You are on page 1of 34

Islamic Values Education

Unang Markahan Modyul 1:


Ang Pagbati ng Assalamu Ᾱlaikum at
Wa Ᾱlaikumussalam
Islamic Values Education – Level 2
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pagbati ng Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa Ᾱlaikumussalᾶm
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Namrodin D. Ampaso / Joan A. Bugtong


Tagasuri ng Nilalaman: Anita P. Domingo / Jefferson M. Cordon
Angelica M. Burayag, PhD
Tagasuri ng Wika: Maylyn J. Figueroa / Bennedick T. Viola
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Marlon Q. Diego / Mario E. Dojillo Jr.
Tagaguhit: Christopher S. Carreon
Tagalapat: Joan A. Bugtong
Pabalat: Mark F. Miclat / Joseph A. Robles
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Islamic Values Education


Unang Markahan Modyul 1:
Ang Pagbati ng Assalamu Alaykum
at Wa Ᾱlaikumussalam
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Islamic Values Education 2) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pagbati ng Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa
Ᾱlaikumussalᾶm
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa Mag-aaral
Malugod na pagtanggap sa (Islamic Values Education 2) ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa (Ang Pagbati ng Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa Ᾱlaikumussalᾶm) !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang bawat bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

This module was designed and written with you in mind. It is here to help you
demonstrate love for peace by saying Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa
Ᾱlaikumussalᾶm as greetings of peace. The scope of this module permits it to be
used in many different learning situations. The language used recognizes the
diverse vocabulary level of students. The lessons are arranged to follow the
standard sequence of the course. But the order in which you read them can be
changed to correspond with the textbook you are now using.

The module is divided into two lessons, namely:


 Lesson 1 – Saying Assalᾶmu Ᾱlaikum
 Lesson 2 – Saying Wa Ᾱlaikumussalᾶm

After going through this module, you are expected to:


1. familiarize oneself with the use of Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa
Ᾱlaikumussalᾶm as greetings of peace;
nakilala ang mga pagbating Assalᾶmu Ᾱlaiku at Wa Ᾱlaikumussalᾶm
bilang mga pagbati ng kapayapaan;
2. use the greetings Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa Ᾱlaikumussalᾶm as greetings
of peace and;
nagagamit ang Assalᾶmu Ᾱlaikum at Wa Ᾱlaikumussalᾶm bilang pagbati
ng kapayapaan; at
3. demonstrate love for peace by saying Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa
Ᾱlaikumussalᾶm as greetings of peace
naipapakita ang pagmamahal sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasabi
ng Assalᾶmu Ᾱlaikum and Wa Ᾱlaikumussalᾶm

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang


tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng
napiling sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang pagbating ginagamit ng mga Muslim na


nangangahulugang “Sumainyo nawa ang kapayapaan at habag ng
Allah ”?
a. As-salaamu Alaykum warahmatullah
b. Salaam
c. As-salaamu Alaykum
d. InshaAllah

2. Paano ipinapakita ng mga Muslim ang kanilang pagbati?


a. sa pamamagitan ng pagngiti
b. sa pamamagitan ng pagyakap
c. sa pamamagitan ng pakikipagkamay o handshake
d. sa pamamagitan ng pagmamano

3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Muslim na Salam kung saan


nanggaling ang mga pagbating As-Salaamu Alaykum at Wa Alaikum
Assalam Wa Rammatullah?
a. katahimikan, karangalan, at katiwasayan
b. kasiyahan, kapayapaan, at katapatan
c. kalungkutan, kaguluhan, at kapangyarihan
d. kapayapaan, kaligtasan at proteksiyon sa kasamaan at
pagsisisi

2
4. Bakit kailangang batiin ang kapwa Muslim?
a. dahil ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal ng
bawat Muslim
b. dahil ito ay nagpapakita ng katapatan sa Muslim
c. dahil ito ay isang paraan ng pagpapakumbaba
d. dahil ito ay nagpapakita ng pagsisisi

5. Ano ang dapat mong isagot kapag ikaw ay binati ng As-salaamu


alaykum?
a. As-salaamu Alaykum warahmatullah
b. InshaAllah
c. Alhamdulillah
d. Bismillah

3
Aralin
Ang Pagbati ng Assalᾶmu
1 Ᾱlaikum
“Kapag kayo ay binati ng isang pagbati, bumati pabalik ng
anumang higit na mainam kaysa dito o (kahit papaano) ibalik ang
katumbas nito. Katiyakan, ang Diyos ay laging isang Maingat na
Tagapaghatol sa lahat ng mga bagay”.

