You are on page 1of 30

Islamic Values Education

Ikalawang Markahan Modyul 9:


Pagpapahalaga sa Buhay
at Edukasyon
Ayon sa Surah Al-Alaq

Date Signed: 08-07-2020


Islamic Values Education– Level 3
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 9: Pagpapahalaga sa Buhay at Edukasyon Ayon sa Surah-al-Alaq
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Namrodin D. Ampaso / Irene A. Bravo


Tagasuri ng Nilalaman: Anita P. Domingo / Jefferson M. Cordon
Angelica M. Burayag, PhD
Tagasuri ng Wika: Maylyn J. Figueroa / Bennedick T. Viola
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri ng Pagguhit / Paglapat: Marlon Q. Diego / Mario E. Dojillo Jr.
Tagaguhit: Irene A. Bravo
Tagalapat: Joan A. Bugtong
Pabalat: Mark F. Miclat / Joseph A. Robles
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Tarlac City Schools Division – Learning Resource Management Section
Office Address: Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Website: depedtarlaccity.com
Telephone: (045) 982 – 4439 , 470-8181
E-mail address : tarlac.city@deped.gov.ph

Date Signed: 08-07-2020


3
Islamic Values Education
Ikalawang Markahan Modyul 9:
Pagpapahalaga sa Buhay at Edukasyon
Ayon sa Surah Al-Alaq

Date Signed: 08-07-2020


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Islamic Values Education 3) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagpapahalaga sa Buhay at Edukasyon Ayon
sa Surah al-alaq!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Islamic Values Education 3) ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa (Pagpapahalaga sa Buhay at Edukasyon Ayon sa Surah Al-Alaq) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii

Date Signed: 08-07-2020


Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

iii

Date Signed: 08-07-2020


realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

iv

Date Signed: 08-07-2020


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Date Signed: 08-07-2020


Alamin

This module was designed and written with you in mind. It is here to
show you about the love of learning as values derived in Surah al-alaq
by doing school tasks on time. The scope of this module permits it to
be used in many different learning situations. The language used
recognizes the diverse vocabulary level of students. The lessons are
arranged to follow the standard sequence of the course. But the order
in which you read them can be changed to correspond with the
textbook you are now using.

The module is divided into two lessons, namely:


 Lesson 1 – The Surah Al-Alaq
 Lesson 2 – The Values in Surah Al-Alaq
After going through this module, you are expected to:
1. identify the values/principles stated in Surah Al-Alaq;
2. practice good study habits in school as values derived in
Surah Al-Alaq; and
3. show love for learning as values derived in Surah Al-Alaq

Date Signed: 08-07-2020


Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinaka-angkop na sagot at isulat ang titik ng napiling sagot sa sagutang
papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Muslim na Surah Al-Alaq?

a. pagsasaliksik tungkol kay Allah


b. pagsasaliksik tungkol sa tao
c. pagsasaliksik tungkol sa kalikasan
d. lahat ng nabanggit

2. Nakapaloob sa Surah Al-Alaq ang isang utos ni Allah na Iqrah na may


kahulugang __________?

a. magbasa b. maglaro
c. manood d. matulog

3. Bakit kailangang bigyang halaga ng mga Muslim ang Surah Al-Alaq?

a. dahil ito ay kabanata ng buhay


b. dahil ito ay kabanata ng patay
c. dahil ito ay kabanata ng araw
d. dahil ito ay kabanata ng buwan

4. Ano ang iyong gagawin upang mapakita ang pagpapahalaga sa buhay na


bigay ni Allah?

a. gumawa ng mabuti
b. gumawa ng masam
c. gumawa ng kasinungalingan
d. gumawa ng mali

Date Signed: 08-07-2020


5. Paano ipinapakita ng isang mabuting mag-aaral na Muslim ang
pagpapahalaga na nakapaloob sa Surah-al-alaq?

a. Sa pagbabasa ng Qur’an gamit ang mata na bigay ni Allah.


b. Sa pagsusulat ng aralin gamit ang kamay na likha ni Allah.
c. Sa pakikinig sa guro gamit ang tenga na likha ni Allah .
d. lahat ng nabanggit

Aralin
Ang Surah-Al-Alaq
1
“Ang Surah al-alaq ay nangangahulugang pagsasaliksik o pag-aaral
tungkol kay Allah , sa tao at kalikasan na dahilan ng kayamanan ng buhay ng
mga Muslim.
Ang salitang Muslim na Iqrah ay isang utos ni Allah na ang ibig
sabihin ay “magbasa" na nakapaloob naman sa Surah Al-Alaq.
Upang maunawaan ang halaga ng “Surah-Al-Alaq” ay kailangan nating mag-
aral ng mabuti. Ano-ano kaya ang mga dapat gawin upang matutunan ito?

