You are on page 1of 26

1

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagbuo ng Konklusyon Tungkol sa
Mabuting Pakikipag-Ugnayan ng Sariling
Pamilya sa Lipunang Filipino
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagbuo ng Konklusyon tungkol sa Mabuting
Pakikipag-Ugnayan ng Sariling Pamilya sa Lipunang Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cherrylyn S. Roque
Editor: Bernadette G. Paraiso,PhD., Angelica M. Burayag PhD.
Gilda S. Panuyas
Tagasuri: Evelyn D. Gaita, Amabhelle R. Dela Merced, Mary Abigail R. Bautista,
Mary Grace C. Bernardo, Ryan C. Pastor, Jonathan Paranada
Tagaguhit: Ma. Ninia A. Gatdula,
Tagalapat: Cherrylyn S. Roque, Jonalyn B. Villanueva, Mary Rose B. Caguillo
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag Ph.D.
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Merlinda T. Tablan EdD
Ellen C. Macaraeg EdD
Elena V. Almario
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagbuo ng Konklusyon Tungkol sa
Mabuting Pakikipag-Ugnayan ng Sariling
Pamilya sa Lipunang Filipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul 7 para sa araling Pagbuo ng Konklusyon
tungkol sa Mabuting Pakikipag-Ugnayan ng Sariling Pamilya sa Lipunang
Filipino!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa konsepto ng


pagbuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-ugnayan
ng sariling pamilya sa lipunang Filipino. Mainam na gabayan
ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung paano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng modyul na
ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

ii
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 7 ukol sa Pagbuo ng Konklusyon tungkol sa Mabuting
Pakikipag-Ugnayan ng Sariling Pamilya sa Lipunang Filipino!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa


o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga
araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 2.

Ang modyul na ito ay may pangunahing aralin.


 Leksyon 1 - Pagbuo ng Konklusyon tungkol sa Mabuting
Pakikipag-Ugnayan ng Sariling Pamilya sa Lipunang Filipino

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-
ugnayan ng sariling pamilya sa lipunang Filipino.

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel


ang iyong sagot.

1
1. Sino sa mga sumusunod na miyembro ng pamilya ang hindi
ninyo kasama sa tahanan?
A. kapitbahay C. nanay
B. lola D. tatay

2. Ang mga sumusunod na pangyayari ay nagpapakita nang


mabuting pakiki-ugnayan ng pamilya sa kapitbahay, maliban sa
isa.
A. paghingi nang paumanhin sa maling ginawa
B. pag-imbita kung mayroong handaan sa bahay
C. pakikiramay kung nangangailangan ng tulong
D. pagtatapon ng basura sa bakuran ng
kapitbahay

3. Ang pamilya ay bahagi ng isang pamayanan. Alin sa mga


sumusunod na pahayag ang tumutukoy dito?
A. pakikipag-away sa kapitbahay
B. pagkakalat sa tapat ng bakuran ng kapitbahay
C. pagsama sa proyekto ng barangay
D. pagtutugtog ng videoke hanggang hatinggabi

4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng


pagiging mabuting kapitbahay?
A. binabati ang kapitbahay kapag nasalubong
B. iniiwasan ang kapitbahay kapag
masasalubong
C. kinukuwento sa kapitbahay ang maling
impormasyon
D. pinagtataguan ang kapitbahay na humihingi
nang tulong

2
5. Bakit mahalaga ang mabuting pakikipag-ugnayan ng pamilya sa
inyong kapitbahay?
A. dahil maingay ang inyong kapitbahay
B. dahil mahirap ang inyong kapitbahay
C. dahil matapang ang inyong kapitbahay
D. dahil nagtutulungan ang magkapitbahay

Aralin Pagbuo ng Konklusyon tungkol sa Mabuting

1 Pakikipag-Ugnayan ng Sariling Pamilya sa


Lipunang Filipino

Bawat kasapi ng mag-anak ay may bahaging ginagampanan sa


pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan
nang isang pamilya sa ibang pamilya. Dahil ang bawat pamilya na
sama-samang namumuhay sa isang lugar ang bumubuo sa isang
pamayanan o barangay. Napananatiling maayos, ligtas, at masaya ang

3
pamayanan kapag ang bawat pamilya ay nagpapakita nang mabuting
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Balikan

Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha 😊 kung


ang sitwasyon ay tama, at malungkot na mukha ☹ kung hindi.