(Qur’an 4:86)

Ang wastong pagbati ay nagpapakita ng ating paggalang at


pagmamahal sa kapayapaan. Ano-anu kaya ang mga tamang pagbati na
gagamitin natin sa pakikisalamuha sa ibang tao?

Aralin Ang Pagbati ng As-salaamu


Alaykum Warahmatullah
2
Inutusan tayo ni Allah na ipakita ang paggalang sa lahat ng
ating nakakasalamuhang tao. May tamang pagbati na gagamitin kung
paano natin maipapakita ang ating paggalang at pagmamahal sa
kapayapaan.

Halika ka! Alamin natin ang tamang pagbati ng kapayapaan,


kaligtasan at proteksyon

4
Balikan

Pansinin ang mga batang nasa larawan. Ano-ano kaya ang mga
salitang pagbati na ginamit ng bawat isa? Punan ang bawat patlang ng
tamang pagbati. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa loob ng kahon at
isulat ito sa iyong sagutang papel.

InshaAllah
As-Salaamu Alaykum!
Bismillah

5
Mga Tala Para sa Guro
Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral ng
ALIVE Level 2. Ang bawat gawain na itinakda rito ay
naglalayong mahubog ang Islamic Values ng bawat mag-aaral.
Binibigyang-diin din nito ang tamang paraan ng pagbati ng
mga Muslim sa isa’t isa at maisagawa ito ng naaayon sa
kanilang paniniwala. Sa modyul na ito, umaasa ang mga may-
akda na lalo pang mapagyaman ng bawat mag-aaral na Muslim
ang respeto at pag-ibig sa kapayapaan.

6
Tuklasin

Basahin natin ang kwento ng magkaibigan na nagpakita ng


malaking paggalang sa bawat isa at sa ibang tao sa pamamagitan ng
pagbati ng As-salamu alaykum at As-salaamu alaykum
warahmatullah..

May magkaibigan na sina Mohammad at Omar. Sila ay nag-aaral


sa Madrasah Norol-iman.

Matalino at masunurin ang magkaibigan sa kanilang mga guro,


kaklase at mga kaibigan.
Sa tuwing makikita nila ang mga guro, kaibigan at kakilala man
o hindi, bumabati sila ng Assalamu alaykum warahmatullah.
Isang araw pumunta si Mohammad sa bahay ni Omar upang
kumustahin siya.

7
Kumatok ito kasabay ang pagbati ng Assalamu alaykum
warahmatullah at sinagot naman siya ni Omar ng Waalaykomissalam
warahmatullah bago ito pinatuloy sa loob ng bahay niya.
Pinaghanda ni Omar ng masasarap na pagkain ang kanyang
kaibigan at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay binigyan ni Omar ng tubig ang
kanyang kaibigan. Subalit napansin ni Omar na hindi ito binawasan ni
Mohammad.
Kinabukasan tinanong nito ang kaibigan. “Nagustuhan mo ba ang
hinanda kong pagkain kagabi?”, tanong ni Omar. “Aba siyempre
naman! Marami akong nakain sa hinanda mo kagabi dahil alam ko na
ito ay HALAL”, masayang sagot ni Mohammad.
Tuwang-tuwa si Omar at maraming nakain ang kanyang
kaibigan. Subalit muli niya itong tinanong, “ Bakit hindi mo ginamit
ang tubig kagabi para sa oudho’a? Hindi ka ba nag-tahadjud para sa
ating salah?”, tanong ni Omar sa kaibigan.
“Hindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa nakalagay na
Qur-an sa iyong higaan. Bilang tanda ng aking respeto ko sa iyo, binasa
ko ang Qur-an kaya hindi ako nakapag-tahadjud.”, paliwanag ni
Mohammad sa kanyang kaibigan.

