Professional Documents
Culture Documents
Cot FILIPINO 3 M 2 Q4
Cot FILIPINO 3 M 2 Q4
Learning Area
School Grade Level THREE
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area FILIPINO
Teaching Date Quarter FOURTH/
LESSON
MODULE 2
EXEMPLAR
Teaching Time No. of Days 1 DAY
ARALIN
Mga bata, handa na ba kayo para sa ating bagong aralin?
Basahin muna natin ang isang maikling kuwento.
Si Tinay ay nag- iisang anak nina Mang Natoy at Aling Isay.
Napakamasayahing bata ni Tinay. Bukod dito ay napakasipag rin niyang
maglinis ng kanilang bahay. Katunayan wala kang makita ni isang maliit na
agiw sa kanilang kisame. Aliw na aliw ang mag-asawa sa kanilang anak kaya’t
sinisikap nilang maibigay ang pangangailangan nito.
Alam ni Aling Isay na gustong gusto ng kanyang anak ang mga ulam na may
sabaw kaya madalas siyang magluto ng nilaga na may bataw, sitaw at petsay.
Tuwing Linggo ay nagsisimba ang mag-anak at pagkatapos magsimba ay
kumakain sila ng masarap na lugaw sa restawran ni Mang Butsoy. Bumibili rin
sila ng tikoy dahil ito ang paboritong meryenda ni Tinay.
Mga tanong:
1. Anong uri ng bata si Tinay?
2. Sino ang kanyang mga magulang?
3. Bakit aliw na aliw ang mga magulang niya sa kanya?
4. Ano ang madalas na niluluto ni Aling Isay sa kanyang anak?
5. Kailan nagsisimba ang mag- anak?
6. Ano ang ginagawa nila pagkatapos magsimba?
7. Ano ang paboritong meryenda ni Tinay?
8. Masayahin ka rin ba at masipag tulad ni Tinay?
Basahin ang mga salitang ginamit natin sa kuwento:
Isay Natoy sabaw aliw
Tinay tikoy bataw agiw
bahay Butsoy sitaw
petsay
Ano ang napapansin ninyo sa bawat salita?
(Ang mga ito ay may tunog na patinig at malapatinig na tunog sa hulihang
pantig ng bawat salita.)
Ano-anong mga tunog ito?
( /ay/ /oy/ /aw/ /iw/ )
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ang mga salitang binasa ninyo ay halimbawa ng mga salitang
diptonggo o may diptonggo.
• • Ang salitang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang
patinig ( a, e, i, o, u ) at malapatinig na w at y sa isang pantig.
• • Sa wikang Filipino, kabilang ang mga ponemang /aw/, /iw/, /ay/,
/ey/, /iy/, /oy/ at /uy/ sa diptonggong ito.
B. Development
(Pagpapaunlad)
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
PANUTO: Bilugan ang mga salitang may diptonggo sa bawat pangkat:
1. tabing tuloy talim talon
2. sabay sala sipag sundo
3. pari payag panaw punta
4. iniba ibaling isla ihaw
5. malayo maliit malay madamo
PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat ang nawawalang letra upang mabuo ang salitang
diptonggo:
1. Ang lang __ __ ay nagdadala ng sakit lalo pag ito ay dumapo sa ating mga
pagkain.
2. Gusto ko nang masarap na tinap __ __ sa almusal.
3. Napakaganda ng saya ng R __ __ na Elena sa Santa Krusan kagabi.
4. Iba”t – ibang bungang kah __ __ ang tanim ng lolo ko sa kanyang
halamanan.
5. Malawak ang bukiring taniman ng pal __ __ sa probinsya ng Bulacan.
PAGSASANAY 3
PANUTO: Isaayos ang mga letra upang makabuo ng salitang diptonggo
ayon sa ibinigay na kahulugan:
1. ( h a k w i ) – palamuting sinusuot ng mga babae sa
kanilang tainga.
2. ( a y m a k ) – parte na katawan na ginagamit sa paghawak ng mga bagay.
3. ( h w a l i ) – kasalungat ng salitang luto
4. ( w a l a d ) – kasingkahulugan ng salitang bisita
5. ( s g i a w ) – kasalungat ng salitang bulong
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
D. Assimilation
(Paglalapat)
PAGSUSULIT
PANUTO: Piliin sa ibaba ang salitang diptonggo na angkop sa bawat
pangungusap:
1. Nasira ng malakas na bagyo ang lumang tulay na gawa
sa ______________.
2. Pag-aalaga ng _________ ang kinagigiliwan ni Ben.
3. ________ asul na bistida ang paboritong isuot ni Paula.
4. Malamig ang ________ ng hangin tuwing buwan ng Disyembre.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.
Inihanda ni:
Ipinasa kay: