You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

GRADE
FILIPINO 7

4
LEARNING QUARTER

MODULE WEEK 7

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 1

MODYUL SA
FILIPINO 7

KUWARTER 4
LINGGO 7

IBONG ADARNA

Si Don Juan Sa Reyno de los Cristales

(SAKNONG 793-1285)

Development Team
Writer: Ma. Flordeliza A. Estavillo
Editors: Zenaida Sonia A. Morales Erleen Ann P. Lorenzo
Reviewers: Patricia H. Pascual Lorna Balisbisana
Zorayda S. Paguyo
Illustrator: Crisel G. Bangloy
Layout Artist: Crisel G. Bangloy
Management Team: Vilma D. Eda
Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan
Zorayda S. Paguyo
Juanito S. Labao

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 2

Layunin ng bahaging ito ng modyul na gabayan ka sa iyong lubos na pag-unawa
sa ikapitong araling nakapaloob sa Ikaapat na Kuwarter/Markahan ng Filipino 7.
Sundin ang mga panuto at gawin ang hinihingi ng mga pagsasanay at mga gawain.
Sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod na
Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies) na nakapaloob sa mga aralin 7.
Kailangan mong tapusin ang modyul na ito sa loob ng isang linggo.

ALAMIN Narito ang mga layunin na kailangan mong

matamo sa araling ito.
:

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Natutukoy ang napapanahong isyung may kaugnayan sa mga isyung tinalakay sa

napakinggang bahagi ng akd. F7PB-IVh-i-24.

2. Nabubuo ang iba’t ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at

pagtatambal. F7PT-IVc-d-22

3. Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw, at damdamain tungkol sa ilang

napapanahong isyu kaugnay ng tinalakay sa akda. F7PS-IVc-d-22

4. Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ang isang talatang naglalahad

ng sariling saloobin, pananaw, at damdamin. F7PU-IVe-f-22

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 3

SUBUKIN Bago mo umpisahang pag-aralan ang Modyul na ito, nais
kong sukatin muna ang inyong kaalaman sa mga aralin sa
linggong ito. Sagutin ang limang tanong sa ibaba.

________________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga hinihinging impormasyon ng mga sumusunod na

tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saang kaharian pinapunta ng Ibong Adarna si Don Juan??

A. Albanya C. Berbanya
B. Armenya D. Reyno de los Cristales

2. Sino ang gumawa sa lahat ng ipinag-utos ni Haring Salermo kay Don Juan?
A. Donya Juana C. Donya Maria
B. Donya Leonora D. Ibong Adarna

3. Pagkakita sa prisipe ang matanda ay pumiksi: “Ika’y tuksong pagkalaki lumayo sa

aking tabi.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. lumakad B. lumapit C. lumayo D. lumundag

4. Anong damdamin ang mababanaag sa saknong 978? 978 “Kung

sa aking pagsasakit
A. nagagalak
Ay wala ring masasapit
B. nagdududa
Bumagsak na iyang langit
C. nalulungkot
D. nawawalan ng pag-asa Mamatay ay anong tamis!

5. Alin sa taludtod ang naglalahad ng pagkagulat?

A. Nagising na itong hari
B. Nakita ang pagkayari,
C. Himalang hindi mawari
D. Nagulo ang kanyang udhi.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 4

ARALIN
IBONG ADARNA

7 SI DON JUAN SA REYNO DE LOS CRISTALES

(SAKNONG 793-1285)

Kumusta ka na kaibigan? Naging kawili-wili ba ang mga

BALIKAN
nakaraan mong aralin? Natutuwa ako dahil lumalawak na ang
iyong kaalaman.
Ngayon ay pag-aaralan mo ang panawagan ng may-akda ng
Ibong Adarna na isang obra maestra at naghanda rin ako ng iba’t
ibang gawaing sadyang kapaki-pakinabang at hahamon sa iyong
kakayahan.
Tiyak na matutuwa ka sa mga gawaing inihanda rito. Sige,
simulan mo na.

GAWAIN 1
Sa buhay upang mas lalong tumatag at tumibay ang pananampalataya sa Poong
Maykapal, may mga pagsubok na dumarating ng hindi natin inaasahan. Gamit ang
concept map sa ibaba, magtala ng mga problema o suliraning naranasan mo o ng pamilya
mo. Kaugnay din nito ay itala mo kung paano mo/niyo ito nalampasan.