Aralin Ang mga Pagpapahalaga sa


Surah Al-Alaq
2
Bilang isang batang Muslim, napakahalaga na maunawaan natin kung ano
ang nilalaman ng “Surah-Al-Alaq” dahil nakapaloob dito kung paano natin
bibigyang halaga ang mga likha ni Allah satin.
Halika’t ating alamin ang dapat gawin upang mapahalagahan ang Surah-
Al-Alaq.

Date Signed: 08-07-2020


Balikan

Ano kayang tungkulin ng isang mag-aaral ang angkop sa mga


larawan? Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang
papel.

1. ________________ 2. _________________ 3. _________________

nagbabasa nagsusulat nakikinig

Date Signed: 08-07-2020


Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral ng ALIVE
Level 3. Ang bawat gawain na itinakda dito ay naglalayong mahubog
ang Islamic values ng bawat magaaral. Binibigyang-diin din nito ang
halaga ng pag-aaral ng mabuti at kung paano mapapahalagahan ang
buhay nating taglay. Sa modyul na ito, umaasa ang mga may-akda na
lalo pang mapagyaman ng bawat mag-aaral na Muslim ang halaga ng
edukasyon sa kanilang buhay.

Date Signed: 08-07-2020


Tuklasin

Basahin natin ang maikling kwento ni “Aslimah,” isang mabuting mag-


aaral na Muslim.

Aslimah
Akda ni Irene A. Bravo
Si Aslimah ay nasa ikatlong baitang ng isang klase ng Madrasah. Siya ay
matalino at masunurin. Sa tuwing nagtuturo ang kanyang guro siya ay
nakikinig.

Isang umaga, nakita ni Aslimah ang kanyang kamag-aral na si Abdul na


umiiyak sa labas ng kanilang silid-aralan. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni
Aslimah kay Abdul. “Bagsak kasi ako sa ating mga pagsusulit, tiyak na
mapapagalitan na naman ako kay ummun”, sagot ni Abdul. “Alam ko kung
bakit ka nabagsak sa ating mga pagsusulit. ‘Yun ay dahil sa hindi ka nakikinig
sa ating guro sa tuwing siya ay nagtuturo, lagi ka rin nakikipagkwentuhan sa
ating mga kamag-aral at naglalaro sa tuwing mayroong pinapagawang

Date Signed: 08-07-2020


pagsasanay sa atin,” sabi ni Aslimah kay Abdul. “Kailangan mong baguhin ito
kundi mapag-iiwanan ka at maaaring bumalik ka ulit sa ikatlong baiting,”
dagdag pa ni Aslimah.

“Ano ang dapat kong gawin?” malungkot na tanong ni Abdul. “Isipin mo


si Allah dahil siya ang nagbigay ng buhay natin”. “Binigyan niya tayo ng mga
mata upang makakita at gamitin natin ito upang makabasa, binigyan din niya
tayo ng tenga upang tayo ay makarinig gamitin natin ito kapag nagtuturo na ang
ating guro at mga kamay upang makasulat sa tuwing my pagsusulit”. “Gamitin
natin ang mga ito sa ating pag-aaral sapagkat ito ang susi upang maunawaan
ang mensahe ni Allah na nakapaloob sa Qur’an,” paliwanag ni Aslimah kay
Abdul. Tumigil na si Abdul sa pag-iyak dahil naliwanagan na ito at sabay
sambit, “Magmula ngayon, mag-aaral na ako ng mabuti.” “Tama yan,” sagot
naman ni Aslimah. “Matutuwa pa ang iyong ummun kapag nakinig, nagbasa at
nagsulat ka dahil makakakuha ka ng mataas na marka sa pagsusulit at nabigyan
mo pa ng halaga at kabuluhan ang buhay na likha ni Allah sa iyo,” dagdag pa ni
Aslimah.

Date Signed: 08-07-2020


Suriin

Anong tungkulin ng isang mag-aaral sa paaralan ang ipinapakita sa larawan?


Alamin natin kung bakit mahalaga ang mga ito sa ating mga Muslim.

Date Signed: 08-07-2020


Ang pagbabasa ay isang utos ni
Allah sa ating mga Muslim. Ito
ay nakapaloob sa Surah Al-Alaq.

Iqrah ang tawag sa utos ni


Allah na magbasa. Upang
matuto nito dapat mag-aral tayo ng
mabuti.

