You are on page 1of 4

Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Learning Delivery Modality BLENDED MODALITY

Paaralan Teofilo Olivera ES Baitang Grade 1


Guro Raquel B. Oliveros Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
TALA SA PAGTUTURO Petsa Week 1 Markahan First Quarter
Oras Bilang ng Araw 5

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang gusto, interes, potensyal, kahinaan at damdamin/emosyon.
b. Naipapakita ang aking galing at husay sa ibang tao
c. Natatanggap ang sariling kahinaan at damdamin/emosyon
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan,pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng pamilya.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipapakita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakikilala ang sariling gusto, interes, potensyal, kahinaan at damdamin.
D. Pinakamahalagang Kasanayan sa EsP1PKP-Ia-b-1
Pagkatuto (MELC) Nakikilala ang sariling:
Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan 1.1. gusto
sa pagkatuto o MELC 1.2. interes
1.3. potensyal
1.4. kahinaan
1.5. damdamin/emosyon
E. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang Kasanayan.)
II. NILALAMAN Aralin: Ang Sarili Ko, Kilala Ko
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro pp. 2-13, PIVOT BOW R4QUBE p. 194
b. Mga Pahina sa Kagamitang pp. 2-15
Pangmag-aral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Mga larawan at modyul
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Maipakita ang kanilang gusto, interes at potensyal
2. Mapaunlad ang kahinaan
3. Maipakita ang damdamin/emosyon na nais ipahiwatig

ALAMIN
Ang tiwala sa sarili ay mahalaga sa bawat batang tulad mo. Makikilala mo
kung saan ka magaling at mahusay. Ito ang magiging maganda mong katangian.
Mahalaga na alam mo ito sapagkat maaari mong magawa ang bagay na gusto o kaya
mong gawin nang naaayon sa iyong interes.
Ang bawat bata ay may kaniya-kaniyang interes, kakayahan, o talent na
ibinibigay ng Panginoon. Kailangan mo ito itong paunlarin at pagyamanin. Sa ganito ay
lubos kang magiging kapaki-pakinabang sa ibang tao. Anumang talent at kakayahan na
mayroon ka ay dapat mong ipakita o ipamalas para mapasaya ang iyong kapuwa.

SUBUKIN
Upang matukoy ang kaalaman mo sa araling ito, gawin muna ang gawain sa
ibaba.

Gawain 1 – Ipakilala ang iyong sarili

Punan ang kard sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

Ako si ______________________________________________.
Ako ay ___________________ taong gulang.
Ang hilig o gusto kong gawin ay
____________________________________________________.
Gawain 2
Matapos ang gawain sa itaas awitin naman ang bahay kubo kasabay ng pag-
indak.

Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa dalawang gawain?
2. Nagawa mo ba ito ng mahusay?

Binabati kita kung nagawa mo ng wasto ang mga gawain. Ito’y nagpapatunay
lamang na kilala mo na ang iyong sarili at ang iyong angking kakayahan.
Kung hindi mo ito nagawa ng wasto huwag kang malungkot dahil ang araling ito
ay tutulong upang mapalakas ang mga kahinaan mo.

B. Pagpapaunlad TUKLASIN

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga larawang ito ang kaya mong
gawin? Nagpapakita ba ito ng iyong interes at gusto?

Tulad mo, ang bawat bata ay may kaniya-kaniyang hilig, nais, at gusto.
Kadalasan nais mo itong ipakita at ibahagi sa iyong kapuwa bata. Masaya kang
maipakita ang iyong galing at husay sa ibang tao.

Gawain 3
Alin sa larawan sa itaas ang nais mo ding gawin? Kulayan ito.

SURIIN
Isa sa dapat mong malaman ay kung paano mo mapapaunlad ang iyong
talento.

Gawain 4
Alin sa mga sumusunod ang makakatulong upang mapaunlad ang iyong talent?
Lagyan ng tsek (√) ang patlang.
______1. Humingi ng gabay sa iyong mga magulang at guro.
______2. Humingi ng tulong sa iyong kapatid o kaibigan.
______3. Palaging mag-insayo.
______4. Magkulong lamang sa loob ng kuwarto.
______5. Palaging maglaro ng computer.

Likas sa isang batang tulad mon a gustong maging mahusay at mapaunlad ang
kakayahan. Kaya lamang, may mga bagay na hindi mo pa kayang gawin dahil sa ikaw
ay bata pa. Huwag ka sanang panghinaan ng loob. Mahalaga na ikaw ay magsanay
nang magsanay para mapabuti at mapalakas ang mga kahinaang ito. Maaari kang
gabayan ng iyong mga magulang at guro. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong
kapatid o kaibigan. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong dahil sila ang gagabay sa
iyo upang makamit ang iyong minimithing galling at husay.

