You are on page 1of 33

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay
sa
Lokasyon at Topograpiya
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Lugar na Sensitibo sa Panganib
Batay sa Lokasyon at Topograpiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marites Dela Cruz
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Janice N. Gagante, Dalubguro II
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza Regional EPS In Charge of LRMS
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim Ceso V Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla CID Chief
Lucky S. Carpio EPS In Charge of LRMS
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay
sa Lokasyon at Topograpiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan
Baitang Tatlo (3) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at
Topograpiya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang Tatlo
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Lugar na Sensitibo
sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o Ang
paglinang ng modyul na ito. sum
usunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.

v
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang matulungan kang
malaman at matukoy ang mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay
sa Lokasyon at Topograpiya. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit ito sa marami at ibat ibang sitwasyon na
maaaring maranasan kaugnay ng panganib na dulot ng topograpiya
at lokasyon ng lungsod at bayan sa ating rehiyon na maaaring
magbunga ng panganib sa buhay natin.
Ang modyul na ito ay may araling tungkol sa:
Aralin 7: Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at
Topograpiya nito
Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1.Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib sa sariling
rehiyon gamit ang hazard map. (batay sa lokasyon at
topograpiya nito)
( Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)
2.Nakagagawa ng mga hakbang bilang paghahanda sa mga
posibleng sakuna sa mga lungsod at bayan sa rehiyon.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Isang uri ng mapa na nagpapakita ng mga lugar na sensitibo sa
mga kalamidad.
A. Political map C. Hazard map
B. Climate map D. Physical Map

2. Ito ay sakuna na maaaring nagmula sa natural na kondisyon o


pangyayari sa kalikasan tulad ng bagyo, daluyong o storm surge,
pagguho ng lupa o landslide at iba pa.
A. Pandemic C. Epidemya
B. Kalamidad D. Salot

3. Isa sa mga sangay ng pamahalaan na may pangunahing


tungkulin na tumugon sa mga sakuna bunga ng mga kalamidad.
A. National Disaster Risk Reduction and Management Council
[NDRRMC]
B. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services
Administration [PAGASA}
C. Kagawaran ng Edukasyon {Department of Education}
D. Kagawaran ng Kalusugan {Department of Health}

2
4. Ito ang ahensya na nagbibigay ng babala at nagbabantay sa
bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao.
A.Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical
Services Administration [PAGASA]
B. National Risk Reduction and management Council
C. Kagawaran ng Edukasyon {Department of Education}
D. Kagawaran ng Kalusugan {Department of Health}

5. Ito ay biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa na nagiging sanhi


ng pagguho ng mga gusali at panganib tulad ng sunog at tsunami.
A. Erosyon o landslide C. Pagbaha
B. Bagyo D. LIindol

3
Aralin Mga Lugar na Sensitibo sa

7 Panganib Batay sa
Lokasyon at Topograpiya
May mga panganib na naidudulot ang ating kapaligiran.
Mahalagang malaman kung ano-ano ang mga likas na panganib na
ito upang mapaghandaan at maiwasan ang anumang sakuna na
maaaring idulot nito. Bilang bansa na palaging nadaraan ng bagyo,
nakararanas tayo ng maraming bagyo sa loob ng isang taon.
Gayundin ang pagyanig ng lupa, hindi natin alam kung kailan ito
maaaring maganap. Pagsapit ng tag-init sobrang maalinsangan ang
panahon at kapag tag –ulan naman, sobrang lakas ng ulan na
nagdudulot ng matinding pagbaha sa ibat ibang lugar.

Sa pag-aaral ng ating sariling lungsod o bayan sa rehiyon,


mahalagang matukoy at malaman ang mga lugar na sensitibo sa
panganib. Ipinababatid nito kung ano ang kaugnayan ng
topograpiya at lokasyon ng lungsod at bayan sa rehiyon sa maaaring
magbunga ng panganib sa buhay natin.

