You are on page 1of 39

KABANATA 2


1. Magbigay ng 5 mga gamit panulat sa panahon ng katutubo.
2. Magbigay ng 3 bagay na nagsisilbing sulatan ng mga ninuno.
3. Magbigay ng 3 kung saan madalas makikita ang mga naisulat.
4. Ano ang tawag sa awiting- bayanpara sa pagpapatulog ng bata?

5. Bakit ipinasunog ng mga Kastila ang ang mga talang pampanitikan ng


ating mga ninuno?
Answers

1. dulo ng kawayan, kahoy, lanseta, bato, at bakal
2. ang mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga, at dahon ng mga
punongkahoy
3. mga palayok, banga, kawayang bumbong
4. Oyayi/hele
KABANATA 2
KALIGIRANG KASAYSAYAN


 Bago pa man dumating ang mga mananakop na
Espaňol, ang mga katutubong Pilipino ay mayroon ng
maituturing na sariling panitikang nagpapakita ng
kanilang kalinangan at kasaysayan.
 Mayroon na rin silang sariling sistema ng pagsulat na
tinatawag na baybayin.
 Sa pamamagitan nito, naitala nila ang ilang
mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay gaya ng
kanilang tradisyon, kaugalian, paniniwala, at iba pa.

 Ayon sa kasaysayan, ang ating mga ninunong

Pilipino ay gumagamit ng matutulis na bagay gaya ng

dulo ng kawayan, kahoy, lanseta, bato, at bakal

bilang panulat, at ang mga biyas ng kawayan,

talukap ng bunga, at dahon ng mga punongkahoy

naman ang naging sulatan nila.


Nang dumating ang mga Espaňol at
ipinalaganap ang mga

pananampalatayang Kristyanismo,
ipinasunog nila ang mga talang
pampanitikan ng ating mga ninuno dahil
iyon daw ay likha ng diyablo at produkto
ng makapaganong paniniwala.
Subalit hindi rin iyon naging dahilan upang tuluyang


mapigil o maitago ang sinaunang panitikan. Bagkus, lalo

itong lumawig sa pamamagitan ng pagpasalin-salin sa

bibig ng mga katutubong mamamayan tulad ng mga

awiting-bayan at mga sinaunang salaysayin.


ANG PANITIKAN SA PANAHON ITO AY


1. Karaniwang pasalindila (oral)
2. Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng ating mga
ninuno
3. Nagpapatunay na may sibilisasyon/kabihasnan na ang
mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga
Espanol
4. Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang
bumbong (isang uri ng bamboo), at iba pa. ang mga
naisulat.
6/2/2020
BAYBAYIN



 Ito ay katumbas ng 17 na titik sa matandang alpabeto at lahat ng mga

simbolo ay binibigkas na may ponemang /a/ sa dulo. Samantala,

nilalagyan ng tuldok sa itaas ng simbolo kung binibigkas sa ponemang

/e/o/i/ sa dulo at tuldok sa ibaba kapag /o/o/u/.


Ang tandang krus o ekis sa kanang paibaba ng simbolong

katinig ay inilalagay upang mawala ang tunog na patinig tulad

sa ponemang /y/ sa salitang bahay. Isang guhit na patayo ay

inilalagay sa pagitan ng mga salitang pinaghihiwalay at

dalawang guhit na patayo naman sa pagitan ng mga

pangungusap.
A. Awiting bayan


Awiting bayan o kantahing-bayan ay tulang inaawit na

nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, paniniwala,

karanasan, gawain o hanapbuhay ng mga taong nainirahan

sa isang pook o lugar.


1. Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)


 Halimbawa:

Matulog ka na bunso, ang ina mo ay malayo

At hindi ka masundo may putik at mabaho.


2. Kalusan (paggawa)


 Halimbawa:

Likas sa Pilipino ang pagtutulungan

Sama- samang tumutulong para sa bayan

Mayaman man o mahirap, nandiyan ang pagkakaisa

Kapit-bisig itong pinaglaban


3. Balitaw (Visayan) /Kundiman (Tagalog)


 Halimbawa:

Ang balat moy huwag ibilad kung mainit

Kailangan mo’y salakot na pambukid

Ang balat kung masungit ang panahon

Parang payong din ‘yon


4. Diona (kasal)


 Halimbawa:

Aanhin ang yamang Saudi,

O yen ng Japayuki

Kung wala ka sa tabi

-Fernando Gonzales
5. kumintang/tagumpay (pandigma)


 Ito ay kasaysayan ng mga pandirigma ng mga

kawal nina Datu Dumangsil ng Tall at Datu

Balkususa ng tayabas at ng Bai ng Talim.


6. Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon)


 Isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o
pasasalamat, karaniwang para sa Diyos o Mahal
na Birhen sapagkat nagpapakita, nagpaparating o
nagpapadama ng pagkadakila o pagsamba.

 Halimbawa:
Pumanaog, pumanaog si Mansilatan,
Saka si Badla ay bababa,
Mamimigayng lakas,
Pasayawin ang mga baylan,
Paligiran ang mga baylan.
BIRHEN SA BARANGAY


O Maria reyna sa Pilipinas,

Panalipdi kami sa mga katalagman,

Agaka kami nagdto sa manluluwas,

Si Kristo nga anak mo ug ang

Among kaluwasan.
7. Dung-aw


 Isang makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano. Isa
itong tulang inaawit bilang panaghoy sa isang taong
namatayan.
 Halimbawa:
Ay ama nga nageb-ebba
Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.

Ay ama nga nageb-ebba


Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.

8. Soliranin awit sa pagsasagwan


9. Talindaw awit sa pamamangka

 Halimbawa:

Sagwan, tayo’y sumagwan

Ang buong kaya’y ibigay.

Malakas ang hangin

Baka tayo’y tangayin,

Pagsagwa’y pagbutihin.
Karunungang - Bayan

Ang mga bugtong, palaisipan, salawikain, at kasabihan ay

itinuturing na karunungang-bayan dahil nagpapatalas ito

ng isipan upang mag-isip at bigyang- kahulugan ang

mahalagang kaisipang nakapaloob dito o ang mga

salitang inilalarawan nito.


1. Bugtong


 Ang bugtong ay tulang patugma na ang layunin ay pahulaan ang isang bagay, tao, at pook

na kakikitaan ng talinghaga. Ito ay karaniwang nilalaro sa mga lamayan sa patay para

magbigay-aliw at mawala ang antok habang nagpupuyat. Nang lumaon, ginagawa na rin

ito tuwing may pistahan o sa mga pagtitipon.

 Halimbawa:

 Isang pindot ng daliri, impormasyo’y sari-sari.

Sagot: internet
2. Salawikain


 Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng

matatanda na nagsisilbing batas at tuntunin ng

kagandahang-asal ng ating mga ninuno.

 Halimbawa: Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.


3. Sawikain


 ito ay kagaya ng salawikain na nagpapahayag ng magandang kaisipan

o mensahe sa buhay. Ang kaibahan lamang, ito ay tiyak at madaling

matukoy ang mensahe. Ito ay tinatawag ding kawikaan o mga

kasabihang walang natatagong kahulugan.

 Halimbawa: Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


4. Palaisipan


Ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa
ng kaisipan ng tao. Ito ay nakalilibang bukod
sa nakadaragdag ng kaalaman.
Halimbawa: May isang bola sa mesa.
Tinakpan ito ng sombrero. Paano mo kaya
makukuha ang bola nang di man lang
magagalaw ang sombrero?
Sagot: butas ang tuktok ng sombrero.
Peer Evaluation

Pangalan 5 4 3 2 1
1. Brenda Mage
2. Joanne Tame
3. Fe Ang
4. Ley Ko
Evaluator
1. Mga Tugmaang Pambata


 Ito ay mga tugmaang karaniwang ginagamit sa

panunukso o pagpuna sa kilos o gawi ng isang tao.

 Halimbawa: Putak,putak

batang duwag

matapang ka’t,

nasa pugad.
2. Bulong


 Ito ang mga tugmang ginagamit sa panggagamot na

pangkulam o pang-engkanto.

 Halimbawa: Tabi,tabi po, nuno.

huwag pong magagalit, kaibigan,

aming pinuputol lamang,

ang sa ami’y napag-utusan.


3. Epiko


 Ang epiko ay mahabang tulang pasalaysay na

nagpapakita ng kabayanihan, katapangan, at

pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

 Halimbawa: Biag (buhay) ni lam-ang (ilokano)


CRITERIA

 Acting ------ 10 pts
 Stage presence ------ 10 pts
 Preparation/organization ------ 10 pts
 Provides fluent rendition of
scenario ------ 10 pts
 Time ------ 10 pts

TOTAL 50 pts
Peer Evaluation
Name:_______________________ Topic:_______________
Group:____________________ Time:________________

Pangalan 5 4 3 2 1
1. Brenda Mage
2. Joanne Tame
3. Fe Ang
4. Ley Ko
Evaluator
TOPICS
1. Tulalang 5. Hudhud at Alim
2. Biag ni Lam-ang 6. Hinilawod
3. Ibalon 7. Indaraptra at Sulayman
4. Bantugan ( Ikatlong
salaysay)

You might also like