8
Suriin

9
Ang pagbati ng As-Salaamu
Alaykum ay nangangahulugang “Sumainyo
nawa’y kapayapaan.”

Ang pagbati ng As-Salaamu


Alaykum sa ating kapwa Muslim ay isa sa
pinakamagandang
paraan ng pakikisalamuha sa isang tao
kakilala man ito o hindi.

Ang pagtugon naman ng Wa


Alaikum Assalam Wa Rammatullah ay
nangangahulugang “Sumainyo nawa ang
kapayapaan at habag ni
Allah."

10
Kapag tayo ay binati ng As-Salaamu
Alaykum, ay tungkulin nating tumugon o
sumagot sa pagbati na ito. Isa itong paraan
ng pagpapakita ng pagkakaisa at
pagmamahal ng bawat Muslim.

Ang pagbati ng As-Salaamu Alaykum


at Wa Alaikum Assalam Wa Rammatullah ay
galing sa salitang Muslim na Salam na ang
ibig sabihin ay kapayapaan, kaligtasan at
proteksiyon sa kasamaan at pagsisisi.

Maipapakita ang pagbati sa


pamamagitan ng pakikipagkamay o hand
shake. Sa mga kababaihan, maaari lamang
gawin ang handshake sa ama at kapatid na
lalake.

11
Pagyamanin
Gawain 1.1 Pag-unawa sa kuwentong binasa.
Ilagay ang tsek ( ∕ ) sa loob ng kahon kung ang sagot ay Tama at
ekis (X) naman kung ito ay Mali. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Sina Mohammad at Omar ay matalino at masunurin.

2. Sa tuwing makikita nina Mohammad at Omar ang mga


guro, bumabati sila ng Assalamu alaykum warahmatullah.

3. Si Omar ay pumunta sa bahay ni Mohammad upang


maglaro.

4. Kaunti lamang ang kinain ni Mohammad sa inihandang


pagkain ni Omar.

5. Mahimbing ang tulog ni Mohammad buong gabi dahil sa


nakalagay na Qur-an sa higaan ni Omar.

12
Gawain 1.2- Pag-unawa sa Aralin
Punan ang mga bubbles ng wastong pagbati o pagtugon na
naaayon sa bawat sitwasyon.

Sitwasyon 1
Ikaw ay bumisita sa bahay ng iyong kaibigan. Anong pagbati ang
sasabihin mo?

______________________________________
______________________________________
______________________________________

Sitwasyon 2
Ikaw at ang pamilya mo ay pumunta sa isang salo-salo. Anong
pagbati ang sasabihin ninyo sa mga taong nasa pagtitipon?

______________________________________
______________________________________
______________________________________

13
Sitwasyon 3
Binati ka ng kaklase mo ng As-Salaamu Alaykum pagpasok mo
ng silid-aralan. Anong pagbati ang iyong itutugo ?

______________________________________
______________________________________
______________________________________

Sitwasyon 4
Tapos na ang inyong klase at umuwi ka na sa inyong bahay.
Anong pagbati ang iyong sasabihin sa mga taong dadatnan mo sa
bahay?

______________________________________
______________________________________
______________________________________

Sitwasyon 5
Habang naglalakad papasok sa paaralan, nakasalubong mo ang
iyong guro at binati ka niya ng As-Salaamu Alaykum. Ano ang iyong
isasagot?

______________________________________
______________________________________
______________________________________

14
Gawain 1.3- Pag-unawa sa Aralin

Kulayan ang bituin ng dilaw kung ito ay nagsasaad ng wastong


gawain at asul naman kung ito ay hindi. Ilagay ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ipinag-utos ni ALLAH ang pagbati ng As-


salaamu alaykum.

2. Tungkulin ng bawat Muslim na sumagot sa pagbati


sapagkat ito ay paraan ng pagpapakita ng pagkakaisa
at pagmamahalan ng mga Muslim.

