You are on page 1of 1

Department of Education

Region III- Central Luzon


Schools Division of Pampanga
DELA PAZ- LIBUTAD HIGH SCHOOL
Teacher’s Village Dela Paz, San Simon, Pampanga
Narrative Report on Hiraya Theater Production
“Tatlo Buo”

Agosto 23, 2019


Handog ng Hiraya Theater Production ang “Tatlong Buo”, istorya ito ng tatlong
magkakaibang personalidad na sinubok ng hamon ng buhay, natutong tumayo at lumaban at
kung paano sila pagtatagpuin ng tadhana.
Ang pagtatanghal ay ginanap noong ika-14 ng Agosto 2019 sa Bren Z. Guiao
Convention Center na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Dela Paz- Libutad High School gayundin
ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan.
Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ng mismong director ng
dula na si “Chaps” Manansala .Ito’y sinundan naman ng kaunting paalala sa manonood upang
maging maayos ang daloy palabas.
Punong-puno ng aral ang dula, isa na dito ang paniniwala na may dahilan ang bawat
pagsubok na nararanasan sa buhay. Lahat ng problema ay masosolusyonan basta maniwala ka
lang sa Maykapal.
Para lalong madagdagan ang magandang karanasan, kasunod ng dula ay isang “mini
variety show” na pinangunahan ng tatlong stand up comedians at mga piling celebrity guest.
Sa kabuuan, naging masaya ang lahat sa pagwawakas ng pagtatanghal bitbit ang mga aral
na iniwan nito sa puso ng bawat isa.

Inihanda ni :

Fatima T. Lozano
SPA/ Guro sa Filipino

May kinalaman sa nilalaman:

Erich D. Garcia, Ed.D.


Punongguro

You might also like