You are on page 1of 35

2

Islamic Values Education


Unang Markahan Modyul 6:
Ang Pananampalataya kay Allah
Islamic Values Education – Ikalawang Lebel
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Pananampalataya Kay Allah
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Saifoden B. Adel / Evelyn D. Toledo


Tagasuri ng Nilalaman: Anita P. Domingo / Jefferson M. Cordon
Angelica M. Burayag, PhD
Tagasuri ng Wika: Maylyn J. Figueroa / Bennedick T. Viola
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Marlon Q. Diego / Mario E. Dojillo Jr.
Tagaguhit: Angela C. Hayashi
Tagalapat: Angela C. Hayashi
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Islamic Values Education


Unang Markahan Modyul 6:
Ang Pananampalataya kay Allah
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Islamic Values Education
2) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Ang Pananampalataya Kay Allah !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng
kaalaman tungkol sa pagpapahalaga ng
pananampalataya kay Allah. Ang mga
pangyayaring nararanasan natin sa araw-
araw ang nagpapatatag sa ating
pananampalataya. Ito rin ay nakakatulong
sa pagkakaroon matatag na paninialawala
kay Allah.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mapaunlad sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Islamic Values Education 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang
Pananampalataya Kay Allah !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
Isaisip o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Refined Elementary Madrasah


Curriculum.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at dinisenyo upang makatulong sa iyo
upang mapanatili ang pagpapahalaga ng pananampalataya kay Allah.

Ang modyul na ito ay may dalawang bahagi:


 Aralin 1 – Ang Pananampalataya Kay Allah
 Ang Paraan ng Pananampalataya Kay Allah
 Ang mga Pangyayaring nagpapakita ng Pananampalataya
kay Allah

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inasahan na:


1. nalalaman ang kahalagahan ng pananampalataya Kay Allah ;
2. natutukoy ang mga pangyayari na nagpapakita ng
pananampalataya Kay Allah ; at
3. naisasabuhay ang pagpapahalaga sa pananampalataya Kay Allah

1
Subukin
Basahing mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
Malayo sa kabihasnan ang nakalakihang lugar ni Omar, sa hirap
ng kanilang buhay ay nagsumikap ang kanyang ina na mapagtapos siya
sa kanyang pag-aaral.
Pagluluto at pagtitinda ng kakanin ang ikinabubuhay nila. Upang
makatulong sa ina, nagdadala siya ng kakanin pagpapasok sa paaralan
upang kanyang mailako sa mga bahay-bahay na kanyang madadaanan
patungong paaralan.
Hindi naging hadlang ang kanilang kahirapan para siya ay
makapagtapos ng pag-aaral. Iminulat siya ng kanyang ina sa aral ni
Muhammad na ugaliing magdasal gabi-gabi, hingin ang gabay ni Allah
at mapanatiling matatag ang kanyang pananampalataya.
Nagtatrabaho na ngayon si Omar at may maayos na silang
pamumuhay ng kanyang ina. Ito ay dahil na rin sa pagsisikap at
pananampalataya.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang kuwentong iyong binasa?
a. Ang pagtitinda ng kakanin ni Omar.
b. Ang sakripisyo ng isang ina.
c. Ang pagsisikap at matatag na pananampalataya ng mag-ina.
d. Ang karanasan ni Omar.

2
2. Sa paanong paraan nahubog ang matatag na pananampalataya ni
Omar?
a. Siya ay tinuruan ng kanyang kaibigan.
b. Siya ay nahikayat ng kanyang tatay.
c. Siya ay iminulat ng kanyang ina sa aral ni Muhammad noong
siya ay bata pa.
d. Siya ay naipluwensiyahan ng isang kapitbahay.

3. Anong katangian mayroon ang kanyang ina?


a. Siya ay mapagmahal at may matatag na pananampalataya.
b. Siya ay mapagmahal at may matatag na impluwensiya sa anak.
c. Siya ay mapagmahal at may pagsisikap sa buhay.
d. Siya ay mapagmahal at mapag-aruga sa anak.

