You are on page 1of 29

1

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Wastong Pagkilos sa Pagtugon sa mga
Alituntunin ng Pamilya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Wastong Pagkilos sa Pagtugon sa mga Alituntunin
ng Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jennifer T. De Jesus
Editor: Bernadette G. Paraiso,PhD., Angelica M. Burayag PhD.
Gilda S. Panuyas
Tagasuri: Evelyn D. Gaita, Amabhelle R. Dela Merced, Mary Abigail R. Bautista,
Mary Grace C. Bernardo, Ryan C. Pastor, Jonathan Paranada
Tagaguhit: Jessica T. Villar
Tagalapat: Jennifer T. De Jesus, Jonalyn B. Villanueva, Mary Rose B. Caguillo
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag Ph.D.
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Merlinda T. Tablan EdD
Ellen C. Macaraeg EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III


Office Address:Matalino St D.M. Government Center Maimpis, City of San Fernando(P)
Telephone No.: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Wastong Pagkilos sa Pagtugon sa mga
Alituntunin ng Pamilya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Wastong
Pagkilos sa Pagtugon sa mga Alituntunin ng Pamilya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa lebel mo.
Ginawa ito upang matulungan kang maunawaan ang mga
wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya.
Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito
ii
sa maraming iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika
na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo
ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wastong Pagkilos sa
Pagtugon sa mga Alituntunin ng Pamilya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa modyul.

iii
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:

v
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga
araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 1.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin.

 Leksiyon 1- Mga Kasapi na Bumubuo sa Pamilya


 Leksiyon 2- Mga Alituntunin sa Loob ng Tahanan
 Leksiyon 3- Tamang kilos sa pagtugon sa mga
Alituntunin

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nauunawaan ang mga alituntuning ipinatutupad ng pamilya;
2. nakagagawa ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga
alituntunin ng pamilya (APIPAM-IIf-17); at
3. naisasabuhay ang mga wastong pagkilos sa mga alituntunin ng
pamilya.

Subukin

1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Napagalitan ka ng iyong nanay dahil nahuli ka niyang hindi
pumapasok sa paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ang mga kapatid dahil napagalitan ka
B. Hihingi ng paumanhin at itatama ang maling nagawa.
C. Hindi susunod sa mga ipinag-uutos sa loob ng tahanan.
D. Magkukulong sa loob ng silid at hindi gagawa ng mga
gawain.

2. Isa sa mga alituntunin sa inyong bahay ang magpaalam muna sa


magulang bago umalis ng bahay. Inaaya kang maligo sa ilog ng
kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako sasama dahil delikadong maligo sa ilog.
B. Maliligong mag-isa at uuwi na lang pagkatapos.
C. Sasama ako sa kanya kahit hindi magpaalam.
D. Tatakas ako sa bahay para makapaligo sa ilog.

3. Mahilig kang maglaro ng piko. Masaya ka dahil nanalo ka sa


laro subalit malalim na ang gabi at bilin ng nanay mo huwag
magpupuyat. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi papansinin ang sinabi ng nanay.
B. Itutuloy ko pa rin ang paglalaro ng paborito kong piko.
C. Magkukunwaring natutulog kung paparating ang nanay sa
silid.
D. Susunod sa bilin ng nanay at matutulog ng maaga.

2
4. Maagang gumising si Allan para pumasok sa paaralan. Naligo
siya agad at kumain ng agahan. Hindi na niya iniligpit ang
kanyang higaan. Tama ba ang kanyang ginawa?
A. Opo, dahil mahuhuli na siya sa klase nila.
B. Opo, dahil maaga siyang gumising.
C. Hindi po, dapat ay iniligpit muna niya ang kanyang
higaan.
D. Hindi po, baka siya magkasakit.

5. Kinakausap ni Lolo Pedring ang iyong nakababatang kapatid.


Narinig mong walang po at opo kung siya ay sumagot. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Pabayaan siya sa gusto niyang gawin.
B. Pagtawanan siya sa kanyang ginawa.
C. Pagsabihan siya na gumalang sa matanda.
D. Sabihing huwag na niyang kausapin si lolo.

Aralin
Wastong Pagkilos sa Pagtugon
1 sa mga Alituntunin ng Pamilya

Ang pamilya ay binubuo ni tatay, nanay, ate, kuya, at bunso.


Bawat kasapi nito ay may kanya-kanyang tungkulin na dapat
gampanan upang ang anomang gawain ay napapabilis at naisasagawa
ng maayos.
Kung sama-sama, may pagmamahalan, at pananalig sa
Panginoon ang isang pamilya, sila ay namumuhay ng mapayapa at
matiwasay.
Sa loob ng ating tahanan ay may mga alituntuning ipinatutupad
ang ating mga magulang, dapat itong sundin ng bawat kasapi ng
3
pamilya upang maging maayos ang daloy ng pamumuhay sa araw-
araw.

