You are on page 1of 33

Mother Tongue-Based

Multilingual Education
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 1:
Iispel Mo!
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Iispel Mo!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lumen A. Villegas


Editor: Lira S. Rubio, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus
Tagasuri: Rowena A. Malahay, Jennie T. Calamba, Mark Fil L. Tagsip
Tagaguhit: Deodito C. Curaza Jr.
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin
Handa ka na ba? Ating simulan ang paglalakbay sa
mundo ng mga modyul sa asignaturang MTB-MLE. Binabati kita
dahil ngayon ikaw ay nasa Ikatlong Baitang na!
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang wastong
pagbabaybay ng mga salita. May mga gawain akong
inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol dito.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
● nakasusulat ng salitang may wastong pagbabaybay
mula sa hanay ng mga salita sa nabasang seleksyon
(MT3F-I-i-1.6).

Mga Tala Para sa Guro


Upang ikaw ay maging matagumpay sa
paggamit ng kagamitang ito, tandaan na palaging
basahin ang mga panuto sa bawat gawain na
makikita sa modyul. Maligayang pag-aaral!

1
Subukin
Basahin at piliin ang salitang may wastong pagbabaybay.
Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Nais maging (mangagamot, manggagamot, mananagot)


ni Melinda upang matulungan ang kapatid niyang sakitin.

2. Nagbayanihan ang mga (manggagawa, ngumangawa,


ngangawa) sa pabrika upang mapadali ang kanilang
trabaho.

3. Suportahan natin ang (pangulo, pang-ulo, panggulo) ng


ating klase upang makamit natin ang tagumpay sa
patimpalak.

4. Nagustuhan ni Amanda ang (disenyo, desenyo, disinyo) ng


bago niyang bag.

5. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga (talento,


taelnto, talinto) sa palatuntunan para sa kanilang mga
magulang.

2
Aralin

1 Iispel Mo!

Naranasan mo na bang makakita ng mga salita na


magkatulad ang baybay o ispeling pero magkaiba ang bigkas at
kahulugan? Bakit nga ba mahalagang alamin ang wastong
baybay ng mga salita?
Tara! Sabay nating alamin ang kahalagahan kung bakit
dapat itong pag-aralan.

Balikan

Basahin Mo:
Talento
ni: Lumen A. Villegas

Mapagbigay ang Diyos! Binigyan niya tayo ng talento at


kakayahan upang gamitin ito at ikasiya ng lahat. Iba’t iba ang
talentong ipinagkaloob sa atin. Si Jun ay magaling umawit
habang si Glazy naman ay magaling sumayaw. Samantala, Si
Rachel ay isang magaling magluto habang si Rolly ay magaling
sa pag-aayos ng mga bagay. Ang iba naman sa atin ay

3
magaling magpinta, sumulat, at gumawa ng mga kakaibang
disenyo sa hardin. Iba’t iba man ang talentong ipinagkaloob sa
atin, ito ay gamitin natin sa mabuti at makabuluhang paraan.

Sagutin Mo:
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Sino ang mapagbigay?
3. Ano-ano ang ipanagkaloob sa mga bata?
4. Ikaw ba ay may angking talento rin? Paano mo ito
pinahahalagahan?

Tuklasin

Tingnan ang mga salita sa hanay:

talento hardin disenyo


umawit sumayaw magpinta
ikaligaya karpintero makabuluhan

Ang mga salitang nasa loob ng kahon ay mula sa


seleksyong iyong binasa. Pumili ng limang salita at isulat ito nang
may wastong baybay. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
1. _______________
2. _______________
3. _______________
4. _______________
5. _______________

4
Suriin
Basahin ang mga salitang napaloob mula sa seleksyon at
piliin ang may wastong baybay ng mga salita. Isulat ang iyong
sagot sa papel o sa kuwaderno.

talento harden disenyo


umawet sumayaw magpinta
ikasiya karpintiro makabulohan

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

 Paano mo nalaman ang wastong baybay ng mga salita?