4. Anong pangyayaring naganap sa kanilang pamumuhay?


a. Nanatili silang nagtinda ng kakanin.
b. Walang nangyaring maganda sa kanilang buhay.
c. Nagkaroon ng trabaho at maayos na pamumuhay.
d. Nagkaroon ng trabaho at namuhay mag-isa.

5. Kung ikaw si Omar, tutularan mo ba siya?


a. Opo, dahil bubuti ang aming pamumuhay at magkakaroon ng
matatag na pananampalataya.
b. Opo, dahil hihigitan ko pa ang nangyari kay Omar.
c. Hindi po kasi mahirap ang magtinda ng kakanin.
d. Hindi po kasi nariyan naman ang aking mga magulang para sa
akin.

3
Aralin Ang Pananampalataya
1 Kay Allah

Sa aralin na ito, nakapaloob ang pagpapahalaga ng


pananampalataya kay Allah . Gayundin ang mga iba’t-ibang
pangyayaring nagpapatatag sa ating pananampalataya tulad ng mga
pagsubok sa buhay, mga pangyayaring likha ng kalikasan gaya ng
bagyo, lindol, pagguho ng lupa at iba pang may kinalaman sa
kalamidad. Kasama rin dito ang digmaan, kaguluhan at pandemya.
Ang mga pangyayaring ito sa ating buhay ay mga bagay na
nagpapatatag sa ating paniniwala at maliligtas ng matapat nating
pananampalataya.

Balikan
Sagutin ang sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa papel.
Nakaranas ka ng suliranin sa inyong pamilya, ano ang maari mong
gawin sa ganitong sitwasyon? Bakit?

Pamantayan sa Pagwawasto
Napakagaling (5) Magaling (3) Nangangailangan ng
pagsasanay (1)
Naisulat ang tamang Naisulat ang tamang Naisulat ang tamang
gawin na malinaw at gawain na hindi gawain na hindi
madaling gaanong malinaw at malinaw at hindi
maunawaan. di gaanong madaling
maunawaan. maunawaan.

4
Mga Tala para sa Guro
Basahin at unawain ang bawat gawain bago
sagutan. Gumamit ng malinis na papel para
sa iyong mga sagot.

5
Tuklasin
Pagpapahalaga sa Pananampalataya kay Allah
Ang pananamapalataya ay pagdarasal ng taimtim at tapat kay Allah .
Ang pagpapahalaga sa pananampalataya kay Allah ay pagpapakita
ng wastong gawain bilang paniniwala kay Allah .

 Magdasal ng taimtim kay Allah

6
 Ang matatag na paniniwala kay Allah ay magbibigay ng
solusyon sa mga suliranin sa buhay gaya ng digmaam,
pandemya, problema sa pamilya at paralan at maging sa
kalusugan at iba pang may kaugnayan sa kaguluhan.

 Halimbawa nito ay ang Kuwento ng mga Elepante na kung saan


nailigtas ang mga tao sa Ka’bah sa paglusob ng mga malalaking
elepante sa pamumuno ni Abraha Al Ashram at kanyang mga
kawal. Sa matatag at taimtim nilang pagdarasal kay Allah, sila
ay nakaligtas sa mga nais sumira ng Ka’bah. Natalo ang mga
malalaking elpante, si Abraha Al Ashram at kanyang mga kawal
ng biglang may dumating na malalaking ibon na may dalang
malalaking bato na naging dahilan ng pagakatalo ng hukbo ni
Abraha Al Ashram. Mula noon wala ng naglakas loob na
lusubin pa ang Ka’bah.

7
Suriin
Hanapin sa hanay B ang tinutukoy na larawan sa hanay A na
nagpapakita ng pananampalataya kay Allah . Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. A. Pagbabasa ng Quran sa
umaga at gabi.

