You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 7

4
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 8
MODYUL SA
FILIPINO 7

KUWARTER 4
LINGGO 8

Ibong Adarna

Ang Pagwawakas
(Saknong 1286-1712)

Development Team

Writer: Laurie An Beltran

Editor: Zenaida Sonia Morales Erleen Ann P. Lorenzo

Reviewer: Patricia H. Pascual Lorna M. Balisbisana

Zorayda S. Paguyo

Illustrator: Nestor Lucero

Layout Artist: Crisel G. Bangloy

Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 2


Layunin ng bahaging ito ng modyul na gabayan ka sa iyong lubos na
pag-unawa sa mga araling nakapaloob sa Ikaapat na Kuwarter/Markahan ng
Filipino 7. Sundin ang mga panuto at gawin ang hinihingi ng mga pagsasanay
at mga gawain.

Sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod


na Kasanayang Pampagkatuto na nakapaloob sa aralin 8.

ALAMIN
Narito ang mga layunin na kailangan mong matamo
sa araling ito.

________________________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na maiuugnay sa


kasalukuyan. F7PS-IVc-d-19

2. Nahihinuha ang maaring mangyari sa tauhan batay sa napakinggang bahagi ng akda.


F7PN-IVe-f-22

3. Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin tungkol sa ilang


napapanahong isyu kaugnay ng isyung tinalakay sa akda. F7PS-IVc-d-22

4. Naisusulat nang may kaisahan ang pagkakaugnay-ugnay ng isang talatang naglalahad


ng sariling saloobin, pananaw at damdamin. F7PU-IVe-f-22

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 3


Kaibigan, ang mga nagdaang aralin/saknong na napag-
SUBUKIN aralan ay tiyak na nagpayaman sa iyong pag-unawa sa Obra
Maestrang Ang Ibong Adarna. Sa bahaging ito, atin namang
pag-aaralan ang Saknong 1286-1712, Ang Pagwawakas.
Bago mo umpisahang pag-aralan ang Saknong 1286-
1712, nais kong sukatin muna ang iyong kaalaman sa mga
aralin sa linggong ito. Huwag mag-alala, panimulang pagsubok
pa lang naman ito. Sagutin mo lang ang mga tanong sa abot ng
iyong makakaya.
______________________________________________________________________
Handa ka na ba kaibigan? Simulan mo na ang pagsagot.
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. “Sa palasyo’y anong saya
Lahat doon ay masigla,
Tiwala ang hari’t reynang
Ang ulap ay naparam na.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan sa pahayag?
A. kasama B. kinuha C. nawala D. sinundan

2. Sino ang nagbigay ng mga pagsubok kay Don Juan?


A. Don Diego C. Haring Linceo
B. Donya Leonora D. Haring Salermo

3. Ano ang sumpang binitawan ni Haring Salermo kay Don Juan at Donya
Maria?
A. Makakalimutan ni Don Juan si Donya Maria pagdating nila sa
Berbanya
B. Makakalimutan ni Don Juan si Donya Leonara pagdating nila sa
Berbanya
C. Makakalimutan ni Don Juan ang dalawang prinsesa
D. Wala sa nabanggit

4. “At nilingap si Don Juan


na sa upo’y kaagapay,
dito’y parang inaalam
ang tunay na kalooban.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan sa pahayag?
A. tinakasan B. tinakbuhan C. tinalikuran D. tiningnan

5. Paano ipinaalala ni Donya Maria Blanca kay Don Juan ang kanilang wagas na
pag-iibigan?
A. Ipinaalala niya ang kaniyang pagtataksil kay Donya Leonora.
B. Ipinaalala niya ang ang pagtataksil ng kaniyang dalawang kapatid kay
Don Juan
C. Ipinaalala niya ang kanilang paglalakbay at mga pinagdaanang
pagsubok.
D. Wala sa nabanggit

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 4


ARALIN

8 Ang Pagwawakas (Saknong 1286-1712)

Kumusta ka na kaibigan? Naging kawili-wili ba ang mga


BALIKAN nakaraan mong aralin? Mabuti naman. Natutuwa ako’t marami kang
natututuhan. Ngayon ay pag-aaralan mo ang pagwawakas ng Obra
Maestrang Ang Ibong Adarna at naghanda rin ako ng mga gawaing
sadyang kapaki-pakinabang at hahamon sa iyong kakayahan.

Handa ka na ba kaibigan? Tara na!

