You are on page 1of 14

URI NG TAHANAN NG

MGA PILIPINO
◦ Ang panahan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga Kweba.
Ang kanilang mga labi, kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng
mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila ito marahil upang maging
ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang
pangkat ng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang mga Homo
Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan.
Tahanang nasa taas ng punong kahoy
◦ > Ang ating mga ninuno ay naninirahan din sa mga bahay na inilalagay sa
itaas ng malalaking punongkahoy. Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas
ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihila paitaas kung gabi at
naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madaling
masalakay ng mga kaaway. Ito ang uri ng panahanan ng mga Kalingga at
Ilonggot sa Hilagang Luzon at ng mga Bagobo at Mandaya sa Mindanao.
◦ Karaniwang yari lamang sa kahoy at nipa Ang isang bahay – kubo. Simple
lamang Ang desinyo nito. Ang bahay- kubo ay Ang tipikal na bahay –
Pilipino na kung saan simple lamang Ang kinagawiang buhay ng mga tao.
Parisukat na hugis ng mga sinaunang Bahay Kubo. Ang mga ito ay apat na
dingding at may isa o dalawang silid. Sa paglipat ng ating mga ninuno sa
kapatagan,sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid, yantok,
sawali at iba pang uri ng halaman dahil Ito ay angkop sa mainit a klima ng
ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay sa kanilang bahay
upang maging presko. Ang silong ng bahay ay nababakuran at nagsisilbing
lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o mayroong itong sala,silid-
tulugan, silid kainan, kusina at batalan. Ang batalan Ang pinakabanyo,
hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan.
Baybay – dagat – Ito ay isang palapag at may at ang sahig ay hindi
magkaka – dikit upang maging madali ang paglilinis. Ang bahay naman ay
itinayo sa baybay ng dagat ang mga Ito ay nakaangat sa tubig. Malaking
kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga
kabahayan. Marami pa ring ganitong uri ng tahanan ang makikita sa Sulu at
Zamboanga at Ito rin ang uri Ng tahanan ng mga Budjao.
◦ Bangkang tahanan – Ang mga Ito ay tahanan sa gmdagat na yari sa
kahoy at kawayan. Sari – sari ang disenyo at laki nito.
◦ Sa pagdaan ng panahon, unti – unting naglaho ang bahay – kubo. Napalitan
ito ng malalaking gusali at bahay na ipinapatayo ng pamahalaan, ng
mayayamang pilipino at ng mga turista. Katulad na lamang sa lungsod ng
maynila kung saan kaliwa’t kana ang mga gusaling makikita. Ang lupang
sakahan at ang kinatitirikan ng mga bahay – kubo ay binibili ng pamahalay at
ng mayayamang turista. Ngunit hindi lamang ang pamahalaan ang may
kasalanan sa pagkawala ng bahay – kubo. Maging ange mamamayang
pilipino ay may kasalanan rin sa panyayaring ito. Sa halip pahalagahan ng
mga piliy ang bahay –kubo, mas pinili pa nilang magpatayo ng mga bahay na
katulad sa mga bahay na matatagpuan sa ibangw Bansa. Patunay rito ang
struktura ng mga bahay na matatagpuan sa ngayon.
Maraming salamat po !

You might also like