Balikan

Masdan ang mga larawan at kilalanin ang bawat kasapi ng pamilya.


Piliin ang salitang angkop sa larawang ipinahahayag at isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. (ate, lola, nanay, tatay)

2. (Lolo, Tatay, Bunso, Kuya)

3. (Lola, Kuya, Nanay, Ate)

4. (ate, nanay, lola, kuya)


4
5. ( bunso, kuya, ate, lola)

Tuklasin

Panuto: Tingnan ninyo ang larawan sa ibaba. Ano ang ginagawa ng


nanay sa kanyang anak? Basahing mabuti ang kuwento. Maaari kang
magpatulong sa iyong magulang.
Ang Aral na Natutunan ni Armando

Sina Mang Pedring at Aling Lorna ay pinagkalooban ng tatlong


anak .Ang bunso sa magkakapatid ay si Armando. Dahil bunso sa
magkakapatid, siya ang kinagigiliwan ng lahat sa pamilya. Subalit si
Armando ay lumaking pasaway at laging hindi sumusunod sa mga
alituntuning ipinatutupad ng pamilya.
“Napakarami namang dapat sundin sa loob ng tahanan,
nakakainis na.” ang wika ni Armando nang minsan siya ay sitahin ni
Mang Pedring.
Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag
mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang
mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit
ipinagbabawal ng ina… ito ay ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng

5
agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang tangayin nito,” laging
paalaala ng ina.
Isang araw, kasama ng dalawa niyang kalarong bata, nagpunta
sila sa ilog. Masaya silang naghubad ng damit at tumalon sa tubig.
Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa bandang unahan.
Unti-unti siyang umusad. Bigla na lamang bumilis ang agos ng
tubig at siya’y tinatangay na palayo, patungo sa malalim na parte ng
ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya
ang malakas na agos ng tubig.
“Ben !” sigaw
niya.
“Saklolo!”
Mabuti
na lamang at
naroon si Mang
Isko upang

magpainom ng kanyang baka. Narinig niya ang sigaw ni Armando.


Tumalon siya at sinagip ang bata.
“Salamat po, Mang Isko. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal
po ako at kayo ay dumating. Dapat nga pala akong sumunod sa
sinasabi ni Nanay.”
“Tama ka Armando dapat kang sumunod sa mga alituntunin ng
pamilya dahil hangad ng magulang ang kabutihan ng kanyang mga
anak”, ang paliwanag ni Mang Isko.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Sino ang pangunahing tauhan sa ating kuwento?

6
2. Ano ang mayroon sa pamilya ni Armando na dapat sundin ng
bawat kasapi ng pamilya?
3. Sinusunod ba ni Armando ang mga utos ng kanyang magulang?
Patunayan mo ang iyong sagot.
4. Paano nakaligtas si Armando mula sa pagkakalunod sa ilog?
5. Kung ikaw si Armando, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit?
6. Anong aral ang napulot mo sa kuwentong iyong narinig?

Suriin

Ang mga mabubuting ugali o gawi na ipinatutupad ng ating mga


magulang o mga nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag na
alituntunin. Ito ang nagsisilbing mga gabay o kautusan na dapat
sundin. May iba’t- ibang uri ng alituntunin na ipinatutupad ng ating
mga magulang sa loob ng ating tahanan.
1.Pangagalaga sa kalusugan
 Kumain ng masustansiyang pagkain
 Maghugas ng kamay bago at
pagkatapos
kumain kumain
 Ubusin ang pagkaing kinuha

2. Kagandahang asal
 Magmano sa matatanda
 Gumamit ng po at opo sa pakikipag-
usap
 Maging tapat sa lahat ng pagkakataon
3.Pagpapanatili ng kalinisan

7
 Tumulong sa gawaing bahay
 Iligpit ang pinaghigaan
 Ibalik ang laruan sa tamang lalagyan
4.Pagiging isang mabuting mag-aaral

 Sundin ang ipinagagawa ng guro


 Huwag makipag- away sa kaklase
 Makinig na mabuti sa guro
Ang mga nasa larawan ay nagpapakita ng mga alituntuning
dapat sundin ng mga bata sa kanilang tahahan. Ang mga ito ay mga
bagay na dapat mong gawin upang mapanitili ang kaayusan,
katahimikan at masayang pagsasama sa isang pamilya.