 Alam mo ba na may mga tuntunin kang dapat malaman
upang masiguro na wasto ang pagbaybay ng mga salita?

Tandaan

Ang pagbilang ng pantig ay nakatutulong upang


maisusulat nang maayos at wasto ang baybay ng salita.

Upang maisulat ang wastong baybay ng mga salita


kailangan mong:

 basahin nang paulit-ulit ang pangungusap;


 unawaing mabuti ang pangungusap;
 tandaan ang bilang ng pantig sa bawat salita; at
 isulat nang maayos ang salita.

5
Pagyamanin
Gawain A.
Piliin ang salitang may wastong baybay sa loob ng
panaklong. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Ako ay isang (mag-aaral, magg-aaral, magaaral).


2. Siya ay (gomugohet, gumuguhit, gumugohit) ng eroplano.
3. Si Erly ang maghahanda ng (miyenda, merinda, meryenda).

Gawain B.
Punan ng tamang salita ang pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa papel o sa kuwaderno.

4. Magdadala ng ___________ si Tatay.


(purutas, prutas, putas)
5. Nagawa mo na ba ang iyong ___________?
(proyekto, priyekto, poryekto)

Isaisip

Ano ang dapat mong gawin upang maisulat nang


may wastong pagbabaybay ang mga salita? Isulat ang
iyong sagot sa papel o sa kuwaderno, sa paraang dikit-
dikit ang mga letra o cursive.

________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.

6
Isagawa
Basahin at sagutin ang hinihinging impormasyon sa bawat
pahayag. Iispel mo nang wasto ang iyong sagot. Isulat ito sa
papel o sa kuwaderno.

Tanong Sagot

1. Pangalan ng
paaralan

2. Pangalan ng ama

3. Buwan na
ipinanganak

4. Pinakapaboritong
laro

5. Araw ng pagsamba

7
Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa loob ng kahon.
Piliin ang titik nang wastong sagot at isulat ito sa papel o sa
kuwaderno.

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang


may wastong baybay?

1) A. Miyerkules B. Merkules C. Meyirkoles


2) A. jaket B. dyaket C. jakit
3) A. Disyembre B. Desyembre C. Desyimbre
4) A. likedo B. lekido C. likido
5) A. leder B. lider C. lidir

Karagdagang Gawain

Magtala ng limang pangalan ng mga bagay na makikita


sa loob ng bahay at sa paligid, gamit ang wastong baybay
ng mga salita. Isulat ang sagot sa iyong papel o kuwaderno.

Mga Bagay na Makikita sa Mga Bagay na Makikita sa


Loob ng Bahay Paligid
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

8
9
Subukin Tuklasin Suriin
1. manggagamot Inaasahan ang magkaibang 1. talento
2. manggagawa sagot. 2. disenyo
3. pangulo 3. sumayaw
4. disenyo 4. magpinta
5. talento 5. ikasiya
Pagyamanin Tayahin
Isaisip at Isagawa
Gawain A
1. mag-aaral Inaasahan ang magkaibang 1. A
2. gumuguhit sagot. 2. B
3. meryenda 3. A
4. C
Gawain B 5. B
4. prutas
5. proyekto
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Curriculum Guide sa MTB-MLE 3, 133


Latest MELC for MTB-MLE Grade III Q1
Nelia D. Bamba et. al MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog-
Baitang 3): Book Media Press, Inc., 2014, 55

10
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 2:
I-Rap Mo!
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: I-Rap Mo!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lumen A. Villegas


Editor: Chomadith Loian J. Hechanova, Jesusa P. Ambrona, Lourdes Manlapus
Tagasuri: Jenn A. Solis, Iris Kristine A. Mejos, Alemer O. Veloso
Tagaguhit: Deodito C. Curaza Jr.
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin
Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang napapaloob
sa modyul na ito!
Subukin mo kung paano ang pagsulat ng tula, bugtong,
chants at rap. May mga gawain akong inihanda para sa iyo
upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
● nakasusulat ng tula, bugtong, chant at rap
(MT3C-Ia-e-2.5).