2. B. Mag-aayuno sa araw ng
Ramadan

3. C. Pagpapamalas ng
kagandahan ng pag-uugali.

4. D. Magsagawa ng limang beses


na pagdarasal (Salah)

_____ 5. E. Pagsunod sa magulang

8
Pagyamanin

Gawain A
Basahing mabuti ang kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa iyong sagutang papel.
Mahigpit ang hawak ni Abdul sa kanyang nakababatang kapatid
habang nakatingin siya sa sinusundang ina na bitbit ang kanilang mga
damit at ilang bagay na mahalaga. Sila ay lumikas papunta sa paaralan
upang doon magpalipas ng magdamag habang dumadaan ang bagyo.
Marami silang kabarangay sa loob ng silid-aralan na halos kapit-
bahay nila na gawa sa kahoy at may simpleng bahay lamang na
madaling masira at liparin ang mga bubong at dingding dahil sa lakas
ng hangin at ulan dala ng bagyo.
“Kuya natatakot ako,” sambit ng kanyang kapatid kay Abdul.”
Niyakap ni Abdul ang kanyang kapatid at niyaya niya itong manalangin
kay Allah.
Nagising si Abdul sa lakas ng ihip ng hangin at muli siyang
nagdasal kay Allah na panatilihing silang ligtas ng kanilang ina at
kapatid.
Umaga na, maliwanag ang sikat ng araw na pumasok sa bintana
ng silid. Tahimik ang paligid maliban sa ilang tinig sa labas. Wala na
rin ang malakas na ihip ng hangin at bagsak ng ulan.
Maraming puno ang nakita niyang naputol at nabuwal ng malakas
na hangin, nagkalat din sa daan ang maraming sanga at dahon, yero at
bubong ng bahay ngunit laking tuwa niya at ng kanyang ina ng
makitang hindi man lang nasira ng malakas na bagyo ang kanilang
munting bahay.
Masaya si Abdul na makauuwi sa bahay nila at sa paglipas ng
bagyo kaya siya ay nagpasalamat kay Allah sa pamamagitan ng
panalangin.

9
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang iyong binasang kuwento?
a. Ito ay tungkol sa batang nagpakita ng matatag niyang
pananampalataya sa oras ng malakas na bagyo.
b. Ito ay tungkol sa batang nagpakita ng pagdarasal
kay Allah.
c. Ito ay tungkol sa pananampalataya ng bata.
d. Ito ay tungkol sa batang may paniniwala kay Allah.

2. Anong suliranin ni Abdul na lalong nagpatatang sa kanyang


pananampalataya kay Allah.
a. Isang malakas na bagyo.
b. Isang malakas na lindol.
c. Isang malakas na sunog.
d. Isang tsunami.

3. Paano ipinakita ni Abdul ang kanyang pananampalataya kay


Allah?
a. Nagdasal siya kay Allah.
b. Nagdasal siya ng paulit-ulit.
c. Nagyakap silang magkapatid.
d. Natulog nalamang siya at ipinaubaya ang pagdarasal sa
kanyang ina.

4. Sa iyong palagay, paano nakaligtas ang mag-anak at ang


kanilang munting bahay sa malakas nag bagyo?
a. Marahil sa matapat at matatag na paniniwala ni Abdul na sila
ay maliligtas ni Allah.
b. Marahil sa magandang hangarin ni Abdul.
c. Marahil ito ay para sa ikakabuti ng lahat.
d. Marahil talagang mabait si Allah.

10
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng matapat na
pananampalataya?
a. Dahil tayo ay maliligtas
b. Dahil tayo ay taga samba ni Allah
c. Dahil tayo ay sasaya
d. Dahil tayo ay naniniwala sa kanya.

Gawain B
I. Buuin ang mga salita. Gawing gabay ang mga pahayag upang mabuo
ang salita. Isulat sa sagutang papel ang nabuong salita na may
kaugnayan sa paraan ng pagpapakita ng pananampalataya.
1. Ito ang paraan ng pakikipag-usap kay Allah .

P G D A S A L

2. Kay Allah tayo nagdarasal at nagpapasalamat sa mga biyaya sa


oras ng pangangailangan.
A L H

3. Ito ay mga pangayaring gawa ng kalikasan.


K L M I D

4. Paraan ng ating matapat na pagdarasal.


T I T I M

5. Ang taong tapat na sumasamplataya kay Allah


ay__________________
M L I L G T S

11
II. Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagsasaad ng
pananampalataya kay Allah at malungkot na mukha kung hindi.
Iguhit ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sinusunod ang oras ng pagdarasal kay Allah .
2. Nagdarasal ng taimtim kay Allah .
3. Nagdarasal kung gusto lamang.
4. Nakikiisa sa pagdiriwang ng Ramadan.
5. Nagdarasal kung may nais makuha.

Gawain C
Sagutin ang sumusunod na mga pahayag na nagpapakita ng
pananampataya kay Allah . Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat
sa iyong sagutang papael.
1. Sa inyong lugar ay madalas na nakikipag-away ang iyong ama,
ano ang dapat mong gawin. Ano ang iyong gagawin?
a. Iwasan ang mga kapitbahay dahil nahihiya ka.
b. Makipag-usap nang maayos at ipagdasal ang iyong ama kay
Allah na magbago.
c. Hindi ko na lang papansinin ang aking ama.
d. Hilingin sa barangay na kausapin siya upang magtino.

2. Hindi ninyo alam na ibinenta na pala ang lupang kinatatayuan ng


bahay ninyo at kailangan na kayong makalipat agad, paano ka
makakatulong sa iyong mga magulang?
a. Humingi ng gabay kay Allah at awayin ang may-ari ng lupa
dahil hindi kayo sinabihan agad.
b. Humingi ng gabay kay Allah at makikiusap sa may-ari ng lupa
na bigyan pa kayo ng palugit para makahanap ng malilipatan.
c. Humingi ng gabay kay Allah at magmamakaawa sa may-ari ng
lupa na huwag kayong paalisin dahil wala kayong malilipatan.
d. Humingi ng gabay kay Allah at maubos ang pinagbentahan ng
lupa dahil kayo ay ginipit.

12
3. Bagong salta kayo sa inyong lugar at walang kakilala, ano ang
gagawin mo?
a. Makikibahagi kami sa Mosque sa pagdarasal kay Allah upang
kami ay kanilang makilala.
b. Makikibahagi kami sa Mosque sa pagdarasal kay Allah upang
makipagkuwentuhan sa kanila.
c. Makikibahagi kami sa Mosque sa pagdarasal kay Allah upang
makipagyabangan sa kanila.
d. Makikibahagi kami sa Mosque sa pagdarasal kay Allah upang
makipagtalo sa aral ni Allah.

4. Nakasama ang iyong kapatid sa hinuli ng mga pulis dahil


nasangkot siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Paano mo
maipapakita ang pagpapala ni Allah?
a. Nagdarasal ang iyong ina kay Allah ngunit nanatili pa rin ang
iyong kuya sa kulungan.
b. Nagdarasal ang iyong ina kay Allah subalit may iba naman
siyang ginagawa.
c. Nagdarasal ang iyong ina kay Allah ng taimtim kaya siya
pinakawalan na siya ng mga pulis.
d. Nagdarasal ang iyong ina kay Allah ng taimtim ngunit siya ay
nanatili parin sa kulungan.

13
5. Naiwan mo ang cellphone mo sa traysikel. Sa paanong paraan
maipapakita ang pagpapala ni Allah?
a. Ipinagdasal mo kay Allah na maibalik ito sa iyo ng taimtim,
wala pang isang oras ay inihatid ng traysikel na sinakyan mo
sa inyo ang cellphone mo.
b. Ipinagdasal mo kay Allah na maibalik ang cellphone mo
ngunit hindi na ito naibalik pa.
c. Ipinagdasal mo kay Allah na maibalik ang cellphone mo
subalit itinanggi ng dryber ng trisekel na wala kang naiwan
na cellphone.
d. Ipinagdasal mo kay Allah na maibalik ang cellphone mo sa
inis mo ay inaway mo ang traysikel drayber.

Gawain D
Paano mo maipapakita ang pananampalataya sa mga sumusnuod na
pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sinira ng malakas na bagyo ang inyong paaralan.


