You are on page 1of 7

DISYEMBRE 4-8, 2017

PETSA

ARALIN :4 MAIKLING KWENTO (KWENTO NI MABUTI)

I. MGA LAYUNIN PN:


FPN-IIIhi-16
Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang maikling
kuwento

PB:
FPB-IIIhi-18
Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kewnto

PT:
FPT-IIIhi-16
Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng mga pangungusap

PD:
FPD-IIIhi-15
Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin at saloobin ng tauhan sa
napanood na dula gamit ang mimicry

PS:
FPS-IIIhi-16
Naisasagawa ang mimicry ng tauhang pinili sa nabasa o napanood na
dula

PU:
FPU-IIIhi-16
Naisusulat ang buod ng piling tagpo gamit ang kompyuter

WG:
FWG-IIIhi-16
Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan

II. PAKSA A. Panitikan


Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute

B. Gramatika
Anapora at Katapora

C. Sanggunian
FILIPINO BAITANG 7 MODYUL, pahina 27-30
D. Kagamitan
kopya ng akda , strip, pisara at yeso

III. YUGTO NG Mga Mahahalagang Tanong


PAGKATUTO
1.) Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang
pampanitikan?

2.) 2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon


ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila?

3.)Ano ang pagkakaiba ng Anapora sa Katapora.?

UNANG A. TUKLASIN
PAGKIKITA 1.) Sino Ako?
ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng
FPT-IIIhi-16 aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga
Nabibigyang kahulugan asignaturang pang-edukasyon. Wikipedia
ang mga salita batay sa
konteksto ng mga Ipinanganak: Enero 3, 1915, Maynila
pangungusap Namatay: Marso 21, 2009, Cubao
: Edukasyon: Pamantasan ng Santo Tomas
Mga Aklat: Sa ilalim ng araw na pula
Mga Gantimpala: Gawad Carlos Palanca sa Maikling Kuwento
Sagot: Genoveva Edroza- Matute
Ano ang kahulugan ng maikling kwento?
A.1 Maikling Kuwento – ay isang maikling salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
kakintalan o impresyon lamang.
A. 2 Ang mga elemento ng maikling kuwento ay ang mga sumusunod:
a. Tauhan na nagtataglay ng suliranin – ang karakter na kung saan ang
magsisilbingdaan upang magkaroon ng kuwenta ang kwento.
b. Tagpuan – ang lugar na pinangyayarihan ng kwento
c. Banghay – ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento.
d. Kakintalan – mensahe/aral na makukuha sa kwento.
Panimula-suliranin

Kasukdulan

Kakalasan-wakas

A.3 Tungkol sa May- Akda

Genoveva Edroza- Matute

Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog


na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang
Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-
edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at
kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng
Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980.
Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa
Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni
Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento
sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay
ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo
University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling
sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling
kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P.
Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.[1]

IKALAWANG
B. LINANGIN
PAGKIKITA

FPN-IIIhi-16 Pangganyak:
Napaghahambing ang Ilarawan ang iyong paboritong guro mas maigi kung mayroon kayong dalang
mga katangian ng mga larawan at ipakita sa klase.
tauhan sa napakinggang
maikling kuwento PAGLINANG NG TALASALITAAN
Sabihin sa klase na isa-isahin ang katangian ng guro sa kuwento na nagpapakita
FWG-IIIhi-16 o naglalarawan ng kanyang pangalan. Paano bibigyan ng depinisyon ang
Nagagamit ang wastong salitang mabuti sa kanyang katauhan? Hanguin ang pangungusap mula sa
mga panandang anaporik kuwento upang maipakita ang depinisyon ng salita.
at kataporik ng
pangngalan
MABUTI

B.1 Unang Pagbasa: (Pangkatan-Reader’s Theater)

Kwento Ni Mabuti

B.2 ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA


1. Sino si Mabuti?
2. Anong lihim ang itinatago ni Mabuti?
3. Bakit siya tumatangis sa loob ng silid-aklatan katulad ng kanyang magaaral?
4. Kung ikaw ang isa sa kanyang mag-aaral, huhusgahan mo rin ba siya ng
masama?
5. Bakit ganoon na lamang ang taas ng tingin ng tao sa moralidad ng mga
guro sa ating lipunan? Ipaliwanag.
6. Ano ang lihim ni Mabuti? Bigyan ng patunay sa klase.

