You are on page 1of 24

4

Islamic Values
Education
Unang Markahan – Modyul 4:
Kabutihan at Pagmamalasakit sa
Kapwa Hango sa Surah al-Layl at
Surah Al Fajr
Islamic Values – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Naipapakita ang Kabutihan at Pagmamalasakit sa Kapwa
Hango sa Surah al-Layl at Surah al Fajr
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Alice T. Sahagun


Editor: Ruel F. Bondoc
Tagasuri: Ruel F. Bondoc
Tagaguhit: Ronald C. Dare
Tagalapat: Roderick S. Sibug

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby Murallos Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilathala sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Department of Education – Region III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis,
City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89; (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4

Islamic Values
Education
Unang Markahan – Modyul 4:
Kabutihan at Pagmamalasakit sa
Kapwa Hango sa Surah al-Layl at
Surah al Fajr
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Islamic Values
Education IV ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Kabutihan at Pagmamalasakit sa Kapwa Hango sa Surah
al-Layl at Surah al Fajr.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

II
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Islamic Values
Education IV ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Kabutihan at Pagmamalasakit sa Kapwa Hango sa Surah
al-Layl at Surah al Fajr.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o


balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

III
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

IV
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay


Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga


tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

V
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

VI
Alamin

Ang modyul na ito ay isinagawa at isinulat para sa iyo. Layunin ng modyul


na ito na madagdagan ang iyong kaalaman at magbigay ng mga gawain na
mas magpapalawak ng iyong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pag-intindi.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na matututunan ang
mga sumusunod:
1. Matutunan ang kahulugan ng kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa
ayon sa Hango sa Surah al-Layl at Surah al Fajr.
2. Masaisip na ang kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa ay
maisasagawa sa napakaraming paraan.
3. Maisabuhay ang pagiging mabuti at mapag-malasakit sa kapwa gaya
ng utos ni Allah.

Subukin

Basahin at suriin ng mabuti ang mga tanong ukol sa kabutihan at


pagmamalasakit. Bilugan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Nakakita ng batang pulubi si Wasim. Ano ang


dapat niyang gawin?
a. Tumawag ng Pulis at ipakulong ang batang
pulubi.
b. Bigyan ng pagkain o salapi ang batang pulubi.
c. Magpatuloy lamang sa paglalakad si Wasim.
d. Ipagtabuyan ang batang pulubi dahil siya ay
marumi.

2. Nakita ni Hajid n a may isang Lola na


papatawid sa kalsada ngunit nahihirapan ito na
makatawid. Ano ang dapat gawin ni Hajid?
a. Hayaan na lang si Lola na tumawid mag-isa.
b. Pumunta sa pinakamalapit na tindahan at
bumili ng pagkain.

7
c. Tulungan si Lola na tumawid ng kalsada upang hindi siya
masagasaan.
d. Umuwi na lang ng maaga upang makapaglaro

3. Pumasok si Siti sa eskwelahan ng maaga.


Pagpasok niya sa kanilang silid-aralin,
natagpuan niyang umiiy ak si Baljit. Ano ang
dapat gawin ni Siti?
a. Tumuloy sa pagpasok sa silid-aralin at
umupo na lang sa kanyang silya.
b. Tumuloy sa silid-aralin at
makipagkwentuhan sa kanyang mga
kaibigan.
c. Dumiretso sa canteen upang bumili ng
pagkain.
d. Puntahan si Baljit at tanungin kung ano ang kanyang problema at
tulungan itong maging masaya.

4. Nalaman ni Sofia na may sakit ang


kanyang kaibigan na si Fatima. Ano ang
dapat gawin ni Sofia?
a. Puntahan si Fatima at manghingi ng
pera
b. Puntahan si Fatima upang mang-asar
c. Puntahan si Fatima upang alagaan ito
d. Puntahan si Fatima at hikayating
tumakas upang mag laro

5. May pagsusulit kayo sa asignaturang


Agham. Nakita mo ang iyong kaklase
na wala siyang gamit na papel. Balisa
siya at naluluha dahil malapit ng
magsimula ang inyong pagsusulit. Ano
ang dapat niyang gawin?
a. Bigyan siya ng papel upang siya ay
makasagot
b. Asarin siya ng walang humpay dahil
wala siyang papel
c. Magpanggap na hindi mo siya naikit
d. Hindi mo siya bibigyan ng papel

8
Kabutihan at
Aralin
Pagmamalasakit sa Kapwa
1 Hango sa Surah al-Layl at
Surah Al Fajr
Ang Sūrat al-Layl na ang ibig sabihin ay gabi, ang ika-92 kabanata
ng Qur’an na may 21 talata. Ang surang ito ay isa sa unang sampung
inihayag sa Mecca.