4
Balikan
Pag-aralan ang mapa ng NCR. Tukuyin ang anyong lupa at
anyong tubig na makikita sa bawat lungsod at bayan. Iguhit ang
angkop na simbolo nito. Gawin ito sa sagutang papel.
Lungsod at Pangalan Simbolo Pangalan Simbolo
Bayan ng Anyong ng Anyong
Lupa Tubig
Maynila
Marikina
Pasig
Navotas
Muntinlupa

5
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at


maunawaan ng mga mag- aaral ang mahahalagang
kasanayan sa pagkatututo. Binigyang pansin din sa mga
Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan [Communication]; pagtutulungan
[Collaboration]; malikhain [Creativity]; mapanuring pag-iisip
[Critical Thinking]; at pagbuo ng pagkatao [Character
Building]. Ito ay may katulad na aralin online.

Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:


1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng
mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng
mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang
/guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag-
aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na
instrukyon sa pagkatuto.

6
Tuklasin
May kalamidad bang nangyari sa inyong lungsod o bayan?
Anong kalamidad ang hindi ninyo makalilimutan?
[Pagbuo ng Pagkatao/ Mapanuring Pagiisip]
Gawain 1:
Ano anong kalamidad ang nasa larawan?
Alin sa mga ito ang naranasan mo na?
Ano ang iyong ginawa ng mangyari ito?
Nakapaghanda ka ba bago ito dumating?
Paano mo ito pinaghandaan?
Bakit sa iyong palagay kailangan mong maging laging
handa?

https://www.untvweb.com/news/ilang-lugar-sa- https://www.philstar.com/pilipino-star-
metro-manila-binaha-dahil-sa-walang-tigil-na- ngayon/bansa/2019/04/22/1911663/61-
pag-ulan/ magnitude-na-lindol-naitala-sa-ncrzambales-

7
https://www.google.com/search?q=sun http://marinduquegov.blogspot.com/2016/06/
og+sa+NCR+larawan&tbm mimaropa-tsunami-talk-para-lamang-sa.html

Suriin

Ang kalamidad ay mga sakuna na maaring nagmula sa natural


na kondisyon o pangyayari sa kalikasan tulad ng bagyo, daluyong o
storm surge , pagguho ng lupa o landslide, tsunami, gayundin ang
pagputok ng bulkan. Minsan, ito ay maaaring dulot din ng mga gawa
ng tao dahil sa ating kapabayaan tulad ng pagbaha, at malawakang
sunog.
Ang mga ito ay nagiging sanhi ng kapahamakan ng tao,
pagkasira ng mga ari-arian at kalikasan. Ang National Disaster Risk
Reduction and Management Council [NDRRMC] ay isang sangay ng
pamahalaan na tumutulong sa pagtugon sa mga sakuna bunga ng
kalamidad.
Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na maaaring
maranasan sa ating rehiyon.

8
Bagyo- ito ay kombinasyon ng malakas at paikot na hangin na may
kasamang malakas na pag-ulan. Ito ay maaaring maging
mapanganib na nagiging sanhi ng malalaking alon. Ang Philippine
Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
[PAGASA] ang ahensya na nagbibigay ng babala at nagbabantay sa
bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao.

Pagguho ng lupa o landslide- ito ay pagbaba o paggalaw ng lupa o


bato na kadalasang nangyayari kapag tuloy –tuloy ang pag-ulan at
pagyanig ng lupa.

Lindol- ito ay biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa na nagiging


sanhi ng pagguho ng mga gusali at panganib tulad ng sunog at
tsunami. Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology
[PHIVOLCS] ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa
paggalaw ng bulkan, lindol at tsunami.

Pagbaha- labis na pag apaw ng tubig na sanhi ng malalakas na


bagyo o pagbabara ng mga kanal at estero na kadalasang dulot ng
hindi maayos na pagtatapon ng basura ng mga tao dito.

