You are on page 1of 14

SeniorHIGH

SENIOR HighSCHOOL
School
Baitang12
Baitang 12

Filipino

MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG


(Akademik)
Ikalawang Kwarter – Una
Ikalawang at Ikalawang Linggo
Kwarter-Unang – Aralin11
Linggo-Aralin

Talumpati

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-
91 at nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin CS_FA11/12PT-)m-o-90
Filipino - Baitang 12
Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Talumpati
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino


Writers: Jane Bryl H. Montialbucio, Shannon Khey A. Amoyan
Joeven A. Baludio, Mary Cris B. Puertas
Marjorie A. Ladesla, Cheryl Anne P. Tuliao

Illustrators: Roel S. Palmaira, Mel June C. Flores

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Jane Bryl H. Montialbucio

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan,


Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon, JV O. Magbanua,
Shannon Khey A. Amoyan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.,


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales,
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay,
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-
91 at nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Baitang 12.

Ang Modyul sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12.

Layunin ng Modyul sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitan na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Filipinoay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-
91 at nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90
Talumpati
Magandang araw!
Isipin na lamang kung paano ang buhay kung hindi tayo makapagpapahayag ng
sarili. Kung paano tayo magpahayag ng sarili ay sumasalamin sa kung paano natin
nakikita ang ating sarili, kaugnay ng ibang tao at ng kapaligiran.
Ang modyul na ito ay tungkol sa mabisang pagtatalumpati, ang kahalagahan at
silbi nito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Sa pangkalahatan, ang isang taong
nakikipagtalastasan nang mahusay ay may mas magandang oportunidad sa trabaho,
may mas malalim at mas makabuluhang pakikipagrelasyon at mas maayos na buhay
kung ihahambing sa taong hindi nakikipag-usap nang mahusay. Sa panahon ng
teknolohiya at impormasyon, tiyak na nakalalamang ang taong mahusay na
makipagtalastasan.
Sa bahaging ito, gagabayan ka sa pag-alam at pag-unawa sa kahulugan, paksa,
mga uri ng talumpati, at mga gabay sa pagsulat nito. Sa pagsagot mo sa mga gawain,
inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na layunin:
• Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa
CS_FA11/12PN-Og-i-91
• Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kinalaman sa
piniling sulatin CS_FA11/12PT-Om-0-90
Bilang pagtugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang mga
tiyak na layunin:
• nakatutukoy ng mga kahinaan at kalakasan ng isang talumpati; at
• nakasusulat ng sariling talumpati.

TUKLASIN NATIN!
Panuto: Nagpapakita ng iba’t ibang damdamin ang mga mukha sa ibaba. Sumulat ng
talata na may tatlong pangungusap para mailarawan ang damdaming
ipinahahayag ng bawat mukha at ang posibleng dahilan ng mga damdaming
ito.

1. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

2. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 1


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
3. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Malalaman natin sa maikling pagsusulit sa ibaba kung ano na ang iyong


natutuhan. Sagutin mo ang sumusunod na tanong.
1. Nakakita ka na ba ng taong nagtatalumpati? Kung oo, saan at kailan?
___________________________________________________________________
2. Ano ang iyong mapapansin sa taong nagtatalumpati?
___________________________________________________________________
3. Anong okasyon kalimitang ginaganap ang pagtatalumpati ng isang tao?
___________________________________________________________________
4. Sino ang tagapagsalita o ang nagbigay ng talumpati at ano ang kanyang
katungkulan?
___________________________________________________________________
5. Ano sa tingin mo ang katangiang taglay niyon?
___________________________________________________________________
Kumusta ang pagsasanay? Nasagot mo ba nang tama ang bawat tanong? Kung
Oo ang sagot mo, magaling! Marami ka nang nalalaman tungkol sa mga paksang
tatalakayin sa modyul na ito.

LINANGIN NATIN!
Bago ka magpatuloy, alamin muna natin ang mga mahahalagang bagay tungkol
sa tinatawag na talumpati pati na rin ang mga uri at mga gabay sa pagsulat nito.

