You are on page 1of 25

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Tanda at Simbolo sa Mapa
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jessicablanca A. Fernandez
Editor: Amalia C. Solis, Education Program Supervisor
Tagasuri: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS,
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Tanda at Simbolo sa Mapa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Aralin Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Simbolo at
Tanda sa Mapa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit

ii
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Tanda at Simbolo sa Mapa!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.

v
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong sa iyo na makilala ang
ibat’t-ibang uri ng mapa at ang mga simbolong matatagpuan dito.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa mapa, mga uri
nito at mga simbolo sa mapa.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang kahulugan ng


mga simbolo na ginagamit sa mapa sa
tulong ng panuntunan (ei. katubigan, kabundukan, etc)

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na magawa mo ang mga sumusunod:


1.Naipaliliwanag ang kahulugan ng mapa at ang iba’t-ibang uri nito.
2. Naiisa-isa ang mga simbolo na ginagamit sa mapa.
3. Natutukoy ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa sa tulong
ng panuntunan (halimbawa: katubigan, kabundukan, at iba pa).
4. Naipahahayag ang kahalagahan ng bawat simbolong ginagamit sa mapa.

Subukin

PANUTO: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong
papel.
1. Ang tawag sa representasyon ng isang lugar na nagpapakita ng katangiang
pisikal ay _________
A. mapa C. simbolo
B. kompas D. direksyon

1
2. Ang mga sumusunod ay makikita sa mapang pisikal MALIBAN sa:

A. B. C. D.

3. Ang mga sumusunod ay makikita sa mapang pangkultura MALIBAN sa:

A. B. C. D.

4. Ang mga sumusunod ay makikita sa mapang pangkabuhayan MALIBAN sa:

A. B. C. D.

5. Ito ay uri ng mapa na nagpapakita ng populasyon sa isang lugar.

A. mapang pandemograpiko C. mapa ng daan

B. mapang pisikal D. mapang pangkabuhayan

2
Aralin

1 Mga Tanda at Simbolo sa Mapa

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa mga tanda at


simbolo sa mapa. Mahalagang magamit mo ang mga kasanayan ito upang higit
na malinang at mapagyaman ang iyong kaalaman sa pagkilala sa mga tanda at
simbolong ginagamit sa mapa. Matututuhan mo sa aralin na ito ang
kahulugan ng bawat simbolo at pananda. Matutulungan ka din ng araling ito na
makalikha ng simpleng mapa ng iyong sariling lugar. Tara nang magsimula sa
ating aralin!

Balikan
SIMBOLO…SIMBOLO, Tukuyin mo

Nakikilala mo ba ang mga sumusunod na simbolo? Nakikita natin ang


mga ito sa ating paaralan at komunidad. Alin sa mga ito ang iyong nakikilala.
Lagyan ng tsek (/) ang bawat larawang nakikilala at tukuyin ito. Maaaring
magpatulong sa mga magulang o guardian.

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag-aaral
ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang-pansin din sa mga Gawain ang
paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalatasan (Communication); pagtutulungan
(Collaboration); malikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at
pagbuo ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito, inaasahang;
1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa
bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang / guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa
modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

Tuklasin
HALINA! ALAMIN ANG MAPA
Tingnan ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang
paggamit ng mapa kay Tom? Mapabibilis kaya ang pagpunta niya sa lugar na
kanyang paroroonan? (Mapanuring Pag-iisip)

4
Suriin
ANG MAPA

Ang mapa ay representasyon ng isang lugar na nagpapakita ng iba’t ibang


pisikal na katangian nito. Maaari ding ipakita sa mapa ang kapaligirang
pangkultura ng isang lugar tulad ng mga paliparan, tulay, daan, gusali, at iba
pang mga imprastruktura. Ang mga uri ng produkto at kabuhayan ay maaari
ding makita sa tulong ng isang mapa. May mapa ring nagpapakita ng
hangganan ng mga bayan, lungsod, lalawigan, at rehiyon. Ginagamit din ang
mapang demograpiko upang matukoy ang pagkakabahagi ng populasyon ng
isang lugar.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa o uri ng mapa batay sa gamit
nito.

Mapang Demograpiko (Demographic Map) - nagpapakita ng pagkakabahagi ng


populasyon sa isang lugar.

5
Mapang Politikal (Political Map) - Mapa ng Daan (Road o Vicinity
Map)
nagpapakita ng mga hangganan, nagpapakita ng mga kalsada at ng
kabisera, o kapitolyo at lalawigan mga maaaring ruta o daan patungo
ng isang lugar. sa isang lokasyon.

Mga Tanda at Simbolo sa Mapa

Dahil ang mapa ay isang representasyon lamang na madalas makita sa papel


o patag na kasangkapan, gumagamit ito ng iba’t ibang simbolo upang
kumatawan sa iba pang bagay. Ang mga simbolong ito ay nagtataglay ng
kahulugan, katangian, o impormasyon ukol sa lugar na kinakatawan nito.
Mahalagang malaman ang mga ito upang mas madaling makilala o matukoy
ang isang lugar. Nagtuturo ito ng eksaktong kinalalagyan ng isang lugar o pook
at ng mga matatagpuan dito. Nakapaglalakbay tayo nang maayos kung may
sapat tayong kaalaman at kasanayan ukol sa simbolong ito. Tunghayan natin

6
ang iba pang halimbawa o uri ng mapa at ang ilan sa mga simbolong ginagamit
dito.

Mapang Pisikal (Physical Map) - nagpapakita ng iba’t ibang anyong lupa at


anyong tubig.