Tinatalakay ng surah na ito ang sikreto ng sunod-sunod na araw at


gabi pati na rin ang paglikha ng lalaki at babae. Kapag dumating ang gabi,
ang ilaw ng araw ay nakatago ngunit hindi ito nawala. Hindi iniiwan ng
araw ang lugar nito. Ang ilaw nito ay lilitaw sa lahat ng kaluwalhatian sa
tamang oras.
Sa katulad na ilaw ni Allah ay natago mula sa tao dahil sa kanyang
magkakaibang layunin. Ngunit kailangan niyang magsumikap na mailagay
ang kaniyang sarili sa posisyon ng iba upang maabot ang ilaw sa lahat ng
kaluwalhatian nito.
Ang lihim ng kasarian, tulad ng nabanggit sa surah ay naiintindihan
ang lahat ng tungkol sa buhay. May atraksyon sa pagitan ng magkaibang
kasarian. Ang babae ay iba sa lalaki, ngunit mayroon din naman silang
magkaparehong katangian.
Muling binanggit ni Allah sa surah na ito ang kapalaran ng mga
tumanggi sa Katotohanan. Sila ay papasok sa impiyerno o apoy ng parusa.
Sa kabilang banda, ang ga gumagawa ng mabubuting gawa at umaasa na
makita ang mukha ng Panginoon na Kataas-taasan ay makakatagpo ng awa
ng Panginoon.
Samantalang ang Surah al-Fajr ay ang ika-89 na surah ng Qur’an. Ito
ay binubuo ng tatlumpung bersikulo. Ito rin ay ipinahayag sa Mekkah.
Sa Surah na ito, ipinahayag ni Allah ang kababalaghan ng madaling
araw, kung saan paparating na ang araw, ang unang sampung araw ng
buwan ng Dul Hijjah.
Binanggit ni Allah sa Surah ang kwento ng mga taong sakop nina Aad
at Thamud na kumuha ng malalaking bato at ginawa nilang mga palasyo sa
pamamagitan ng pag-ukit ng mga batong ito sa mga bahay. Iyon ay ang
tanda ng kanilang pagiging masipag sa paggawa at ang mga bahay na ito ay
makikita pa rin ngayon sa Saudi Arabia sa Mada sa Salih. Dahil

9
tinanggihan ng mga taong ito ang pagsamba kay Allah, isang matinding na
parusa ang ibinigay sa kanila at silang lahat ay nasawi.

Balikan

Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin, pakisulat sa iyong


sagutang papel ang pamagat ng ating nakaraang aralin at kung ano ang
natutunan mo mula dito.

Mga Tala para sa Guro

Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay


kinakailangan ng iyong mag-aaral upang matutuhan niya
ang mga aralin at masagutan ng wasto ang mga gawain sa
kagamitang ito.

10
Tuklasin

Basahin at unawain ng mabuti ang kuwento.


Si Abdul at si Ali
-ni Nichol Jhon Tolentino Sahagun

May dalawang matalik na


magkaibigan. Sila ay sina Abdul at si Ali.
Si Abdul ay galing sa angkan ng mga
mayayaman at may sariling kompanya.
Tunay na mapalad si Abdul. Minsan,
habang naglalakad siya papuntang Moske
upang magdasal kay Allah, may nakita
siyang isang batang lalaki na
namamalimos. Sira-sira ang suot nitong
damit at napakadungis na halatang ilang
araw ng hindi naliligo. Nagpatuloy sa
paglalakad si Abdul at huminto muna sa
isang tindahan upang bumili ng pagkain.
Bumili siya nang kanin at pritong manok
at pagkatapos ay n ilapitan ang batang
lalaki na nakita niya, sabay sabi ng “Bata!
Heto pagkain para sa iyo!” wika ni Abdul.

“Salamat. Anong pangalan mo?”

“Ako si Abdul”. At ikaw naman ay si______?”

“Ali ang aking pangalan.”

Tuwang-tuwa si Ali sa ibinigay na pagkain ni Abdul. Tinanggap niya ito


ng may ngiti sa labi mula sa kamay ni Abdul. “Maraming salamat, Abdul!”,
Allah Yehfazak!”. Masayang bati ni Ali.

“Walang ano man! Allah Yehfazak!” Kumain ka na ha”, sagot naman ni


Abdul.