MGA PAGSUBOK O PROBLEMA

PAANO HINARAP/NALUTAS

ARAL NA NATUTUHAN

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 5

TUKLASIN Naging madali ba sa iyo ang bumuo ng isang panawagan?
Ano naman ang iyong ipinanawagan sa iyong kapwa
kabataan? Kung madali para sa iyo ang pagbuo ng
panawagan, tiyak na madali mo ring maiintindahan ang
panawagan ng may-akda ng Ibong Adarna.

SI DON JUAN SA REYNO DE LOS CRISTALES

(SAKNONG 793-1285)

Sinunod ni Don Juan ang payo ng Ibong Adarna na siya ay magtungo sa Reyno de los
Cristales. Tatlong taon siyang naglakad sa mga parang at kagubatan upang hanapin ang
kahariang ito. Sa libis ng isang bundok ay nakita niya ang isang matandang humihingi sa kaniya
ng pagkain. Nabatid ng matanda ang pakay ni Don Juan. Pinayuhan niya si Don Juan na
magtungo sa isang bundok kung saan niya matatagpuan ang isa pang ermitanyo. Tumungo ang
binata sa bundok at agad naman siyang tinanggap at tinulungan matapos nitong makita ang
kapirasong baro na ipinadala sa kaniya ng matandang sugatan.
Ipinatawag ng matanda ang lahat ng hayop sa kaniyang nasasakupan at sila ay tinanong
kung sa kanilang paglilibot ay nakita na ba nila ang kaharian ng Cristalinos. Nguit isa man sa
kanila ay walang nakababatid sa kahariang hinahanap ng binata. Dahil dito ipinahitd ng
matanda sa Olikornyo si Don Juan sa bahay ng kaniyang kapatid na nasa ikapitong bundok.
Ipinatawag din ng ermitanyo ang mga ibon sa kaniyang lugar at bawat isa ay nagsasabing di
nila nalalaman ang Reyno de los Cristales. Hanggang sa dumating ang agila na nahuli sa
pagdating galing sa malayong paglalakbay. Ang agila’y nag-ulat na siya ay galing sa kahariang
hinahanap ni Don Juan. Sakay ng agila ay tinungo ni Don Juan ang Reyno de los Cristales at
dito ay natagpuan niya si Donya Maria na sakdal nang ganda. Umibig kaagad ang binata sa
dalaga. Labis ding inibig ni Donya Maria ang binata. Itinuro ng dalaga sa binata kung ano ang
dapat niyang gawin kapag siya ay humarap sa ama nitong si haring Salermo.
Sinabi ni Don Juan na nakahanda siyang gawin lahat ng kahilingan ng hari kaya’t
binigyan siya nito ng trigo na kailangang maani at magawang tinapay sa loob lamang ng
magdamag. Sa taglay na mahika ni Donya Maria, nakalusot ang prinsipe sa unang pagsubok.
Napagtagumpayan din ni Don Juan ang ikalawang pagsubok. Sa tulong pa rin ni Donya Maria
ay naibalik ni Don Juan ang labindalawang negrito sa loob ng prasko. Ang kahilingang pag-
usod sa bundok ay nailipat ng prinsesa sa durungawan kaya’t nagulat ang hari sa kagalingan ni
Don Juan. Napakaselang pagsubok na pamumuhunan ng buhay at panganid ang sumunod na
iniutos ng hari. Ipinakuha niya ang singsing na nahulog sa dagat. Maraming itinagubilin si
Donya Maria kay Don Juan ngunit nakatulog ang binata. Ganun pa man, tinulungan pa rin niya
ang binata at sa bisa ng kapangyarihan niya ay napagtagumpayan nila ang pagsubok. Sinunod
ng prinsipe ang lahat ng paalala ni Donya Maria sa pagpapapaamo sa kabayo sapagakat ito’y
walang iba kundi ang kaniyang ama. Nagawang mapaamo ni Don Juan ang kabayo.
Sa tulong at kapangyarihan ni Donya Maria ay napagtagumpayan ng binata lahat ng
pagsubok na ibinigay sa kaniya ng ama ng dalaga. Pinapili ni haring Salermo si Don Juan sa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 6

pamamagitan ng hintuturo na nakalitaw sa maliit na butas ng silid. Nakilala niya si Donya
Maria dahil sa putol nitong daliri. May masamang balak si Haring Salermo kaya nagpasya ang
dalawa na umalis. Nakatakas sila ngunit sinumpa sila ng hari. Sa sobrang pighati, ang hari ay
namatay.

