You are on page 1of 25

4

Islamic Values
Education
Quarter 1 – Module 1:
The Surah Al-Balad
(The 5 Obligatory Prayer)
Islamic Values Education – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 1: The Surah-Al Balad (The 5 Obligatory Prayer)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Manunulat : Ahmad S. Rombraan/ Ma. Corazon D. Natividad
Tagasuri ng Nilalaman : Angelica M. Burayag,Ph.D/ Jefferson Cordon
Tagasuri ng Wika : Bennedick Viola/ Jocelyn DR. Canlas/ Melissa M. Santiago
Tagasuri sa ADM Format :Anastacia Pelayo Aquino/Ruel Emberga
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit : Marlon Diego/Mario/Mario E. Dojillo Jr.
Tagaguhit : Jerwin C. Victoria
Tagalapat : Diana Rose R. Cabigao
Management Team : Nicolas T. Capulong PhD. CESO V
: Librada M. Rubio Ph.D
: Angelica M. Burayag, Ph.D
: Ma. Editha R. Caparas Ed.D
: Nestor P. Nuesca Ed.D
: Marie Ann C. Ligsay, Ph.D
: Fatima M. Punongbayan
: Arnelia M. Trajano Ed.D
: Salvador B. Lozano

Printed in Republic of the Philippines, Department of Education – Region III


Office Address: DM Government Center Brgy. Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4
Islamic Values
Education
Quarter 1 – Module 1:
The Surah Al-Balad
(The 5 Obligatory Prayer)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Islamic Values Education 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling The Surah
Al-Balad (The 5 Obligatory Prayer)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Islamic Values Education 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa The Surah Al-Balad (The 5 Obligatory
Prayer)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa


o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsasagawa ng salah at ang mga angkop
na katuruan na dapat gawin habang ito ay ating isinasagawa.
2. Nabibigkas ng maayos ang mga bahagi ng Surah
3. Napapahalagahan ang gawain ng pagdarasal ng 5 beses sa isang araw
4. Naipakikita ang wastong kilos o hakbangin na ginagawa sa pagsalah

Subukin

Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang unang wakto?


a. Fajr
b. Dhuhr
c. ‘Asr
d. Maghrib

2. Alin sa sumusunod ang pangalawang wakto?


a. Dhuhr
b. ‘Asr
c. Maghrib
d. Fajr

3. Alin sa sumusunod ang pangatlong wakto?


a. Maghrib
b. ‘Aisha
c. Fajr
d. Dhuhr
4. Alin sa sumusunod ang pang-apat na wakta

1
a. “Aisha
b. “Asr
c. Maghrib
d. Dhuhr

5. Alin sa sumusunod ang panglimang wakto?


a. “Asr
b. Maghrib
c. “Aisha
d. Dhudr

6. Ilang rakat ang Dhuhr?


a. 2
b. 4
c. 5
d. 3

7. Ilang rakat ang “Asr?


a. 4
b. 5
c. 3
d. 2

8. Ilang Sujud mayroon sa Maghrib?


a. 5
b. 6
c. 3
d. 4

9. Ilang Sujud mayroon sa ‘Fajr?


a. 4
b. 6
c. 2
d. 3

10. Ilang Sujud mayroon sa ‘Asr?


a. 6
b. 8
c. 5
d. 4

2
Aralin
The Surah Al-Balad
1

Ayon sa Ayat na ito [Thumma kana mina allatheena amanoo watawasaw


bissabri watawasaw bilmarhamat] Alam natin na ang pagdarasal ng 5 beses sa
isang araw ay isa sa pinakamahirap dahil una- habang buhay natin itong
isasagawa bilang pagsamba sa Allah. Pangalawa- maraming proseso at
kondisyon ng pagsasagawa nito, gaya na lamang ng pagbabasa ng Surah sa
bawat pagtayo. Sa tuwing ikaw ay magdarasal, kailangan mong basahin ang
Surah Al Fatiha at kinakailangang maayos ang pagkakabanggit ng bawat salita.
3
Pagkatapos basahin ang Surah Al Fatiha, susundan ito ng alam nating mga
Surah o Ayat sa Quran at nararapat na ganoon rin kaayos ang pagbabasa ng
bawat salita na nakapaloob sa mga ito.
Sa pagdarasal, may may mga nakatakdang oras na kung saan hindi pwede
na sadyaing ipagpaliban. Hindi ka maaaring magsagawa ng sambayang
hanggang hindi dumarating ang takdang oras.
Narito ang mga oras ng bawat pagdarasal at ang mga tawag dito.

# Pangalan ng Wakto Oras


1 Fajr 04: 15
2 Dhuhr 12 :02
3 Asr 03: 24
4 Maghrib 06: 29
5 Isha 07: 43

4
Ang bawat tayo natin ay tinatawag na Rak’ah at sa bawat tayo natin ay
obligado tayong basahin ang Surah Al Fatiha.
Mahalaga ang Surah Al Fatiha sa bawat Rakat at bawat Wakto ay may
tinatawag na Rak’ah.

# Pangalan ng Wakto Rak’ah ( Bilang)


1 Fajr 2
2 Dhuhr 4
3 Asr 4
4 Maghrib 3
5 Isha 4

Balikan
Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap.
_____ 1. Nararapat na magkaroon ng Niyaat bago magsagawa ng Wudhu.
_____ 2. Ang paghuhugas ng kamay at pagmumumog ay kasama sa paglilinis
ng sarili bago manalangin.
_____ 3. Maaaring pagsabayin ang dalawang paa sa paghuhugas nito.
_____ 4. Ang tainga at ilong ay dapat ding linisin.
_____ 5. Sa paghuhugas ng braso inuuna ang kaliwa.
_____ 6. Binabanggit ang Bismillah bago manalangin.
_____ 7. Sa paglilinis ng tainga ginagamit ang maliit na daliri.
_____ 8. Kapag nasimulan na ang Wudhu maaari pa gumawa ng ibang gawain.
_____ 9.Sa paghuhugas ng paa dapat na basain hanggang tuhod.
_____ 10. Ang mga hakbang ng Wudhu ay winawakasan sa pagbigkas ng
Ash-hadu an la ilaha illallaah.

5
Mga Tala para sa Guro
Ang pagmamahal kay Allah ay maipakikita sa pamamagitan ng
pagsunod sa ating mga kautusan at pagsasagawa ng gawain sa
pagsamba ng walang pag-aalinlangan at may pagkukusa. Marapat na
ito ay ating matandaan at isabuhay nang sa gayon ay makamit natin
ang biyaya ng pagpapala.

Tuklasin

Ang pagsasagawa ng mga itinakdang tungkulin ng pagsamba ay


nagbibigay lakas sa pananalig upang ito ay maging kapaki-pakinabang at
mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman,ang pagsamba ay isang bagay na
nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga
mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang
kapwa.
Bago ang pagsasagawa ng pagdarasal, kinakailangan muna nating linisin
[wudhu o ablusyon] ang ating mga sarili.

Ito ang mga proseso sa pagsasagawa ng wudhu [ablusyon]:

6
1. Magniyah na ikaw ay magwuwudu upang magsambayang.
2. Hugasan ang mga maseselang parte ng katawan.
3. Banggitin ang salitang Bismillah at hugasan ang kamay ng
maayos.
4. Magmumog ng tubig ng 3 beses.
5. Hugasan ang ilong ng 3 beses.
6. Maghilamos ng 3 beses.
7. Hugasan ang kanang kamay hanggang siko ng 3 beses at
ganoon din sa kaliwang kamay.
8. Basain ng kaunti ang buhok mula sa noo hanggang sa ibaba
ng 1 beses.
9. Sabay na hugasan ang magkabilang tainga ng 3 beses.
10. At panghuli, hugasan ang kanang paa ng 3 beses, ganoon din
ang kaliwang paa at pagkatapos ay banggitin ang Ash hadu anlailaha ilallah.