Kahulugan ng Talumpati
✓ Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng madla na
naglalayong magbigay ng impormasyon o manghikayat patungkol sa isang
partikular na paksa o isyu.
✓ Layunin nitong manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
✓ Sa pagpapahayag nito, dapat na organisado, matibay ang impormasyon at
epektibo ang wikang ginagamit.

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 2


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
Paksa ng Talumpati
Mayroong iba’t ibang uri ng talumpati na nakabatay sa okasyon tulad ng kasal,
pagtatapos sa paaralan, kaarawan, sa pangangampanya, at iba pa. Sa pagsulat ng
talumpati, dapat ito ay angkop sa personalidad, kawilihan at panahon ng
mananalumpati at angkop rin sa edad, interes, gawain, libangan at karanasan ng mga
tagapakinig.

Uri ng Talumpati Batay sa Pamamaraan


• Biglaang Talumpati o Impromtu. Hindi ito pinaghandaan. Dapat eksperto ang
taong magsasalita at may malawak na kaalamang tinataglay.
• Maluwag. Binibigyan ng oras upang makapag-isip nang mabuti ng dapat
sabihin kahit malapit sa panahon ng pagtatalumpati.
• Pinaghandaang Talumpati o Ekstemporanyo. Pinaghandaang mabuti ang
pagtatalumpati. May sapat na oras at sinaliksik ang mga impormasyong
sasabihin at sadyang sinasanay ang pagbigkas sa harap ng madla.

Uri ng Talumpati Batay sa Nilalaman


• Impormatibong Talumpati - Ang uri ng talumpating naglalayong magbigay ng
impormasyon tungkol sa ano mang paksa.
• Mapanghikayat na Talumpati - Ang uri ng talumpati na nanghihikayat sa madla at
kadalasang paksang kinapapaloob nito ay ang iba’t ibang perspektiba o posisyon.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
Narito ang ilang patnubay sa pagsulat ng talumpati.
1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya
Ipinapakita ng mga pananaliksik na kakaunti lamang ang naaalala ng isang
tagapakinig mula sa isang talumpati kung kaya’t kailangang magbigay ng isa o
dalawang pinakamahalagang ideya lamang na pag-iisipan nila. Laging isipin na
maikling panahon lang ang nakalaan sa iyo para magtalumpati.
2. Magsulat kung paano ka nagsasalita
Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at hindi sanaysay. Hindi
ka babasahin, bagkus ay pakikinggan ng mga tagapakinig. Mas mabuti kung
kumbersasyonal ang tono ng talumpati.
3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa
Interesado ang mga tagapakinig sa konkretong detalye. Mas mabuting
gumamit ng mga salitang mas karaniwan sa pandinig at karanasan ng mga tao.
4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati
Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati. Kailangang ilatag ng isang
tagapagsalita ang kanyang kredibilidad sa pamamagitan ng malalim na pag-
unawa at pagbabasa tungkol sa paksa.
5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati
Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati, balikan ito at maghanap
ng mga salita o pahayag na maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple. Ang
pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati ay maaaring mas magbigay linaw
rito.

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 3


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
Panuto: Basahing mabuti at ibigay ang sagot sa bawat pahayag sa ibaba.
1. Ano ang tawag sa proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang isyu?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Anong uri ng talumpati ang ibinibigay lamang ang paksa sa oras ng pagsasalita?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Anong uri ng talumpati ang ginagamit sa kumbensyon o seminar kaya pinag-aralan
itong mabuti?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Anong uri ng talumpati ang nagbibigay ng iilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Ano-anong mga terminong pang-akademiko ang iyong natutuhan? Bigyan ng


pagpapakahulugan.

