You are on page 1of 28

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ang Kuwento ng Aking Buhay
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ang Kuwento ng Aking Buhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marife B. Dinglasan


Editor: Bernadette G. Paraiso EdD, Angelica M. Burayag PhD
Gilda S. Panuyas
Tagasuri: Evelyn D. Gaita , Amabhelle R. Dela Merced,
Mary Abigail R. Bautista, Mary Grace C. Bernardo ,
Ryan C. Pastor , Jonathan Parabata
Tagaguhit: Karen D. Romero
Tagalapat: Marife B. Dinglasan/Acel M. Lopez/Mary Rose B. Caguillo
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong Phd, CESO V
Librada M. Rubio Phd
Ma. Editha R. Caparas EdD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor P. Nuesca EdD
Merlinda T. Tablan EdD
Ellen C. Macaraeg EdD
Elena V. Almario
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 8
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Ang Kuwento ng Aking Buhay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Ang Kuwento ng Aking Buhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
konsepto ng pagbabagong pisikal sa sarili. Mainam na
gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin
sa pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.

Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung paano


matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit
ng modyul na ito.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Kuwento ng
Aking Buhay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin


Tuklasin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan


Isaisip o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
Susi sa Pagwawasto
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin
ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
ito!
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa
iyong kapakinabangan. Ginawa ito upang matulungan
kang maunawaan ang sariling kuwento o karanasan ng
iyong buhay at iba pa. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba't
ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit
ay kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng
mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin
ang karaniwang pagkakasunud-sunod ng kurso.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin


Leksyon 1 – Sariling Kuwento o Karanasan ng mga
Mag-aaral
Leksyon 2 - Pagpapamalas sa Kahalagahan sa
Pagkilala sa Sarili
Leksyon 3 - Naisasalaysay ng Buong Pagmamalaki
ang Kuwento Tungkol sa Sariling
Kakayahan

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
1. Naihahambing ang sariling kuwento o karanasan sa
buhay sa kuwento at karanasan ng mga kamag-aral,
ibang miyembro ng pamilya gaya ng mga kapatid,
mga magulang (noong sila ay nasa parehong edad),
mga pinsan at iba pa o mga kapitbahay
(AP1NAT-If- 10)
2. Naipamamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng
pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto
ng pagpapatuloy at pagbabago

3. Buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng


kuwento tungkol sa sariling katangian bilang Pilipino
sa malikhaing pamamaraan

Subukin

Panuto: Bilugan kung ilang taon ka noong ginagawa mo


ang mga sumusunod na gawain.

1. Nagbibisikleta
(isang taon, anim na taon, sanggol)

2. Natutong bumasa ng alpabeto


(dalawang taon, sampung taon, anim na taon)

3. Umiiyak kapag gusto ng dede


(sanggol, walong taon, tatlong taon)

4. Pinapakain ng pagkain ng sanggol


(sanggol, anim na taon, limang taon)

5. Pumapasok sa Unang Baitang


(isang taon, anim na taon, sanggol)
Aralin

5
Ang Kuwento ng Aking Buhay

May mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata


gaya mo sa iyong paglaki. Ito ay nagsisimula sa iyong
pagkapanganak o pagiging sanggol pa lamang hanggang sa
iyong kasalukuyang edad.
Nagbabago ang mga kaya mong gawin gayundin ang iyong
mga kagamitan habang ikaw ay lumalaki.
Balikan

Panuto: Isulat ang letra sa guhit na angkop sa bawat


pangyayari

A B C D E

_____ 1. Natututo nang maglaro mag-isa.


_____ 2. Nag-aaral sa paaralang elementarya.
_____ 3. Dumedede at gumagapang unti-unti.
_____ 4. Nag-aaral sa kolehiyo.
_____ 5. Pumapasok sa Junior High School.
Tuklasin
Nakita mo ba sa larawan ang iyong sarili noong
ikaw ay sanggol pa lamang? Ngayong unang baitang?

Panuto: Basahin ang kuwento.

Si Lira at Si Mari
Si Lira at si Mari ay magpinsan na sabay na
ipinanganak. Magkapitbahay ang nanay ni Lira na si
Jamie at ang nanay ni Mari na si Josie.