1
Mga Tala para sa Guro

Mahalagang unawain ang gagawing pagbasa sa


mga nilalaman ng modyul na ito upang mas mapadali
at maging magaan ang mga nakalaang gawain para
sa bawat aralin. Mas mainam na sunding mabuti ang
mga panuto bilang gabay sa paggamit nito at matiyak
na makamit ang mga layunin sa pagkatuto.

2
Subukin
Basahin ang sumusunod na tula, bugtong, chant at rap sa
ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
papel o sa kuwaderno.

Bunso, bunso! Bakit ka malayo?


Sana malapit lang, nang ikaw’y matingnan;
Pagsasamahan, pagdadamayan;
Mithiin ng mga mahal nating magulang!

1. Sa chant sa itaas, ano ang mga salitang magkatugma?


A. malayo - matingnan
B. malayo - pagdadamayan
C. pagdadamayan - magulang
D. matingnan - pagdadamayan

2. Ano ang sagot sa bugtong na ito, “Tinig mong naririnig,


bawat sandali’y iniibig. Gintong naturingan, mahalaga
kanino man.”
A. orasan C. sapatos
B. tsinelas D. kamiseta

Basahin at intindihin ang mensahe ng rap.

Mga bata, sa magulang maniwala;


Kinabukasan mo’y mapabuti at di-mapariwara,
Makinig at sundin ang kanilang payo;
Tuparin ang kanilang inaasam sa iyong kinabukasan,
Maging mabait, masunurin, magalang at mapagmahal
Magpakailanman!

3
3. Ano ang napansin mo ng binasa o binigkas mo ang rap? Isulat
ang mga salitang may perahong tunog sa huli.

____________ ____________

_____________ ____________

Lapatan ng salitang may parehong huling tunog ang


nakatalang mga salita. Hanapin sa loob ng kahon ang salitang
akma o magkatugma upang mabuo ang tula, bugtong, chant o
rap.

lumuluha maganda
naninibugho Bathala
Bathala

Halimbawa:
Mala-sutlang kutis,
akala mo iniis-is.
Pampaganda ng mukha;
Ikaw ay likha ni ___________.

Sagot: Bathala

4. Sa sangkalan nakatunganga,
walang umaaway, walang nang-aalipusta.
Dahil sa usok, ako’y ___________.

5. Mga kapatid ko sa malayo,


alalang-alala ako sa inyo!
Damdamin nanlulumo,
pamilya ay ___________.

4
Aralin

1 I-Rap Mo!

Mahilig ka bang makinig sa mga rap at chant o kaya ay


magbasa ng tula at sumagot ng mga bugtong? Nais mo bang
matutong gumawa ng sariling mga tula, bugtong, rap o chant?
Halika at sabay nating alamin kung paano nga ba sinusulat
ang mga ito. Tara na!
Ngunit bago tayo dumako sa panibagong aralin, balikan
muna natin ang natutuhan mo sa nakaraang modyul.
Naalala mo pa ba ang iyong napag-aralan? Ano ang
dapat tandaan kung magsusulat tayo ng salita? Ating balikan
iyon at sagutin ang gawain sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
papel o sa kuwaderno.

Balikan

1. Si Maria ay maagang pumapasok sa paaralan tuwing


____________.
A. Lones C. Lunes
B. Lunis D. Lonis

2. Ang ____________ ang siyang gumagamot sa mga maysakit.


A. manggagawa C. mananahi
B. manggagamot D. magbubukid

5
3. Ito ang ikatlong araw sa isang Linggo at may pasok tayo sa
paaralan.
A. Meyerkoles C. Miyerlules
B. Miyerrkules D. Miyerkules

4. Sa isang buong taon mayroong labindalawang buwan. Ano


ang ika-sampung buwan ng bawat taon? Hanapin ang may
wastong baybay.
A. Oktubre C. Uktobre
B. Oktubri D. Oktobre

5. Sino ang pangulo ng Pilipinas sa kasalukuyan na nagmula sa


Mindanao. Isulat ang kaniyang buong pangalan.