SURIIN
Kumusta kaibigan? Nasagutan mo na ba ang
mga naunang gawain? Subukan mo ring gawin ang
mga nasa ibaba.

GAWAIN 2

Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan ng angkop na mga salita sa pamamagitan ng

pagbuo ng iba’t ibang kayarian ng salita mula sa salitang ugat sa bawat bilang.

Salitang ugat Maylapi Inuulit Tambalang Salita

1. gutom nagutom gutom na gutom patay-gutom

2. tingin

3. yaman

4. bahay

5. bisig

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 7

PAGYAMANIN
: Sa bahaging ito ay maglalaan ka ng sapat
na oras upang sagutin ang mga kasunod na
tanong upang masukat ang iyong pag-unawa.

GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang mga katanungang nasa ibaba. Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.

1. Paano pinatunayan ni Don Juan kay Donya Maria na totoo ang pag-ibig na
nararamdaman niya para rito?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano ang nais ipahiwatig ng pagtulong ni Donya Maria sa ginawa niyang pagtulong kay
Don Juan upang malampasan ang mga pagsubok na ibingay ni Haring Salermo? Tama
ba ang ginawa ng dalaga?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sapat na bang batayan sa pagkilala sa isang tao ang pagdaan nito sa pagsubok upang
patunayan lamang na tunay ang kaniyang nararamdaman at hangarin? Ipaliwanag ang
sagot.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Nasagot mo ba lahat ang mga katanungan? Magaling ka talaga!

Ngayon, pag-aralan mo rin ang nasa ibaba upang masagot mo nang tama ang
susunod na gawain. Handa ka na ba?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 8

ISAISIP Natutuwa akong nakasasama pa rin kita sa bahaging
ito. Huwag mo sanang kalilimutan ang iyong napag-aralan
sa unang aralin. Ngayon nais kong masukat ang kabuoang
kaalaman mo sa araling natutuhan sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang talata.

GAWAIN 4

Panuto: Ibahagi mo ang iyong mga kahinaan at kalakasan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
talata. Gamitin ang mga pantulong na tanong sa ibaba sa pagbuo nito.

1. Naniniwala ka bang bawat isa ay may taglay na kahinaan at kalakasan?

2. Bilang isang kabataan, ano-ano ang maituturing mong mga kahinaan?
3. Paano mo gagamitin ang mga kahinaang ito upang magsilbing lakas mo sa pagharap sa
mga hamon ng buhay?
4. Bakit mahalaga ang pananampalataya at determinasyon sa pagharap sa mga hamon sa
buhay?

Naniniwala akong ______________________________________________

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 9

ISAGAWA Malapit ka na sa huling bahagi. Napagtagumpayan
mong sagutin ang mga naunang pagsubok. Konting
tiyaga na lang at matatapos mo rin ang lahat ng
inihandang gawain para sa iyo. Ngayon naman, iyong
ilalahad ang mga ang mga isyung panlipunang may
kaugnayan sa ilang bahagi ng akda.

GAWAIN 5

Panuto: Tukuyin kung anong napapanahong isyu sa lipunan ang maiuugnay mo sa

piling bahagi ng akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel at ipaliwanag ang sagot.

1. “Hindi mo ba nababatid, Don Juan kong iniibig, itong lilo mong kapatid sa ayaw ay
namimilit.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. “Sila nga’y naging talunan na daig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang
kinahangganan.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. “Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa
ninanasa.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 10

TAYAHIN Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng pagsusulit sa
kabuoan ng aralin. Kailangan mong piliin ang angkop
na sagot mula sa katanungan. Sige tapusin mo na!

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga hinihinging impormasyon ng mga sumusunod na
tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saang kaharian pinapunta ng Ibong Adarna si Don Juan??