1. Tinutulungan mo ang iyong ina sa gawaing-bahay.

2. Mag-isa kang kumakain ng almusal sa mesa.

3. Inabot mo ang facemask ni tatay bago siya lumabas ng bahay.

4. Naghuhugas kayong magkapatid ng kamay pagkatapos


maglaro.

4
5. Kasama kang nagdarasal sa paggaling ng mga biktima ng
COVID 19.

Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Pamilya sa Pamayanan

Ako ay bahagi ng pamilya


Si ama at ina kasama ko sa tuwina
Pati sina kuya, ate, lolo at lola

5
Sa tahanan kami ay sama-sama.

Sa labas ng tahanan
Kapitbahay nariyan
Laging maaasahan
Laging nagtutulungan.

Kaming magkakapitbahay
Bukas-palad sa pagbibigay
Mabuting pakikisama at pagdamay
Bahagi ng pamayanang tunay.

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.


1. Ayon sa tula sino ang mga bumubuo ng pamilya?
2. Ano ang katangian ng pamilya sa tula?
3. Ano ang katangian ng kapitbahay sa tula?
4. Paano ang mabuting pakikipag-ugnayan ng
pamilya sa kapitbahay?
5. Bakit mahalaga ang mabuting pakikipag-ugnayan
ng pamilya sa kapitbahay?

Suriin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang sagutang papel kung ang mga
sumusunod ay nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan ng
sariling pamilya sa pamayanang Filipino at ekis (x) kung hindi.

1. Pakisamahan nang maayos ang mga


kapitbahay.

6
2. Tulungan sila kung may
pangangailangan at magkaroon ng
malasakit sa kanila.

3. Batiin sila at pagbigyan


ang kanilang paanyaya.

4. Tuksuhin ang batang kapitbahay na nadapa.

5. Kapag nagpakita ka ng kabutihan sa iyong kapitbahay ay


ganoon din ang gagawin nila sa iyo.

7
Pagyamanin

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung naglalarawan


ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapitbahay at ekis (x) kung hindi.

1. tapat at mapagbigay sa kapwa


2. sinungaling at walang galang
3. matulungin at maalalahanin
4. maaasahan sa oras ng pangangailangan
5. palaaway sa kapitbahay
B. Panuto: Maghanap ng larawan na nagpapakita nang mabuting
pakikipag-ugnayan sa kapitbahay at idikit sa loob ng kahon. Hingin
ang gabay ng magulang.

8
C. Panuto: Isulat ang tamang letra sa sagutang papel ng larawang
nagpapakita nang mabuting pakikipag-ugnayan ng pamilya sa ibang
pamilya.

A B

C D

D. Panuto: Piliin ang salita sa bawat ulap at isulat sa sagutang


papel ang mga katangian nang mabuting pakikipag-ugnayan sa
kapitbahay.

matapang maalalahanin maasahan

matulungin masayahin mapagbigay

9
E. Panuto: Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makabuo
ng mga katangian nang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapitbahay.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

ningtuamlu
1. __________________________

manasaaha
2. __________________________

halamaninala
3. __________________________

pamabgiyag
4. __________________________

simanil
5. ___________ na pamayanan

F. Panuto: Gawin sa sagutang papel. Gumuhit ng bahay tulad ng


halimbawa ng nasa kahon. Ipakilala ang iyong kapitbahay sa
pamamagitan ng paglalagay ng apelyido ng kanilang pamilya sa loob
ng iginuhit mong bahay. Hingin ang gabay ng magulang. Gamitin ang
Rubriks sa paggawa.
10
Halimbawa: Pamilya Dela Cruz

Pamilya
Dela Cruz

11
Rubriks sa Pagguhit
Pamantayan Batayang Puntos Iskala sa Pagmamrka
Naiguhit nang maayos
5 Pinakamahusay
at may label
Naiguhit ngunit kulang
ng label
O kaya 3 Mahusay
Hindi naiguhit ngunit
may label
Walang naiguhit 1 Pagtatangka

G. Panuto: Gamit ang semantic web, isulat ang mabuting


katangian ng pakikipag-uganayan ng pamilya sa pamayanan o
lipunang Filipino. Hingin ang gabay ng magulang.

