You are on page 1of 7

FILIPINO

Learning Area
School Grade Level TWO
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area FILIPINO
Teaching Date Quarter FOURTH/
LESSON
MODULE 1
EXEMPLAR
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay:


A. napapantig ang mas mahahabang salita; at

B. nasusulat nang papantig ang mahahabang salita.

A. Pamantayang Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog


Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis,
Pagganap diin, tono, antala at ekspresyon

C. Napapantig ang mga mas mahahabang salita


Pinakamahalagang F2KP-IIc-3
Kasanayan sa
Pagkatuto
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Napapantig ang mga mas mahahabang salita

III. KAGAMITAN Modyul


PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 44
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK


(Panimula) PANUTO: Basahin ang mga salita at bilugan ang tamang pantig
nito.
1. masaya – mas-ya, ma-sa-ya, ma-sy-a
2. bintana – bin-ta-na, bi-nta-na, bin-tan-a
3. abokado – abo-ka-do, a-bok-a-do, a-bo-ka-do
4. halaman – hal-am-an, ha-la-man, ha-la-ma-n
5. sapatos - sa-pa-tos, sap-at-os, sa-pa-to-s

BALIKAN
PANUTO: Basahin ang pangungusap at bilugan ang salitang
naglalarawan.
1. Si Ana ay maganda.
2. Ang mga bata ay masayang naglalaro.
3. Matarik ang bundok na inakyat nila.
4. Ang papaya ay hinog na.

5. Dakila ang mga bayaning Pilipino.


ARALIN
Ano ang pagpapantig?
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig. Ito
ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng
lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbibigkas ng salita.
Halimbawa:
1. A-ko
2. i-i-wan
3. mang-ya-ya-ri
4. ma-a-a-ri
5. sam-bot

1. Ang pagpapantig ay paraan ng pagbabahagi ng


salita sa mga pantig.
a. Kapag magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal, final na salita. Ito ay hiwalay ng mga patinig.

Halimbawa: aalis-a-a-lis totoo- to-to-o


b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob
ng isang salita maging katutubo o hiram man ang una ay kasama sa
patinig na

sinusundan,at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod


Halimbawa: Pinto – pin-to sobre – sob-re
c. Kung may tatlo o higit pang magkaibang katinig sa

magkasunod sa loob ng isang salita ang unang dalawa ay kasama sa


patinig na sinusundan at huli ay patinig nakasunod.
Halimbawa: Eksperimento – eks-pe-ri-mento
d. Kapag ang una sa tatlong magkasunod na dalawa ay
alinman sab l, br, pl, t ang unang katinig (M o N) sa
sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa
ay kasunod sa patinig.
Halimbawa: Asembleya- a=sem-ble-ya
Alambre- a-lam-bre
e. Kapag may apat na magkakasunod-sunod na katinig
sa loob ng isang salita,ang unang dalawang katinig ay
kasama sa patinig na sinusundan at ang huling
dalawa ay patinig na sinusundan.
Halimbawa: eksklusibo- eks-klu-si-bo
2. Pag –uulit ng pantig:
a. Kapag ang unang tunog ng salitang ugat o batayang
talasalitaan ay patinig,ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: a-lis- a-alis, a-mbon – a-ambon
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay
nagsisimula sa KP(Katinig/Patinig), ang katinig at ang
kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: lakad- la-la-kad, basa- ba-ba-sa
c. Kung ang unang pantig ng salita –ugat ay may KK
(Klaster ng katinig) na kayarian, dalawang paraan ang
maaaring gamitin.
- Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa: piso – pi-pi-so, sampu – sa-sam-pu
- Inuulit ang klaster ng katinig kasama ang patinig.