A. Albanya C. Berbanya
B. Armenya D. Reyno de los Cristales

2. Sino ang gumawa sa lahat ng ipinag-utos ni Haring Salermo kay Don Juan?
A. Donya Juana C. Donya Maria
B. Donya Leonora D. Ibong Adarna

3. Pagkakita sa prisipe ang matanda ay pumiksi: “Ika’y tuksong pagkalaki lumayo sa

aking tabi.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. lumakad B. lumapit C. lumayo D. lumundag

4. Anong damdamin ang mababanaag sa saknong 978? 978 “Kung

sa aking pagsasakit
A. nagagalak
Ay wala ring masasapit
B. nagdududa
Bumagsak na iyang langit
C. nalulungkot
D. nawawalan ng pag-asa Mamatay ay anong tamis!

5. Alin sa taludtod ang naglalahad ng pagkagulat?

A. Nagising na itong hari
B. Nakita ang pagkayari,
C. Himalang hindi mawari
D. Nagulo ang kaniyang budhi.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 11

KABUOANG PAGSUSURI

CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE TEST ITEM:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (U)

Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ang isang talatang naglalahad ng

sariling saloobin, pananaw at damdamin. F7PU-IVe-f-22

SITWASYON:
Kayo ay naatasang sumulat ng inyong sariling saloobin, pananaw o damdamin hinggil sa
mga pagsubok na kinaharap ni Don Juan kay Haring Salermo. Pagkatapos ay iugnay mo ang
mga karanasan niya sa iyong sariling karanasan sa buhay. Ang sulating ito ay inyong
ibabahagi sa klase sa susunod ninyong pagkikita.

TANONG AT MALIKHAING SULATIN:

Mga tanong:
1. May mga pagsubok ka na bang kinaharap?
2. Paano mo ito hinarap?
3. Maiuugnay mo ba ang mga pagsubok mo sa buhay sa mga pagsubok na naranasan ni
Don Juan?
4. Ano ang natutuhan mo kay Don Juan sa pagharap niya sa mga pagsubok na siya mo
ring maibibigay bilang inspirasyon sa kapuwa mo?
MGA HALIMBAWANG PANIMULA (SAMPLE PROMPTS/OUTLINE)

________________________
(Pamagat)
___________________________________________________________
_________________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 12

_________________________________________________________________________
____________________________________________________.
___________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

STUDENT’S WRITTEN OUTPUT:

Isang talatang naglalahad ng iyong saloobin, pananaw at damdamin sa mga pagsubok na

kinaharap ni Don Juan na iyo ring iuugnay sa sarili mong karanasan.

CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE ANALYTICAL RUBRIC:

Rubric sa Pagmamarka

Mga Pamantayan 4 3 2 1
1. Magkakaugnay at maayos ang pagkakalahad ng saloobin o
pananaw.
2. Organisado at may kaisahan ang talata.
3. Nakagamit ng angkop na pahayag sa simula, gitna at wakas.
4. Tama ang gramatika sa pagsulat.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 13

14 Filipino 7 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya
1. D
2. C
3. C
4. D
5. C
Gawain 1
*base sa sariling karanasan ng mag-aaral
Gawain 2
Salitang ugat Maylapi Inuulit Tambalang
Salita
1. gutom nagutom gutom na patay-gutom
gutom
2. tingin tumingin Tingin ng Nakaw-tingin
tingin
3. yaman mayaman Mayaman na Ingat-yaman
mayaman
4. bahay kabahayan Bahay-bahay Akyat-bahay
5. bisig magkabisig magkakabisig Kapit-bisig
Gawain 3
*Sariling sagot.
Gawain 4
*Sariling sagot.
Tayahin
1. D
2. C
3. C
4. D
5. C
ka ng susi sa pagwawasto sa ibaba.
Ngayon, iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan
araling ito.
sapagkat natapos mo na ang lahat ng pagsubok sa
Binabati Kita! Alam kong ikaw ay tuwang-tuwa Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

A. MGA AKLAT
Baisa (2012). Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, Inc.
Panitikang Rehiyonal: Filipino Modyul para sa Mag-aaral

B. Online Resources
https://www.deped.gov.ph/ DepartmentEducationCurriculumGuides

https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-melc/

https://www.google.com/search?q=free+boy+standing+clipart&source=lnms&tb
m=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi4xbacksHwAhWpBKYKHVaMCZsQ_AUoAXo
ECAEQAw&biw=1517&bih=694#imgrc=ZDPwakCQps5zBM&imgdii=B5uTgh
m_3GdQwM

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 15

For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7

You might also like