________________________________________________________
________________________________________________________

2. Madalas ay lumiliban ka sa klase dahil sa iyong karamdaman.


________________________________________________________
________________________________________________________
3. Nagtrabaho sa ibang bansa ang iyong ina.
________________________________________________________
________________________________________________________
4. Nagkahiwalay ang iyong ama at ina.
________________________________________________________
________________________________________________________
5. Bumaba ang iyong marka sa ikalawang markahan.
________________________________________________________
________________________________________________________

14
Gawain E
Basahin nang mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Biglang nagkasakit ang iyong ina at kailangan na siya ay
maoperahan kaagad. Ano ang dapat mong gawin?
a. Humingi ng tulong sa mga kamag-anak at ipaubaya sa kanila
ang lahat.
b. Humingi ng tulong sa mga kamag-anak at humingi ng gabay
c. Humingi ng tulong sa mga kamag-anak at taimtim na magdasal
sa mabilisang paggaling ng ina.
d. Humingi ng tulong sa mga kamag-anak at umiyak.

2. Nawalan ng trabaho ang iyong ama dahil sa Covid -19. Ano ang
iyong gagawin?
a. Magdasal kay Allah na makahanap ng trabaho ang iyong ama.
b. Magdasal kay Allah na makabili ng bagong damit.
c. Sila na lamang ang magdarsal para makahanap ng trabaho.
d. Bahala na si tatay na maghanap ng ibang trabaho.

3. Ikaw ang napiling sasali sa isang pandibisyong pagtatanghal para


sa inyong distrito. Ano ang gagawin mo?
a. Magsisikap ako para manalo.
b. Araw-araw akong mag-eensayo at hihingin ang gabay
ni Allah.
c. Madalas akong magdarasal kay Allah na mananalo ako.
d. Iisipin ko na kaya ko silang talunin lahat.

15
4. Ikaw ay nasa ikalawang baitang na subalit hirap ka pa ding
makabasa, ano ang dapat mong gawin?
a. Sisikaping kong magbasa araw-araw para ako matuto.
b. Sisikaping kong magbasa gabi-gabi at hingin kay Allah na
tulungan akong matutong magbasa.
c. Magbabasa ako kung kailan ko gusto.
d. Sisisihin ko ang aking mga magulang kasi hindi nila ako
tinuturuan.

5. Parati kayong kulang sa pagkain sa araw-araw dahil hindi sapat


ang kinikita ng iyong ama, ano ang dapat mong gawin?
a. Makipag-agawan sa mga nakababatang kapatid sa harap ng
hapag kainan.
b. Tutulungan ko aking ama na makapagtrabaho para may dagdag
nakita.
c. Iiwanan ko sila at mamumuhay mag-isa.
d. Ipagdarasal ko ang aking ama na gumanda ang kanyang
trabaho at siya ay bigyan ng mahabang buhay ni Allah .

16
Gawain F
Anong mga paraan ang iyong gagawin upang makaligtas sa mga
sumusunod na pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Malakas ang buhos ng ulan at unti-unting tumataas ang tubig sa


inyong bahay.
a. Magsisisigaw para matulungan ng mga tao.
b. Hihingi ako ng tulong kay Allah na pahintuin na ang ulan.
c. Magdarasal ako ng taimtim kay Allah na pahintuin na niya
ang ulan.
d. Maghahanap ako ng kahoy na makakapitan.

2. Kasali ka sa isang paligsahan sa pag-awit. Ano ang iyong


gagawin?
a. Aawit ako ng buong husay.
b. Hihingi ako ng gabay kay Allah na makakawit ako.
c. Iisipin ko na maawit ko ito ng buong husay.
d. Taas noo akong aawit

3. Gabi naiwan kang mag-isa sa inyong bahay at nawalan pa ng


kuryente. Ano ang iyong gagawin?
a. Magdarasal ako kay Allah na bigyan ako ng lakas ng loob
para makahanap ng kandila.
b. Mag-iiyak ako kasi takot ako sa dilim.
c. Wala akong gagawin
d. Mananatili ako sa aking kinalalagyan hanggang dumating
sila.