Halimbawa: plantsa – pla-plan-tsa-hin


prito – pri-pri-tu-hin
PANUTO: Basahin ang maikling kuwento. Hanapin ang mga
mahahabang salita at pantigin ito sa sulatang papel.
Ang Kakaibang Bisita
Sabi ni nanay may bisitang dumating sa ating bansa.Pero ang
bisitang ito ay sadyang kakaiba. Lahat ng tao ay natataranta,
natatakot at pinaguusapan ang kanyang pagdating. Bawal siyang
salubungin at patuluyin sa bahay. Laman din siya ng mga balita sa
radyo,telebisyon,dyaryo at mging sa “social media” Sadyang
napakasikat niya. Sino ba siya? Ah…Covid-19, isang uri ng sakit na
nakakahawa at kumitil na ng maraming buhay.Bawat isa ay
pinagiingat. Lahat ng mga Lungsod sa Metro Manila at karatig na
probinsya ay may mga patakaran na pinapatupad. Gaya ng pagsusuot
ng face mask,face shield,physical/social distancing paghuhugas ng
kamay,pagpapanatilihing malinis ang kapaligiran .Bawal din lumabas
ng bahay ang mga batang katulad ko. Inip na inip na ako, gusto ko
nang maglaro sa labas,pumasok sa paaralan at mamasyal.Pero mas
mahalaga ang pagsunod para sa kaligtasan ng bawat isa. Sana ay
makatuklas na nang gamot ang mga eksperto sa larangan ng siyensya
at medisina para bumalik na at maging normal na ang buhay namin.
PANUTO: Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong iyong
narinig.
1. Sino ang bisitang dumating?

____________________________________________________
2. Bakit kaya kakaiba ang bisitang dumating?

____________________________________________________
3. Ano ang nararamdaman ng mga tao sa kanyang

pagdating?
____________________________________________________
4. Ano-ano ang mga patakaran ang pinapatupad ng mga Lungsod sa
Metro Manila at karatig probinsya?

____________________________________________________

PAGSASANAY 1
PANUTO: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang
B. Development pagkakapantig ng mga salita at Mali kung hindi.
(Pagpapaunlad) __________ 1. kabataan = ka-ba-ta-an
__________ 2. pagdiriwang = pag-di-ri-wang
__________ 3. nagpasalamat = nag-pa-sa-lam-at
_________ 4. pagkakasakit = pag-ka-ka-sa-kit
_________ 5. pangunahin =pa-ngu-na-hin
PAGSASANAY 2
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang pagkakapantig ng mga
salita. Isulat ang letra ng tamang sa sagot sa patlang.
_____ 1. matanda
A. ma-tan-da C. mat-and-a
B. mat-an-da D. ma-ta-nda
_____ 2. paglalaro
A. pag-lala-ro C. pag-la-lar-o
B. pag-la-la-ro D. pa-gla-la-ro
_____ 3. telebisyon
A. te-leb-is-yon C. te-le-bi-syon
B. tel-bis-yon D. te-le-bis-yon
_____ 4. natatakot
A. na-ta-ta-ko-t C. nat-at-ak-ot
B. na-ta-ta-kot D. na-ta-tak-ot
_____ 5. sinamahan
A. si-nam-ahan C. si-nam-a-han
B. si-na-ma-han D. sin-ama-han

PAGLALAHAT
PANUTO: Isulat ng papantig ang mga salita.
1. eksperto - ________________
2. mag-aaral - _______________
C. Engagement
(Pagpapalihan) 3. asembleya - _______________
4. simbahan - ________________
5. pamilihan - ________________

PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Gumuhit ng ( ) sa patlang kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa utos ( ) at kung
hindi.

________1. Sumusunod kaagad ako kung ako ay


inuutusan.
________2. Sasabihan ko na lang na iba na lang ang
utusan.
________3. Nagbibingi-bingihan ako kapag ako ay
inuutusan.
________4. Itinitigil ko agad ang aking ginagawa kung ako
ay inuutusan.
________5. Sumusunod ako s autos kapag may pabuyang
ibibigay sa akin.
D. Assimilation
(Paglalapat)

PANAPOS NA PAGSUSULIT

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like