7
Isulat ang bilang na hinihingi sa sumusunod na mga tanong.
Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
1. Ilang rakat mayroon sa Asr?
2. Ilang rakat mayroon sa Isha?
3. Ilang rakat mayroon sa Fajr?
4. Ilang rakat mayroon sa Dhuhr?
5. Ilang rakat mayroon sa Maghrib?
6. Ilan ang kabuuang bilang ng wakto araw araw?
7. Ilang Ayyat ang nakapaloob sa Surah Al Fatiha?
8. Ilang beses dapat hugasan ang ating tainga bago mag dasal?
9. Ilang beses dapat hugasan ang ating mga paa bago magdasal?
10. Ilang parte ng katawan ang obligadong hugasan o linisin bago
magsagawa ng pagdarasal?

Suriin

May tatlong uri ng pagdarasal at ang mga ito ay tinatawag na:


1. Ang wajibat na hindi natin pwedeng iwanan o kalimutan.
 Takbiratul intikal
 Sami allahu limanhamida
 Qawlu imami maamum [Rabbana lakal hamd]
 Subhana rabbi al adheem
 Rabbighfirli bayna sajdatayn
 Tashahuddil ulla (unang upo)
 Tahayyat Akheer

8
2. Ang arkan na kapag naiwan natin ay hindi kompleto ang ating
salah.
 An Niyyah
 Takbeeratul Ihram
 Al Qiyam fil Fardh
 Qiraatu Surah Al Fatiha
 Sujud
 Al Julu bayna Sajdatayn
 Al Itmaanan fis Salah
 Qawlu subhana rabbiyal adheem fee sujudika wahida

3. Ang Sunnah ay hindi tulad ng Fardh na obligadong maisagawa


natin dahil ang Sunnah, kung hindi natin maisagawa ay hindi
tayo magkakasala. Ngunit ang Sunnah ay pareho lamang ng
paraan sa pagdarasal ng Wajib pero ito ay dalawang rakat
lang.
 Itaas ang kamay at banggitin ang takbir
 Ipatong ang kanang kamay sa kaliwang kamay
 Magsimula nang magdasal
 Bumanggit sa mga kabisado o alam mong Ayah at Surah
 Banggitin ang Ameen
 Itaas ang kamay pagkatapos magruko
 Hindi maaaring iparinig ang boses sa pagbabasa ng Ayah o Surah
 Pananalangin sa sujud

9
Pagyamanin

Gawain 1
Isulat ang sagot sa kuwaderno. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Surah Al-Balad 20
90 Ahad
Ayyat 16-17 Pinakamahirap
30 Nasira ako sa kayamanan

Pagdarasal Nananampalataya

1. Ano ang pangalan ng Surah na binanggit sa ating paksa?


2. Ilang Ayyat (verses) mayroon sa Surah Al- Balad?
3. Pang-ilang Ayyat mula sa Surah Al-Balad ang tumutukoy sa 5
Obligatory Prayer?
4. Ano ang ibig sabihin ng salitang “amanu” sa Tagalog?
5. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Salah” sa Tagalog.
6. Anong pahina sa Qur’an ang Surah Al-Balad?
7. Anong bahagi sa Qur’an nakapaloob ang Surah Al-Balad?
8. Ano sa wikang Tagalog ang “ahlakto”?
9. Ano sa wikang Arabic ang “nag-iisa”?
10. Ano sa wikang Arabic ang “al aqabato?”

10
Gawain 2
Isulat sa kuwaderno kung ang bahagi ng dasal sa ibaba ay Rukon, Wajib o
Sunnah. Isulat ang R kung Rukon, W kung Wajib, S kung Sunnah.
______ 1. Banggitin ang Ameen
______ 2. Pagbabasa ng Ayat matapos ang Surah Al Fatiha
______ 3. Takbiratul Ihram
______ 4. Sujud
______ 5. Taslim
______ 6. Pananalangin sa Sujud
______ 7. Salawat Al Raul
______ 8. Itaas ang kamay at banggitin ang takbir
______ 9. Itaas ang kamay pagkatapos magruko
______10. Qiraatu Surah Al Fatiha

Isaisip

Ang Surah Al Fatiha ay hindi maaaring kalimutan, bawasan o dagdagan dahil


yan ang pinakamahalaga sa pagsasalah. Tandaan rin na ang pagsasagawa ng
salah ay maraming magandang maidudulot sa ating pamumuhay dito sa
mundo at pati na rin sa kabilang buhay.
Ang magagandang katangian na maaaring makuha natin sa gawaing ito ay
ang mga sumusunod:

11
1. Pagiging matapat
2. Pagiging malinis
3. Pagiging masunurin
4. Pag-iwas sa pagsisinungaling
5. Pagiging mabait
6. Paggawa ng mabuti
7. Pagkakaroon ng takot kay Allah
8. Pagtaliwas sa paggawa ng hindi maganda
9. Pagiging matiisin
10. Pagiging marespeto o magalang

Isagawa

Iugnay ang mga salita sa Hanay A sa kahulugang salita sa Hanay B

A B
1. Balad a. Siyudad
2. Insan b. Mga labi
3. Shafatayni c. Dalawang mata
4. Leesaana d. Dila
5. ‘Aynaynee e. Tao
6. Ahad f. Nananampalataya
7. Amanoo g. Nag-iisa
8. As-sabr h. Matiisin
9. As-salah i. Nagdarasal
10. Marhama j. awa

12
Tayahin

Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot sa mga sumusunod:

A. Magbigay ng tatlo (3) sa mga Wajib o Obligadong gawin bago


mag-salah

1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________

B. Magbigay ng tatlo (3) Sunnah sa Pagsagawa ng Salah.

1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________

C. Magbigay ng apat (4) kabutihang maidudulot ng pagsasalah.


1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________
4. __________________________

13
Karagdagang Gawain

Gawin Natin ang mga Ito


Ipakita ang wastong pagsasagawa ng Wudhu o ablusyon sa harap ni nanay o
tatay.

Rubrics:

Kilos Puntos
Naisagawa nang wasto ang sampung 10
hakbangin (10)
Naisagawa nang wasto ang walo 9
hanggang siyam na hakbangin (8-9)
Naisagawa nang wasto ang anim 8
hanggang pitong hakbangin (6-7)
Naisagawa nang wasto ang apat 7
hanggang limang hakbangin (4-5)
Naisagawa nang wasto ang isa 6
hanggang tatlong hakbangin (1-3)
Note:
Sa mga magulang, mangyaring bigyang puntos ang mga anak ayon sa bilang na
naisagawa ang Wudu ng wasto .

14
15
Isagawa Pagyamanin Pagyamanin
1. Siyudad Gawain 2 Gawain 1
2. Tao
3. Labi 1. S 1. Surah Al-Balad
4. Dila 2. S 2. 20 Ayyat Verses
5. Dalawang Mata 3. R 3. Ayyat 16-17
6. Nag-iisa 4. R 4. Nananampalataya
7. Nananampalataya 5. R 5. Pagdarasal
8. Matiisin 6. S 6. 90
9. Nagdarasal 7. R 7. 30
10. Awa 8. R 8. Nasira ako sa kayamanan
9. S 9. Pinakamahirap
10. R 10. Ahad
Balikan
Tuklasin Subukin
1. Tama
1) 4 2. Tama 1. A
2) 4 3. Mali 2. A
3) 2 4. Tama 3. B
4) 4 5. Mali 4. C
5) 3 6. Mali 5. C
6) 5 7. Mali 6. B
7) 7 8. Mali 7. A
8) 3 9. Mali 8. B
9) 3 10. Tama 9. A
10) 9 10. B
Susi sa Pagwawasto
16
Tayahin
A. Wajib
1.Takbiratul intikal
2.Samiallahu limanhamida
3.Qawlu imami maamum
B. Sunnah
1.Banggitin ang Ameen
2. Magsimula nang magdasal
3.Pananalangin sa Sujud
C.
1. Pagiging matapat
2.Pagiging malinis
3. Pagiging masunurin
4. Pagiging mabait
Sanggunian

Alapa, H., Badrodin, A., Bilon, A., Imam, O., Abdulhamid, A.,
Abdulmalik A., Alam, R., Basri, R., Daguit A., Guiambangan A.,
Ishak G., Macabero, A., Matug S., Omar W., Panulong E.,
Yusop, B., Umpara A. (2014). Islamic Values Education 3
Learner’s Book for Grade Three. Pasig City, Philippines.

Anonymous. (2010). Refined Elementary Madrasah Curriculum.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like