman: Ambrosio J. Dragon

Directress: Marilyn S. Quintos

Principal: Vivian D. Bergaño

Printed in Busco Academy MPC, Quezon, Bukidnon

Office Address: Busco, Butong, Quezon, Bukidnon

Cellphone Number: 09973173380

2
Alamin

Mahal naming mag-aaral! Sa unang lingo ng modyul 1 ay nalaman mo na ang tulad mong
nagdadalaga o nagbibinata ay mayroong mga inaasahang kakayahan at kilos na kailangang
linangin upang umunlad bilang isang mabuting tao. Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat
para matulungan ka na malaman ang tungkol sa talent at kakayahan, lilinangin niyo at
maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing
inihanda dito. Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipapaliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
panahon ng pagdafalaga/pagbibibinata ay naktutulong sa:
Layunin:
1. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
2. Paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adolescence): (paghahanda sa
paghahanapbuhay,paghahanda sap ag-aasawa / pagpapamilya, at pagkakarooon ng mga
pagpaahalagang gabay da mabuting asal), at pagiging mabuti at magpanagutang tao.
3. Pag-unawa ng kabataam sa kanyang mga tungkulin sa sarili , bilang anak, kapatid, mag-aaral,
mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang
paraan upang mgaing mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay

Pangkalahatang Panuto!
Paano mo Matutunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
❖ Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Aking Takento at Kakayahan,Lilinangin ko
❖ Sundin ang bawat panutong ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
❖ Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.
❖ Maghanda ng isang buong malinis papel para ilapat ang sa sagot sa buong Gawain.

3
Subukin
Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa lamang. Bigyang pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.

A. Panuto: Isulat ang titik ng pinakaangkop sa sagot.


1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talent at kakayahan maliban sa:
a. Ang talent ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay
kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talent ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang
kakayahan ay tinatagalay ng tao dahil sa kanyang kakahayahang mag-isip.
c. Ang talent ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa
kakayahang mag-isp.
d. Ang talent ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay
kailangang dumaan sa proseso pagsasanay
2. Tama o Mali. Ang paggamit ng talento o kakayahan ay hindi lamang isang paraan upang higit na
mapaulnlad ang mga taglay na talent at kakayahan tungo sa karagdagang tiwala sa sarili kung hindi isa
ring paraan ng paglilingkod sa kapwa.
a. Tama
b. Mali

3. Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sap ag-
awit. Sa edad na tatlo,makasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay nagging, mahiyain si Joanna
at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam
ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talent dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa
mga Gawain sa klase o sa paaralan.
Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanila lamang bahay kasabay ang kanyang
nakakatandang kapatid.

Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan.
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao.
d. Ang kanyang mga kamag-aal dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.
4. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sap ag-awit sa
sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat
ng kanyang paligsahan at pagtatanghal
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang
hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talent at hindi
matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.

5. Bakit mahalalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?


a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit

4
B. Kilalanin ang sarili
Madalas
Basahin ang bawat pangungusap at unawaing mabuti. Isalin at ilapat sa isang buong papel.Lagyan ng
tsek() ang hanay ayon sa kaangkupn nito sa iyo.

HindiPaminsan- Palagi
minsan

1.Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng aking sariling kaisipan


2.Nasisiyahan akong mag-ayos g aking silid.
3.Nadaragdagan ang aking kaalaman kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
4.Nasisiyahan akong mag-aral ng Physical Science.
5.Malaki ang naitutulong sa akin kung ang panuto ay isa-isang ipinaliliwanag.
6.Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musia.
7. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng kamay.
8. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
9. Mahalaga para sa akin ang relihiyon.
10. Nasisiyahan akong magmasid sa likhang-sining.
11. Gusto ko ng mga larong panlabas.
12. Nasisiyahan akong magtrabaho sa halamanan.
13. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
14. Nais kong pangalagaan ang kapaligiran.
15. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.

Basahin ang iyong mga sagot sa tsart. Ilan ang sinasagutan mo ng Palagi?ng Madalas? ng Paminsan-minsan? ng Hindi?

Nakatulong ba ito upang makilala mo ang iyong sarili? Natukoy ba ang mga kaya mong gawin?

Balikan
Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong nakaraang
pagtatagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa ibaba. Simulan na natin
ang pagbabasa.

Aralin
2 Yamang Likas ng Asya

Noong nakaraang talakayan ay nalaman mo na ang tiwala sa sarili ay isang virtue kung saan
kinikalala at tinatanggap ng isang tao ang kaniyang kakayahan tungo sa kaniyang pag-unlad. Sa isang
nagbibinata o nagdadalagang katulad mo, mahalgang malinang nang husto ang tiwala sa sarili.Kailangan
mong tanggapin, linangin, at pagtatagin ang tiwala mo sa iyong sarili. At kung magagawa mong tanggapin
ang iyong sarili na may lakas at mayroon ding kahinaan,matatanggap mo rin at mauunawaan ang
pagkakaroon ng ibang tao ng kalakasan at kahinaan.