C. Pakikipagpalihan PAGYAMANIN

Gawain 5

Bawat bata ay may hilig na gawin.


Bawat bata ay may kayang gawin.
Masaya ka kapag ang gawain ay nais o gusto mo.
Mahalaga na ang gawain ay gusto o nais mo dahil ito ay makakatulong upang
mapaunlad ang akin mong kakayahan.

Aling larawan kaya ang nagpapakita na gusto mo ang iyong ginagawa? Iguhit
at kulayan ito.

Gawain 6
Ano kaya ang iyong mararamdaman sa mga sitwasyon na nasa ibaba? Iguhit
ang masayang muka, malungkot, o galit na mukha sa bawat sitwasyon:

_____ 1. Naglalaro ang iyong mga kamag-aral at hindi ka isinali.


_____ 2. Nanalo ka sa “Timpalak sa Pag-awit” sa inyong barangay.
_____ 3. Tinawag ka ng iyong guro sa unahan ng klase upang magbasa ng tula.
Nagkamali ka sa pagbasa kaya pinagtawanan ka ng iyong mga kamag-aral.
_____ 4. Napili ang iyong iginuhit para isali sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining sa
inyong paaralan.

Gawain 7
Ano ang iyong nararamdaman kapag nakagagawa ka ng mga bagay na may
husay at galing? Ipaliwanag ito.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ISAGAWA

Gawain 8
Humanap at gumupit sa lumang magasin ng mga larawan na nagpapakita ng mga
nais mong gawin. Sa ngayon, maaaring ang ilan dito ay hindi mo pa kayang gawin
dahil ikaw ay bata pa.
Idikit ang mga ito sa iyong kuwaderno. Isulat ang dapat mong gawin upang
mapaunlad o mapalakas ang mga naisin mo.

D. Paglalapat ISAISIP
Ang tiwala sa sarili ay mahalaga sa bawat batang katulad mo. Makilkilala mo
kung saan ka magaling at mahusay. Ito ang magiging maganda mong katangian.
Mahalaga na alam mo ito sapagkat maaari mong magawa ang bagay na gusto o kaya
mong gawin nang naaayon sa iyong interes.
Ang bawat bata ay may kaniya-kaniyang interes, kakayahan, o talento na
ibinigay ng Panginoon bagamat ito ay may kaakibat ding kahinaan. Kailangan mo lang
gawin na ito ay paunlarin at pagyamanin. Sa pamamagitan ng sumusnod:
 Humingi ng gabay sa iyong mga magulang at guro.
 Humingi ng tulong sa iyong kapatid o kaibigan

Sa ganito ay lubos kang magiging kapaki-pakinabang sa ibang tao. Anumang


talento at kakayahan na mayroon ka ay dapat mong ipakita o ipamalas para mapasaya
ang iyong kapuwa.

TAYAHIN

Gawain 9
Iguhit ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng iyong gusto,
nais o interes, at X naman kung hindi.
_____ 1. Pinagsisikapan kong mapaunlad ang aking talento sa abot ng aking makakaya.
_____ 2. Natutuwa ako kapag ako’y kumakanta sa harapan ng mga tao.
_____ 3. Ikinahihiya ko ang aking angking talento.
_____ 4. Ako ay marunong tumugtog ng piyano at tuturuan ko ang aking kamag-aral na
interesadong matuto ng gawaing ito.
_____ 5. Sumasali ako sa mga paligsahan sa aming paaralan lalo na sa larangan ng pag-
awit.

KARAGDAGANG GAWAIN

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang TAMA o MALI.


_____ 1. Pinagtatawanan ko ang aking kamag-aral na nagkamali sa pagbigkas ng tula.
______ 2. Hinihimok ko ang aking kaibigan na mag-aral sa pag-arte dahil alam kong
kaya niya.
______ 3. Tinuturuan ko sa pagsayaw ang aking kapatid sapagkat gusting-gusto niyang
matuto.
______ 4. Isinasama ko ang aking pinsan sa pagsasanay sa pagtugtog ng gitara dahil
gusto rin niyang matuto.
______ 5. Tinataguan ko ang aking kapitbahay kapag ako ay dumadalo sa pagsasanay
sa pagguhit. Ayaw kong sumama siya dahil maaaring mahigitan niya ako.

V. PAGNINILAY Kumpletuhin:
Naunawaan ko na _______________. Naunawaan ko na _______________________________________________.
Nabatid ko na ___________________. Nabatid ko na ___________________________________________________.

You might also like