Pagyamanin
A. Panuto: Kulayan ang mga larawang nagpapakita nang wastong
pagkilos sa pagsunod sa alituntunin ng pamilya.

1. 4.

8
2. 5.

3.

B. Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ang alituntuning


nakasulat sa loob ng damit ay ginagawa mo nang may tamang kilos at
ekis kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. ubusin ang 4.
pagkaing magpaalam
inihanda muna bago
umalis ng
bahay
__________ __________

gawin muna
ang takdang iligpit ang
2. 5.
aralin bago pinag-
9
maglaro kainan
________ ________

3.

umuwi sa
bahay sa
takdang oras

________
C. Panuto: Tingnan ang mga larawan. Iguhit ang kung
nagpapahayag ng wastong pagkilos sa mga alituntunin sa tahanan at
kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. 4.

2. 5.

3.

10
D.Panuto: Tinggnan ang tsart ng mga alituntunin ng iyong pamilya.
Layan ng kung nagawa mo ng tama ang mga alituntunin sa bawat
araw.
Mga Alituntunin Miyerkul Huwebe Biyerne
Lunes Martes
sa iyong pamilya es s s
1.iligpit ang
higaan pagka
gising
2.gumamit ng po
at opo kung
nakikipag-usap sa
matatanda.
3.tumulong sa mga
gawaing bahay.
4.huwag
makikipag-away.
5.magpa-
alam muna bago
umalis ng bahay.

E.Panuto: Tignan ang kamay na nakaguhit. Sa ibaba nito ay may


mga alituntuning ipinatutupad sa loob ng tahanan. Piliin kung alin sa
mga ito ang nagawa mo nang may wastong kilos at isulat ito sa bawat
daliri. Gawin ito sa sagutang papel. Hingin ang gabay ng magulang.

Alituntunin sa
loob ng
Tahanan
11
Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain

Iwanan sa mesa ang pagkaing hindi naubos.


Magmano sa iyong lolo at lola.

Huwag makikipag-away sa iyong mga kapatid

Tumulong sa mga gawaing bahay.

Ilagay ang mga gamit sa tamang lalagyan

Manood ng telebisyon maghapon.

F.Panuto: Basahin ang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong


tahanan. Ilagay ang mga ito sa tamang hanay.
1. Iwasang kumain ng junk foods.
2. Manood ng TV kahit hanggang gabi.
3. Itago ang totoong nangyari sa iyong magulang.
4. Tumulong sa gawaing bahay
5. Igalang ang iyong nanay at tatay.

Dapat Sundin Hindi Dapat Sundin

12
G.Panuto: Iguhit ang kung ang alituntunin ay nasunod mo
nang may tamang kilos o gawa at kung hindi nagawa ng wasto.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nabasag ang baso habang hinuhugasan mo ito.
Hinanap ng nanay kung nasaan ang baso. Hindi
mo sinabi ang totoo.
2. Naglalaro kayo ng bola ng iyong kapatid. Hinagis mo
ito sa malayo at hinayaan mong pulutin niya ito.
3. Tinatanong ka ng iyong tatay kung kumain ka na ba.
Sinagot mo siya ng buong paggalang.
4. Dumalaw sa bahay ninyo ang iyong lolo at lola mula
sa probinsya. Sinalubong mo sila at ikaw ay nagmano.
5. Sobra ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Isinauli mo
ang sobrang sukli.
H. Panuto: Lagyan ng ang angkop na kahon kung nasunod mo
nang may tamang kilos ang alituntunin at
kung hindi.
Mga Alituntunin ng Aking Pamilya
1. maligo araw-araw at sabuning mabuti ang katawan
2. magdabog kung ayaw bigyan ng pera ng nanay
3. gawin ang takdang –aralin bago maglaro
4. itago sa loob ng bag ang wallet na napulot.
5. huwag aminin ang kasalanang nagawa.

Isaisip

13
Panuto: Ano ang dapat nating gawin sa mga alituntunin sa ating
tahanan? Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang
sagot sa mga bituing nakaguhit sa ibaba.

Mahalaga ang mga ________________ na itinakda sa __________.


Nagkakaroon ng ___________ at ___________ sa pamilya kapag sinusunod o
ginagawa ng mga kasapi ng pamilya ang mga ito.

alituntunin barangay katahimikan

kaayusan kalungkutan tahanan

Isagawa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang
papel ang Opo kung nagawa mo ng maayos ang alituntunin na
ipinatutupad ng pamilya at Hindi po kung hindi mo nagawa.
1. Sinipa mo ang alagang pusa dahil napagalitan ka ni
nanay.
2.Tuwing umaga ay nagwawalis ka ng mga tuyong
dahon sa bakuran.
3.Nakikinig ka sa mga utos at pangaral ng iyong
magulang.
4. Madalas mong inaaway ang nakababata mong
kapatid sa tuwing mayroon siyang bagong damit.
5.Tumutulong ka sa mga gawain sa bahay sa tuwing
14
walang pasok sa eskuwela.