________________________________________________________________________

GAWAIN 1
Naranasan mo na bang umibig? Sa iyong palagay, ano-ano ang mga salitang
mai-uugnay mo na naglalarawan sa pag-ibig/pagmamahal? Isulat ang sagot sa
bawat kahon.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 5


GAWAIN 2
Bago mo basahin ang buod ng Saknong 1286-1712 na inihanda ko para sa iyo,
sagutin mo muna ang gawaing hahasa sa iyong talasalitaan nang sa gayon ay lubos mong
maunawaan ang iyong babasahin.

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang may salungguhit ayon sa


pagkakagamit nito sa pahayag. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

KAHULUGAN KASALUNGAT

1. “Hari’y hindi makahuma


dala ay parang napatda,
mahal pa naman sa kanya
_______________ ang ngayo’y mawawalay na” _______________

2. “At natanaw itong habol


Ipo-ipong umuugong,
At nang sila’y masusukol
_______________ Gumawa na ng pananggol.” ________________

3. “Negrita’y muling nangusap


Pagalit na’t siyang wakas:
“Yamang limot na ang lahat,
________________ Ikaw ngayo’y mauutas!” _________________

TUKLASIN Napagtanto mo na ba kung ano ang ibig


ipakahulugan ng pagmamahal? Mahusay kung
gayon! Nasisiguro kong handa ka ng basahin ang
kuwentong inihanda ko para sa iyo.

BASAHIN AT UNAWAIN
MO
Ang Pagwawakas
(Saknong 1286-1712)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 6


Ibinigay ni Haring Salermo ang huling pagsubok kay Don Juan at nagtagumpay naman
ang binata nang kaniyang mapili si Donya Maria na kaniyang tunay na minamahal. Hindi ito
ikinatuwa ni Haring Salermo kaya’t gumawa siya ng paraan upang hindi mapunta kay Don Juan
ang kaniyang pinakamamahal na anak. Nalaman ni Donya Maria ang planong ito ng kanyang
ama kaya’t sinabihan niya si Don Juan na sila’y umalis o magtanan. Pinilit silang habulin ni Haring
Salermo ngunit siya ay nabigo. Bunga ng matinding galit ay isinumpa niya ang dalawa.

Bumalik sa Berbanya sina Don Juan at Donya Maria. Sa pakiusap ni Don Juan ay iniwan
muna niya si Donya Maria sa nayon upang mabigyan ito ng maayos na pagsalubong sa kanilang
kaharian. Nang makabalik sa Berbanya si Don Juan ay agad siyang pinuntahan ni Donya Leonora
na pitong taong naghihintay sa kaniya. Hindi napigilan ng dalaga ang kaniyang damdamin at
ipinahayag niya ang nilalaman ng kaniyang nararamdaman para sa bunsong prinsipe. Kasabay
nito ang pagsisiwalat ng katotohanan sa mga kasinungalingang sinabi nina Don Diego at Don
Pedro na madali namang napatawad ng hari dahil sa pagmamahal sa mga anak.

Samantala, marahil ay nagkatotoo na ang sumpa ni Haring Salermo kaya’t sa pagbabalik


ni Don Juan sa Berbanya ay tuluyan na niyang nakalimutan si Donya Maria Blanca. Inihanda ang
lahat para sa pag-iisang dibdib nina Don Juan at Donya Leonora. Nang malaman ito ni Donya
Maria Blanca ay agad siyang tumungo sa kaharian ng Berbanya at doon muling ipinaalala kay
Don Juan ang kanilang pag-iibigan. Nang bumalik ang alaala ng bunsong prinsipe ay ipinahayag
niyang si Donya Maria ang tunay na nilalaman ng kaniyang puso at si Donya Leonora ay
ipinakasal sa kanyang panganay na kapatid na si Don Pedro.

Sa huli ay itinanghal na bagong hari ng Berbanya si Don Pedro at si Donya Leonora bilang
kanyang reyna. Samantalang bumalik sa kanilang kaharian si Donya Maria kasama si Don Juan
kung saan sila ay masayang nanirahan at itinanghal na bagong hari at reyna ng kaharian. Masaya
silang tinanggap ng mga tao bilang kapalit ng kaniyang yumaong ama at mga kapatid.

SURIIN Kumusta kaibigan?

Nagustuhan mo ba ang iyong binasang buod ng Saknong


1286-1712?