3. Kinakailangang makipagkamay ang mga


kababaihan sa lahat ng mga lalake.

4. Naipapakita ang wastong pagbati sa pamamagitan


ng paghalik sa pisngi ng taong binabati.

5. Ang pagbati ng As-salaamu alaykum sa mga


Muslim ay isa sa pinakamagandang paraan ng
pakikisalamuha sa tao.

15
Gawain 1.4- Pagbibigay Kahulugan sa Pagbati

Ibigay ang kahulugan ng bawat pagbati. Piliin ang tamang sagot


sa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

As-Salaamu Wa Alaikum
Alaykum Assalam Wa
Rammatullah

__________
__________ __________
__________ __________
_____ __________
_____
a. kapayapaan, kaligtasan at
Salam proteksiyon sa kasamaan at pagsisisi
b. “Sumainyo nawa’y kapayapaan”
c. “Sumainyo nawa ang kapayapaan
_________
at habag ng Allah.
_________
_________ d. pag-ibig, katapatan at pag-asa
________

16
Gawain 1.5- Pagkilala sa mga Pagbating Muslim
Hanapin sa word search puzzle ang mga salitang nasa loob ng
kahon at bilugan ang mga ito.
A R Y C K B K Z E T P P K U P D B P A U
A R C P U U X D W U J A P C I B Q Q X D
G S R O Z M Z Y F U P H P X H G I Z N N
E Z S E X H Z I E A H T X U Q J F X Q R
U V D A M R O C Y P T N X H I T W G E E
G C W L L K Y A N F A I Z F F R A R L V
D N O B B A P A D E L Y J R P V A Y O H
Z E Z X T A A J A A X O T F J G L Q Z E
S Z C Q A F Y M A W W K T K G M A V F V
B Q W N D L S B U N S V E A W T I L L M
R W V K P Y C C F A H X S V L R K T R H
H Y L I K F Z N M F L L D Z R I U B S H
G D K Y M X Q W F P A A G O J P M D G P
L L H T L I B F R T P Q Y R G Z S G A C
E P G P C P D M S W O X S K E V A Y O F
H R W S P U W A A A M X V G U R L T W O
A L A P A P G A P L P N I H G M A B G X
J F W E R I P Z M J A D O E D Q A X X V
B I W T B H N L R U C S S W L R M L Q L
Z D A C V B U I V L W T Y A O O V T O G

As Salaamu Alaykum
Salam
Wa Alaikum Salaam
kapayapaan
pagpapala

17
Gawain 1.6- Paggamit ng Wastong Pagbati
Kumpletuhin ang bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.

ama at kapatid na lalaki kapayapaan ALLAH

pakikipagkamay Salam pagsisisi

1. Ang pagbati ng As-Salaamu Alaykum ay nangangahulugang


“Sumainyo nawa’y _____________.”

2. Ang pagbati ng Wa Alaikum Assalam Wa Rahmatullah ay


nangangahulugang "Nawa ang kapayapaan at awa ng __________ ay
sumainyo".

3. Ang mga pagbati ng As-Salaamu Alaykum at Wa Alaikum Assalam


Wa Rammatullah ay nagmula sa salitang Muslim na ___________.

4. Ang mga pagbati ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng


________________.

5. Ang mga kababaihan ay hindi dapat makikipagkamay sa ibang mga


kalalakihan maliban sa kanyang _________________.

18
Isaisip

Tandaan:
1. Ugaliin ang pagbati ng As-salaamu alaykum sa isang tao kakilala
man o hindi. Ito ay nagpapakita ng paggalang sa ibang tao.
2. Naipapakita ang tamang pagbati sa pamamagitan ng pagyakap at
pakikipagkamay o hand shake.
3. Ang pagbati ng Asa-salaamu alaykum sa isang tao ay tungkulin na
dapat gampanin ng isang Muslim. Ito ay isa sa mga mahahalagang utos
ni Allah.
4. Ang pagbati ng As-Salaamu Alaykum ay nangangahulugang
“Sumainyo nawa’y kapayapaan”.
5. Kapag tayo ay binati ng As-Salaamu Alaykum, tungkulin nating
tumugon o sumagot ng Wa Alaikum Assalam Wa Rammatullah. Isa
itong paraan ng pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga
Muslim.

