You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT 7


PAMAGAT NG ARALIN:

MGA PARAAN NG PAGPAPAKAHULUGAN SA


MGA SALITA
Kuwarter: 3 MELC Bilang: 3

MELC:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito.
(F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16; F7PT-Iii-11)

Pangalan ng Guro: FORTUNATA R. PATI


Paaralan: San Emilio National High School
Distrito: San Emilio

1
KUWARTER 3
SARILING LINANGAN
KIT 3
BILANG (MELC) #

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay para sa iyo, para sa mag-aaral ng ikapitong
baitang. Binuo ito para makaagapay sa pagbabago na ipinatutupad ng Kagawaran ng
Edukasyon sa asignaturang Filipino. Sa umiiral na “New Normal” na kalagayan ng
buhay ngayon bunga ng paglaganap ng COVID 19, malaki ang maitutulong nito sa iyo
na kahit nasa bahay ka ay natututo ka.
Sa pag-aaral, pagbabasa, pakikinig o pagpapahayag ng saloobin may mga
salita o lipon ng mga salita na nagagamit, mahirap maunawaan at kailangang
malaman ang kahulugan. Maaaring ang mga ito ay may kahulugang batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, kasingkahulugan o
kasalungat.
Sikapin mong matutunan ang araling ito.
Pagkatapos ng talakayan, may mga nakahandang gawain na kailangan mong
sagutin.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan
ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito. ( F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16; F7PT-IIi-11)
Layunin:
A. Nabibigyang-kahulugan ang salita gamit ang
pagpapangkat, konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, kasingkahulugan at kasalungat.
B. Nagagamit nang wasto ang salita sa pagbibigay ng
kahulugan.
C. Nasasagot ang mga naihandang gawain.

D.
2

E.
F.
PAGTALAKAY SA ARALIN

PANIMULANG GAWAIN

Subukan mong punan ng naaangkop na letra ang mga


sumusunod upang mabuo ang mga salitang may kaugnayan sa
pagbibigay ng kahulugan.

1. K S U T

2. D O A Y N

3. K N T S O

4. K O T S N

5. K I K U G N

MAIKLING PAGTALAKAY

Ngayong nalaman mo, na sa pagbibigay kahulugan sa


mga salita ay maaaring nakabatay sa konteksto ng
pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa
kasingkahulugan at kasalungat ng mga ito. Isa- isahin natin
alamin kung anong paraan o kung paano mabibigyang
kahulugan ang mga salita.
Kailangang maging mapanuri sa mga ito.

A. PAHIWATIG NA KONTEKSTWAL (Context Clues)


Hindi lamang iisa ang kahulugan ng isang salita. Mangyaring ang kahulugan
ay nakabatay rin sa konteksto o gamit nito sa pahayag.
a) Depinisyon – mababasa ang kahulugan sa bahagi ng pangungusap.

3
b) Karanasan – nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit
sa pangungusap.

c) Salungatan – maliban sa kasingkahulugan, mabuting malaman ang kasalungat


nito.

d) Pahiwatig – kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag

e) Pagsusuri – lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang panglinggwistika


upang ganap na masuri ang salitang binabasa.

B. DENOTASYON AT KONOTASYON

DENOTASYON
Ito ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
Teknikal o literal ang kahulugan ng mga salita.

KONOTASYON
Ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. Ang kahulugan
ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.

C. KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT

KASINGKAHULUGAN
Ito ay kagaya, katulad o kapareho ng ibig sabihin at implikasyon ng isang salita.

KASALUNGAT
Ang kahulugan ay kabaligtaran ng salita.

MGA HALIMBAWA

PAHIWATIG NA KONTEKSTWAL (Context Clues)


a. Depinisyon
Halimbawa: Hindi niya masikmura ang mahahayap na salitang binigkas ng
kanyang kaaway.
b. Karanasan
Halimbawa: Labis ang kanyang pamimighati sanhi ng walang paalam na pag-alis
ng kanyang minamahal.
c. Salungatan
Halimbawa: Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ng
kabayanihan.
d. Pahiwatig
Halimbawa: Ang pagsulong ng isang bayan ay makakamit matapos ang mahusay
na pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan.
e. Pagsusuri
Halimbawa: karimlan ka- + dilim + -an

4
DENOTASYON AT KONOTASYON
SALITA DENOTASYON KONOTASYON
1. ahas makamandag na hayop taong traydor
na gumagapang
2. basang sisiw sisiw na basa batang kalye
3. balitang kutsero balita ng kutsero gawa-gawang istorya
4. nagpantay ang pantay ang paa patay na
paa
5. pusang itim uri ng hayop na nagbabadya ng
nangangalmot, kulay itim kamalasan
at ngumingiyaw

KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT
SALITA KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT
1. maliit munti malaki
2. tangis luha halakhak
3. tuso tapat mandaraya
4. sigurado tiyak alanganin
5. tumpak tama mali

PAGSASANAY

Para maunawaang mabuti ang aralin, gawin mo ang mga gawain sa


ibaba. Higit na makatulong ang mga ito upang tumibay ang iyong pag-
unawa at pagpapahalaga sa nasabing aralin. Basahin na may pag-
unawa at sundin mo ang mga panuto.

