You are on page 1of 2

PANUKALANG

PROYEKTO

Pamagat:

Proyektong Angat

Mula sa Samahan ng Aklan Valley High School Student Council

Agosto 9, 2021 hanggang Mayo 3, 2021

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ngayong panahon ng pandemya, maraming mag-aaral ang may kinakaharap na


mga problema. At isa na ang Online Learning sa mga problemang kinakaharap ng
karamihan sa mga estudyante ngayon. Sa kadahilanang, ito ay bagong pamamaraan ng
pagtuturo. Nang dahil sa online learning, maraming estudyante ang nawawalan na ng
gana na mag-aral dahil kulang sila sa kagamitan at hindi pa sila sanay sa bagong
pamamaraan ng pagturo. Alam natin na hindi lahat ng estudyante ay nakakasabay o
nakakahabol sa mga gawain sa ekwelahan. Nakakapagod at nakakawalang-gana ang
ganitong sistema ngunit bilang estudyante, gusto nating maging produktibo at maging
aktibo sa mga gawain sa eskwelahan. Kaya’t aking naisipan ang isang proyekto na kung
tatawagin ay Proyektong Angat. Ang Proyektong Angat ay layong makatulong sa mga
mag-aaral ng Aklan Valley High School na tulungan silang maging produktibo at aktibo
sa online learning sa pamamagitan ng pagbigay at pagtuturo ng mga paraan sa
pamamagitan ng online session. Sa ganitong paraan, ang matututuhan ng mag-aaral sa
online session ay pwede o maaari nilang dalhin sa kanilang online learning. Ang online
session na isasagawa ng organisasyon ay gagawin sa iba’t-ibang plataporma ng social
media upang may pagpipilian ang mga estudyante. Magkakaroon lamang ng apat na
online session sa buong taon at pagtuturo at pagbibigay ng mga payo sa mga
estudyante ay ang mahalagang gawain ng organisasyong ito.

II. Layunin

Ang layunin ng proyektong ito ay matulungan ang mga mag-aaral na maging


aktibo at produktibo sa online learning sa pamamagitan ng pagbibigay-gabay at pagturo
ng iba’t-ibang paraan ng pag-aaral para sa online learning. Layunin ng aming
organisasyon na mapahalagahan ang kanilang mga mentalidad at kalusugan dahil
marami sa kabataan ngayon ang problemado sa online learning. Hindi lamang ito
makakatulong para sa mga mag-aaral dahil ito rin ay makakatulong sa organisasyon.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpupulong at paghahanda ng organisasyon para sa isasawagang proyekto.


2. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet para sa proyektong gagawin.
3. Paghahanap ng mga 10 estudyante o tao na nasa loob at labas ng paaralan na gustong
tumulong para sa proyekto.
4. Paghahanap ng mga donasyon para sa proyekto.
5. Pag-aanunsiyo at paghihikayat sa mga estudyanteng gustong maging produktibo at
aktibo sa online learning.
6. Paghahanda para sa gagawing online sessions kasama ang mga estudyante.

IV. Badyet

Kinakailangang Badyet sa Proyekto

PHP 5, 000

Gagamiting panggastos ng 10 tao/estudyante ₱ 5, 000

(internet allowance) (4 online sessions x 125 pesos

kada session x 10 na tao)

V. Benepisyo

Ang gagawing proyekto na ito ay magiging mahalaga para sa mga estudyante na


nahihirapan sa online learning. Ang proyekto din na ito ay magtuturo kung paano
maiiwasan ng mga estudyante na maapektuhan ang kanilang mental at pisikal na
kalusugan dulot ng online learning. Dahil naniniwala ang aming organisasyon na sa
gitna ng kahirapang nangyayari sa ating edukasyon dulot ng pandemya ay dapat tayong
magtulungan upang malutasan ang problema sa panibagong edukasyon ngayon. Hindi
hadlang ang pandemya para tulungan an ating mga mag-aaral na makamit ang kanilang
mga pangarap sa buhay. At ang proyektong ito ang magdadala sa kanila sa kanilang
tagumpay.

You might also like