Talumpati

Terminong Natutuhan Pagpapakahulugan

6. Ano-ano ang dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati?

Talumpati

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 4


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
Basahin naman natin ngayon ang teksto sa ibaba upang ilapat ang mga
konseptong iyong natutuhan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya


Saksi ang panahon sa mga paglalakbay ng tao tungo sa kaunlaran at
masaganang pamumuhay. Sa patuloy na pagsagwan ng mga tao tungo sa
tagumpay, iba ibang mga pangyayari ang kanilang naranasan na naging sanhi ng
pagpapadaloy sa agos ng buhay sa mapanghusgang daigdig. Ang pagtatanim ni
ama sa aming palayan bilang aming ikinabubuhay ay kahalintulad ng pagpunla ng
magandang-asal at karunungan sa aming munting isipan. Ang mga kulubot at
kalyadong kamay ni inay na dumaan sa libong butas ng karayom simbolo ng
kanyang sakripisyo upang ang mga matatayog na bituin na aming minimithi sa buhay
ay maging abot-kamay. “Nabubuhay tayo, hindi para bumitiw at bumigay, kundi para
lumaban at matuto,” ang wika ng mga nakakatanda. Mula sa panahon ng lumang
bato, panahon ng digmaan, hanggang sa panahon ng milenyo, hinuhulma ang tao ng
sari-saring mga problema tulad sakuna, bagyo, lindol, digmaan, at sakit. Subalit tulad
sa isang paglalakbay, patuloy na sinasalungat ng tao ang rumaragasang alon, pilit na
pinag-iibayo ang sarili at pamayanan upang malampasan ang sari-saring isyung
panlipunan.
Noong Marso 2020, niyanig ng takot ang mga puso’t isip ng mga tao sa
pagbabagong lumaganap sa ating bansa. Novel Corona Virus kilala sa tawag na
Covid-19, isang sakit na nakahaahwa at nagdudulot ng kamatayan.
Naging malawak ang epekto ng kontemporaryong sakit na ito na kumikitil ng
buhay ng libo-libong tao. Naranasan ng Pilipinas ang napakalaking epekto nito dahil
sa paghina ng turismo at pagsara hindi lamang ng maliliit kundi maging ng mga
malalaking negosyo. Maging sa larangan ng edukasyon ay may malaking epekto at
pagbabago din ang naidulot nito.
Ang taong panuruan 2019-2020 ay hindi makalilimutang taon para sa mga
bawat mag-aaral na pinapangarap na makatuntong sa entablo para sa kanilang
pagtatapos. Ang apat na sulok ng klasehan na puno ng asaran, kulitan at aral ay
pansamantalang isinara ang pintuan at bintana ng mga alaala. Pinalitan ng mga
pangamba at katanungan sa pagtatapos ng taong panuruan, ang mga aktibidades ng
paaralan ay biglang naisantabi. Ang mga mag-aaral ay nanatili sa kani-kanilang
tahanan na puno ng mga katanungan ang kanilang isipan kailan kaya matatapos ang
pandemyang ito upang muli silang magkatagpo ng kanilang mga kaklase at kaibigan.
Mabilis ang takbo ng oras, araw at buwan, ang inaasam na masaya at may halong
lungkot na pagtatapos ay naging katanungan kung kailan. Sa taong ito naranasan ng
mga mag-aaral ang unang Virtual Graduation. Hindi ito ang nakaugaliang pagtatapos
ng lahat, wala na ang mga palakpan at hiyawan ng mag-aaral, wala na ang mga
himig ng pagsasalamat sa pag-awit, wala na ang pag-akyat sa entablado at
pakikipagkamay.
Subalit hindi dito natatapos ang lahat dahil sa kung paanong nabago ng
pandemya ang pagtatapos ay gayun din ang pagsisimula ng taong panuruang ito na
isang napakalaking hamon sa lahat. Hindi lamang sa Kagawaran ng Edukasyon
kundi sa mga kabataan at mga magulang. Paano haharapin ang bagong normal sa