Tayahin

Panuto: Ang sumusunod ay alituntunin ng pamilya na dapat mong


sundin. Isulat ang letra ng tamang kilos o gawi sa bawat alituntunin.
1.Maraming bisita ang nanay mo dahil kaarawan niya. May nais kang
sabihin na mahalaga subalit kausap pa niya ang iyong ninang. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Pauuwiin ko na si ninang para makausap ko si
nanay.
B. Hihingi ako ng pasintabi para makausap ko si nanay.
C. Iiyak ako dahil ayaw akong kausapion ni nanay.
D. Aalis ako ng bahay dahil hindi ko makausap si nanay
2. Sinabi ng nanay na bawal lumabas ang mga bata kung walang
face mask dahil pinag-iingat sa kumakalat na virus. Ano ang
gagawin mo?

A. susunod sa pinag-uutos ng nanay


B. lalabas ng bahay kung hindi nakikita ni nanay
C. iiyak dahil ayaw palabasin ng bahay
D. magagalit sa nanay dahil ayaw ka niyang palabasin
3. Nais mong humingi ng pera sa nanay dahil may bibilin ka sa
tindahan. Ano ang sasabihin mo?
A. pahingi ng pera nanay
B. kelangan ko ng pera nanay
C. bigyan mo ako ng pera
D. nanay pahingi po ng pera
4. Bilin ng tatay na isara ang gripo kung hindi ginagamit. Puno na
ang timba ng tubig. Ano angdapat mong gawin.

15
A. itatapon ang laman ng timba
B. isasara ang gripo
C. hahayaan tumulo ang tubig
D.hindi papakinggan ang bilin ng tatay
5. Sama-sama kayong kumakain ng hapunan ng iyong pamilya.
Naalala mo ang bilin ng guro na papuntahin ang nanay sa paaralan.
Nais mo itong sabihin subalit may laman pa ng pagkain ang iyong
bibig. Ano ang gagawin mo?
A. sasabihin agad para di malimutan
B. hindi nalang sasabihin sa nanay
C. uubusin muna ang laman ng bibig bago
magsalita
D.sasabihin sa guro na hindi makakapunta si nanay

Karagdagang Gawain

Panuto:Gumuhit ng larawan ng bahay at sa loob nito ay isulat mo


ang mga alituntunin sa loob ng inyong tahanan na nagawa mo nang
may wastong pagkilos. Hingin ang gabay ng magulang. Gamitin ang
Rubric sa paggawa na nasa ibaba.

16
Rubriks sa Pagguhit ng Larawan at Pagsulat ng Alituntunin
Pamantayan Batayang Iskala sa
Puntos Pagmamarka
1.Naiguhit ang bahay ng 5 Pinakamahusay
maayos at nailagay sa loob
ang limang alituntuning
pinatutupad sa loob ng
tahanan
2.Naiguhit ngunit tatlong 4 Mahusay
alituntunin lamang ang
naisulat sa loob ng larawan.
3.Naiguhit ang bahay ngunit 3 Karaniwan
dalawang alituntunin lamang
ang naisulat sa loob ng
larawan.
4.Naiguhit ang bahay ngunit 2 Pagtatangka
isa lamang ang alituntuning
naisulat sa loob ng larawan.
5. Naiguhit ang bahay ngunit 1 Magsanay pa
walang alituntuning naisulat sa
17
loob ng larawan.

18
C. Gawain 2: Tayahin: Pagsubok Balikan Isagawa
1.B
1. 2. A Nanay Hindi po
2. 3. D Kuya Opo
3. 4. B
Lola Opo
4. 5. C
5. Tatay Hindi po
B.Pagsusulit Isaisip Tahayin Pagyamanin Subukin
1. Alituntunin Bilang naBunso
may B Opo
2. Tahanan kulay A
3. Katahimikan 1 C
4. kaayusan 3 C
5. 5 D
4. 5
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Miranda, Noel P. et.al, 2017. Araling Panlipunan 1:
Kagamitan Ng Mag-aaral At Patnubay Ng Guro.
Pasig,Philippines: Kagawaran ng Edukasyon

2016. Gabay Pang-Kurikulum. Pasig, Philippines:


Kagawaran ng Edukasyon.

2020. Most Essential Learning Competencies ( Melcs).


Pasig,Philippines: Kagawaran ng Edukasyon
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like