You are on page 1of 35

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Kahandaan sa Kalamidad
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Kahandaan sa Kalamidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat : Canticle Niño R. Mejia


Tagasuri ng Nilalaman : Angelica M. Burayag, PhD
: Rosanna P. Querijero / Rebecca K. Sotto, PhD
Tagasuri ng Wika : Mary Grace P. Valenton / Rosanna P. Querijero
: Helen G. Laus EdD
Tagasuri ng Pagguhit / Paglapat : Jeremy Daos / Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit : Gizelle R. Libed
Tagalapat : Jenn Eicel S. Lopez

Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Kahandaan sa Kalamidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahandaan sa Kalamidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga


paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad.
Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at maituro
ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa pagsagot ng
modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

ii
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahandaan sa Kalamidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


Subukin
natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
Balikan balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


Pagyamanin
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain at


aktibidad upang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paraan
upang mabawasan ang epekto ng kalamidad. AP4AAB- Ii-j-12

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Naiisa-isa ang mga kalamidad na karaniwang


nararanasan sa bansa;

2. Natutukoy ang mga epekto ng kalamidad;

3. Natutukoy ang mga paghahanda sa kalamidad; at

4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan


ang epekto ng kalamidad.

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga


paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad.
Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at maituro
ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa pagsagot ng
modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Piliin sa Hanay A ang tinutukoy sa bawat pangungusap


mula sa Hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A

A. landslide F. emergency bag/ survival kit


B. bagyo G. sunog
C. lindol H. flash floods
D. pagsabog ng bulkan I. earthquake drills
E. baha J. daluyong bagyo o storm surge

Hanay B

____ 1. Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik,


bato at iba pa.
____ 2. Masamang lagay ng panahon na may kasamang
malakas na hangin at pag-ulan.
____ 3. Tumutukoy sa pagyanig ng lupa.

____ 4. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan

____ 5. Isang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan


sanhi ng low-pressure na panahon.
____ 6. Pagsabog o pagbuga ng usok na nagdudulot ng
panganib sa kalusugan ng mga tao o hayop.
____ 7. Isang sakuna na dulot ng malakas na apoy.

____ 8. Isang paghahanda sa pagdating ng lindol.

____ 9. Mga bagay na makatutulong sa pagdating ng anumang


kalamidad.
____ 10. Tumutukoy sa pagguho ng lupa mula sa kabundukan
o bundok.

2
Balikan

Balikan ang nakaraang aralin.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang ipinahahayag sa


bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

kapatagan klima anyong tubig panahon


burol look anyong lupa agrikultura
industriya tsanel bukal bulkan

______1. Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.


______2. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng
panahon sa isang lugar.
______3. Tumutukoy sa paglilinang ng lupa.
______4. Ilan sa mga halimbawa nito ay kipot, tsanel, at talon.
______5. Ang tag-init at tag-ulan ay mga uri ng ________.
______6. Ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan.
______7. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga bundok, bulkan, at
talampas.
______8. Malawak na lupain na patag at mababa.
______9. Ito ay bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin nito.
______10. Isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok.

3
Tuklasin
Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat patlang upang mabuo
ang salita. Tingnan ang mga larawan bilang gabay. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

K L M I D

1. Ano ang ipinakikita sa bawat larawan? ______________________


2.Alin sa mga kalamidad ang iyong naranasan? ________________
3. Ano-ano ang maaaring gawing paghahanda bago dumating
ang kalamidad? _____________________________________________
4. Ano-ano ang epekto ng kalamidad? _________________________
5. Ano-ano ang mga paraan upang mabawasan ang epekto ng
kalamidad? __________________________________________________

4
Suriin

Ang mga kalamidad ay mga pangyayaring maaaring


magdulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, kabuhayan, ari-
arian, at maging sa buhay ng tao at hayop.

Uri ng Kalamidad:

 Storm Surge o Daluyong Bagyo ay isang abnormal na


pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-pressure na
panahon, na nagdudulot ng malalakas na hangin at pag-
ulan, na maaaring mamuo bilang bagyo.

 Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos nang


paikot, na madalas ay may kasamang malakas na pag-ulan.

 Ang baha ay dulot ng labis na pag-ulan na ang resulta ay


pag-apaw ng tubig sa kapatagan.

 Flashflood o ang rumaragasang agos ng tubig na may


kasamang putik, bato, kahoy at iba pa.

 Landslide ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o mga


malalaking bato.

 Lindol o ang pagyanig ng lupa na nagiging sanhi ng


pagguho ng mga gusali at iba pa.

 Pagsabog ng bulkan o pagbuga ng usok na nagdudulot ng


panganib sa kalusugan ng mga tao o hayop dahil sa
makapal na abo at nagbabagang putik na inilalabas nito.

 Sunog na nagdudulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian


at maaaring buhay ng tao.

5
Malaki ang epekto ng kalamidad hindi lang sa pagkasira ng
ating kapaligiran. Ang panganib na dala nito ay nakapipinsala sa
buhay ng tao at mga hayop, maging sa ating kabuhayan ari-arian
at emosyon ng tao. Dapat maging handa at alerto sa lahat ng
oras, makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala, at
pinakabagong impormasyon sa radyo, telebisyon o internet.

Ang pagiging maalam sa mga dapat gawin at pagsunod sa


mga alituntunin tuwing may kalamidad ay makatutulong na
mapanatiling ligtas ang ating mga sarili. Makilahok sa mga
aktibidad tulad ng earthquake drill na naglalayong ituro ang mga
hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol.

Sa panahon naman ng bagyo, ang Philippine Atmospheric


and Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA
ay ahensiyang nangangasiwa sa pagbibigay ng impormasyon
upang malaman ang lakas o bugso ng hangin na dulot ng bagyo.

Mainam na may
nakahandang Emergency Bag
o Survival Kit na naglalaman
ng mga pagkain tulad ng mga
de-lata at tubig inumin. Ang
first aid kit, flashlight, radyo,
reserbang baterya at
mahahalagang dokumento ay
lagi rin nakahanda

Palaging tingnan ang emergency bag tuwing anim na buwan


upang matiyak na hindi pa expired ang mga pagkain, tubig at
gamot.

6
Pagyamanin
A. Panuto: Bilugan ang kung tama ang ipinapahayag ng
bawat pangungusap at kung mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Siguraduhing kumpleto ang emergency


supplies katulad na baterya ng flashlights at
first aid kit.
2. Manood ng balita sa telebisyon o makinig sa
radyo ukol sa lagay ng panahon.

3. Mag panic kapag lumindol.

4. Madalas maglaro sa baha ang magkaibigang


Issa at Lina.
5. Maingat na itinabi ni Mang Juan ang mga
natumbang puno sa gitna ng daan
pagkatapos ng bagyo.
6. Tuwing ika anim na buwan ay sinisiguro ni
Aling Perla na maayos ang mga pagkain at
iba pang gamit sa emergency bag.
7. Ipagsawalang bahala kung may paparating
na bagyo.
8. Ang kalamidad ay nakapagdudulot ng
pinsala sa ating kapaligiran.
9. Makiisa sa earthquake drill sa paaralan o
barangay bilang paghahanda sa lindol.
10. Maaaring makakuha ng impormasyon sa
telebisyon o radyo kung may paparating na
kalamidad.

7
B. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isinagawa sa paaralan at komunidad bilang


paghahanda kung may lindol?
a. Program
b. Contest
c. Earthquake drill

2. Nasa loob ka ng bahay at naabutan ka ng lindol. Ano ang


iyong gagawin?
a. Mag panic
b. Sumigaw
c. Humanap ng matatag na gamit at sumilong.