Mabuting Pakikipag-
ugnayan ng12Pamilya sa
Pamayanan o Lipunang
Filipino
H. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang
ang T kung tama ang isinasaad at M kung mali.

1. Binabati ang kapitbahay kapag makasalubong.


2. Binibigyan nang labis na lutong pagkain ang kapitbahay.
3. Pag-usapan ang buhay ng isang kapitbahay.
4. Nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan.
5. Ipinagdarasal ang kaligtasan ng kapitbahay na frontliner.

Isaisip

Panuto: Sundan ang hugis ng kahon bilang clue, punan ng letra ang
bawat kahon upang mabuo ang kaisipang natutunan mula sa aralin.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mahalagang panatilihin ang mabuting ng iyong


pamilya sa ibang o kapitbahay sa pamayanan upang
mapanatiling masaya at tahimik ang inyong lugar dahil ito ay
pagpapakita nang mabuting pakikipag- sa isa’t isa.

13
Isagawa

Sa panahon ng pandemiya na ating nararanasan ngayon,


magbigay ng isang gawain kung paano mo maipakikita ang
mabuting pakikipag-ugnayan sa kapitbahay. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel. Hingin ang gabay ng magulang. Gamitin ang
Rubriks sa paggawa.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Sulatin


Iskala sa
Pamantayan Batayang Puntos
Pagmamrka
Buo ang diwa ng
5 Pinakamahusay
paksa sa sulatin
Kulang ang diwa ng
3 Mahusay
paksa sa sulatin
Walang nabuong
1 Pagtatangka
sulatin

Tayahin

14
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

1. Bakit mahalaga ang mabuting pakikipag-ugnayan ng pamilya sa


inyong kapitbahay?
A. dahil mahirap ang inyong kapitbahay
B. dahil masaya ang inyong kapitbahay
C. dahil matapang ang inyong kapitbahay
D. dahil nagtutulungan ang magkapitbahay

2. Ang mga sumusunod na pangyayari ay nagpapakita nang


mabuting pakiki-ugnayan ng pamilya sa kapitbahay, maliban sa
isa.
A. paghingi nang paumanhin sa maling ginawa
B. pag-imbita kapag mayroong handaan sa bahay
C. pakikiramay kapag nangangailangan ng tulong
D. pagtatapon ng basura sa bakuran ng kapitbahay

3. Ang pamilya ay bahagi ng isang pamayanan. Alin sa mga


sumusunod na pahayag ang tumutukoy dito?
A. pagkakalat sa tapat ng bakuran ng kapitbahay
B. pakikipag-away sa kapitbahay
C. pakikiisa sa proyekto ng barangay
D. pagtutugtog ng videoke hanggang hatinggabi
4. Sino sa mga sumusunod na miyembro ng pamilya ang hindi
kasali sa inyong tahanan?
A. kapitbahay C. nanay
B. lola D. tatay

5. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng


pagiging mabuting kapitbahay?
A. binabati ang kapitbahay kapag nasalubong

15
B. iniiwasan ang kapitbahay kapag masasalubong
C. kinukuwento sa kapitbahay ang maling impormasyon
D. pinagtataguan ang kapitbahay na humihingi nang tulong

Karagdagang Gawain

Bumuo ng isang pangungusap ayon sa iyong natutunan ukol sa


mabuting pakikipag-ugnayan ng pamilya sa kapitbahay. Hingin ang
gabay ng magulang.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

E. 1. Matulungin
Tayahin F at G
2. maaasahan
1. D Tanggapin ang sagot na 3. maalalahanin
2. D 4. mapagbigay
3. D Ibinahagi ng mag-aaral 5. masayahin
4. A
H. 1. /
5. A
2. /
3. x
4. /
5. /

D. 1. Maaasahan
B. Tanggapin ang sagot na Pagyamanin
2. maalalahanin
3. matulungin Ibinahagi ng mag-aaral A.
4. mapagbigay
5. masayahin 1. /
2. x
C. A , C, at D ang
16 larawang dapat 3. /
may kulay 4. /
5. x
Sanggunian
Miranda, Noel P. et.al., 2017. Araling Panlipunan 1:
Kagamitan Ng Mag-aaral at Patnubay Ng Guro.
Pasig, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon

2016, Gabay Pang-Kurikulum. Pasig, Philippines:


Kagawaran ng Edukasyon

2020, Most Essential Learning Competencies (MELCs).


Pasig, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like