Tumango lamang si Ali sa sinabi ni Abdul. Nagpaalam na si Abdul at


nagsimula na sa paglalakad ng napalingon siya sa kinaroroonan ni Ali at
napansing itinago muna ni Ali ang supot na naglalaman ng pagkain.
Binalikan niya ito sabay tanong ng “Bakit itinago at hindi mo pa kinakain ang
ibinigay ko?

11
Ngumiti si Ali sabay sagot ng, “Mamaya na, Abdul. Iuuwi ko ito sa amin
upang maibahagi ko sa kapatid ko na maysakit. Mas kailangan niya ito upang
gumaling agad”.

Napuno ng galak ang puso ni Abdul sa narinig. Iniabot niya ang isang
papel kay Ali.

“Ang ama ko ay isang doktor.”

“Isama mo ang iyong kapatid bukas sa klinik ng aking at ng siya ay


masuri kaagad. Huwag kang mag-alala at wala kayong babayaran. Tiyak na
tutulungan kayo ng aking ama. Natutuwa ako Ali sa malasakit at kabutihan
mo sa iyong kapatid. Pagpalain ka nawa ni Allah”.

“Napakabait mo, Abdul! Nawa’y pagpalain ka rin lalo ni Allah!”,


masayang wika ni Ali.

At simula noon, naging mabuting magkaibigan na sina Abdul at Ali.

Suriin
Basahin ng mabuti ang maikling kwento.

Si Norhan at si Lola Jirah


-ni Nichol Jhon Tolentino Sahagun
Ganap na ika-apat ng hapon nang
naisip ni Norhan na umuwi na lang ng
bahay, huwag makipaglaro sa mga
kaibigan upang siya ay makapag-aral at
maging handa sa pagsusulit nila
kinabukasan. Paglabas ni Norhan ng gate
ng paaralan, natanaw niya ang kanyang
Lola Jirah na naghihintay na sa kanya.
Araw-araw siyang sinusundo ng matanda
sa paaralan.
Nakita ni Norhan na may dala-dalang
bayong si Lola Jirah. Dali-daling tumakbo
si Norhan at kinuha ang bayong.
“Akin na po lola, ako na po ang
magbubuhat niyan”.
“Maraming salamat, Norhan!” wika ni Lola Jirah.
“Walang ano man po, Lola!” masayang tugon naman ni Norhan.

12
Sabay na naglakad ang dalawa hanggang makarating sa kanilang tirahan.
Habang ay naglalakad, sinigurado ni Norhan na katabi niya ang kanyang
Lola dahil medyo mahina na ang pandinig nito. Inantabayanan niya rin ito
sa paglalakad upang huwag matapilok sa paglalakad. Ganoon kamahal ni
Norhan ang kanyang Lola Jirah. Pagsapit sa bahay ay masaya at sama-
sama silang kumain ng masarap na meryenda.

Sagutin ang mga ito ayon sa kwentong binasa. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

1. Ano ang pangalan ng dalawang batang


magkaibigan sa kwento?
2. Saan patungo si Abdul nang makita niya
sa daan ang batang pulubi?
3. Sino ang batang pulubi na nakita ni
Abdul?
4. Bakit nagtungo si Abdul sa Mosque?
5. Ilarawan mo ang itsura ni Ali ng Makita
siya ni Abdul.
6. Ano ang ginawa ni Abdul ng Makita niya
si Ali?
7. Ano ang pagkaing binili ni Abdul para
kay Ali?
8. Ano ang reaksyon ni Ali pagkabigay ni
Abdul sa pagkain?
9. Ano ang ginawa ni Ali pagkatanggap sa
pagkain? Kinain niya ba ito?
10. Kanino ibinigay ni Ali ang kanyang
pagkain?

II. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Lagyan ng tsek (⁄) kung sa iyong
palagay ay tama ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (X) kung mali.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Mga Tanong Tsek o Ekis
Tulungan ang mga nakakatanda sa
atin.
Kapag nakakita ng matandang
nahihirapan huwag pansinin.
Dapat tayong maging magalang sa
ating kapwa, kakilala man o hindi.
Hayaan magbuhat ng mabibigat na
bagay ang isang matanda.
Huwag tayong magalinlangang
tumulong sa mga nakakatanda sa
atin

13
Pagyamanin

Gawain 1.1

Essay.

Sagutin ang mga katanungan sa limang (5) pangugusap. Isulat ang iyong
mga kasagutan sa sagutang papel.

1.) Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang pagtullong ni Abdul kay Ali?
Bakit?

Sagot:
____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Kung ikaw si Abdul, tutulungan mo rin ba si Ali at makikipagkaibigan
_____________________________________________________________
2.)
ka sa kanya? ________________________________.

