You are on page 1of 2

Division of Taguig City and Pateros

Cluster V
EM`S SIGNAL VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL
FILIPINO –VI

Oktubre 29, 2019 Ikatlong Markahan

TIME SECTION MPS


9:00- 9:50 VI-15

1. LAYUNIN
1. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
2. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagbibigay ng isang panuto.
3. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ngparaan,
panahon,lugar ng kilos at damdamin. F6WG-IIIa-c-6

4. NILALAMAN Nakapagbibigay ng panuto. F6PS-IIIa-8 Pariralang pang-abay sa paglalarawan ng


paraan, panahon,lugar ng kilos at damdamin

KAGAMITANG PANTURO
1. Sanggunianhttps://www.google.com/search?q=pagbibigay+ng+panuto&oq=PAGBIBIGAY+NG+P&aqs=chrom
e.1.69i57j0l5.5807j0j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8
2. Mga pahina sa Gabay ng Guro Likas pp. 114-116
3. Iba pang Kagamitang Panturo Tsart

4. PAMAMARAAN
1. Balik -aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.
Piliin ang mga pandiwa sa pangungusap. Ilista sa inyong sagutang kuwaderno.
1. Nahulog sa ilalim ng mesa ang kutsara.
2. Tumatakbo nang matulin ang mga sasakyan.
3. Nakabili kahapon ng bagong TV ang kapitbahay namin.
4. Tumakas noong nakaraang linggo ang 7 bilanggo sa piitang bayan.
5. Magagandang bulaklak ang pinitas nila sa halamanan.
6. Masisipag lang ang tinatanggap na manggagawa sa paggawaan ng sapatos.
7. Lumipat na sila ng tirahan sa San Pedro, Laguna.
8. Ang grupo nila ay sumasayaw sa entablado.
9. Naglaro nang mahusay si Jempot kaya sila nanalo.
10. Nagtanim maghapon ang mga magsasaka.

b. Paghahabi sa layunin ng aralin


BASAHIN ANG BABALA
INAALAGAANG MABUTI ANG MGA PUNUNGKAHOY SA GUBAT. ITINANIM NANG MAAYOS
ANG MGA PUNO RITO. PARURUSAHAN NANG MABIGAT ANG MANINIRA NG PUNUNGKAHOY.
SUMUNOD NANG MATAIMTIM SA BATAS NG KAGUBATAN.

c.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ano ang pandiwa sa unang pangungusap? (Inaalagaan) Paano inaalagaan?(Mabuti) Anong salita
ang binibigyang turing ng salitang mabuti? (Inaalagaan)Anong bahagi ng pananalita ang mabuti?
(Pang-abay)

d. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan.# 1


Ano ang pandiwa sa ikalawang pangungusap? (Itinanim) Paano itinanim?
(Maayos) Anong salita ang binibigyang turing ng maayos? (Itinanim) Anong bahagi ng
pananalita ang maayos? (Pang-abay) Ang mga salita at pariralang naglalarawan o nagbibigay
turing sa pandiwa ay tinatawag na pang-abay.

1. Paglinang sa Kabihasaan(Tungo sa formative Assesment)


2. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Gaano kahalaga ang makapagbigay ng isang panuto?

3. Paglalahat ng Aralin
- Na ang pariralang naglalarawan kung paano ginawa ang kilos ay mgapariralang pang-abay na
pamaraan.
1. - Na ang mga pariralang tumutukoy kung saan ang pook o lunan napinangyarihan ng kilos o gawa
ay mga pariralang pang-abay napanlunan.
2. - Na ang mga pariralang nagsasabi kung kailan ginawa, ginagawa ogagawin ang kilos o pangyayari
ay mga pariralang pang-abay napamanahon.
3. - Na ang mga panuto sa babala, patalastas pagsusulit at gawaing pangupuanay mahahalagang
bagay o impormasyon na dapat maintindihanupang maisagawa nang tama ang nakasaad.
f. Pagtataya ng Aralin
Isulat kung ang mga pariralang pang-abay na maysalungguhit ay pamaraan, panlunan o
pamanahon.
1. Tulung-tulong na naglilinis ang mga tao bago magpiyesta.
2. Umusad nang dahan-dahan ang mga sasakyan.
3. Sila’y nagtatanim sa mga bukiring may patubig.
4. Nahuhuli sa dagat na malapit sa Estancia ang maraming isda.
5. Sa Linggo ng hapon magpupulong ang mga magulang at guro.
.
g. Karagdagang gawain
Takdang Aralin: Isulat kung ang mga pariralang pang-abay na maysalungguhit ay pamaraan,
panlunan o pamanahon.
1. Tuwang-tuwa at patalun-talon na sumalubong ang kanyang aso.
2. Umalis siya na mabigat ang damdamin.
3. Naglilinis sila ng silid aralan pagkatapos ng pulong.
4. Iwinawagayway ang watawat tuwing may pambansang pagdiriwang.
5. Ang matitibay na kahoy ay matatagpuan sa kagubatan ng Pilipinas

V. TALA (Remarks)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

A. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan pa ng iba pang gawain para sa remedyasyon.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Alin sa mga istratehiyang panturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

C. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa aking kapwa guro?
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

You might also like