17
4. Nasusunog ang katabi ninyong bahay. Kayo lamang ng kapatid
mo ang nasa bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Mabilis kong ilalabas ang aking kapatid at magpapasalamat
kay Allah.
b. Mabilis kong ilalabas ang aking kapatid at yayakapin siya.
c. Mabilis kong ilalabas ang aking kapatid at hihingi ng saklolo
para sa aming mga gamit.
d. Mabilis kong ilalabas ang aking kapatid at kami ay lalayo sa
sunog.
5. Maagang namatay ang iyong ama. Ano ang iyong gagawin?
a. Patuloy pa rin akong magdarasal kay Allah upang gabayan
kami ng aking ina.
b. Sisisihin ko si Allah dahil maaga niya kinuha ang aking ama.
c. Tutulungan ko ang aking ina na maging maayos ang aming
buhay.
d. Iaasa ko ang lahat sa aking ina dahil bata pa ako.

18
Isaisip
Punan ang nawawalang kaisipan upang mabuo ang pangungusap.
Piliin ang wastong sagot sa ibaba at isulat sa iyong sagutang papel.

pagpapakita ng katapatan kay Allah


sa pamamagitan ng matapat na pagdarasal maliligtas ka
kasayahan at kaligtasan
gantimpala at kaligtasan

1. _______________________ng iyong matapat na


pananampalataya.
2. Ang pagdarasal nang taimtim ay
__________________________.
3. Anumang suliranin ang dumating sa ating buhay ay kayang
malampasan sa______________________________________.
4-5. Ang pagpapahalaga sa pananampalataya kay Allah ay
magbibigay ng _________________ at ______________.

19
Isagawa

Panuto: Lagyang ng buwan ang mga pahayag na nagpapakita ng


pananampalataya kay Allah at bituin kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Makipag-away sa mga magulang.


2. Mag-alaala kay Allah sa bawat sitwasyon, mabuti man o
hindi.
3. Pagbibigay ng taunang kawang-gawa, (zakat).
4. Pagbibigay ng buwanang gawang gawa, (zakat).
5. Pagkilala sa kaisahan ni Allah at paglayo mula sa huwad na
mga diyos.
6. Pagsali sa mga humihingi ng tulong sa barangay.
7. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan (sadaqa).
8. Pakikiisa sa pagdiriwang ng Ramadan.
9. Makipag-away sa mga kasama sa bahay.
10. Iwasan magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

20
Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng matatag na pananampalataya kay


Allah sa tuwing may krisis sa bansa?
a. Ito ay nagpapatatag sa ating pananampalataya.
b. Ito ay nagpapatatag sa ating kaisipan.
c. Ito ay nagpapatatag sa ating sarili.
d. Ito ay nagpapatatag sa kalooban.

2. Bakit kailangan na maging matapat tayo sa ating


pananampalataya? Alin ang hindi wasto sa mga sumusunod?
a. Ito ang magliligtas sa atin sa anumang kapahamakan.
b. Ito ay nagpapakita ng ating matatag na pananampalataya.
c. Ito ay basehan ng ating kahinaan.
d. Ito ang nagpapakita ng katapatan

3. Sa kasalukuyan, kinahaharap ng buong mundo ang pandemyang


Covid-19, ano ang unang dapat gawin?
a. Mamili ng maraming pagkain.
b. Makipag-unahan sa mga groseri.
c. Makipag-agawan sa mga pinamimigay na pagkain.
d. Magdasal ng taimtim kay Allah .

21
4. Madalas ay naiiwan ka at ang iyong kapatid sa bahay dahil
kailangan maghanap-buhay ng iyong mga magulang. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Maiinis ako sa kanila dahil hindi na ako nakapaglalaro sa labas.
b. Iinisin ko ang aking kapatid upang huminto na sa trabaho ang
aking ina.
c. Pababayaan ko ang aking kapatid at gawin ang nais ko.
d. Ipagdarasal ko ang aking magulang na maging ligtas sa
kanilang trabaho.