5
Tuklasin
Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo muna ang gawain
sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong kaalaman tungkol sa panong paraan
mo nagagamit ang iyong mga talento at kakayahan? Isulat at ilapat sa buong papel ang iyong
sagot gamit ang pormat sa ibaba:

Talento o Kakayahan Paraan ng Paggamit Epekto


Sa Pamilya Sa Sarili
Halimbawa: Tuwing Sabado at Nasisiyahan ang aming Lalong umuunlad ang
Pagluluto Linggo,nagluluto ako sa pamilya. aking kaalaman.
bahay.

Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang pag-uusapan sa
araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para maliwanagan ka sa daloy ng
talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Ano ang pagkakaiba ng talento sa kakayahan? Basahin ang mga kahulugan ng bawat isa:

TALENTO KAKAYAHAN
- dunong o karunungan - kahusayan
- talinong likas sa tao - paggamit ng talino sa paggawa
- naipakikita sa paggawa nang ng isang bagay
buong husay - hindi tumutuloy sa kalidad ng
ginagawa kundi sa abilidad sa
paggawa

Ang paggamit ng talento o kakayahn ay hindi lamang isang paraan upang higit na mapaunlad ang mga taglay
na talento at kakayahan tungo sa karagdagang tiwala sa sarili kung hindi sa ring paraan ng paglilingkod sa
kapwa.

Pagtibayin
Kung sururiin ang kahulugan ng talento at kakayahan, ang mga ito ay magkaugnay. Pinagtitibay
lamang ang katotohanan na ang lahat ng nilalang ay may likas na talento at kakayhan. Napauunlad ang mga
ito sa palagiang paggamit. Halimbawa, kung ikaw ay may talento sa pagsayaw at madalas ang iyong
pagsasanay,ito ay lalo pang uunlad. Katulad rin ito ng talento sa pag-awit,isports at pagluluto.
Sa paggamit ng talento at kakayahan,kailangan ang patitimpi at moderasyon. Ito ay ang virtue na
makatutulong sa pagkakaroon ng disiplinang pansarili. Sa pamamagitan ng mga virtue na ito,mapagtatanto mo
kung kailan ,saan, at paano gamitin ang mga talento at kakayahan para sa kabutihan ng sarili at ng
sambayanang kinabibilangan.
Basahin,unawain,at tuklasin ang talino ayon sa Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner. Gawing
batayan ang ginawang pagsasanay sa Suriin,Kilalanin ang sarili.
1. Visual/Spatial

6
Nagtataglay ng ganitong talino at kakayahan ang taong madaling makita
sa kaniyang isip ang nais niyang gawin. Maaaring maging alagad ng
sining,taga-disenyo, o arkitekto ang taong may taglay ng ganitong talino.
2. Linguistic/Verbal
Ang talinong ito ay tungkol sa wika,pasalita man o pasulat. Ang taong
may mataas na verbal/linguistic na talino ay nagtataglay ng lubos na
kaalaman sa wika. Mahusay siya sa pagbasa,pagsulat ,pagkukuwento, at
pagsasaulo ng mga salita at petsa. Madali rin siyang matutuo sa pakikinig
ng panayam,diskurso, at dabate. Magaling din siya sa pagtuturo at
pagpapaliwanang. Angkop sa mga taong may ganitong talino ang maging
maununulat,
mananalumpati,guro,abogado,mamamahayag,makata,politko, o pilosopo.
3. Logical/Mathematical
Taglay ng tao ang talinong ito kung may kakayahan siya sa
pangangatuwiran. Kahanga-hanga ang kanyang galinga sa
matematika,chess,computer programming at iba pang gawaing ma
kinalaman sa lohikal at matematikal na gawaain. Ang mga taong may
ganitong talino ay karapat-dapt na maging siyentipiko,pisiko matematiko,
inhenyero, mangangamot, ekonimista o pilosopo.
4. Kinesthetic
Ang talinong ito ay ukol sa kakayahang pamahalaan ang paggalaw ng
katawan. Mahusay sa pisikal na Gawain ang taong may ganitong talino,
tulad ng isports o sayaw. Ang mga may ganitong talino ay
karaniwang,gumagamit ng muscle memory. Naalala nila ang mga bagay
sa pamamgitan ng kanilang katawan tulad ng verbal memory. Sila ay
mahusay na manlalaro, mananayaw, musikero, artista, siruhano,
mangamgamot, sundalo o pulis.
5. Musical
Ito ay nauukol sa ritmo,tunog,tono, at musika. Ang taong may ganitong
talino ay nakakaawit,nakalilikha ng awit, at nakatutugtog nang mahusay.
Sapagkat mahusay ang kaniyang pandinig, mas madali siyang matuto sa
panayam. Madaling malinang ang kasanayan sa wika ng taong may
kakayahan sa musika. Angkop sa mga may ganitong talino ang maging
mang-aawit,conductor,disc jockey, orator, mangangatha ng tugtugun, o
manunulat.
6. Interpersonal
Ito ang talino sa pakikipag-ugnayan. Ang interes ng taong may ganitong
talino ay hindi sa sariling damdamin kundi sa buhay, sa kapaligiran, at sa
mga tao. Madali niyang nalalaman ang damdamin at pangangailangan ng
kapwa. Nakikiisa siya sa Gawain ng sambayanan bilang kasapi ng
pangkat. Magiging epektibo ang mga taong may ganitong talino sa
pagtuturo,sa politika, o sa pagiging manager.
7. Intrapersonal
Ito ay natutungkol sa kakayahang linangin ang sariling damdamin,
saloobin, at kilos. Sa pamamagitan ng pagninilay,natutuklasan niya ang
sariling pangangailangan. Nauunawaan niya ang sarili. Ang ganitong uri
ng tao ay mas pipiliin ang mapag-isa maging sa pagtatrabaho. Angkop
sa mga taong may ganitong talino ang maging theologian, pilosopo,
sikologo, abogado o manunulat.
8. Naturalist
Ito ay isang talino sa pagmamasid hindi lamang sa kalikasan kundi
maging sa kapaligiran na angkop sa mga magsasaka,maghahalaman, o
naturalist.
9. Existential
Ito ay talino ukol sa pagtuklas ng katotohanan tungkol sa sarili at
gampanin sa mundo,Angkop rito ang mga shaman, pari, siyentipiko,
pilosopo, physicist, cosmologist, o matematiko.