Ngayon, subukan mo ring sagutin ang gawain sa ibaba na


may kaugnayan sa iyong binasa.
_________________________________________________________________________

GAWAIN 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang buod ng


Saknong 1286-1712 ng Ibong Adarna. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Kung ikaw si Don Juan, sino ang pipiliin mo? Si Donya Leonora na naghintay ng
pitong taon sa iyong pagbabalik o si Donya Maria Blanca na siyang tunay na iniibig?
Ipaliwanag.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 7


2. Ano ang gintong aral ang nakuha mo sa kabuoang pag-aaral ng mga
kabanata/saknong sa araling ito?

3. Paano nagbago ang iyong mga pananaw sa buhay sa pamamagitan ng mga aral na
iyong nakuha mula sa binasa?

PAGYAMANIN Sa bahaging ito ay maglalaan ka ng sapat na


oras upang sagutin ang mga kasunod na gawain upang
: masukat ang iyong pag-unawa sa Aralin.

____________________________________________________________________________

GAWAIN 4
Panuto: Itala sa nakalaang espasyo ang mga desisyon o pagpapasiyang iyong
gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon na naglalahad ng iyong sariling
saloobin at pananaw.

Sitwasyon 1:
Kaarawan ng pinakamatalik mong kaibigan. Inanyayahan ka niyang dumalo
sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa kanilang tahanan pero nagkataong kaarawan
din ng kapatid mo. Ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Sitwasyon 2:
Kailangan mong ipasa ang iyong modyul sa Linggo kaya dapat mo itong
tapusin sa tamang oras pero nagkataon na nagplano kayong magkakaibigan na mag-
overnight sa dagat. Ano ang mas uunahin mo? Modyul o Barkada? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sitwasyon 3:
Pinagalitan ka ng iyong magulang dahil hindi mo tinapos ang iyong
modyul at mas inuna mo ang paglalaro ng mobile legends. Kinumpiska ng magulang
mo ang iyong cellphone. Ano ang gagawin mo?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 8


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Nasagot mo ba lahat ang mga katanungan? Magaling ka talaga!


Ngayon, pag-aralan mo rin ang nasa ibaba upang masagot mo nang tama ang susunod
na gawain. Handa ka na ba?

ISAISIP Natutuwa akong nakasasama pa rin kita sa


bahaging ito.
: Huwag mo sanang kalilimutan ang iyong
napag-aralan sa aralin 8.
:

____________________________________________________________________________

1. Ang Obra Maestrang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang korido ay
tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma. Akda ito na umiikot
sa pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang buong pamagat nito ay Corrido at
Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring
Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania.

2. Ang wagas at tunay na pag-ibig ang siyang magwawagi kahit ilan mang pagsubok at
sagabal ang dumating lahat ng ito ay malalampasan at magpapatibay sa inyong
pagmamahalan.

3. Ang tunay na nagmamahal ay nagpaparaya at nagsasakripisyo kahit masakit alang-


alang sa ikasasaya ng minamahal.

4. Ang nagmamahal ay kayang maghintay gaano man katagal dahil ito ang nagpapakita
at nagpapatunay sa wagas na pag-ibig kahit sa bandang huli hindi ikaw ang pinili.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 9


ISAGAWA Ibahagi mo ang mga paraan kung paano mo gagamitin
ang mga kasanayang pangwika na natutuhan mo sa
ikatlong kuwarter bago ka magtungo sa Ikaapat na
: kuwarter para sa mga panibagong aralin.
:

________________________________________________________________________

GAWAIN 5

Lahat ng tao ay nakararanas ng mga pagsubok sa pag-ibig o suliranin sa buhay. Ang mga
pagsubok na dumarating sa atin ay may isang tiyak na rason/layunin. Magtala ka ng tatlong
mabibigat na problema/pagsubok na naranasan mo o naranasan ng pamilya mo o mga
mahal sa buhay. Kaugnay nito ay itala mo kung paano mo/ninyo nalutasan at pagkatapos
ay itala mo rin sa nakalaang espasyo/kahon ang gintong aral na iyong natutuhan mula sa
mga pagsubok na ito.

Mga Pagsubok na Naranasan

Paano Ito Nalutas o Nalampasan

Gintong Aral na Natutuhan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 10


TAYAHIN Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng pagsusulit sa
kabuoan ng aralin 8. Kailangan mong piliin ang angkop na
: sagot mula sa katanungan. Sige tapusin mo na!

