You are on page 1of 7

This is not for Replication for Educational purposes only

Ikalawang Markahan

ARALIN 2: KOLOKASYON

PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga
bansang kanluranin.

Pamantayan sa Pagganap:
 Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling hatirang pangmadla (social media)

Mga kasanayan ng Pagkatuto (MELC):


 Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (kolokasyon)
(F10PT-lla-b-71)

PANGKALAHATANG PANUTO
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 2 ukol sa Kolokasyon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Maliban nalamang kung ito ay mga pagtataya o gawain.
2. Huwag kalimutang sagutin ang mga katanungan bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

This is not for Replication for Educational purposes only


Map of Conceptual Change: Pagsasagot ng KWHL
Kikilatisin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa kaugalian ng mga mamamayan sa
Mindanao. Punan ng impormasyon ang mga bahaging K, W at L lamang.

K W L
Ano ang iyong nalalaman? Ano ang gusto mong Ano ang inyong natutuhan?
malaman?

MOTIBASYON
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_____ 1. hampaslupa A. magkatotoo sana
_____ 2. pusong-mamon B. nanliligaw
_____ 3. taingang - kawali C. nagbingi-bingihan
_____ 4. dilang- anghel D. mahirap
_____ 5. naniningalang-pugad E. mabait

This is not for Replication for Educational purposes only


ARALIN/NILALAMAN

Ang araling ito ay tumatalakay sa


pagpapalawak ng iyong talasalitaan gamit ang
prosesong tinatawag na kolokasyon. Ang prosesong ito
ay ang pagsasama ng isang salita sa iba pang salita
upang makabuo ng isa pang salita na nagtataglay ng
ibang kahulugan. Mararanasan mo sa aralin ang mga
gawaing tulad ng pagbibigay ng kahulugan sa isang
salita bilang pangunahing Gawain. Mararanasan mo
rin sa araling ito ang pagbubuo ng mga salitang
tambalan.

Alam mo ba na…
Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay makabubuo ng ibang kahulugan? Ito ay
tinatawag na kolokasyon.
Kolokasyon. Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan upang makakabuo
ng iba pang kahulugan.Ito ay mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ring magkasalungat. Higit na
mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang
palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang nagsasama-sama paminsan-minsan.
Halimbawa:
buwig ng saging kawan ng ibon
trono ng hari marangyang piging
basag-ulo
Basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan). Kapag pinagsama ay nagiging basag-ulo na
nangangahulugang gulo o away.

Sanay ka bang tumuklas ng kahulugan ng isang salita? Basahin ang paglalahad tungkol sa mga diyos ng Norse.

Ang mga Diyos ng Norse

Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng digmaan at ng
kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas malalaki na tulad ng higante. Bihira silang
makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng mga Greek Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap na makita.
Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak
na kamatayan. Alam ng mga diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga
kalaban na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga
higante na nananahan naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard lalo na sa kanilang pinuno na si Odin.
Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin
na pigilan ang araw ng pagwawakas. Ang kanyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang diyosa na may
kakayahang makita ang hinaharap.
Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay sina Balder,
Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos. Ang kanyang kamatayan ang
maituturing na pinakamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang
pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kanya ring pangalan hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang
madalas niyang dala ang malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa
mundo ay si Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa Asgard. At si
Tyr ang diyos ng digmaan at sa kanyang pangalan hinango ang araw ng Martes.

This is not for Replication for Educational purposes only


PAGLINANG
Gawain 1
Panuto: Mula sa iyong binasang teksto, ibigay ang katumbas na salitang ginamit sa kuwento sa pamamagitan ng pag-aayos
ng mga titik na nasa kahon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. DIGMAAN YAIRGE _______________

2. KATULAD KIASNAWG _________________

3. MAKIHALUBILO MUKSAMI _________________


ALAHA

4. KISLAP GINNINGIN _________________

5. MASIRA AMSKAAW __________________

NAANANHA
6. NANIRAHAN __________________
N

7. KAILA DIGLNI __________________

8. DIYOS NG NORSE REISA __________________

9. HINANGO HAUNIK __________________

10. TIRAHAN NG MGA GRASAD __________________


AESIR

PAGPAPALALIM
Gawain 2.
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pangungusap.

1. Ayaw ni Chuchay na saling-pusa lang siya sa laro.


Paliwanag: _______________________________________________________________
2. Laki sa layaw ang pinsan ko at ni hindi pa nakatapos sa pag-aaral.
Paliwanag: _______________________________________________________________
3. Kahit bagong tao pa lang ay hindi na nahiyang naniningalang-pugad sa
kanilang dalagang kapitbahay.
Paliwanag: _______________________________________________________________

This is not for Replication for Educational purposes only


PAGLALAPAT
Gawain 3
Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita sa una at ikalawang hanay. Pagkatapos bigyang kahulugan ang salitang
mabubuo mula sa dalawang salitang pinagsama. Maaaring gumamit ng mga pang-angkop sa pagbubuo. Sundin
ang nasa halimbawa.

Unang Salita Ikalawang Salita Salitang Nabuo Kahulugan

Hal. alsa Balutan alsa-balutan lumayas


1. asal Hudas
2. bago Tao
3. balat Kalabaw
4. nagsaulian Kandila
5. pabalat Bunga
6. mahina ang tuhod
7. makitid ang kumot
8. mahal na tao
9. mahina ang kapit
10. lingon Likod

INTEGRATION OF FAITH, VALUES AND LEARNING

SANGGUNIAN
 Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10 Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,2015
 Balazo, Iluminada C. Wika at Panitikan IV Batayang Aklat Singapore: KHL Printing Co. Pte Ltd., 2000
 “Panitikang Pandaigdig 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pilipinas: Vibal Group Inc., 2015
 Cruz, Estrella E. Filipino IV sa Bagong Henerasyon Makati City: Studio Graphics Corp., 2001
 Dillague, Nora M. Sandigan I Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2000

WEBSITE
 https://youtu.be/PP6ZlrPxwH8

This is not for Replication for Educational purposes only


 https://www.slideshare.net
LARAWAN
https://audrina1759.files.wordpress.com/2013/04/inspiration-quote-food-for-thought_mind-crackingblowing-
audrina1759.jpg

KOMENTO/MGA NA PUNA

This is not for Replication for Educational purposes only

You might also like