Wildfire- sunog sa mga kagubatan, damuhan dulot ng matinding init


at kakulangan sa pag-iingat ng mga tao na nagiging sanhi ng
pagkawasak at pagkasalanta ng mga ari-arian at kapahamakan ng
mga tao.

9
Tsunami- malalaking alon ng karagatan dulot ng malakas na
paggalaw ng lupa sa ilalim ng dagat sanhi ng paglindol o pagguho
ng lupa sa karagatan.

Storm Surge [daluyong-bagyo]- hindi pangkaraniwang pagtaas ng


tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa
baybayin. Sanhi ito ng malakas na hangin dahil sa pagbaba ng
presyon sa mata ng bagyo na nagtutulak sa tubig- dagat, dahilan
upang ito ay maipon at tumaas kaysa pangkaraniwang taas ng tubig
patungong baybayin.

Iba pang Sensitibong Panganib sa Rehiyon


Hindi lamang bagyo ang natural na panganib sa ating rehiyon.
Ang ating bansa ay nasa ibabaw ng mga fault lines kung saan ang
west valley fault system ay isa sa mga halimbawa nito na makikita sa
Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region [NCR].
Lubhang maaapektuhan ng lindol ang mga lugar na nasa ibabaw o
malapit sa fault lines. Maraming mga lugar sa bansa ang makikita sa
mga fault lines at malapit sa mga aktibong bulkan. Karaniwang
nararanasan ang lindol sa ibat ibang lugar sa bansa. Anong
paghahanda ang mga dapat nating gawin sa mga panahon na
maaari nating maranasan ang pagbagyo at paglindol?

Alam mo ba ang hazard map? Nakakita ka na ba nito? Ang


hazard map ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng mga lugar na
sensitibo sa mga kalamidad. Narito ang halimbawa ng hazard map.

10
Pag- aralan ang mga hazard map upang malaman ang mga lugar na
sensitibo sa panganib. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng mapa.

11
MGA GABAY NA TANONG

1. Batay sa mapa, magbigay ng tatlong [3] lungsod sa NCR na may

mataas na antas ng pagbaha. Bakit mas mataas ang antas ng

pagbaha sa mga lugar na nabanggit?

2.Batay sa mapa, magbigay ng tatlong [3] lungsod sa NCR na may

mababang antas ng pagbaha. Bakit mas mababa ang antas ng

pagbaha sa mga lugar na nabanggit?

3.Batay sa mapa, alin sa mga lungsod sa NCR ang may katamtamang

antas na maaaring bumaha?

12
https://verafiles.org/articles/preparation-best-way-cope-earthquakes
Mga gabay na tanong:
1. Batay sa mapa, alin sa mga lungsod o bayan sa NCR ang
maaring makaranas ng malakas na epekto o intensity ng lindol?
Magbigay ng tatlong [3] lungsod. Bakit mas malakas ang epekto
o intensity ng lindol sa mga lugar na nabanggit?
2. Batay sa mapa, alin sa mga lungsod sa NCR ang maaaring
makaranas ng mahinang epekto o intensity ng lindol? Magbigay
ng tatlong [3] lungsod. Bakit mas mahina ang epekto o intensity
ng lindol sa mga lugar na nabanggit?

13
Paghahanda sa Panahon ng Sakuna
Ang sakuna ay hindi natin masasabi kung kailan o kung anong
oras maaaring maganap kaya bilang mag- aaral at kasapi ng iyong
pamilya, mahalaga na ikaw ay maging handa.

https://www.youtube.com/watch?v=JaJbXT4Z https://www.emergency-live.com/ceb/civil-

https://www.rappler.com/previous- https://www.radyolaverdad.com/wp-

Mga hakbang upang maging ligtas sa panahon ng sakuna.


• Maging alerto at mapagmasid, alamin ang mga lugar kung ito ay
ligtas o nasa panganib.
• Makinig o manood ng balita ukol sa ulat-panahon upang
malaman ang mga babala tungkol sa bagyo, lindol, at pagbaha.
• Magplano kasama ang iyong pamilya kung paano at saan
magkikita kapag dumating ang sakuna.
• Makiisa sa mga ginagawang emergency drill sa inyong paaralan
at komunidad.