Mga Simbolong Kadalasang Ginagamit sa Mapang Pisikal

7
Mapang Pangkabuhayan (Economic o Resources Map) - nagpapakita ng
pinagkukunang yaman at mga produkto sa isang lugar.

Mga Simbolong Kadalasang Nakikita sa Mapang Pangkabuhayan

8
Mapang Pangkultura (Cultural Map) - nagpapakita ng mga kapaligirang
pangkultura tulad ng mga gusali, tulay, paliparan at iba pang imprastruktura.

Mga Simbolong Kadalasang Ginagamit sa Mapang Pangkultura

9
Pagyamanin

Mga Gawain
GAWAIN 1
PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. Mapa
2. Mapang pangkabuhayan
3. Simbolo
4. Mapang demograpiko
5. Mapang pisikal

GAWAIN 2
PANUTO: Tingnan ang sumusunod na mga larawan. Tukuyin ang isinisimbolo
nito.

10
Isaisip
“YOU COMPLETE ME”

PANUTO: Kumpletuhin ang mga pangungusap.

1. Isang patag na representasyon ng isang lugar ang _________.


2. Ang mga simbolo tulad ng karagatan, kabundukan, pulo, ilog, lawa, burol
at iba pa ay makikita sa mapang __________.
3. Ang mga simbolong tulad ng paliparan, tulay, daan, gusali at iba pang
imprastruktura ay makikita sa mapang _______________________.
4. Ang mga uri ng produkto at kabuhayan ng isang lugar ay maaari ding
makita sa tulong ng mapang ________________.
5. Ang mapa ng _____________ ay nagpapakita ng hangganan ng mga
bayan, lungsod, lalawigan at rehiyon.
6. Ang mapang ___________________ ay ginagamit upang matukoy ang
pagkakabahagi ng populasyon ng isang lugar.
7. Ang mapa ng __________________ ay nagpapakita ng mga kalsada at
ang mga maaaring ruta o daan patungo sa isang lokasyon.
8. Ang mga _______________ sa mapa ay kumakatawan sa mga bagay. Ito
ay nagtataglay ng kahulugan, katangian o impormasyon ukol sa lugar
upang mas madaling makilala o matukoy ang isang lugar.

11
Isagawa

A. PANUTO: Sagutan ang “Word Puzzle” sa tulong ng mga simbolo.

B. PANUTO: Tukuyin ang wastong simbolo sa mga lugar na


matatagpuan sa NCR. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. University of
the Philippines
1. ______ A.
2. ______ B.
2. Philippine
General Hospital
4. Ilog Pasig
3. ______
3. Jones Bridge 4. ______ C.
5. ______
5. Ninoy Aquino
International D.
Airport

E.

12
Tayahin

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tama MALIBAN sa:
A. Nakakatulong ang mga simbolo sa pagbabasa ng mapa.
B. Ang mapa ay nakalilito at walang maitutulong sa mga tao.
C. Ang mapa ay isang patag na representasyon ng isang lugar.
D. Ang mapa ay nagpapakita ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
isang lugar.
2. Nakatutulong ang mga simbolo sa pagbabasa ng mapa dahil:
A. Ang mga simbolo sa mapa ay walang pakinabang.
B. Ang mga simbolo ay nakahahadlang sa pagbabasa ng mapa.
C. Ang mga simbolo ay nagtataglay ng mga kahulugan ukol sa lugar na
kinakatawan nito.
D. Wala sa nabanggit
3. Kailangang masanay sa paggamit ng mapa:
A. Upang marami tayong mapuntahan
B. Upang malayo ang ating mapuntahan
C. Upang makita natin ang iba’t ibang lugar
D. Upang makapaglakbay tayo nang maayos

4. Uri ng mapa na nagpapakita ng mga anyong tubig at anyong lupa:


A. Mapang pisikal B. mapa ng populasyon
C. mapang kultural D. mapang pang-ekonomiko
5. Ang mga sumusunod ay ipinapakita sa mapang pisikal MALIBAN sa :
A B. C. D.

13
Karagdagang Gawain
(Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan,
Pakikipagtalastasan)
PANUTO: Pumili lamang ng isa sa mga gawain. Maaaring magpatulong sa
inyong mga magulang.
1.Gamit ang google map, gumuhit ng mapa ng daan mula sa inyong bahay
papuntang paaralan. Iguhit din dito ang mga simbolong magpapakita sa
mahahalagang katangian ng lugar.
2. Natatandaan mo ba ang mga lugar sa inyong paaralan? Gumuhit ng simpleng
mapa ng inyong paaralan. Iguhit din dito ang mga simbolong magpapakita sa
mahahalagang katangian ng lugar.
3. Isulat ang iyong sagot sa papel. Sa iyong palagay, bakit mahalagang
malaman o matutuhan ng bawat batang Pilipino ang mga karaniwang simbolo
at tanda na ginagamit sa mapa?

14
Susi sa Pagwawasto

Isagawa Tayahin
B. 1.C
1. E 2. C
2. D 3. D
3. B 4. A
4. C 5. C
5. A

15
Sanggunian

Lahing Pilipino: Kaagapay sa Ika-21 Siglo National Capital Region


Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan
Christian E. Daroni,V illa Eden C. Barcelon, Rosalinda R. Belarde, Julieta U.
Fajardo

Sangguniang Aklat para sa Araling Panlipunan 3


Rodel C. Sampang, Carina M. Realista, Lucila M. Morete,
Locardo O. Magdaraog Jr.

http://www.denr.gov.ph
http://www.google.com

16

You might also like