5. Sa pagdarasal ba ng taimtim naipapakita ang matapat na


pananampalataya kay Allah ?
a. Marahil ito ay isang magandang gawain
b. Siguro, dahil ito ay isang paraan ng pakikipagusap kay Allah.
c. Siguro, dahil malalaman niya ang aking mag kahilingan
d. Opo upang higit na maipakita ang katapatan sa ating idinadasal
sa kanya.

22
Karagdagang Gawain

Piliin ang titik na nagpapakita ng pagpapala ni Allah sa mga


nakasulat na pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Maraming nawalan trabaho dahil sa Covid-19.
a. Maraming mga pribado at ayuda ang inabot ng gobyerno sa
mga higit na naapektuhan ng Covid-19.
b. Maraming tao ang nakikipag-away sa kakulangan ng ayuda ng
gobyerno.
c. Kasalukuyan ang pagdami ng mga biktima ng Covid dahil sa
maraming tao ang hindi marunong sumunod sa patakaran
ng gobyerno.
d. Higit na naging madasalin ang mga tao sa panahon ng
pandemya at nakapaghatid ng tulong ang gobyerno sa mga tao.

2. Nagkataon na ang tita mo sa ibang bansa ay nakaranas ng sakit na


Covid -19, ano ang dapat mong gawin?
a. Nagdulot ito ng malaking kalungkutan sa buong pamilya.
b. Ipinagdasal at humingi kami ng gabay kay Allah at siya ay
unti-unting gumagaling sa sakit na Covid-19.
c. Ipinaubaya namin siya sa kanyang mga anak.
d. Nag-alay ng dasal sa kanyang paggaling.

23
3. Maraming mga bata ang nangangailangan ng gatas noong panahon
pandemyang Covid. Sino ang nagpakita ng pagpapala sa mga
sumusunod?
a. Si Cecil na nanghingi ng donasyon at ipinamahagi sa mga
bata.
b. Si Cora ang naghingi ng donasyon at ipinamigay sa mga
kamag-anak.
c. Si Conchita na nanghingi ng donasyon at ipinagbili ang mga
ito sa mas murang halaga.
d. Si Corazon na nanghingi ng donasyon at personal na ininom
ang mga gatas.
4. Nagkaroon ng lindol sa isang lugar, nais mong tumulong ngunit
wala kang maibigay, ano ang dapat mong gawin?
a. Wala akong gagawin kasi hindi ko naman sila kakilala.
b. Iaasa sa iba ang pagtulong sa kanila.
c. Higit din akong nagangailangan.
d. Ipagdarasal ko sila na maging ligtas at darami ang darating na
tulong para sa kanila.

5. May nadaanan kang aksidente, alam mong may kakayahan kang


magsagawa ng paunang lunas, ano ang gagawin mo?
a. Dadaanan lang dahil mahuli ako sa trabaho.
b. Hindi ako tutulong dahil wala akong kinalaman sa kanila.
c. Tutulungan ko sila at hihingi ng gabay kay Allah upang
maisagawa ko ng maayos ang paunang lunas.
d. Iaasa sa mga darating na magreresponde sa kanila.

24
25
Pagyamanin
Activity A
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
Activity B
Tayahin
Subukin Sa pagdarasal kay Allah ikaw
ay maliligtas sa matapat mong 1. A
1. A pananampalataya. 2. C
2. B 3. D
3. A Activity C 4. C
4. C 5. D
5. C 1. Opo, basahing mabuti ang
opinyon ng bata.
2. Maliligtas sa anumang
pandemya at kaguluhan.
Mabibigyan ng solusyon ang
anumang suiranin.
Activity D
kalamidad, taimtim, Allah,
pagdarasal, maliligtas
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

SEAMEO INOTECH “Refined Elementary Madrasah Curriculum


Framework for Elementary Level” Department of Education Central
Office, Pasig Philippines 2010. 42

Yusoph, Birdranah A. “Islamic Studies 2, MGO Enterprise, 513 J.


Marzan Street, Sampaloc, Manila, Philippines 1008. 19 and 41-43

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like