Kapag nag-aaral tayo ng mabuti


nangangahulugang pinapahalagahan
natin ang buhay na bigay ni Allah
sa atin.

Binigyan tayo ni Allah ng


mata para makakita, tenga upang
makarinig at kamay upang
makasulat.

Gamitin natin ang mga ito sa


ating pag-aaral lalo na sa pagbabasa
dahil utos ito ni Allah sa atin.

Gawin natin ang mga tungkulin


ng isang mabuting mag-aaral na sa
ganun madali natin matutunan ang
utos ni Allah na Iqrah o
magbasa.

Date Signed: 08-07-2020


Pagyamanin

‫ا‬

Gawain 1.1 Pag-unawa sa kuwentong binasa.


Ilagay ang tsek ( ∕ ) sa loob ng kahon kung ang sagot ay Tama at ekis (X)
naman kung ito ay Mali. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nagbabasa, nakikinig at nagsusulat si Aslimah sa paaralan dahil


pinahahalagahan niya ang kanyang buhay na likha ni Allah.

2. Ayon sa kuwento, si Allah ang lumikha ng mata, tenga at kamay


na ginagamit natin sa pag-aaral.

3. Mababa ang pagsusulit ni Abdul dahil naglalaro siya sa klase.

4. Nag-aaral ng mabuti si Aslimah kaya mataas ang kanyang mga


grado sa mga pagsusulit.

5. Matutuwa ang ummun ni Abdul dahil mababa ang kanyang


pagsusulit.

10

Date Signed: 08-07-2020


Gawain 1.2- Pag-unawa sa Aralin
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang gawain ng
isang mag-aaral na tulad mo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. a. Basahin ito ng taimtim


b. Makinig ng maigi dito

c. Sulatan ito ng lapis

2. a. Sulatan ito ng lapis


b. Basahin ito ng taimtim
c. Makinig ng mabuti

3. a. Makinig ng mabuti dito


b. Pag-aralan muli ang mga aralin
c. Punitin ang pagsusulit

11

Date Signed: 08-07-2020


4. a. Pumasok ng maaga sa klase
b. Lumiban sa klase
c. Makipaglaro muna

a. Pumasok sa tamang oras


b. Laging magpahuli sa klase
5.
c. Papasok kung kailan gusto

Gawain 1.3- Pag-unawa sa Aralin


Iguhit ang kung tama ang sinasabi at kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________1. Matutuwa si ALLAH kung alam nating pahalagahan ang


buhay na kanyang nilikha sa mundo.

__________2. Tungkulin nating mga Muslim na mag-aral ng mabuti dahil isa


ito sa paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay na
binigay ni Allah sa atin.

__________3. Tanging ang mga mag-aaral na babaeng Muslim lang dapat


magpahalaga sa buhay na nilikha ni Allah.

__________4. Mauunawaan natin ang mensahe ni Allah sa Qur’an kung


marunong tayo magbasa.

12

Date Signed: 08-07-2020


.
__________5. Ang hindi pakikinig sa guro ay makakakuha ng mataas na marka
sa pagsusulit.

Gawain 1.4- Pagbibigay Kahulugan sa Aralin


Suriin ang bawat larawan. Lagyan ng tsek (/) ang loob ng kahon kung ito
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-aaral at ekis (X) naman kung hindi.
Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1.______________________________________________________
________________________________________________________

13

Date Signed: 08-07-2020


2.______________________________________________________
________________________________________________________

3.______________________________________________________
________________________________________________________

14

Date Signed: 08-07-2020


4.______________________________________________________
________________________________________________________

5.______________________________________________________
________________________________________________________

15

Date Signed: 08-07-2020


Gawain 1.5 - Pagbibigay Kahulugan sa Aralin
Kumpletuhin ang bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

magbasa makinig Surah-al-alaq


Quran pag-aralan

1. Kapag nagtuturo na ang guro ng ating aralin dapat tayo ay __________ ng


mabuti upang hindi mapag-iwanan sa aralin.

2. Kapag malapit na ang pagsusulit dapat __________ muli ang mga nakalipas
na aralin upang makakuha ng mataas na marka.

3. Ang salitang Muslim na __________ ay may ibig sabihin na namuong dugo


o buhay sa sinapupunan ng ina.

4. Basahin ang __________ upang malaman at maunawaan ang mga mensahe


ni Allah sa atin.

