You are on page 1of 2

MGA URI NG TIRAHAN

•Maaaring wala sa tahanan ang mga tao, sa halos buong araw, upang magtrabaho at maglibang, ngunit
karaniwang umuuwi sila sa bahay para mamahinga, kumain at matulog.

•Ang bahay o tahanan, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa ng tao
o mangangaso, at isang tirahan na napapalibutan ng mga dinding at may bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa
isang nilalang laban sa presipitasyon, hangin, init, lamig, at mga tao o hayop na ibig pumasok na walang pahintulot.

•(Sa pangkalahatan, sa maliit na bilang, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa anyo ng isang pinto o
isang portal, at maaaring mayroong ilang bilang ng mga durungawan o wala man. (

•Tahan ang salitang-ugat ng tahanan, na nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng pagpapatigil ng pag-
iyak ng isang sanggol) o pagpawi ng kalungkutan.

• Sinasabing napapawi ang lahat ng lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan.

(Sa isang metapor, pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan, sapagkat ang salitang bahay ay tumutukoy
sa pangkalahatang kayarian, samantalang tumutukoy naman ang tahanan sa pakikipag-ugnayan sa pamilya sa loob
ng isang bahay.[1])

(Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng mga tao,mga
materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong karaniwangnararanasan sa lugar na
iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas matipid magtayo ng bahay kung gagamitin ang materyales na
madaling makuha ayon sa pook. Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at mataas sa lupa
kung malapit sakailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga bahay na yari sa
yelokung naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at mayroon dingmga bahay
na yari sa tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad ng sabansang Hapon). May mga bahay ding
nabubuhat o natitiklop para maililipat-lipat ng lugar habangnaglalakbay sa ilang.)

Unang Uri ng Tahanan

Ang Tanahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang
mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak Ng Cagayan.

•Yungib o kuweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

• Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga anyo ng tubig. Isang halimbawa nito ang
Kuwebang Tabon sa Palawan, Pilipinas.

• Kaberna ang isang malaking kuweba.

Ikalawang Uri ng Tahanan


(Bahay Kubo) Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid,
yantok, sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga ito ay may apat na
dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid o kawayan at pawid. Ang
haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid.

Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at Kawayan dahil ito ay
angkop sa mainit na klima ng ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang Inilagay nila sa kanilang bahay upang
maging maliwanag at presko. Ang silong ng bahay ay nababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan
ng palay o kulungan ng mga alaganghayop. Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang
batalan angpinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibangbahay
ay may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay Nagsisilbing tanggapan ng
bisita bago pumasok ng kabahayan.

Ikatlong Uri ng Tirahan

(Uyaanan) Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punong kahoy. Ang hagdan ay nahihila paitaas
kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madaling masalakay ng mga kaaway.
Ito ang uri ng tanahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzon at ng mga Bagobo at Mandaya sa
Mindanao.

Ikaapat na Uri ng Tahanan

(Baybay dagat) Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa
tubig.Malalaking kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga kabahayan.Ito ay may
isang palapag at ang sahig ay hindi magkakadikit upang maging madali ang paglilinis.Marami pa ring ganitong uri ng
tahanan ang makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ngmga Badjao.

You might also like