GAWAIN 1
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Pagkatapos, piliin sa kahon ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at isulat ang gamit nito sa
pahayag. Kung depinisyon, karanasan, salungatan, pahiwatig, o pagsusuri.

1. Maraming konserbatibo o yaong mga taong may pagkiling sa tradisyon ang


namayani bago ang rebolusyon.
Kasingkahulugan: ___________________________________
Gamit: _________________________

2. Isang huwad na paglilitis ang naganap sapagkat ang mga hinarap na testigo,
binayaran upang idiin ang tatlong paring martir.
Kasingkahulugan: ______________________________________
Gamit:__________________________

5
3. Nagdurugo ang puso ng ina sa pagkawala ng kanyang anak.
Kasingkahulugan: ______________________________________
Gamit: __________________________

4. Ang pagpapatugtog ng plegaria ay simbolo ng pagdadalamhati ng sambayanan.


Kasingkahulugan: ______________________________________
Gamit:__________________________

5. Ang tinuligsa ng mga manunulat ang di- makataong pamamalakad sa bansa sa


paraang pinapurihan nito ang mga Pilipinong nagpamalas ng kadakilaan.
Kasingkahulugan: _______________________________________
Gamit: __________________________

tugtog sa patay pinupuna makaluma

nagdadalamhati hindi totoo

GAWAIN 2
PANUTO: Isulat ang kahulugang denotasyon at konotasyon ng mga
nasalungguhitan sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Di maliparang uwak ang kanilang bukiring tinatamnan ng ibat ibang uri ng palay.
Denotasyon: _____________________ Konotasyon: ______________________
2. Dumami ang mga nagbibilang ng poste dahil sa COVID-19.
Denotasyon: _____________________ Konotasyon: ______________________
3. Bunga ng COVID-19, isang kahig – isang tuka na ngayon ang mga nawalan ng
trabaho.
Denotasyon: _____________________ Konotasyon: ______________________
4. Dati, di mahulugang karayom ang mga pook-dausan ng mga magsisipagtapos na
mag-aaral.
Denotasyon: _____________________ Konotasyon: ______________________
5. Huwag tayong umasa sa mga buwaya na nagpapayaman ng sarili para makamit ang
karangyaan sa buhay.
Denotasyon: _____________________ Konotasyon: ______________________

GAWAIN 3
Panuto: Isulat sa kahon ang kasalungat at kasingkahulugan ng salitang nasa gitna.

1. PAYAPA

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:
___________________ ___________________

6
2. KATITING

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:
___________________ ___________________

3. KALUGOD-LUGOD

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:
___________________ ___________________

4. SINSERO

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:
___________________ ___________________

5. PRIBADO

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:
___________________ ___________________

PAGLALAGOM

Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at


maunawaan ang araling ito. Bilang paglalahat iyong napag-
alaman na:
 ang pagbibigay- kahulugan sa mga salita ay nakabatay
sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, at sa kasingkahulugan at kasalungat ng
mga ito na naaayon sa pagkakagamit nito sa pahayag.

APLIKASYON

Ngayon ang iyong kaalaman ay napagyaman sa tulong


ng mga sinagutan mong mga gawain. Batid kong nakatulong
ang mga ito upang tumibay ang iyong pag-unawa at pagpa-
pahalaga sa nasabing aralin. Upang matiyak na naunawaan
mo ang aralin, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.
7
Ano ang iyong natutuhan tungkol sa kahulugan ng mga salita batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, at sa salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat?

Natutunan ko po sa araling ito na


________________________________________________________________
________________________________________________________________

Bakit mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga saita sa pamamagitan ng


konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, at kasingkahulugan at
kasalungat nito?