Malakas sila parehong dumede. Kahit di sila


nakatira sa iisang bahay ay dinig na dinig ang kanilang
pag-iyak kapag nagugutom na at gustong dumede.
Tuwang-tuwa ang kanilang mga magulang na sila ay
suotan ng magkakaparehong damit. Binibilihan sila ng
iba’t ibang gamit na pang sanggol.
Noong isang taon na sila, nauna matutong
maglakad si Lira. Si Mari naman ay naunang matutong
magsalita ng tuwid. Habang lumalaki ang dalawang
magpinsan, patuloy na nagbabago ang kanilang laki.
Patuloy din ang kanilang pagkagusto sa iba’t ibang
bagay gaya ng laruan.

Dumating ang pasukan, handang-handa na sina


Lira at Mari sa pagpasok sa paaralan. Dahil
nakasanayan na nila na laging magkapareho, iisa ang
disenyo ng kanilang mga bag at sapatos. Pati ang
ayos ng kanilang mga buhok ay pareho din.
Napagkakamalan silang kambal. Mas mataas si Lira
samantalang mas mabilog naman si Mari. Masayang-
masaya ang magpinsan na magkasama.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang magpinsan?
A. Sina Lira at Mari
B. Sina Lira at Ana
C. Sina Pamela at Ida
D. Sina Cora at Ana
2. Magkasama ba sila sa bahay?
A. Oo
B. Hindi
C. Di-tiyak
D. Di ko alam
3. Pareho ba silang babae?
A. Oo
B. Hindi
C. Di-tiyak
D. Di ko alam
4. Ano ang kaya na nilang gawin noong isang taon na
sila?
A. Kaya ng maglakad mag-isa at kaya ng magsalita ng
tuwid
B. Nakahiga lamang ang magpinsan palagi
C. Kaya nang sumulat ng pangalan
D. Kaya nang sumakay sa bus
5. Ano ang pagkakaiba na napansin mo sa magpinsan?
A. Si Lira ay mahilig kumain samantalang si Mari naman
ay laging masungit.
B. Si Lira ay mas mataas samantalang mas mabilog
naman si Mari.
C. Si Lira ay sakitin samantalang malusog naman si
Mari.
D. Si Lira ay matulungin samantalang si Mari ay tamad.
Suriin
Ang bawat bata ay may pagbabagong
nagaganap mula nang siya ay isilang. Sa pagbabagong
ito ay nagbabago din ang mga kagamitan. Ang mga
gamit mula noong sanggol pa ay hindi na maaaring
gamitin pa habang ang bata ay lumalaki.
Nag-iiba ang mga pangyayari sa buhay natin mula
ng tayo ay isinilang hanggang sa paglaki. Nag-iiba rin
ang kanilang pisikal na anyo.
Habang lumalaki ang isang bata, unti-unti siyang
natututo ng mga gawain na naaayon sa kanyang
kakayahan. Nadadagdagan ang kanyang kaalaman
gaya ng kumain mag-isa, maglaro, magbasa, magsulat,
at magbilang.
Pagyamanin

A. Panuto: Bilugan ang mga gamit nang isang sanggol.

B. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang mga kagamitan


na naaayon sa timeline ng mga mahahalagang
pangyayari sa iyong buhay mula noong ikaw ay isang
taong gulang pa lamang hanggang sa kasalukuyan
mong edad.

Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay


Sanggol Isang Dalawa Tatlong Apat Limang Anim
Taon ng Taon Taon na Taon na
Taon Taon
C. Panuto: Ikahon ang mga gamit ng isang limang (5)
taong gulang na bata.

D. Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang bawat


kahon ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
E. Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang
pangungusap at Mali kung hindi wasto.
_____ 1. Karaniwan sa mga bata ay mahilig maglaro.
_____ 2. Ang dalawang bata na magkasing-edad ay
laging magkasingtangkad.
_____ 3. Karaniwan sa mga bata ang pagiging aktibo
at malikot.
_____ 4. Nagbabago ang anyo ng tao habang siya ay
lumalaki.
_____ 5. Nagbabago rin ang kanyang mga hilig o
gusto.