19
Isagawa

Punan ang graphic organizer ng angkop na pagbati. Isulat ang


sagot sa iyong sagutang papel.

Pagbati
As-salamu alaykum! __________________
__________________
__________________
_

Pagbati
As-salaamu alaykum ___________________
warahmatullah! ___________________
___________________

20
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik


ng tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng Salam?

a. kaguluhan
b. kapayapaan
c. kasalanan
d. kahirapan

2. Ano ang ibig sabihin ng As-salaamu alaykum Warahmatullahi


wabarakathuho?
a. Sumainyo nawa ang kapayapaan ang habag at biyaya.
b. Sumainyo nawa ang kaparusahan ng Allah.
c. Sumainyo ang biyaya ni Allah.
d. Sumainyo nawa ang habag ng Allah .

3. Paano mo maipapakita ang tamang pagbati ng As-salaamu alaykum


Warahmatullahi wabarakathuho?
a. pakikipagkamay o shake hands
b. paghalik sa kamay
c. pagtapik sa balikat
d. paghalik sa pisngi

4. Bakit mahalagang gawain ang pagbati sa ibang tao?


a. dahil ito ang utos ng magulang
b. dahil ito ay utos ng guro
c. dahil ito ay isa sa mga mahahalagang utos ni Allah
d. wala sa nabanggit

21
5. Ang pagbati ng As-salaamu alaykum sa isang taong kakilala man o
hindi ay nagpapakita ng
a. paggalang sa isang tao
b. pagkilala sa isang tao
c. galit sa isang tao
d. pagkainggit sa isang tao

22
Karagdagang Gawain

Punan ang mga puso ng wastong kahulugan ng mga pagbati. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at gawin ito sa iyong sagutang papel.

As-salaamu alaykum
warahmatullah!

As-salamu alaykum!

A. “Sumainyo nawa’y kapayapaan”


B. “Sumainyo nawa ang kapayapaan at habag ng
Allah”
C. “Sumainyo nawa ang pag-ibig at pag-asa”

23
24
Karagdagang Gawain
1. “Sumainyo nawa’y kapayapaan”
2. “Sumainyo nawa ang
kapayapaan at habag ng
ALLAH”
Pagyamanin
Gawain 1.6 Pagyamanin Pagyamanin
1. Kapayapaan Gawain 1.3 Gawain 1.1
2. ALLAH 1. berde 1. /
3. Salam 2. berde 2. /
4. pakikipagkamay 3. pula 3. /
5. ama o kapatid na lalaki 4. pula 4. X
5. berde 5. X
Gawain 1.4 Gawain 1.2
1. B 1. As-Salaamu Alaykum
2. C 2. As-Salaamu Alaykum
3. A 3. Wa Alaikum Assalam Wa
Gawain 1.5 Rammatullah
Isagawa 1. As Salaamu Alaykum 4. As-Salaamu Alaykum
2. Salam 5. Wa Alaikum Assalam Wa
1. As-salaamu alaykum
warahmatullah 3. Wa Alaikum Salaam Rammatullah
2. As-salamu alaykum 4. Peace
Tayahin 5. Blessing
1. B 4. C
2. A 5. A
3. A
Subukin
1. A
2. C
Balikan 3. D
Suriin 4. A
1. As-salaamu alaykum 5. A
1. As-salaamu alaykum warahmatullah
warahmatullah
2. As-salamu alaykum
2. As-salamu alaykum
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alapa, Hasanor, et.al. Islamic Values 2. Department of Education.


Office of the Madrasah Education. MGO Enterprises, Manila
2014. 76-75.

IslamReligion.com), Aisha Stacey (© 2014. “Mga Islamikong Kataga (1


Bahagi Ng 2).” eLearning Site para sa bagong muslim. Accessed
July 4, 2020. https://www.newmuslims.com/tl/lessons/269/islamic-terms-
part-1.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like