7
Gawin: Panuto: Isulat sa buong malinis na papel kung sang-ayon ka o hindi sa sumusunod na pahayag.
____________1. Ang paggamit ng talento at kakayahan para sa sarili lamang ay higit na mabuti kaysa
gamitin ito sa kapwa.
__________2. Isa sa mga paraan upang pahalagahan ang sarili ay ang pagkakaroon ng kamalayan sa sariling
kakayahan.
__________3. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay isang paraan ng pag-unlad ng sarili.
__________4. Piling-oili lamang ang mga taong pinagkalooban ng talino
__________5. Lahat ng tao ay may kakayahan.

Pagyamanin

Dahil tapos mo nang basahin ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang inihandang gawain sa
ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka sa iyong binasa. Umpisahan na ang
pagsagot sa gawain.

Panuto:Batay sa mga ginawang pagsasanay at mga pahayag sa aralin,paano mo ilalarawan ang iyong sarili?
Umisip ng isang simbolo na angkop sa sarili. Maaaring iguhit ang simbolo sa puting papel. Ibahagi at isulat sa
buong malinis na papel.

Halimbawa : Gitara

ang gitara ay sumisimbolo nag papakita ako nang kasiyahan


sa iba kahit na mismong ang sarili ko ay hindi ko kayang gawan o maramdaman ang
saya sa mga bagay bagay ngunit ninanais ko na maging masaya ang mga taong
nakapaligid sa akin kahit hindi na ako sapagkat ako yung taong natutuwa na rin
kapag may na turuwa sa mga ginagawa ko.

Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa araw na ito. Basahin
mo ang teksto sa ibaba.

TALENTO
- dunong o karunungan
KAKAYAHAN
- kahusayan
Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner:
1. Visual/Spatial- taong madaling makita sa kaniyang isip ang nais niyang gawin.
2. Linguistic/Verbal- taong may mataas na verbal/linguistic na talino ay nagtataglay ng lubos na
kaalaman sa wika.
3. Logical/Mathematical- taglay ng tao ang talinong ito kung may kakayahan siya sa pangangatuwiran.
4. Kinesthetic- mahusay sa pisikal na Gawain ang taong may ganitong talino, tulad ng isports o sayaw.
5. Musical- ang taong may ganitong talino ay nakaawit,nakalilikha ng awit, at nakatutugtog nang mahusay.
6. Interpersonal- ang interes ng taong may ganitong talino ay hini sa sariling damdamin kundi sa buhay,sa
kapaligiran, at sa mga tao.

8
7. Intrapersonal- ang ganitong uro ng tao ay mas pipiliin ang mapag-isa,maging sa pagtatrabaho.
8. Naturalist- talino sa pagmamasid hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa kapaligiran na angkop sa mga
magsasaka,maghahalaman, o naturalist
9.Existential- talino ukol sa pagtuklas ng katotohanan tungkol sa sarili at gampanin sa mundo.

Isagawa
Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may idadagdag pang gawain para
mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng
sagutan ang gawain sa ibaba.