F. Panuto: Itambal ang naayon na edad sa Hanay A sa


tamang gawain na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
___1. limang Taon na Bata A. Umiiyak kapag gustong
dumede

B. Pumapasok sa Unang
___2. Sanggol
baiting

C. Nagsisimula na
___3. Isang taon na Bata makapaglakad mag-isa

D. Natututo nang magsulat


ng pangalan
___4. Tatlong Taong Bata

E. Marunong nang maglaro


mag-isa
___5. Anim na Taong Bata
F. Marunong nang maglaba
G. Panuto: Piliin ang timeline ng isang bata mula sa
pagpipilian na na angkop na kaya na niyang gawin.
Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

A. B. C.

D. E.

_______1. Gumagamit ng pacifier.


_______2. Nag-aaral na sa high school
_______3. Naglalaro ng doll.
_______4. Nagsasanay na makasulat ng pangalan.
_______5. Nag-aaral sa elementarya.
H. Panuto: Iguhit sa kahon ang mga kagamitan na
naangkop sa edad ng bawat edad ng isang batang
lalaki o babae.

dalawang
sanggol
taong gulang

Tatlong taong
gulang

Apat na taon Anim na taon


Isaisip
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa loob ng panaklong.

Nag-iiba ang mga pangyayari sa buhay natin mula


ng tayo ay ____________ ( isilang, mag-aral) hanggang sa
paglaki. Nag-iiba rin ang kanilang________ (pisikal,
mental) na anyo.
Habang ______ (lumalaki, lumiliit) ang isang bata,
unti-unti siyang ______ (natututo, di-natututo) ng mga
gawain na naaayon sa kanyang _______ (kahinaan,
kakayahan).

Isagawa
Ang nasa larawan ay batang katulad mo na nasa
unang baitang. Alin sa mga larawan ang ginagamit
morin sa panahong ito na may COVID19? Kulayan ito ng
dilaw.
Tayahin

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa patlang.

A. Oo
B. Hindi
C. Di-Tiyak
D. Hindi ko alam

___1. Paglakad nang mag-isa ng sampung buwan


gulang pa lamang
___2. Gumagapang noong anim na buwang gulang
___3. Pagkahilig sa panonood ng cartoons noong
apat na taon
___4. Takot sa pagpasok sa paaralan noong anim na
taon
___5. Pagiging aktibo at malikot noong tatlong taon

B. Panuto: Isulat ang iyong sariling karanasan sa patlang.


Ibang Bata Iyong Sarili
Ako si Lira. Ako si
________________________
Noong ika-4 na taong Noong ika-4 na taong
gulang na ako, marunong gulang na ako, marunong
na akong magbilang. na akong ______________

Nasa unang baitang na Nasa _____________


ako noong ako ay 6 na baitang na ako noong ako
taong gulang na. ay 6 na taong gulang na.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng sariling timeline o kuwento ng iyong


buhay gamit ang art paper. Idikit sa kahon. Hingin ang
gabay ng magulang. Gamiting gabay ang Rubric sa
ibaba.
Rubricks sa Pagguhit sa Sariling Timeline o Kuwento ng
Iyong Buhay

Pamantayan Batayang Iskala sa


Puntos Pagmamarka
1. Nakagawa ng sariling 5 Pinakamahusay
kuwento gamit ang art
paper at naidikit ng
maayos at tamang
pagkakasunod-sunod

2. Nakagawa gamit ang art 4 Mahusay


paper ngunit di-maayos
ang pagkakadikit

3. Nakagawa ngunit di 3 Karaniwan


naidikit

4. Nasimulan pero di 2-1 Pagtatangka


natapos
Tayahin
1. B
2. A
3. A
4. B
5. A
Isagawa Isaisip Pagyamanin (H)
Lahat kulayan ng dilaw Isilang Pagguhit ng larawan na
pisikal angkop sa taon
lumalaki
natuto
kakayahan
Pagyamanin (G) Pagyamanin (F) Pagyamanin (E)
A D Mali
E A Mali
B C Tama
C E Tama
D B Tama
Pagyamanin (D) Pagyamanin (C) Pagyamanin (B)
3 Krayola Mahalagang Pangyayari sa
4 Bestida Buhay
2 Panty
5 sapatos
1
Pagyamanin (A) Balikan Subukin
Diaper B 6 na taon
Pacifier C 5 na taon
Aspile A Sanggol
Padede E Sanggol
Baru-baruan D 6 na taon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
ARALING PANLIPUNAN Grade 1 (MELCs) Most Essential
Learning Competencies pahina 24
Curriculum Guide sa Araling Panlipunan pahina 35
Teaching Guide sa Araling Panlipunan pahina 29-33
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 48-54
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like