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 5


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
gitna ng krisis na ito kung pag-aaral ang pag-uusapan. Kung dati ang pasahe at
pangmatrikula lamang ang suliranin, ngayon ay maging pang-internet at signal pa.
Habang lumalala ang pagtaas ng bilang ng mga positibo sa pandemyang ito ay
nauudlot ang pagbubukas ng klase ng Taong-Panuruang 2020-2021. Kailan at paano
nga ba maging handa ang mga mag-aaral kung sa pang-araw-araw na
pangangailangan ay hirap na nila itong matugunan.
Ang mga talentong ipinagkaloob ay ipinamalas upang maging daan sa mga
pangangailangan sa pag-aaral. Ang mga nakwadrong pintura, mga ballpen na
patapon, mga inuukit sa kahoy at piraso ng tela ay nabigyang halaga na nagbunga
ng malaki at naibili ng mga makabagong kagamitan upang magamit sa kasalukuyan.
Napakaraming problema na maaaring maituring bilang mga balakid. Ngunit
ituon natin ang ating paningin sa maliwanag na bahagi ng pag-asang ang lahat ng ito
ay ating malalagpasan. Mahalaga ang patuloy na pagtamo ng pagkatuto sa
papaanong paraan man ito makamit. Laging sunggaban ang anumang pagkakataon
para makatamo ng dunong. Tandaan na hindi lamang nakasalalay sa kamay ng ating
mga guro ang pagkamit ng edukasyon, nakasalalay din ito sa ating mga kamay, sa
mga magulang, maging komunidad na ating kinabibilangan. May ambag ang lahat sa
pagkamit ng dunong. At sa panahon ng krisis na ito tiyak na ating malalagpasan ng
sama-sama at tulong tulong. Hawak-kamay tayo sa pagsulong tungo sa paghilom,
pagbangon at patuloy na pagsulong ng edukasyon. Katulad ng isang linya sa awitin
“mga pagsubok lamang iyan huwag isuko ang laban.”

1. Ano ang paksa ng talumpating binasa?


________________________________________________________________

2. Ano ang katayuan ng may-akda hinggil sa paksang kanyang tinalakay sa


talumpati at magbigay ng mga impormasyon o detalyeng nagpapatibay rito?
Gamitin ang grapikong presentasyon sa pagsagot.

Edukasyon sa Gitna ng Pademya

Katayuan ng mag-akda:
_______________________________

Mga impormasyon o detalyeng


nagpapatibay:

3. May mga pahayag ba na nakapukaw sa damdamin ng mambabasa? Kung Oo


ang iyong sagot ano-ano ang mga ito?
_______________________________________________________________

4. Ano ang nilalayon ng talumpating binasa?


_______________________________________________________________

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 6


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
5. Natamo ba ng may-akda ang layon ng kanyang talumpati? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_______________________________________________________________

Natapos mo ng basahin ang mga mahahalagang konsepto na may


kinalaman tungkol sa akademikong pagsulat ng talumpati at nasagutan ang mga
gawain hinggil dito. Ngayon mas higit pa nating palawakin ang iyong nalalaman
batay sa pagsagot sa mga katanungan.

Gawain 1
Panuto: Batay sa tekstong iyong binasa at konseptong iyong natutuhan, kumpletuhin
ang krusigrama sa ibaba.

3. . t

1. 4.

k u a

2. p u

1. i p 2. m i g

n n

o
i

Pahalang:
1. Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol
sa ano mang bagay, pangyayari konsepto, lugar, tao proyekto at iba pa.
2. Walang paghahandang nagaganap. Ginagawa ito ng mga taong dalubhasa na
sa pagsasalita at nagtataglay ng maraming kaalaman sa alinmang paksa.
Pababa:
1. Ito ay sadyang pinaghandaan, may pag-aaral o pagsasaliksik na naganap at
pinagsumikapang pagsanayan upang mabigkas sa harap ng publiko.
2. Ang isang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay kadalasang nakatuon
sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 7


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
3. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning
magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na
paksa o isyu.
4. May panahon para makapag-isip sa paksang dapat talumpatiin na noon din
lamang ipinaalam malapit sa panahon ng pagtatalumpati.