6
Tuklasin
Basahin ang tula:

Puksain COVID-19
ni: Lumen A. Villegas

Bata, bata anong iyong ginagawa?


Di ba’t sa bahay lang? Para ‘nyo nang awa!
Huwag lalabas, nang sa COVID-19 ay di mahawa,
isa-isip lagi ang kalusugan nang di mapariwara.

Makinig nang mabuti sa magulang, huwag pasaway,


tumulong sa gawaing bahay at huwag mag-aaway.
Bigyang halaga anumang bagay,
lahat ng ito’y bigay ng Diyos maging ang ating buhay!

7
COVID-19 masyadong mapinsala,
Walang sinasanto bata man o matanda.
Maging mga doktor, pulis, mga tindera at iba pa,
sa COVID-19 sila’y pinahirapan, iba’y nawala.

Magkaisa tayo, manalangin sa Diyos na may likha,


malagpasan natin lahat ng pagsubok ating kinaharap.
Huwag mawalan ng pag-asa sa ating dinaranas na hirap,
sapagkat alam nating may bukas pa at may hinaharap.

Kaibigan sama-sama tayo, magtulungan tayo,


social distancing, gawin sa iyong kapwa tao.
Hand washing huwag limutin upang virus ay puksain,
magsuot ng masks at panatilihin ang kalinisang mithiin.

Kaya ating labanan COVID-19,


huwag mawalan ng pag-asa, ating damhin.
Magandang kinabukasan kayang abutin,
pananalig lagi sa Maykapal ang siyang sandata natin.

COVID-19: PUKSAIN!

8
Suriin
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mensahe ng tulang iyong binasa?


2. Ano ang napapansin mo sa mga huling salita sa bawat
linya?
3. Naintindihan mo ba ang mga nakasaad sa tula? Bakit o
bakit hindi?

Sa tulang “Puksain COVID- 19”, ipinarating ng manunulat


ang dapat gawin ng mga batang katulad mo sa panahon ng
crisis tulad ngayon. Kung ito’y bigkasin mo na may indayog at
ritmo, ito’y matutulad sa pagbigkas ng rap. Sa tula at bugtong
naman, palagi mong maririnig na ang huling pantig ng salita ay
magkatunog o magkatugma dahil mas magandang basahin o
pakinggan ang mga salitang magkatunog/magkatugma at mas
madali itong sundan.

Basahin mo:
Bata, bata anong iyong ginagawa?
Di ba’t sa bahay lang? Para ‘nyo nang awa!
Huwag lalabas, nang sa COVID-19 ay di mahawa;
Isaisip lagi kalusugan nang di mapariwara.

Nagtatapos sa tunog o titik a ang mga salitang nasa huli sa


bawat linya.

9
Tandaan

Mga dapat tandaan sa pagsulat at pagbigkas ng


tula, bugtong, chant at rap:

 Ang bilis ng pagbigkas ng tula, bugtong, chant at rap


ay naayon sa nilalaman at paksa ng tula. Kung ito ay
malungkot, masaya at iba pang damdamin.
 Isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng
tunog o pag-uulit ng mga inisyal na tunog - katinig o
tunog - patinig.
 Huwag din kalimutan ang sukat at tugma ng iyong
bubuoing tula, bugtong, chant at rap.
 Magiging mas masining ang tula kung gingagamitan
ito ng tayutay.

10
Pagyamanin
Isulat sa papel o sa kuwaderno ang tama at akmang salita
sa patlang upang mabuo ang bugtong, tula at chant o rap.
Hanapin sa kahon ang sagot.

magalang sila
pinabayaan paso
dumamay paliguan

1. Nanay, Nanay! Tingnan mo!


Namulaklak, tanim sa ___________.

2. Mahal kong Inang bayan,


Salamat ‘di ____________.

