You are on page 1of 12

STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL

FILIPINO 9

Unang Markahan
Aralin 1.1

Inihanda ni :

Fatima T. Lozano
Teacher II
Guro sa Filipino- 9
Dela Paz-Libutad High School
PAMATNUBAY / GUIDE CARD

Magandang buhay sa DPLHS


iyo, kaibigan. Kumusta ang
iyong pag-aaral? Gusto mo
bang lalong matuto sa DPLHS?
Halika na at simulan nating
samahan si Jay na bibiyahe sa
mundo ng wikang puno ng
hiwaga.

Sa mundo ng gramatika at wika,


nariyan ang mga pangungusap .Upang
makabuo ng isang mabisa at mahusay
na salaysay, kailangan ang mga
pangatnig / transitional devices. Para
maging kapana-panabik ang iyong trip
sa eskwela.Narito ang iyong gabay.

Unang Biyahe ay ang PAMATNUBAY (GUIDE CARD)


Sa biyaheng ito matutunghayan ang aralin at ang layunin na ating pagtutuunan ng
pansin.
Ikalawang Biyahe ay ang PAGSUBOK (ACTIVITY CARD)
Ito naman ay kinapapalooban ng gawain na susubok sa iyong kasanayan o
kakayahan at pagkamalikhain upang matamo mo ang iyong layunin.
Ikatlong Biyahe ay ang PAGTATAYA (ASSESMENT CARD)
May mga katanungan dito na iyong sasagutan. Ang mga katanungan na makikita
sa bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang mapalawak pa ang iyong kaalaman.
Ikaapat na Biyahe ay ang PAGPAPALAWAK (ENRICHMENT CARD). Makikita rito
ang mga gawain na lalong magpapaunlad sa iyong pagkatuto sa paksa.
Ikalimang Biyahe ay ang BONUS (REFERENCE CARD) Matutunghayan mo rito
ang pinakahuling gawain na higit na magpapayaman sa iyong pagiging
mapamaraan.

2
Nilalaman ng bahaging ito ang pamantayang pangnilalaman at ang layunin na
dapat na matamo at matutunan ng mga mag-aaral tungkol sa pangatnig o
transitional devices.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga


sa mga pangatnig /transitional devices sa paglalahad ng sariling
karanasan.

LAYUNIN:
1. Nabibigyang-kahulugan ang
pangatnig / transitional devices.
2. Nakikilala ang mga pangatnig /
transitional devices at ang mga
uri nito.
3. Nagagamit ang angkop na
pangatnig/ transitional devices sa
pag-uugnay ng mga pangungusap.

3
PAGSUBOK / ACTIVITY CARD

Sa biyaheng ito, susubukin ang iyong kakayahan sa pagtukoy sakahuluganat halimbawa


ng mga pangatnig / transitional devices.

Sabi nga nila, maging handa sa


Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga anumang pagsubok na darating sa
buhay kaya’t heto subukin ang
katanungan sa Hanay A. Isulat ang
gawaing nasa ibaba. Go, go, go…
sagot sa bawat patlang bago ang bilang. Kaya mo iyan kaibigan!

HANAY A HANAY B

1. Mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o SUBALIT


sugnay. SAMANTALA
DAHIL
2. Ginagamit na pantuwang kung saan pinag-uugnay ang magkapantay na SA
kaisipan.
SA WAKAS
3. Ginagamit na pananhi na nagsasaad ng kadahilanan. KUNG GAYON
4. Nagbabadya ng pagwawakas. KUNG
5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o PANGATNIG
sumusulat. SA AKING PALAGAY
6. Nagsasaad ng paglilinaw. PALIBHASA
7. Ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay UNA
ginagamit sa unahan ng pangungusap.
8. Nagsasaad ng kondisyon.
9. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari o gawain.
10. Nagsasaad ng pangangatuwiran.

Panuto: Bilugan ang pangatnig na ginamit sa bawat pangungusap.


1. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
2. Nagkasundo na ang magkaklase, kung gayon magkasama na silang muli.
3. Sa wakas, kinakitaan na rin ng pagbabago ang ama.
4. Pumasa ako sa unang markahang pagsusulit dahil sa aking sipag at tiyaga.
5. Nagbabasa ang lahat samantalang ikaw ay naglalaro.

Tingnan ang sagot sa sa pahina 7 …

Wow! Napamangha mo ako sa iyong galing. Sige, ipagpatuloy mo iyan…

4
PAGTATAYA / ASSESSMENT CARD

Ang biyaheng ito ay matataya at mapag-iibayo ang iyong kaalaman sa pagpili


nang tama o akmang gamit ng mga pangatnig / transitional devices sa pangungusap.

Lubos mo akong napahanga kaibigan


sa iyong ipinakitang galing kaya dahil
diyan isang malakas na palakpak ang
para sa iyo…

Panuto: Bilugan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.

1. Marami na akong nalalaman, (ngunit, subalit,datapwat) tila kulang pa ito.


2. Tumawag ang nanay ni Joy (marahil, dahil, ngunit) hindi pa raw umuuwi galing
sa eskwelahan.
3. Kumakain na siya (saka, samantalang, kaya ) hindi pa natatapos ang proyekto
nilang lahat.
4. (Sa lahat ng ito, sa wakas, bilang pangwakas), nakakuha na rin siya ng perpektong iskor
sa pagsusulit sa pagrerepaso ng aralin gabi-gabi.
5. Walang pasok bukas (kung gayon, kaya) pwede ka ng umuwi sa bahay ng lola mo.

Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungusap na nasa ibaba gamit ang
mga pangatnig/ transitional devices na nasa loob ng kahon.

Sa wakaskahitkung sapagkatkayangunit
dahil sabagaman kung gayonsamantalang

1. hindi nila pag-iingat sa paggawa ng desisyon ay lalo silang nabaon sa utang.


2. Ako ay nagbabasa siya ay nagsusulat.
3. Mabuti siyang makitungo sa mahihirap siya’y isang mataas na pinuno.
4. Matalino ang iyong kaibigan suplada naman.
5. Malinis na ang buong kapaligiran ng City High walang dengue na aaligid.
6. Sasama ako sa iyo tuturuan mo ako sa asignaturang Filipino.
7. Namaos ang boses niya matagal siyang nagsasalita sa harap ng kanyang
mga mag-aaral.
8. Nakatapos siya sa pagiging abogado magsasaka ang kanyang mga magulang.
9. , makakapagtapos na rin ako.
10. , mananatili kang mahirap at patuloy na magdildil ng asin sa buong buhay mo.

Tingnan ang sagot sa pahina 7… Kaibigan, dumako kang muli sa susunod na gawain para mas
lalong mahasa ang iyong katalinuhan.

5
PAGPAPALAWAK / ENRICHMENT CARD

Sa bahaging ito, mapapalalim at tatalas ang iyong isipan sa


Sabi ko sa’yo eh, it’s pamamagitan ng pagbubuo ng mga pangungusap at talata na
more fun sa City ginagamitan ng angkop na pangatnig / transitional devices.
High. Dahil marami
kang matutunan
liban sa nakakatuwa Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit
rito. ang mga pangatnig na: DAHIL SA
SAMANTALANGKUNG GAYON SA
LAHAT NG ITO SUBALIT

1.

2.

3.

4.

5.

Oh, di ba matagumpay
mong natapos ang mga
pagsasanay. BINABATI
KITA!

Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na pahina .

6
Narito pa ang kasunod na gawain na magpapakita ng iyong kahusayan sa
pagbuo ng talata gamit ang mga pangatnig / transitional devices.

Panuto: Sumulat ng isang talata gamit ang mga pangatnig /


transitional devices tungkol sa binasang kwentong “Ang Ama”.

Maaari ka ng dumako sa susunod na gawain.

7
BONUS / REFERENCE CARD

Matutunghayan mo rito ang susi ng pagwawasto sa bawat biyaheng iyong


pinuntahan na sumubok sa iyong kakayahang umunawa sa paksang pangatnig /
transitional devices.

PAGSUBOK PAGTATAYA PAGPAPALAWAK


(ACTIVITY CARD) (ASSESSMENT CARD) (ENRICHMENT CARD)
1. G 1. ngunit
2. B 2. dahil Tandaan: magkakaiba
3. C 3. samantalang Ang mga sagot dahil
4. D 4. sa wakas bubuo sila ng sariling
5. H 5. kaya Pangungusap.
6. E
7. A 1. dahil sa
8. F 2. samantalang
9. J 3. kahit
10. I 4. ngunit
11. sa lahat ng ito 5. kaya
12. kung gayon 6. kung
13. sa wakas 7. sapagkat
14. dahil sa 8. bagaman
15. samantala 9. sa wakas
10. kung gayon

Sa muling biyahe, kaibigan. Adios!

8
 Peralta, Romulo N. et al. (2014) Panitikang
Asyano(Modyul sa Filipino).Pasig City. Vidal Group,
Inc. pp. 25-26

 http://www.slideshare.net/marcomed/deped-grade-9-
learners-material-in-filipino. retreived July 17, 2016

 http://hannaleahrabang.blogspot.com/2014/09/paniti
kang-asyano-modyul.html.retrieved July 17, 2016

 http://blognicindy.blogspot.com/2014/07/aralin-11-
pangatnig-at-transitional.html.retrieved July 15, 2017

9
Nakapaloob dito ang ilang impormasyon na makatutulong sa iyo upang maging gabay at mas mapapada

Ang mga pangatnig / transitional devices ay ginagamit sa


paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa
pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito.
Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang
tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya,
pangyayari atiba pa sa paglalahad.

Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig / transitional


devices na karaniwang ginagamit sa Filipino:

Mga Pangatnig:
1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit
ay ginamitna sa unahan ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang

O, napakadali di ba? Magpatuloy pa sa susunod na pahina upang lalong


maintindihan ang pangatnig / transitional devices.

10
Narito pa ang ilang kaalamang magpapaintindi sa iyo nang lubusan sa ating
paksang-aralin.

Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang
ginagawa. 3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang
kapalaluan. b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang
pagsisikap. niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

Transitional Devices:
1. sa wakas, sa lahat ng ito –
panapos Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal namahal
ng kanilang ama.

2. kung gayon –
panlinaw Mga
Halimbawa:

a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon


kailangan niyangpagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

Kaibigan, nagagalak ako at nauunawaan mo kung ano ang pangatnig / transitional


devices. Alam ko na hand aka na sa anumang pagsubok na iyong kakaharapin.
Maaari ka nang magpunta sa mga pahina na kinapapalooban ng mga biyaheng
susubok sa iyong katatagan at katalinuhan.
11
12

You might also like