You are on page 1of 27

Learning In Depth through Virtual Education

SY 2021-2022
Ang mga Uri
ng Pamayanan
at Panahanan
Pamayanang Rural

Sa pamayanang ito ay walang malalaking


gusali at wala ring maraming sasakyan o
malalaking pabrika kaya’t tahimik ang paligid.
Pamayanang Rural
Sa halip ay malalawak na
berdeng burol at malilinaw
na dagat ang makikita
rito. Ito ay magandang
halimbawa ng
pamayanang rural.
Batanes
Agad napapansin ng mga bumibisita rito ang
tahimik, payapa, at tila mabagal na takbo ng
buhay.
Batanes
Ang bahay nila ay halos
isang metro ang kapal ng
dingding na gawa sa bato.
Ito ay may maliliit at
makikitid na bintana, at ito rin
ay may bubong na kugon.
Ang disenyong ito ay hindi
basta-basta masisira ng
bagyo.
Ifugao
Malamig ang klima sa Ifugao kaya ang kanilang
tirahan ay naaangkop din sa kanilang
kapaligiran.
Ifugao
Karaniwang gawa sa kahoy at
may bubong na kugon ang mga
bahay na tinatawag ding bale. Ang
apat na poste ng bahay ay may
taas na sampu hanggang
labindalawang talampakan at ang
pinakabahay ay nasa gawing itaas
nito na halos nasasakluban na ng
bubong na may korteng bulaklak.
Ifugao
Walang bintana ang mga
bahay para mapanatiling mainit
sa loob. Hindi rin ito ginamitan
ng pako o tornilyo subalit
matibay ang pagkakagawa at
hindi basta magigiba ng
malalakas na bagyo, ulan, at
maging ng lindol.
Tarlac
Makikita sa Tarlac ang malalawak na kapatagang
natatamnan ng palay at iba panaguri ng pananim.
Ang pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan ay pagsasaka.
Tarlac
Mainit ang panahon sa Tarlac,
kaya upang maiangkop ang
kanilang panahanan, ang mga
bahay ay karaniwang gawa sa
kahoy o kawayan at may
bubong na kugon bagama’t
may ilang bahay ring gawa sa
semento, kahoy, ay yero.
Tawi-Tawi
Noon may mga mamamayan sa Tawi-tawi ang
nakatira sa bahay na bangkang tinatawag na
lepa.
Stilt House

Ito ang bahay na nasa ibabaw ng mga


posteng kawayan na nakatirik malapit sa
baybayin ng Dagat Sulu.
Pamayanang Urban

• Malaking populasyon.
• Ito ang nagsisilbing sentro ng pangangalakal,
edukasyon, pamahalaan, aliwan, at paggawa.
National Capital Region o NCR
Ang lungsod ng Quezon ay
may pinakamalaking
populasyon sa lahat ng
lungsod sa buong Pilipinas.
Matatagpuan dito ang
matataas at malalaking gusali,
maraming sasakyan, at mga
makabagong teknolohiya.
Lungsod ng Quezon
Ang halos lahat ng gamit
dito ay pinatatakbong
koryente at makina. Marami
rin ditong makabagong
ospital, paaralan, pamilihan
at mga mall, bangko,
pagawaan, pabrika, at
simbahan.
Dahil sa dami ng mga tao, maraming panahanan o
tirahan sa malalaking lungsod na tulad nito ang
magkakadikit. Ito ay isang paraan ng pag-aangkop
sa kapaligiran para sa halip na isang pamilya lang
ang makatira sa isang lote ay limang pamilya o
higit pa ang maaaring tumira dito.
Lungsod ng Quezon
Ang mga bahay ay gawa sa semento, bakal at
yero. Halos magkakapareho ang bahay sa
subdibisyon. Malalaki at malalawak ang bakuran
subalit nakaaangkop pa rin dahil malawak din
ang pamayanang residensiyal.
Nagtatrabaho ang mga tao
rito sa malalaking gusali,
pagawaan at iba pa.
Lungsod ng Cebu

May mga taong nakatira sa condominium na


nasa pamayanang komersiyal. Tulad ng ibang
pamayanang urban, maraming pamilihan,
bangko, restoran, at paaralan.
Lungsod ng Cebu
Bilang pag-aangkop, nagtatayo ang mga
negosyante ng mga condominium kung saan
higit na mas maraming tao ang nakatitira sa
isang lote dahil ang mga condominium ay
matataas na gusali. Ang bawat palapag ng
gusali ay binubuo ng ilang yunit. Ang bawat
yunit ng condominium ay nagtataglay rin ng
kompletong mga bahagi ng isang tahanan.
Lungsod ng Pasig

May mga tinatawag na informal settlers. Ito


yong mga tao na nakatira sa pinagdikit-dikit
na mumunting bahay na gawa sa plywood at
pinagtagpi-taping yero at karton.
Mahalaga ang maiangkop o maiugnay
ng tao ang kanilang pamumuhay sa uri
ng kapaligirang mayroon sila. Ang
pakikiangkop na ito ay nangyayari hindi
lang sa uri ng hanapbuhay at produkto
kundi gayundin sa uri ng panahanan o
tirahan at sa iba pang paraan.
Ilang Halimbawa ng Panahanan sa mga
Pamayanang Rural na Nagpapakita ng
Pag-aangkop sa Uri ng Kapaligiran
• Tahanan ng mga Ivatan na handa sa
pagdaan ng malalakas na bagyo.
• Tahanan ng karaniwang magsasaka sa
bukid na maginhawa kahit mainit ang
panahon.
• Tahanan ng mga Ifugao na iniangkop sa
malamig na klima sa lugar.
Ilang Halimbawa ng Panahanan sa mga
Pamayanang Rural na Nagpapakita ng
Pag-aangkop sa Uri ng Kapaligiran
• Tahanan ng mga Badjao na angkop sa
hanapbuhay na pangingisda ng mga
Badjao.
• Ang karaniwang bahay na gawa sa
semento, kahoy, at yero na angkop sa
klima ng bansa.
Ilang Halimbawa ng Panahanan sa mga
Pamayanang Urban na Nagpapakita ng
Pag-aangkop sa Uri ng Kapaligiran
• Apartment o mga unit na magkakadikit
na angkop sa lugar na maraming taong
naninirahan para mas marami ang
makatira sa isang lote ng lupa.
• Malalaking tahanan na angkop sa
malalawak na lote sa mga pribadong
subdibisyon.
Ilang Halimbawa ng Panahanan sa mga
Pamayanang Urban na Nagpapakita ng
Pag-aangkop sa Uri ng Kapaligiran
• Condominium na angkop sa mga pamilyang
naghahanapbuhay sa kalapit na lugar.
• Mga barong-barong na gawa sa mga karton,
mga piraso ng yero, at iba pang magagaan na
materyales na pansamantala lamang tirahan
ng mga walang sariling lupa hanggang sa
malipat sila sa mas ligtas na pamayanan.
Hanggang sa
muli mga bata

You might also like