3. Ang pamilya ni Mang Juan ay nakatira malapit sa aktibong


bulkan na nagsisimulang magbuga ng abo. Ano ang dapat
nilang gawin?
a. Ipagsawalang bahala
b. Mamasyal sa paligid ng bulkan
c. Alamin ang ligtas na lugar sa paglikas.

4. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may


bugso ng hangin?
a. Landslide
b. Sunog
c. Bagyo

5. Tumutukoy sa pagyanig ng lupa na maaaring dahilan ng


pagbagsak ng malalaking gusali?
a. Flashflood
b. Lindol
c. Storm Surge

8
6. Napanood sa balita ni Aling Perla na malakas ang
paparating na bagyo. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Mag-imbak ng mga pagkain na hindi agad nasisira.
b. Itali ang mga bagay na maaring liparin ng hangin
tulad ng bubong ng bahay.
c. Lahat ng nabanggit.

7. May nakitang nakasaksak na kuryente ng appliance si


Dindo na hindi ginagamit? Ano ang dapat niyang gawin?
a. Makipaglaro sa kaibigan
b. Bunutin ito sa pagkasaksak
c. Huwag pansinin

8. Ano-ano ang mga kagamitan na nasa emergency bag?


a. Flashlight at reserbang baterya
b. Mga pagkaing hindi agad nasisira
c. Lahat ng nabanggit

9. Tuwing ilang buwan bago tingnan ang mga gamit na


inihanda sa emergency bag?
a. Dalawang buwan
b. Apat na buwan
c. Anim na buwan

10. Alin sa mga sumusunod ang mga halimbawa ng


kalamidad?
a. Bagyo, lindol
b. Pagsabog ng bulkan at sunog
c. Lahat ng nabanggit

9
C. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod na
gawain ay lagi, minsan o hindi mo ito ginagawa upang maiwasan
ang pinsala sa oras ng kalamidad. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Gawain Lagi Minsan Hindi


1. Palaging tingnan kung may
naiwan na nakasaksak na
kagamitan ng kuryente kung
aalis ng bahay.
2. Nakikilahok sa earthquake drill
sa paaralan.
3. Mag-panic sa oras ng
kalamidad.
4. Gawin ang duck, cover and hold
sa oras ng lindol.
5. Alamin ang mga ligtas na lugar
sa oras ng kalamidad.
6. Ipagsawalang bahala kung may
paparating na bagyo.
7. Maligo sa tubig baha.
8. Manood ng balita sa telebisyon
upang magkaroon ng
impormasyon sa mga
nangyayari sa ating paligid.
9. Mag-iwan ng nakasinding
kandila.
10. Siguraduhing malinis ang
paligid lalo na ang mga estero
at kanal.

10
D. Panuto: Itala ang epekto ng bawat kalamidad sa tao, hayop,
kabuhayan at ari-arian. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Epekto sa tao Epekto sa Epekto sa


Kalamidad
at hayop kabuhayan Ari-arian

lindol

bagyo

sunog

landslide

flashflood

11
E. Panuto: Isulat ang mga dapat gawin upang maiwasan ang
malubhang pinsala ng mga sumusunod na kalamidad. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Bago ang bagyo Habang ang bagyo

Pagkatapos ng Bago ang lindol


bagyo

Habang may lindol Pagkatapos ng


lindol

12
Habang may sunog Pagkatapos ng
sunog

Pagkatapos ng baha Bago sumabog ang


bulkan

F. Panuto: Magbigay ng mga mungkahing gawain upang


mabawasan ang epekto ng kalamidad sa mga sumusunod. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

sa tao sa hayop

13
sa ari-arian sa paligid

sa kabuhayan

14
Isaisip

Panuto: Pillin sa ibaba ang angkop na salita na bubuo sa diwa


ng mga pahayag. Basahin ang mga salita sa ibaba upang maging
gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Survival kit kalamidad pagsunod ari-arian gamot


tao pagkain damit telebisyon kabuhayan

Ang mga _________ ay mga pangyayaring maaaring


magdulot ng malaking pinsala o epekto sa buhay ng
______, hayop, mga ________ at __________. Maaaring
malaman ang pinakabagong impormasyon sa radyo,
__________, dyaryo o internet ukol sa paparating na
kalamidad.

