You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION O ZAMBALES
DON BRIGIDO MIRALOR ITEGRATED SCHOOL (JESMAG)
LUCAPON NORTH, STA.CRUZ, ZAMBALES

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8


Setyembre 25, 2023
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakakapagsagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo.

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa akdang epiko ayon sa:
-kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan –talinghaga F8PT-Ig-h-21

I. LAYUNIN:
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A.Natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat na salita sa isang akdang epiko.
B.Naipaliliwanag ang mga kahulugan ng salita/parilala gamit ang kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan.
C.Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang mga talinghaga na ginamit sa akda.

II. NILALAMAN
Epiko ng mga Ilianon Manobo (Agyu)
Pagtukoy sa Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan sa epiko ,pagtukoy sa
talinghaga

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


Sanggunian: Internet
https://www.youtube.com/watch?v=BSBnvBaN4l0
Pahina sa Batayang Aklat: Filipino 8 Quarter 1 Pinagyamang wika at Panitikan p 52-62
Kagamitang Panturo: aklat,tulong-biswal, laptop, videoclip,pisara, yeso

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-
GAWAIN AARAL
1.Panalangin (Tatawag ng mag-aaral na mangunguna Sa ngalan ng ama, ng anak,
sa panalangin) ng espiritu santo.Amen

2.Pagbati
Magandang umaga sa inyo Grade 8! Magandang umaga din po
3.Pagtatala ng mga Mayroon bang lumiban sa ating klase, guro
Lumiban kung mayroon man sekretarya ng klase
pakitala Wala po ma’am

Mahusay kung ganoon!

Pakipulot ang mga kalat at pakiayos


4.Pagsasaayos ng
ang mga upuan.
Silid (Ang mga mag-aaral ay
inaasahang magpupulot at
(Tatawag ng mag-aaral na sasagot sa mag-aayos ng upuan)
5. Pagbabalik-Aral tanong ng guro bilang pagbabalik-aral)
*Paano nakakatulong ang pang-abay (Ang mga mag-aaral ay
na pamanahon at panlunan sa inaasahang tutugon sa tanong
pagsusulat ng alamat? ng guro)
*Ano ang kahulugan ng alamat at ano-
ano ang elemento ng alamat?

Mahusay !
B.Paghahabi sa “Mungkahi mo, Sabihin Mo!”
layunin ng Aralin Panuto: Magpapangkat sa tatlo at
(Motibasyon) magpalabunutan kung anong sitwasyon
at magmungkahi ng solusyon kung
paano matatamo ang kapayapaan.

SITWASYON 1: (Ang mga mag-aaral ay


Nag-aaral ka sa loob ng klase subalit inaasahang ibabahagi ang
dumating ang isang grupo ng kanilang mungkahing
kalalakihan na napakaingay.May solusyon sa sitwasyong
pagsusulit pa naman kayo.Hindi ka binigay ng guro)
makapagpokus sa iyong pag-aaral.Ano
ang iyong gagawin?

SITWASYON 2:
Nasaksihan mong nagkapikunan at
nagsuntukan ang dalawa mong kamag-
aral.Ano ang iyong gagawin?

SITWASYON 3:
Nakita mong tinatakot ng isang ‘di
kilalang lalaki ang isa mong kamag-aral
na babae.Nakalarawan sa mukha ng
iyong kamag-aral ang matinding
takot.Ano ang iyong gagawin?

(Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral


na sasagot sa sitwasyong binigay ng
guro)

Ang mga ilang sitwasyong nabanggit


klase ay may kaugnayan sa akdang ating
panonoorin ngayon.

C.Pag-uugnay ng Bago natin talakayin at panoorin ang (Ang mga mag-aaral ay


mga halimbawa sa epiko ng mga Ilianon Manobo na inaasahang tutugon sa
bagong Aralin pinamagatang Agyu ay sagutan muna paglinang ng talasalitaan)
ang mga gawain sa ibaba bilang
Paglinang ng Talasalitaan.
GAWAIN 1:KASINGKAHULUGAN
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng Mga maaring kasagutan ng
salitang may salungguhit sa bawat mga mag-aaral
pangungusap.Gamitin sa isang
makabuluhang pangungusap ang mga A. Patayin
salitang sinalungguhitan. B. Leprosiya o sakit sa
A.Sinundan ng mga Moro si Agyu katawan
upang paslangin. C. isang tao o grupo ng
B.Si Mungan ay naiwan sa Ayuman mga taong
sapagkat nagkaroon ito ng ketong. naninirahan sa iisang
C.Hindi tumigil ang pag-atake ng mga tirahan.
kalaban sa sambahayan ni Agyu. D. Prediksyon/Iniisip
D.Nahihinuha na niya na maghahari ang E. ang kakayahang
kapayapaan. mabuhay ng
E.Narinig mi Lono ang isang malakas na magpakailanman
boses na nagsasabing tanggapin ni
Mungan ang imortalidad.