14
• Maghanda ng emergency o survival kit na naglalaman ng
flashlight, posporo, de bateryang radio, kandila, first aid kit, at
mga pagkain na maaaring tumagal ng ilang araw.
• Maging kalmado at huwag mag-panic upang maayos na
makatugon sa panahon ng sakuna.

15
Pagyamanin

Gawain 2 Oh my…..Hazzard!
A. Tukuyin ang lungsod o bayan na isinasaad ng bawat pangungusap.
Balikan ang Flood Hazard Map sa talakayan. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.
__________1. Ito ang lungsod na maaaring makaranas ng mababang
antas ng pagbaha na matatagpuan sa hilagang silangan
ng lungsod ng Valenzuela at gawing hilaga ng lungsod
ng Quezon.
_________2. Ito ang lungsod na maaaring makaranas ng katamtamang
antas ng pagbaha. Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng
Makati at sa gawing timog ng Maynila.
_________3. Ito ay mga lungsod na maaaring makaranas ng mataas na
antas ng pagbaha sa gawing kanluran ng Lungsod ng
Quezon at sa gawing Timog ng Valenzuela.

Gamit ang Earthquake Hazard Map na nasa talakayan, tukuyin


ang lungsod o bayan na isinasaad ng pangungusap.
_________4. Ito ay lungsod na maaaring makararanas ng malakas na
epekto ng lindol na matatagpuan sa gawing silangan ng
Lungsod ng Quezon.
_________5. Ito ang lungsod na maaring makakaranas ng mahinang
epekto ng lindol na matatagpuan sa pinakatimog na
bahagi ng bansa.

16
E. Ano anong paghahanda ang dapat gawin sa panahon ng
sakuna? Isulat ang iyong sagot sa loob ng concept map. Sipiin
ang concept map sa sagutang papel. Isaalang alang mo ang
madalas maranasan na sakuna sa sariling komunidad. Pumili mula
sa mga sumusunod na sakuna: baha, lindol, sunog o tsunami. Sa
gawaing ito ay maaring hingin ang tulong mga magulang o ng
iba pang kasapi ng pamilya,

PAGHAHANDA
SA PANAHON NG
SAKUNA
(URI NG SAKUNA}

17
Isaisip
 Ang kalamidad ay mga sakuna na maaring nagmula sa natural
na kondisyon o pangyayari sa kalikasan tulad ng bagyo,
daluyong o storm surge, pagguho ng lupa o landslide, tsunami
gayundin ang pagputok ng bulkan.
 Ang Hazard Map ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng mga
lugar na sensitibo sa mga kalamidad.
 Ang Flood Hazard Map ay nagpapakita ng iba’t ibang antas ng
pagbaha na maaring maranasan ng mga lungsod o bayan.
 Ang Earthquake Hazard Map ay nagpapakita ng iba’t ibang
intensity ng lindol na maaaring maranasan ng mga lungsod o
bayan
 Mahalaga na maging laging handa sa panahon ng sakuna o
panganib.

18
Isagawa

Punan ng impormasyon ang “Data Retrieval Chart.” Mula sa ating

napag-aralan na Flood hazard Map at Earthquake Hazard Map. Itala

ang mga lungsod at bayan sa hanay ng panganib na maaaring

maranasan dito [Pagtutulungan]

Baha Bagyo Lindol Pagguho ng Lupa

Caloocan Manila Paranaque Pasay


Navotas Valenzuela Las Pinas Makati
Malabon Mandaluyong Marikina
Pasig Pateros Quezon City
San Juan Taguig Muntinlupa

19
Tayahin
Panuto: Basahin at Unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng
napiling sagot.
_____1. Ito ay kombinasyon ng malakas at paikot na hangin na may
kasamang malakas na pag-ulan. Ito ay maaring maging
mapanganib na nagiging sanhi ng malaking alon.
A. Lindol B. Bagyo C. Pagguho ng Lupa D. Pagbaha