Ang Emergency Bag o ___________ sa ating


kabahayan ay naglalaman ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng mga ________(di kaagad
nasisira) tulad ng mga de-lata, tubing-inumin, ________,
_________, first aid kit, flashlight, radyo, reserbang
baterya at mahahalagang dokumento na nakalagay sa
isang water proof na lalagyan.

Ang __________ sa mga alituntunin at batayang


pangkaligtasan ay pagtitiyak sa pagpapanatili at
pangangalaga sa buhay at ari-arian.

15
Isagawa
Panuto: Magbigay ng mga paghahanda sa mga sumusunod na
kalamidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Uri ng Mga Paghahanda o dapat gawin sa panahon


Kalamidad ng kalamidad.

bagyo

lindol

pagsabog ng
bulkan

baha

landslide

16
Tayahin
A. Panuto: Magbigay ng 5 kalamidad na madalas maranasan sa
ating bansa. Isulat sa loob ng mga ulap ang sagot. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

B. Panuto: Magbigay ng mga paraan kung paano mababawasan


ang mga epekto ng kalamidad. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.

2.

3.

4.

5.

17
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang mga dapat gawin sa mga sumusunod na
sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ano ang aking gagawin kapag may lindol.

Kung ikaw ay nasa labas ng paaralan o gusali habang may


lindol.

Kung ikaw ay nakatira sa tabing- dagat habang may malakas na


bagyo.

Kung ikaw ay nakatira malapit sa isang aktibong bulkan.

18
19
Balikan Subukin Isagawa
Maaaring magkakaiba
1. bukal 1. H ang sagot ng mga mag-
2. klima 2. B aaral
3. agrikultura 3. C
4. anyong tubig 4. E Tayahin
5. panahon 5. J Maaaring magkakaiba
6. industriya 6. D ang sagot ng mga mag-
7. anyong lupa 7. G aaral
8. kapatagan 8. I
9. F Karagdagang Gawain
9. look
10. A
10. bundok Maaaring magkakaiba
ang sagot ng mga mag-
aaral
Pagyamanin C B
A Maaaring magkakaiba
1.
tsek ang sagot ng mga mag- 1. C
2.
tsek aaral 2. C
3.
ekis D 3. C
4.
ekis Maaaring magkakaiba 4. C
5.
tsek ang sagot ng mga mag- 5. B
6.
tsek aaral 6. C
F
7.
ekis 7. B
Maaaring magkakaiba
8.
tsek 8. C
ang sagot ng mga mag-
9.
tsek aaral 9. C
10.
tsek 10. C
Isaisip
1. kalamidad
2. tao
3. ari-arian
4. kabuhayan
5. telebisyom
6. survival kit
7. pagkain
8. damit
9. gamot
10. pagsunod
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan,


Charity A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P.,
Quintos, Emily R., “Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng
Pacific Ring of Fire” Araling Panlipunan 4 (Department
of Education-Instructional Materials Council
Secretariat(DepEd-IMCS), Unang Edisyon, 2015),
95-107

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan,


Charity A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P.,
Quintos, Emily R., “Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng
Pacific Ring of Fire” Araling Panlipunan 4 Patnubay ng
Guro (Department of Education- Instructional Materials
Council Secretariat(DepEd-IMCS), Unang Edisyon,
2015),41-43

Google. 2020. “Uri ng Kalamidad”.


https://academia.edu/mga_uri_ng_kalamidad

Google. 2020. “Ano ang Agrikultura”.


https://pinoynewbie.com/ano-ang-agrikultura

Google. 2020. “Ano ang Industriya”.


https:// wikiwand.com/industriya

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Governement Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like