Mahusay! (Gagamitin ng mga mag-


aaral sa pangungusap ang
nakasalungguhit na salita)
D.Pagtalakay sa Ngayon ay dadako na tayo sa ating (Ang mga mag-aaral ay
bagong konsepto paksang aralin at manonood muna tayo panonoorin ang epiko)
#1 ng epiko ng mga Ilianon Manobo na
pinamagatang Agyu

Pagkatapos ay sagutin ang mga


sumusunod na gawain

GAWAIN 2:KASALUNGAT
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang
kasalungat ng salitang sinalungguhitan
sa pangungusap.
mahirap naubos
maamo binuo (Inaasahang babasahin at
kinaibigan pinabayaan tutugon mga mag-aaral ukol
kaguluhan nabalisa sa kasalungat na salita)

A.Pinigilan ni Agyu si Tanagyaw na


makipaglaban dahil bata pa sa Mga inaasahang tugon:
pakikipaglaban. A. pinabayaan
B.Napanatag na si Agyu dahil nawala B.nabalisa
na ang mga kalaban. C.kaguluhan
C.Problema nina Agyu ang kapayapaan D.maamo
sa kanilang lugar. E.naubos
D.Ang mga baboy-ramo ay mailap kaya F.binuo
mahirap hulihin. G.kinaibigan
E.May natira pang pulot para kay H.mahirap
Banlak.
F.Hinati nina Agyu ang nahuling
baboy-ramo.
G.Kinalaban ni Tanagyaw ang mga
kaaway ng kanilang lahi.
H.Masaya si Agyu dahil sa masagana
ang kanilang ani.

(Tatawag ang guro ng magbabasa at


magbibigay ng kasalungat na salita ng
nakasalungguhit)

Mahusay!
E.Pagtalakay sa GAWAIN 3:KAHULUGAN NG (Inaasahang babasahin at
bagong konsepto TALINGHAGA tutugon mga mag-aaral ukol
#2 Panuto: Ibigay ang kahuluga ng ilang sa kahulugan ng
talinghaga na ginamit at sinalungguhitan Talinghagang Salita)
sa pangungusap.
A.Pumunta si Mungan sa langit. Mga Maaring kasagutan:
B.Si Agyu ang tanglaw na hahawi at A. kabilang buhay
aakay sa kanilang sambahayan tungo sa B. Pagkakaroon ng pag-asa
isang mapayapang buhay. C. Wala ng gulong
C.Nahihinuha na ni Agyu na maghahari magaganap, magiging payapa
na ang kapayapaan sa kanilang pook. o tahimik sa isang lugar.
D.Nabanaag na ni Agyu ang D. Pag-usbong ng bagong
pagbubukang-liwayway at pagsikat pag-asa
ng araw sa kanilang kaharian. E. Duwag
E.Bahag ang buntot na tumakas
papuntang bundok ang mga kalaban ni
Tanagyaw.

Mahusay! Batid ko ng naunawaan niyo


na ang Paglinang ng
talasalitaan(Kasingkahulugan,Kasalunga
t at Talinghaga).
Mula sa inyong isinagawa sa gawain 1
hanggang Gawain 3.
Ano ngayon ang kahulugan ng
kasingkahulugan,kasalungat at
talinghaga?

(Tatawag ng mag-aaral na sasagot sa (Inaasahang tutugon ang mga


tanong) mag-aaral)
F.Paglalapat ng KUMPLETUHIN MO AKO!
Aralin sa Pang- Panuto: Kumpletuhin ang pahayag
araw-araw na batay sa pagkakaunawa sa aralin.
buhay Bilang kabataan mahalaga na
maunawaan ang kasingkahulugan at
kasalungat ng salita dahil
________________________________
________________________________
________________________________
Bilang kabataan mahalaga na
maunawaan ang talinhagang salita (Inaasahang tutugon ang
dahil mag-aaral )
________________________________
________________________________
________________________________

matutukoy at
maisasalaysay
ang
mahahalagang
kaisipang
nakahalad sa
epiko
(Tatawag ng mag-aaral na kukumpleto
sa pahayag)

G.Paglalahat ng Bilang paglalahat, itala ng mga mag- (Inaasahang tutugon ang mga
Aralin aaral ang grapikong pantulong sa ibaba. mag-aaral na tinawag ng
guro)

Kasingkahulugan Kasalungat Talinghaga

-Ibigay ang Ibigay ang -Ibigay ang


kahulugan at kahulugan at kahulugan at
magbigay ng magbigay ng magbigay ng
halimbawa halimbawa halimbawa

(Tatawag ng mag-aaral na magtatala sa


grapikong pantulong)

Magaling !
H.Pagtataya ng Halimbawa mo! Isulat mo (Ang mga mag-aaral ay
Aralin maglalabas ng ½ crosswise
Panuto: Gumawa ng tiglilimang na papel at sasagutan ang
halimbawa ng kasingkahulugan, kanilang pagtataya)
kasalungat at talinghaga .Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

(Ipapasagot sa mga mag-aaral ang


kanilang pagtataya ng 5 minuto)

(Pagkatapos ng limang minuto ay


kokolektahin ng guro ang kanilang
pagtataya)
I.Karagdagang MAKATOTOHANAN o DI- (Ang mga mag-aaral ay
gawain para sa MAKATOTOHANAN maglalabas ng kwaderno at
Takdang-Aralin at Panuto: Suriin ang mga pangyayaring isusulat ang kanilang takda)
Remediation nakatala sa ibaba kung ito ba ay
makatotohanan o di-
makatotohanan.Pangatwiranan ang
iyong sagot.
1.Pagkatalo nina Agyu laban sa mg
Moro
2.Pagkakaroon ng sakit na ketong
3. Pagkakarinig ni Lino sa malakas na
boses na nagsasabi kay Mungan na
tanggapin ang imortalidad.
4.Pagbabawal kay Tanagyaw sa
pakikipaglaban sa kaaway
5.Paghingi ng pahintulot ni Paniguan
kay Agyu para pakasalan si Tanagyaw

(Ipapasulat sa mga mag-aaral ang


kanilang takda sa kwaderno)

Prepared by: Checked by: Approved by:

JENNY M.ELAOG JOVITA M. MORALDE MARIO M. MONTEROLA


Guro Master Teacher I School Head/ Head Teacher III

You might also like