Panuto: Paunlarin ang talento at kakayahan. Isulat sa malinis at buong papel ang talinong taglay gamit ang
pormat sa ibaba. Isulat din ang mga paraang gagamitin sa pag-unlad at panahong ilalaan dito.

Talinong Taglay Paraan Panahon


Halimbawa: Musika Pagsasanay sap ag-awit Dalawang oras araw-araw sa loob
ng isang buwan

Tayahin
Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang matukoy ang lawak ng iyong
nalalaman tungkol sa mga natalakay na paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Tukuyin kung saang talino kabilang ang mga pahayag ayon sa teorya ni Dr. Gardner. Isulat
ang sagot sa buong papel.
Talino:
_________1. Taglay ng tao na may lubos na kaalaman sa wika
_________2. Ukol ito sa ritmo,tunog, at tono
_________3. Ukol ito sa kakayahang kontrolin ang paggalaw ng katawan
_________4. Taglay ng taong madaling makita sa kaniyang isip ang nais niyang gawin
_________5. Ukol ito sa kahusayan sa pagbasa at pagsulat
_________6. Ukol ito sa pakikipag-ugnayan sa sarili
_________7. Ukol ito sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
_________8. Ginagamitan ng muscle memory
_________9. Pagmamasid sa kalikasan at kapaligiran
_________10. Preference na mapag-isa

Karagdagang Gawain
Susubukan natin ngayon ang iyong kakayahan sa pagsasaliksik. Sa bahaging ito, ikaw ay
magsasaliksik tungkol sa buhay ng isang sikat na personalidad. Sundin lang ang panuto sa
ibaba. Simulan mo na ang gawain.

Ang sarili ay nakikilala hindi lamang sa sariling pagninilay kundi maging sa pakikinig sa puna(feedback) ng iba.
Basahin ang isang karanasan ng pagkakatuklas ng isang kakayahan.

9
May Halaga Ka

Isang mangangalakal ang nagkuwento ng tungkol sa kaniyang sarili:


Bumagsak ako sa klase noong ako’y Grade Three na nagdulot ng kawalan ko ng tiwala
sa sarili. Lubha akong naapektuhan kung kaya noong nasa High School na ako halos mamalagi
ako sa kahulihan ng klase. Isang araw, may naganap na isang pangyayari na nakapagpabago
ng pananw ko sa buhay. Nagkaroon ng sayawan ang gaming klase. Sinabi ng aming titser na
isasama niya ang kaniyang kapatid na babae.

Araw ng sayawan, dumating ang gaming titser kasama ang kaniyang kapatid. Ang
unang-unang ginawa niya ay ipinakilala ako sa kaniyang kapatid. Hinahwakan niya ang aking
balikat at sinaing, “Patsy, gusto kong makilala mo si Tony. Siya ang may pinakamagandan ngiti
sa klase.” Hindi niya lang sinabing,” Ito si Tony, hindi siya marunong bumasa, hindi siya ang may
pinakamagandang ngiti sa kalse.” Isang kakayahan na hindi ko puna ay taglay ko pala.

Umuwi ako ng gabing iyon na masayang-masaya at nagbalik ang pagpapahalaga at


tiwala ko sa sarili. Simula noon, ako’y nagsumikap, nag-aral, nakatapos, at nagpakadalubhasa.
Naging guro at mangangalakal ako at kasalukuyang nagtatrabaho sa computer resources.
Nagsimula ang lahat ng aking pagbabagoo sa pagtingin ko sa sarili nang gabing iyon ng
sayawan nang may kumilala sa aking kakayahan, kakayahang magbigay ng pinakamagandang
ngiti.

Mihalic, Frank, The Next 500 Stories, Logos Publication,Inc. Manila(1993), p.129

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa buong papel ang iyong sagot.
1.Paano nanumbalik ang tiwala sa sarili ni Tony?
2.Ano ang nagging epekto ng pagbabalik ng tiwala sa sarili ni Tony?
Magaling! Pwede kanang magpatuloy sa susunod na aralin!
Sanggunian

Hanguang aklat
Arrogante Constantina, S, Belleza, Dodie, G., Cabato, Carmen, M., Ramirez,Vernica,E. PhD, Edukasyon sa
Pagpapakatao. Vibal Publishing House,Inc 2013.
Hanguang Elektroniko
https://drive.google.com/file/d/0B7gKJsXjnx7rZ21VWFNJUDd1V3M/view
http://educationalprojams.weebly.com/uploads/1/0/2/3/102353042/esp_lm_q3.pdf

Answer key: Tayahin


Subukin
1. d 1. Linguistic 7. Interpersonal
2. a 2. Musical 8. Kinesthetic
3. b 3. Kinesthetic 9. Naturalist
4. c 4. Visual 10. Intrapersonal
5. d 5. Linguistic
6. Existential

10

You might also like