Gawain 2
Panuto: Balikan ang State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulong Duterte
noong nakaraang Hunyo 2020. Gumawa ng pagsusuri sa video at ibatay sa
mga sumusunod:

A. Paksa ng Talumpati
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
B. Uri ng Talumpati Batay sa Pamamaraan
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
C. Uri ng Talumpati Batay sa Nilalaman
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Magtala ng sampung napapanahong paksa. Gamit ang text messaging,
messenger at facebook account magtanong ka ng 10 katao kung alin sa mga
isyu ang nais nilang pakinggan. Iranggo ang resulta ng sarbey at gawan ng
talumpati ang may pinakamataas na ranggo.

Napapanahong Isyu Bilang ng Tugon Ranggo

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 8


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto
ang impormasyong ipinahahayag at palitan naman ng tamang sagot ang
salitang may salungguhit kapag nagsasaad ng kamalian ang pahayag.
___________1. Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga
tagapakinig o audience.
___________2. Sa pagsulat ng talumpati dapat ito ay angkop sa personalidad,
kawilihan at panahon ng mananalumpati at angkop rin sa edad, interes,
gawain, libangan at karanasan ng mga mambabasa.
___________3. Ang maluwag ay ginagawa ito ng mga taong dalubhasa na sa
pagsasalita at nagtataglay ng maraming kaalaman sa alinmang paksa.
___________4. Ang impormatibong talumpati ay naglalayong magbigay ng
impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, konsepto, lugar,
tao, proyekto at iba pa.
___________5. Ang isang ekstemporanyong talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga
paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.
___________6. Sa pagsulat ng talumpati kinakailangang pumili ng maraming ideya na
isusulat.
___________7. Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at hindi sanaysay.
___________8. Mas mabuting gumamit ng mga salitang mas talinghaga sa pandinig at
karanasan ng mga tao.
___________9. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa
talumpati.
___________10. Ang pagdaragdag ng mga salita sa isang talumpati ay maaaring mas
magbigay linaw rito.

Ngayong lubusan mo nang nauunawaan ang aralin tungkol sa mga konsepto


ng akademikong pagsulat. Natitiyak kong magiging mahusay ka sa presentasyong
iyong gagawin bilang produkto ng iyong natutuhan.

Sitwasyon: Madalas tamaan ng bagyo ang ating bansa sa buwan ng Oktubre


hanggang Disyembre. Bilang taga-ugnay ng MDRRMC (Municipal Disaster Risk
Reduction Management Council) ng inyong lugar. Inatasan kang magtalakay ng mga
dapat at hindi dapat gawin upang maiwasan ang anumang sakuna sa panahon ng
bagyo.
Panuto: Bigkasin at irekord ang ginawang talumpati. Ipadala sa messenger o facebook
account ng iyong guro.
Ikaw ay bibigyan ng iskor batay sa rubrik na nasa ibaba.

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 9


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
Rubrik sa Pagsulat ng Talumpati

Naisasagawa nang mataman ang pagbigkas ng talumpati na 15 puntos


napili
Naibibigkas ng organisado, malikhain, at kapani-paniwala ang 15 puntos
talumpati
Kabuuan 30 puntos

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) 10


Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT-0m-o-90
CS_FA11/12PT-0m-o-90
mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91 at nabibigyang-kahulugan ang
Kompetensi: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
11 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Susi sa Pagwawasto
Tuklasin Natin!
Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
Linangin Natin!
1. Talumpati
2. Biglaang Talumpati / Impromtu
3. Pinaghandaang Talumpati / Ekstemporanyo
4. Maluwag
5. Impromtu, Maluwag, Ekstemporanyo, Impormatibo, Mapanghikayat
6. Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
Basahin at Suriin Natin!
Maaaring magkaiba-iba ang sagot.
Pagyamanin Natin!
Pahalang:
1. Impormatibo 2. Impromtu
Pababa:
1. Ekstemporanyo 2. Mapanghikayat 3. Talumpati 4. Maluwag
Tayahin Natin!
1. Tama
2. Tagapakinig
3. Biglaang Talumpati / Impromtu
4. Tama
5. Mapanghikayat na Talumpati
6. Pinakamahalagang Ideya
7. Tama
8. Karaniwan
9. Tama
10. Pagbabawas

You might also like