_____2. Ito ay biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa na nagiging


sanhi ng pagguho ng mga gusali at panganib tulad ng sunog
at tsunami.
A. Lindol B. Bagyo C. Pagguho ng Lupa D. Pagbaha

_____3. Labis na pag-apaw ng tubig na dulot ng malalakas na


bagyo o pagbabara ng mga kanal at estero na dulot ng hindi
maayos na pagtatapon ng basura dito.
A. Lindol B. Bagyo C. Pagguho ng Lupa D. Pagbaha

_____4. Ito ay lungsod na maaaring makaranas ng mahinang epekto o


intensity ng lindol ayon sa earthquake hazard map.
A. Pasig B. Muntinlupa C. Quezon City D. Caloocan

_____5. Isa ito sa lungsod na maaaring makaranas ng mababang antas


ng pagbaha.
A. Makati B. Marikina C. Malabon D. Manila

20
_____6. Lungsod na maaaring makaranas ng katamtamang antas n ng
pagbaha.
A. Lungsod ng Maynila C. Lungsod ng Marikina
B. Lungsod ng Malabon D. Lungsod ng Las Pinas

_____7. Lungsod o bayan na maaaring makaranas ng mataas na antas


ng pagbaha.
A. Lungsod ng San Juan C. Lungsod ng Makati
B. Lungsod ng Marikina D. Lungsod ng Maynila

_____8. Bilang paghahanda sa anumang kalamidad na maaaring


dumating ang mga sumusunod ay dapat gawin MALIBAN sa
isa.
A. Maghanda ng first aid kit
B. Mag-imbak ng pagkain at malinis natubig
C. Ihanda ang de bateryang radio at flashlight
D. Maging kampante sa lahat ng oras dahil marami namang
tutulong sa iyo

_____9. Ito ay dulot ng malakas na paggalaw ng tubig sa ilalim ng


dagat na nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig.
A. Tsunami B. Bagyo C. Lindol D. sunog

____10. Ito ang lungsod na maaaring makaranas ng malakas na


epekto o intensity ng lindol base sa earthquake hazard map.
A. Lungsod ng Quezon City C. Lungsod ng Caloocan
B. Lungsod ng Makati D. Lungsod ng Pasay

21
Karagdagang Gawain
Panuto: Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na
sitwasyon? Isulat at ipaliwanag ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bumuhos ang malakas na ulan na nagdulot ng mataas na
pagbaha sa inyong lugar. Walang typhoon signal kaya ikaw ay
may pasok sa paaralan.

2. Nakita mong naiwanan ng iyong nanay na nakasindi ang kandila


sa kusina at siya ay nakatulog na.

3. Katatapos pa lang ng lindol sa inyong lugar. Nakita mong takot


na takot ang iyong kapatid at umiiyak.

4. Narinig mo ang tunog ng bell sa inyong paaralan hudyat ng


isasagawang earthquake drill.

22
Sanggunian:
Aklat:
Araling Panlipunan 3 NCR Mununulat Mary Ann DG. Goyal, Emilyn F.
Gerilla, Cristina DC. Cruz,Paul Nylden A. Carable, Eric John D.
Lao,Janice N. Gagante, Lenie A. Tiamzon, Annie D. Pesito, Clarissa DC.
Catabay, Alona B. Miano, Daisy M. Gonalise, Rosemarie S. Sto.
Domingo,Jenalyn I. Datuin, Analine R. De Guzman, Margie P. Cas, Ever
Bryan A. De Asis
Kayamanan 3 Rodel C. Sampang, Carina M. Realista, Lucila M. Morete,
Locardo O. Magdaraog Jr.,Book Media press Inc.Series
Online Resources:
www.google.com
www youtube.com
https://tl.wikipedia.org/wiki/Daluyong-bagyo

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

24

You might also like