Sagot:
____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________________.
14
3.) Ibahagi mo ang iyong natutuhan sa kuwento nina Abdul at Ali.

Sagot:
____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________________.
Gawain 1.2
Pagguhit at Pagsasalarawan
Sa nakalaang espasyo sa ilalim, iguhit mo ang iyong sarili na
gumagawa ng kabutihan sa iyong kapwa.

15
Isaisip

1. Ang kabutihan ay isang ugaling Muslim na kung saan tayo ay


inaanyayahan ni Allah na maging mabuti sa kapwa.

2. Maipapakita ng isang tunay na tagasunod ng Islam ang kanyang


kabutihan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga magulang at pag-
aaral ng mabuti.

3. Lagi nating tatandaan na ang tunay na tagasunod ni Allah at ng


Islam ay isang mabuti at mapagmalasakit na tao.

4. Dapat lagi nating isinaisip na tayo ay maging tapat, mabait, at


mapagmalasakit sa lahat ng tao, pati na rin sa mga hayop na likha ni
Allah.

5. Muslim ka man o hindi, dapat nating pagmalasakitan ang ating


kapwa.

6. Ang kabutihan at pagmamalaskit ay hindi lang para sa mga kakilala


at kamag-anak natin bagkus, ito ay para sa lahat ng tao.

7. Ang tunay na kabutihan ay hindi nasusukat sa dami ng ibinigay o


kung ano ang ibinigay.

Isipin ang angkop na salitang bubuo sa bawat pangungusap na


nagpapahayag ng kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa.

1. Laging _______________ sa mga taong nangangailangan.


2. Bata man o _______________ ay dapat pagmalasakitan.
3. Muslim ka man o Kristiyano, ikaw ay dapat magpakita ng
____________ sa iyong kapwa.

4. Kapag ikaw ay isang batang Muslim na mabuti sa iyong kapwa, tiyak


na nalulugod si ____________.

5. ______________ ang pakiramdam ng taong nakakatulong sa iba.

16
Isagawa

Umisip ng mga katangian o kaugalian na sa iyong palagay ay


nagpapakita ng kabutihan at malasakit sa kapwa. Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.

Kabutihan
at
Pagmamalasakit

17
Tayahin

Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Lahat ng tao ay dapat maging?
a. magnanakaw
b. mapanira ng kapwa
c. mabuti

2. Kung ikaw ay nakakita ng isang tao na nangangailangan, tutulungan


mo ba siya?
a. oo,
b. hindi
c. siguro

3. Nakita mo na isa sa iyong mga kaibigan ay walang pambili ng pagkain,


ano ang gagawin mo?
a. Hayaan nalang siyang magutom.
b. Huwag siyang pansinin.
c. Pahiramin ng pera

4. May pagsusulit na ipinasasagot sa papel. Nakita mo si Sitti na walang


papel, ano ang gagawin mo?
a. Bibigyan ko siya ng papel.
b. Pagtatawanan upang mapahiya.
c. Magpapatay malisya.

5. Nasunugan ang inyong kapitbahay. Wala silang damit na nailigtas, ano


ang gagawin mo?
a. Titingnan ng walang ginagawa.
b. Ihahanap ng mga damit na maaaring ibigay sa kanila.
c. Sasabihan ng buti nga sa inyo.

18
Karagdagang Gawain

I. Ilarawan at Isalaysay.
Gumuhit ng isang eksena na nagpapakita ng kabutihan at
pagmamalasakit sa iyong kapwa. Sumulat ng ilang pangungusap
tungkol dito. Gawin ito sa sagutang papel.

Paliwanag:

19
20
1. B
2. C
3. D
4. C
5. A
SUBUKIN
1. 1.Abdul
1. Si Abdul at Ali
2. Mabait, 2. Mosque
mapag – alala, 3. Ali
1. A maunwaian, 4. Magdas
2. B mapamahagi al
3. C 3. Iba-ibang 5. Sira-sira
4. D reaksyon ng 6. Bumili ng 1. C
5. A mga bata pagkain 2. A
7. Pritiong 3. D
manok
8. Masaya
9. Hindi
10. Kapatid
GAWAIN 2
PAGYAMANIN SURIIN TAYAHIN
GABAY NA
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Badrodin, Albaya, Garido, Rayhanna, Omar, Abdulqadir, Omar, Fayda and
Sawato, Mohammad Nor. Legal Bases on MADRASAH Education Refined
Elementary MADRASAH Curriculum. Manila, Philippines: MGO
Enterprises, 2014, pp. 92-95.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) - Teach Pinas.


2020. Teach Pinas.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III- Bureau of Learning Resources


Management Section (DepEd Region-III LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like