__________________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. “Sa palasyo’y anong saya


Lahat doon ay masigla,
Tiwala ang hari’t reynang
Ang ulap ay naparam na.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan sa pahayag?
A. kasama B. kinuha C. nawala D. sinundan

2. Sino ang nagbigay ng mga pagsubok kay Don Juan?


A. Don Diego C. Haring Linceo
B. Donya Leonora D. Haring Salermo

3. Ano ang sumpang binitawan ni Haring Salermo kay Don Juan at Donya
Maria?
A. Makakalimutan ni Don Juan si Donya Maria pagdating nila sa
Berbanya
B. Makakalimutan ni Don Juan si Donya Leonora pagdating nila sa
Berbanya
C. Makakalimutan ni Don Juan ang dalawang prinsesa
D. Wala sa nabanggit

4. “At nilingap si Don Juan


na sa upo’y kaagapay,
dito’y parang inaalam
ang tunay na kalooban.”
Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan sa pahayag?
A. tinakasan B. tinakbuhan C. tinalikuran D. tiningnan

5. Paano ipinaalala ni Donya Maria Blanca kay Don Juan ang kanilang
wagas na pag-iibigan?
A. Ipinaalala niya ang kanyang pagtataksil kay Donya Leonora.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 11


B. Ipinaalala niya ang ang pagtataksil ng kanyang dalawang kapatid kay
Don Juan
C. Ipinaalala niya ang kanilang paglalakbay at mga pinagdaanang
pagsubok sa Reyno Delos Cristales.
D. Wala sa nabanggit

KABUOANG PAGSUSURI (SUMMATIVE ASSESSMENT)

PPT1. PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT):

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at at


damdamin tungkol sa ilang napapanahong isyu kaugnay ng isyung tinalakay sa akda. F7PS-
IVc-d-22

SITWASYON(SITUATION):
Ikaw ay SK Chairman sa iyong barangay. Napapansin mong padami nang padami ang mga katulad
mong kabataan na napapariwara ang landas dahil sa mga pagsubok sa pag-ibig o problema na
nararanasan sa buhay. Bilang isang leader ng kabataan sa inyong barangay, naisip mong magsulat ng
isang liham na ipadadala sa inyong Mayor. Ikaw ngayon ay gagawa ng isang liham at ipapadala mo ito
sa Mayor ng inyong lugar upang mabasa ang hinaing ng mga kabataan sa iyong barangay.

LAYUNIN(GOAL):
Ikaw ay naatasang sumulat ng isang liham tungkol sa mga kabataang patuloy na napapariwara
ang landas dahil sa mga pagsubok sa buhay na nararanasan at ipapadala mo ito sa inyong Mayor
upang mabasa ang hinaing ng mga kabataan sa iyong barangay.

TUNGKULIN(ROLE):
Ikaw ay isang SK Chairman sa iyong barangay na nagsisilbing leader at modelo ng mga
kabataan. Ikaw din ay naatasang magsulat ng isang liham.

PRODUKTO: Liham

TAGAPAKINIG/TAGABASA: Mayor ng inyong lugar

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 12


PAMANTAYAN:

RUBRIK SA PAGSULAT NG LIHAM

Mga Pamantayan 4 3 2 1

Buo at naunawaan nang lubusan ang pinaka-diwang nais ipahayag


ng may-akda sa kanyang liham.
Nag-iwan ng malalim na impresyon sa isipan ng mga mambabasa
upang mahikayat ang mga ito.
Kakikitaan ng makabuluhang nilalaman
Maayos at wasto ang pagkakasulat ng mga salita
May orihinalidad
Kabuoan (20 puntos)

4- Napakahusay
3- Mahusay
2 -Katamtaman ang Husay
1- Di-mahusay

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 13


Mga Sanggunian

A. MGA AKLAT
Ailene Baisa-Julian,. Nestor S. Lontoc,. Carmela Esguera-Jose. Ikalawang Edisyon
Pinagyamang Pluma 7. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, INC.

B. Larawang Ginamit
https://www.canstockphoto.com/illustration/king-and-queen-of-hearts.html

C. Online Resources
https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-melc/
http://www.google.com.ph
https://www.coursehero.com/file/61100475/RubrikBuoddocx/

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 14


15 Filipino 7 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya:
1. C
2. D
3. A
4. D
5. D
Gawain 1: Mga posibleng sagot:
Wagas, kasintahan, sakripisyo
Gawain 2: Mga posibleng sagot:
1. napahinto/napagalaw
2. mahuhuli/makakatakas
3. mamamatay/mabubuhay
Gawain 3, Gawain 4, Gawain 5:
*Tipong subjective (may kanya-kanyang sagot ang mga bata)
Lagumang Pagsusulit:
1. C
2. D
3. A
4. D
5. D
Ngayon, iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto sa ibaba.
sa araling ito.
Binabati Kita! Alam kong ikaw ay tuwang-tuwa sapagkat natapos mo ang lahat ng pagsubok
Susi sa Pagwawasto
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 16

You might also like