3. Nalibot mo na ba?
Islang napakaganda.
Nabighani mga dayuhan,
malinis na dagat _________.

4. Noong ako ay bata pa,


palaging pangaral ni Ina,
maging mabait ka, mapagbigay;
sa kagipitan at hirap handang ________.

11
Isaisip

Ano ang dapat mong gawin upang makasulat ng


tula, bugtong, chant o rap?
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Isagawa
Pagtambalin at ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga
parirala sa Kolum A at B upang makasulat ng tula, bugtong at
chant o rap. Tingnan ang halimbawa sa unang bilang. Isulat ang
iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.
A B
1. Tula:
May isang ale pagkain ay di-tiyak
Humihikbi, umiiyak hinehele ang kanyang baby

Sagot: May isang ale,


hinihele ang kanyang baby.
Humihikbi, umiiyak,
pagkain ay di-tiyak.
2. Chant:
Hoy, Pandoy! upang magampanan,
Tumulong sa tungkulin maialay
gawaing bahay huwag paligoy-ligoy

12
3. Chant:
Aba’y mabait pala ako pinagbubuti ko ang pag-aaral
Damhin ang
laging sinunod mga utos ninyo
pagmamahal

4. Bugtong:
Isda ko sa Mariveles Sagot: Sili
nasa loob ang kaliskis

5. Rap:
Handa ka na ba sagot sa hirap na dinanas natin
Gulay sa hardin tumulong sa iba

13
Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang titik ng
wastong sagot at isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.

1. Ano ang dapat tandaan kung magsusulat ng tula, bugtong


at chant o rap?
A. magandang salita
B. maikli at di mahirap na salita
C. may indayog at ritmong salita
D. wastong baybay, akma at magkasintunog
na huling salita

2. Ano ang sunod na salitang gagamitin kung mahal ang


huling salita sa linya?
A. aruga
B. almusal
C. pagtanim
D. pagsabayin

3. Ang isang tula kung lalapatan ng indayog at ay magiging


______.
A. rap
B. chant
C. bugtong
D. maikling kuwento

4. Ito ay parang tulang nakasulat ngunit kailangan ito ng


sagot. Ano ito?
A. rap
B. chant
C. kwento
D. bugtong

14
5. Tapusin mo ang rap na nakasulat sa ibaba. Hanapin ang
akmang salita sa kahon.

mag-aral basahin gupitin

Mga kaklase ko
Maghanda na tayo
Bakasyon tapos na
Leksiyon ay asikasuhin
Aklat ihanda at ________.

15
Karagdagang Gawain
Kumuha ng malinis na papel at sumulat ng iyong sariling tula,
bugtong at chant o rap.

Tula

Bugtong

Chant o Rap

16
17
Baitang 3): Book Media Press, Inc., 2014, 42
Nelia D. Bamba et.al MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog-
Latest MELC for MTB-MLE Grade III Q1
Curriculum Guide sa MTB-MLE 3, 133
Sanggunian
Subukin Balikan Pagyamanin
1. D 1. C 1. paso
2. A 2. B 2. pinabayaan
3. maniwala at 3. D 3. paliguan
di-mapariwara, 4. A 4. dumamay
kinabukasan at 5. Rodrigo Roa
magpakailanman, Duterte
4. lumuluha
5. naninibugho
Isagawa Tayahin
1. D
2. Chant: 2. B
Hoy Pandoy! 3. A
huwag paligoy ligoy. 4. D
Tumulong sa gawaing bahay, 5. basahin
Upang magampanan, tungkulin maialay.
3. Chant:
Aba’y mabait pala ako,
laging sinusunod mga utos ninyo.
Damhin ang pagmamahal,
pinagbubuti ko ang pag-aaral!
4. Bugtong:
Isda ko sa mariveles
nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
5. Rap:
Handa ka na ba,
tumulong sa iba.
Gulay sa hardin,
sagot sa hirap na, dinadanas natin.
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like