B.3 PAGSANIB NG GRAMATIKA

Anapora – nasa unahan ang tinutukoy at nasa hulihan ang naglalarawan sa


tinutukoy.
Halimbawa:

Si Mabuti ay isang guro. Lagi siyang tumatangis sa loob ng silid-aklatan at iyon


ang naging usap-usapan sa paaralang kanyang pinagtuturuan.
Katapora – nasa hulihan ang tinutukoy at nasa unahan ang naglalarawan sa
tinutukoy.
Halimbawa:
Lagi siyang tumatangis sa loob ng silid-aklatan at iyon ang naging usap-usapan.
sa paaralang kanyang pinagtuturuan. Siya si Mabuti.

IKATLONG
C. UNAWAIN AT PAGNILAYAN
PAGKIKITA
FPB-IIIhi-18 1.) Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bahagi sa Maikling
Nahihinuha ang kwento?
kahihinatnan ng mga 2.)Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa Maikling
pangyayari sa kewnto Kwento? Bakit?
3.) Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan
sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda
nila?

IKAAPAT NA
D. ILIPAT
PAGKIKITA
Hatiin sa limang pangkat ang klase. Bawat pangkat ay manunood ng pelikula na
FPS-IIIhi-16
Naisasagawa ang may kinalaman sa pagiging guro tulad ng sumusunod na pelikula.
mimicry ng tauhang Mga mungkahing pelikula:
pinili sa nabasa o a. Manoro: The Teacher
napanood na dula b. Ang Munting Tinig
c. Bad Teacher
d. Beyond the Blackboard
FPD-IIIhi-15
Naiaangkop sa sariling e. Dead Poets Society
katauhan ang kilos, 2.Pipili ng isang kinatawan ng pangkat na magaling magsagawa ng mimicry
damdamin at saloobin ng batay sa pangunahing tauhan sa dula at suriin ang kilos, damdamin, at saloobin
tauhan sa napanood na sa totoong buhay ng guro.
dula gamit ang mimicry Tandaan na dapat may tamang sangkap.

G – Naitatanghal ang mimicry batay sa pangunahin tauhan sa dula


R – Aktor at Aktres
A – Mga kaklase at guro
S – Mga pangyayari mula ginawang mimicry batay sa pangunahing tauhan sa
dula nasinuri ang kilos,damdamin at saloobin sa totoong buhay ng guro.
P – Pagsasadula
S – Batayan ng Pagmamarka

Sangkap ng Dula – 30 %
Pag arte - 10 %
Tatas - 10 %
___________________

Kabuuan – 50 %
1V.EBALWASYON
Panuto: Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip
na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na
panghalip na may salungguhit sa pahayag.
_____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang
turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw
ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang pangulo.
_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano
muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya
ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo

Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap.


Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na
Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa
pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa
mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya
Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross
at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa
Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A.
Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito
ay taglay niya hanggang kamatayan,.
V. TAKDA Gumawa ng 10 balita tungkol sa mga guro ng inyong paaralan na kung saan ay
kakikitaan ng papuri at pagmamalaki ng institusyong kinabibilangan dahil sa di-
matawarang paglilingkod sa bayan. Magsagawa ng panayam sa kanila, sa
katrabaho, sa kapamilya upang makakalap ng datos ukol sa kanila.

Ibalita ang kanilang ginawa upang maging kilala ang naturang paaralan. I-video
ito at Ang magiging laman ng balita ay ang mismong paaralan at ang mga
gurong nagiging bahagi ng tagumpay nito

Rubrik sa Pagmamarka (Maaaring baguhin)

1. Sining at Kaayusan – 40%


2. Angkop na Salitang Ginamit – 10%
3. Nilalaman – 30%
4. Paggamit ng Teknolohiya – 20%

Kabuuan = 100%

I.D.
 Ipagpapatuloy
Bilang ng mga mag-
aaral na nagpakita ng  Ituturo Muli
antas ng pagkatuto
 Bagong Aralin

You might also like