5. Ang susi sa pagiging matalino ay ang __________ lagi ng mga aklat at aralin.

16

Date Signed: 08-07-2020


Isaisip

Tandaan:

Kumpletuhin ang bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at


isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ugaliin nating __________ sa ating guro sa tuwing siya ay nagtuturo ng


ating aralin. Laging __________ upang maging malawak ang ating kaalaman
sa mga bagay bagay sa ating mundo.Balikan ang mga nakalipas na aralin upang
sa pagdating ng pagsusulit ay __________ na marka ang makakamit.
__________ ng mabuti, upang hindi mapag-iwanan sa mga aralain.Bigyang
halaga ang __________ na binigay ni Allah sa atin sa pamamagitan ng pag-
aaral ng mabuti.

magbasa mataas makinig


mag-aral buhay

17

Date Signed: 08-07-2020


Isagawa

Iguhit sa loob ng kahon ang mga isinasaad sa bawat pangungusap na


dapat gawin ng isang mabuting mag-aaral. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Nakikinig sa guro tuwing nagtuturo.

2. Nagbabasa ng aklat o Qur’an.

18

Date Signed: 08-07-2020


Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
sagutang papel.
1. Anong salitang Muslim ang may ibig sabihin na pananaliksik tungkol kay
Allah sa tao at kalikasan na dahilan ng kayamanan ng mga Muslim?

a. Surah al-Iqrah c. Surah adduha


b. Surah al-alaq d. Surah al-kauthar

2. Bakit kailangang bigyang halaga ng mga Muslim ang Surah-al-alaq?

a. dahil ito ay buhay na bigay ni Allah


b. dahil ito ay tubig na bigay ni Allah
c. dahil ito ay lupa na bigay ni Allah
d. dahil ito ay abo na bigay ni Allah

3. Bilang mag-aaral na muslim, kailan natin dapat ipakita ang pagpapahalaga sa


buhay na nilikha ni Allah para sa atin?

a. gumawa ng mabuti araw-araw


b. gumawa ng masama araw-araw
c. gumawa ng kasinungalingan araw araw
d. gumawa ng mali araw araw

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagpapahalaga


ng buhay na likha ni Allah na ginagawa sa paaralan?

a. Nagsusulat sa pader ng paaralan.


b. Nakikipag-away sa mga kaklase.
c. Nagbabasa ng aralin upang makakuha ng mataas na marka.
d. Nakikipagkuwentuhan sa kaklase sa tuwing nagtuturo ang guro.

19

Date Signed: 08-07-2020


5. Paano ipinapakita ng mabuting mag-aaral na Muslim ang pagpapahalaga sa
nakasulat sa Surah-al-alaq?

a. Sa pagbabasa ng Qur’an gamit ang mga mata na bigay ni Allah


b. Sa pagsusulat ng mga aralin gamit ang kamay na likha ni Allah
c. Sa pakikinig sa guro gamit ang tenga na likha ni Allah
d. lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain
Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang Muslim. Piliin ang tamang titik sa loob
ng kahon at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Salitang Muslim Kahulugan

1. Allah

2. Qur’an

3. Surah al-alaq

4. Iqra

a. Isang utos ni Allah na ang ibigsabihin ay magbasa.

b. Dakilang Lumikha

c. Pagsasaliksik o pag-aaral kay Allah at sa kanyang mga nilikha sa mundo.

d. Banal na aklat ng mga Muslim.

20

Date Signed: 08-07-2020


Date Signed: 08-07-2020
21
Subukin
1. C
Karagdagang
2. B Gawain
Pagyamanin
3. A 1. B
Gawain 1.2 2. D
4. A 3. C
1. Basahin ito ng taimtim 4. A
5. D
2.Makinig ng maigi
Pagyamanin
3.Pag-aralan muli ang aralin
Balikan Gawain 1.5
4. Pumasok ng maaga sa
1.pagsusulat klase 1. makinig
2. pagbabasa 5. Pumasok sa paaralan sa 2. pag-aralan
tamang oras
3. pakikinig 3. Surah-al-alaq
Gawain 1.3
4.Quran
5. magbasa
1. 2.
Pagyamanin
3. 4.
Gawain 1.1
Tayahin
1. /
5.
1. C
2. /
Gawain 1.4 2. B
3. / 3. A
1. / 2. / 3. X
4. A
4. /
5. D
5. X 4. / 5. X
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alapa, Hasanor, et.al. Islamic Values . Department of Education.


Office of the Madrasah Education. MGO Enterprises, Manila
2014. 76-75.

IslamReligion.com), Aisha Stacey (© 2014. “Mga Islamikong Kataga


(1 Bahagi Ng 2).” eLearning Site para sa bagong muslim.
Accessed July 4, 2020.
https://www.newmuslims.com/tl/lessons/269/islamic-terms-part-1.

22

Date Signed: 08-07-2020


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Date Signed: 08-07-2020

You might also like