Napagtanto ko na mahalagang matutunan


________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAGTATAYA

A. PANUTO: Piliin ang angkop na sagot sa mga sumusunod. Bilugan lamang ang
titik.
1. Mababasa sa loob ng pangungusap ang kahulugan nito.
a. salungatan b. pahiwatig c. depinisyon d. pagsusuri
2. Ito ang literal na kahulugan ng mga salita na makikita sa diksyunaryo.
a. kasingkahulugan b. denotasyon c. kasalungat d. konotasyon
3. Ang kahulugan ng isang salita na iba sa pangkaraniwang kahulugan.
a. denotasyon b. konotasyon c. kasingkahulugan d. kasalungat
4. Ang lampa at makisig ay kabilang sa
a. kasingkahulugan b. kasalungat c. denotasyon d. konotasyon
5. Ang denotasyon ng pusong bato ay
a. puso na kasinghugis ng bato c. walang puso
b. bato na parang puso d. matigas ang kalooban

B. PANUTO: Gumuhit ng bola sa linya kung ang pares ng salita ay magkasalungat


at kung magkasingkahulugan iguhit naman ang puso.
__________1. aksidente – sakuna __________6. makitid – malapad
__________2. presko – sariwa __________7. bughaw – asul
__________3. araw – gabi __________8. sarado – bukas
__________4. basa – tuyo __________9. masipag – tamad
__________5. matayog – mataas __________10.silid - kuwarto

8
C. PANUTO: Piliin at itambal ang kahulugan ng mga salitang nasa HANAY A sa
HANAY B, gumamit ng palaso ( → ). Pagkatapos isulat kung denotasyon o
konotasyon ang kahulugan..

HANAY A HANAY B denotasyon/konotasyon


1. gintong kutsara walang kabuluhan ________________
2. buhay-alamang maunawain ________________
3. maliwanag husto sa oras ________________
4. kawayan nagbabadya ng kamalasan ________________
5. walang kabagay-bagay batid ________________
6. talastas pagsisikap ________________
7. bukas ang isip malinaw ________________
8. pusang-itim mahirap ________________
9. maagap matayog ________________
10. punyagi mayaman na angkan ________________

SANGGUNIAN

 Failano, Alice. n.d. Filipino 6 dlp 4 "Magkasingkahulugan o Magkasalungat.”


https://www.slideshare.net/mobile/alicetejero9/filipino-6-dlp-4-magkasingkahulugan-
o-magkasalungat.
 Fortes, Dona A. 2014. “Pagkuha ng Kahulugan sa Pagbasa Fil 102”.. Scribd. Feb.
16,2014.
 https://www.scribd.com/doc/207358578/Pagkuha-Ng-Kahulugan-Sa-Pagbasa-Fil-
102.
 Guinoo, Jenita D. n.d. “Konotasyon at Denotasyon. Slideshare.
https://www.slideshare.net/mobile/JenitaGuinoo/konotasyonatdenotasyon.
 Juane,Kirsten Jade. n.d. “Mga Halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon. Quizlet.
https://quizlet.com/146294748/mga-halimbawa-ng-denotasyon-at-konotasyon-flash-
cards.
 Manalastas, Jeaninay. n.d. Filipino 6–Aralin 6. “Pagkilala sa Salitang
Magkasingkahulugan at Magkasalungat.”
https://www.scribd.com/doc/99051862/Filipino-6-Aralin-6Pagkilala-Sa-Salitang-
Magkasingkahulugan-at-Maagkasalungat.
 Palero, Juan M. n.d. Filipino 9 “Konotasyon at Denotasyon.”
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-konotasyon-at-denotasyon
 http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_22_PANGUNGUSAP_NA_NAGP
AP.PDF

9
10
PANIMULANG GAWAIN
1. kasalungat
2. denotasyon
3. konteksto
4. konotasyon
5. kasingkahulugan
GAWAIN 1
1. Kasingkahulugan: makaluma Gamit: depinisyon
2. Kasingkahulugan: hindi totoo Gamit: pahiwatig
3. Kasingkahulugan: nagdadalamhati Gamit: karanasan
4. Kasingkahulugan: tugtog sa patay Gamit: depinisyon
5. Kasingkahulugan: pinupuna Gamit: salungatan
GAWAIN 2
1. Denotasyon: hindi kayang liparin ng uwak Konotasyon: malapad, malawak
2. Denotasyon: binibilang ang mga poste Konotasyon: istambay, walang trabaho
3. Denotasyon: isang beses kumakain sa isang araw Konotasyon: naghihirap ang
kalagayan sa buhay
4. Denotasyon: hindi puwedeng mahulog ang karayom sa lugar Konotasyon:
maraming tao o siksikan
5. Denotasyon: reptil na naninirahan sa tubigan o katihan Konotasyon:
manlilinlang, sakim, nangungurakot
GAWAIN 3
1. maingay tahimik
2. madami kaunti
3. malungkot masaya
4. sinungaling tapat
5. personal publiko
PAGTATAYA
A. 1. c 2. b 3. b 4. b 5. c
B. 1. puso 6. bola
2. puso 7. puso
3. bola 8. bola
4. bola 9. bola
5. puso 10.puso
C. 1. mayaman na angkan 6. batid
2. mahirap 7. maunawain
3. malinaw 8. nagbabadya ng kamalasan
4. matayog 9. husto sa oras
5. walang kabuluhan 10.pagsisikap
Susi sa Pagwawasto

You might also like