You are on page 1of 7

FILIPINO 8

Aralin 1: Mayamang Panitikan, Ating Ingatan


 Ang Sermon ni Nanay – (mga karununang-bayan)
o (Kasabihan) Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
o (Sawikain) Kapag tanghali kang magising, Maging dumi ng manok. Wala kang
mapupulot.
o (Kasabihan) Walang mahirap na gisingin, Kundi iyong nagtutulog-tulugan.
o (Salawikain) Ang sa taong karunungan, Pamanang di mananakaw. Kung ibig ang
karunungan, Habang bata ay mag-aral; Kung tumanda, mag-aral man, Mahirap
nang makaalam.
o (Kasabihan) Ang katamara’y kapatid ng kagutuman, Ang kasipaga’y kapatid ng
kayamanan.
o (Kasabihan) Kapag maikli ang kumot, Matutong mamaluktot.
o (Sawikain) Hindi bawat makinang ay ginto, Hindi bawat maputla ay tanso.
o (Kasabihan) Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, Di makararating
sa paroroonan.
o (Sawikain) Walang sumisira sa kalawang kundi ang sarili niyang kalawang.
o (Kasabihan) Ang inang nangangaral sa kanyang anak ay nagmamahal.
Ang karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan ay ilan
lamang sa mga akdang pampanitikang umusbong o lumaganap sa panahon ng mga katutubo.
Masasalamin sa karunungang-bayan ang kultura ng mga Pilipinong kinapapalooban ng mga
mensahe o aral na magagamit sa buhay
Ang salawikain ay karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma. Naglalaman ito
ng mga aral at mensaheng nagsisilbing gabay o patnubay sa buhay.
Ang sawikain naman ay isang paraan ng pagsasalitang hindi gumagamit ng
mararahas na salita upang maiwasang makasakit ng loob.
May pagkakataon na tinatawag na ang salawikain ay tinatawag na kasabihan. Maaring
magkatulad sa anyo ang dalawa ngunit ito ay magkaiba. Ang kasabihan ay tumutukoy at
naglalalarawan ng mga kilos, ugali, at gawi ng isang tao.
o Dalawang uri ng paghahambing:
o Pahambing na Magkatulad – ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas nakatangian. Gumagamit ito ng mga panlaping
kasing, sing, magsing, magkasing, tulad gaya paris, kapwa, at pareho.
o Pahambing na Di Magkatulad – ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay
may magkaibang katangian.
a. Pasahol – kung ang pinaghahambing ay mas maliit; gumagamit ito ng
mga salitang tulad ng di gaano, di totoo, di lubha, o di gasino.
b. Palamang – kunng ang pinaghahambing ay mas malaki o nakahihigit
sa pinaghahambingan; gumagamit ito ng mga salitang higit, labis,
mas, lalo.
Aralin 2: Ang Magsasaka, Palay, at Bigas
 Ang Alamat ng Palay
o Noong unang araw, hindi nagtatanim ng mga halaman at di nag-aalaga ng mga
hayop ang mga tao para may makain. Umaasa lamang sila sa kalikasan.
o May mga tumitira sa mga kweba, sa bundok, tabing ilog at dagat.
o Kasama ng iba ang mag-asawang Banag (babae) at Danas (lalaki) sa
paghahanap ng bagong matitirhan. Dati silang nakatira sa tabing dagat ngunit
nasira ito ng malakas na bagyo. Natakot silang muling abutin ng bagyo.
o Gusto ni Banag humiwalay at mamalagi sa isang magandang pook dahil hindi
sila magkaanak kakalipat ng tirahan.
o Pumili sila ng isang magandang pook sa bundok at doon nagtayo ng munting
bahay. Tahimik ang napili nilang pook; sagana sa prutas at hayop na
makakain. May malinaw na batis at maraming nahuhuling isda si Danas.
o Ngunit biglang dumating ang tagtuyot. Naglakad at nakarating sa kabilang
bundok si Danas at inabot ng matinding pagod. Siya’y nakatulog sa damuhan.
o Pinakingga ni Danas ang mga awit ng damo: “Kami ang pag-asa ng tao,
Danas. Pulutin mo ang aming mga bungang butil.”
o “Bayuhin mo ang aming mga butil para maalis ang gintong balat.”
o “Iluto mo ang aming mga putting laman ng butil para lumambot at maging
masarap na pagkain.”
o Pumitas ng maraming uhay si Danas hanggang mapuno ang kanyang sisidlan
at nagmamadaling umuwi kay Banag.
o Itinanim ni Danas at inalagaan ang mga butil. Pinangalanan niya ito bilang
palay, sa utos ng mga damo.
o Ibinalita ni Danas ang pagtatanim at pag-aalaga ng palay sa ibang tao.
o Lumawak ng lumawak ang mga bukid na taniman. At mula noon, nagging
magsasaka ang mga tao, at di na rin sila palipat-lipat ng tahanan.
Ang Magsasaka – tula ni Julain Cruz Balmaceda
Ang alamat ay isang uri ng panitikang maaring maglahad ng mga pangyayaring
makatotohanan o likha ng guniguni. Tinatalakay rito ang mga bagay na makasaysayan lalo na
ang tungkol sa kung paano nagkaroon o nabuo ang pangalan ng isang lugar, ang
pinagmulan ng halaman, hayop, at iba pang Begay.
 Alamat sa alamat batay sa Elemento o Bahagi nito
1. Simula – kabilang sa simula ang mga:
a. Tauhan – ang nagsisiganap sa kwento na maaring bida, kontrabida, o
pantulong na tauhan.
b. Tagpuan – ang lugar na pinangyarihan ng mga pangyayayari gayundin
ang panahon kung kalian naganap ang kuwento
2. Gitna – nakasaad sa bahaging ito ang kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan ng
kwento
a. Kasiglahan – ay naglalahad ng panandaliang pagtapgto ng mga tauhang
nasasangkot sa sulirananin.
b. Tunggalian – ay nagsasaad ng pakikipagtunggalian o pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan laban sa suliraning haharapin.
c. Kasukdulan – ang pinakamadulang bahagi kung saan nakatuon sa
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyan ipinaglaban.
3. Wakas – binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.
a. Kakalasan – unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa magiting
na pangyayari sa kasukdulan.
b. Katapusan – ang bahaging naglalahad ng magiging resolusyon ng
kwento.

Aralin 3: Gantimpala sa Kabutihan


 Ang Mangingisda
o Isinulat ni Bartolome Del Valle
o Noong unang panahon, may isang matandang mangingisda na mahirap at
umaasa lamang sa kanyang hanapbuhay.
o Lagi nang kinakapos sa pagkain ang kanyang asawa at tatlong anak.
o Siya ay may pamahiin na – paghulog ng lambat nang hindi hihigit sa makaapat
sa loob ng isang araw.
o Unang paghulog: isang patay na buriko
Pangalawang paghulog: isang latang puno ng buhangin
Pangatlong pahulog: mabibigat na bato, kabibi, at burak
Pangapat na hulog: malaking pasong tanso na may takip na tingga
o Kinuha nya ang paso at binuksan, ngunit walang anuman siyan nakita sa loob.
o Nagulumihan ang mangingisda nang makita niyang ang aso ay naging higante.
o Isang higanteng naghimagsik laban sa Diyos. Inutusan siya ni Haring Solomon
ngunit siya’y tummanggi at di sumunod.
o Bilang parusa ay isinilid siya sa pasong tanso at tinakpan ng tingga na may
tatak ng pangalan ng Diyos.
o Unang Dantaon: kayamanan
Pangalawang Dantaon: mahahalagang hiyas
Pangatlong Dantaon: gagawing hari at bibigyan ng tatlong kahilingan
o Ang mangingisda ay nahintakutan. Kinilabutan siya dahil sa maiiwan niya ang
kanyang mga anak at asawa na siya lamang ang inaasahan sa buhay.
o Ang higante ay muling naging aso at unti-unting pumasok sa paso hanggang
tuluyang Nawala. Tinakip ang tingga ng paso ng mabilis ng mangingisda.
o Itatapon ulit ng mangingisda ang paso sa gitna ng dagat.
o “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.”

Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng panitikang lumaganap sa panahon ng katutubo.


Ito ay isang kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng taong-bayan. Kadalasan ang paksa nito
ay tungkol sa katangian ng tauhan, na maaring mabuti o masama.
 Pang-abay
Ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa
pang-abay. Narito ang mga uri ng Pang-abay:
o Inglitik (Linking Verb) – ay mga kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng
kahulugan sa mensahe. (Halimbawa: ba, man, muna, nga, yata, daw/raw, din/rin,
lamang/lang, naman, na)
o Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay
ng pandiwa. (Halimbawa: bukas, sa susunod na buwan, mamaya)
o Panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng
pandiwa. Sumasagot sa tanong na saan o nasaan. (Halimbawa: kay/kina, at sa)
o Pamaraan – naglalarawan kung paano naganap o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. (Halimbawa: nang, na/ng)
o Pang-agam – nagbabadya ng di katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
(Halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, at iba pa)
o Kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. (Halimbawa: kung, kapag, at pag/pagka)
o Panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. (Halimbawa: oo, opo, tunay, talaga)
o Pananggi – nagsasaad ng pagtanggi. (Halimbawa: hindi, di, at ayaw)
o Panggaano – nagsasaad ng timbang o sukat. (Halimbawa: nang-)
o Kusatibo – nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. (Halimbawa:
dahil sa, sanhi ng/sa, bunga ng/sa)
o Benepaktibo – nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa
kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa. (Halimbawa: para sa)
o Pangkaukulan – nagsasaad ng pag-uukol. (Halimbawa: tungkol, hinggil, at ukol)

Aralin 4: Pinoy Superhero


 Tulalang
o Epiko ng mga Manobo na nagsasalaysay tungkol sa buhay ni Tulalang.
o Si Tulalang ay panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap. Hanggang
sa nakasalubong siya ng isang matandang ermitanyo na naawa sa kanila.
o Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.
o Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na tumira sa torogan
o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napalalamutian ng
ginto, pilak at iba pang mamahalin na bato.
o Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin,
at mahabang buhok.
o Ang magkakapatid ay may sari-sariling silid sa palasyo, maliban sa kaisa-
isang kapatid na babaeng inilagay sa pinaka-ilalim ng pitong basket na nasa
silid ni Tulalang.
o Siya ang hiyas ng magkakapatid. Siya ay may kapangyarihang mag-anyong
iba’t ibang hugis na naisin niya. Gadaliri lamang ang kanyang sukat.
o Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga
na bago magtanghali ay namumulaklak na ito. Kapag nalanta naman kaagad
ang rosas na ito, nagbababalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian.
o Isang araw, nalanta ang rosas at dumating si Agio na sinalakay ang Kuluman,
ang kanilang kaharian.
o Hinamon ng mayabang na heneral na si Agio si Tulalang. Unang nakipaglaban
ang mahiwagang singsing ni Tulalang na nagiging mandirigma. Pangalawa ay
ang balaraw ni Tulalang. Pangatlo ay si Tulalang na ang lumaban. Pang-apat
ay si Mangampitan na kapatid ni Tulalang. At panglima ay si Minalisin na
ang pinakabunso sa magkakapatid.
o Binuhusan ng kapatid nila na babae ng mahiwagang langis ang naglalaban
kaya ito’y ay nakatulog. Nang magising nalaman nilang dalawa na sila ay
magpinsan.
o Kung araw natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punongkahoy. Isang uwak
na nakadapo sa sanga at dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at
ipinagbigay alam sa kanya ng uwak na may parating ng isang napakalaking
higanteng kumain ng tao.
o Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla, Nalaman niya rin na ang
pangalan ng babae na iyon ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya
rin ay Macaranga rin ang pangalan.
o Naka-uwi na ang dalaga sa kanilang palasyo at nalaman niyang namatay na
ang ama pala nyang hari. Sa gayon, nanganagilangan ang kanilang kaharian ng
hari. Pumayag siyang magpakasal kay Tulalang.
o Umuwi muna si Tulalang bago magpakasal at nalaman niyang sinasalakay
muli ang Kuluman. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa
makalimutan niya na ang pangako kay Macaranga.
o Ang hari ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas
na kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita.
o Nagapi na ang dalawang kapatid ni Tulalang, at ang babae naman ay dinala
sa kaharian nito. Nang tumanggi magpakasal ang babae sa hari ng mga Bagyo
ay nilaslas ang kamay niya.
o Nang malaman ni tulalang ay nag-anyo siyang sibat at pumasok sa kuweba
ngunit wala ang hari doon. Nagbalatkayo naman siyang isang bata at sa isang
paraan ay nakapasok siya sa palasyo at naging alila.
o Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na ang sarimbarna
galling sa langit ay lahat sila kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa
niloob ng apat na buwan upang pagdating sa langit, sila ay maging katolosan
o kaluluwa, maging ang apat na magkakapatid.
o Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar na nakasabit sa isang
kadenang ginto. Ito ay hugis bangka ngunit yari sa bato.
o Isa pang higante ang nagtangkang pumutol sa kadena ng sarimbar ngunit
napatay rin ni Tulalang.
o Ang mga kapatid ni Tulalang at mga mamamayan ay nagging maligaya sa
kalangitan at nagtamo ng buhay ng walang hanggan.
Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at
pakikipag tunggali ng pangunahing tauhan laban sa kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil ang mga pangyayari ay pawang kababalaghan at di kapani-paniwala.
 Si Pinkaw
o Maikling Kwentong Hiligaynon ni Isabelo S. Sobrevego.
o Si Pinkaw ay mahirap. Namatay ang asawa sa sakit na epilepsy.
o Tatlong anak ni Pinkaw: Poray, Takoy, Basing
o Kumukuha ng mga pagkain sa basurahan.
o Nagkasakit ang mga anak, pananakit ng tiyan.
o Hindi pinapansin ng mga doktor.
o Namatay ang mga anak ni Pinkaw dahil sa pagkalason
Haiku, Senryu, Tanaga, at Tanka
Japan ay kilala at nangunguna sa larangan ng ekononmiya at teknolohiya hindi
lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig. Napanatili nila ang kultura at
pagpapahalaga sa panitikan. Patuloy nila na ginagamit at pinagyayaman tulad ng tanka at
haiku.
Tanka – maikling awitin na binubuo ng 31 na pantig na may 5 taludtod. Karaniwang
hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaring magkapalit-palit din ang
kabuuan ng pantig ay 31 pa rin. Ang mga karaniwang paksa nito ay tungkol sa pagbabago,
pag-ibig, at pagiisa.
Haiku – mas pinaikli na tanka. Isang tulang Hapones na 17 ang bilang ng pantig na
may tatlong taludtod. Maaring hati ng pantig sa taludtod ay 5-7-5. Si Masaoka Shiki ang
nagbigay ng pangalang haiku sa katapusan ng ika-19 na siglo. Hokku ang dating tawag sa
haiku. Ang mga karaniwang paksa nito ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Senryu – isang tula mula sa bansang Hapon. Tulad ng haiku, ito ay may sukat din na
5-7-5. Ito ay isinunod kay Senryu Karai (1718-1790) at may isang saknong na binubuo ng
tatlong taludtod.
Tanaga – ito ay isang maikling katutubong tula ng ating mga ninuno na hitik na hitik
sa pangangaral ng matatanda sa pagpapagunita ng kabataan.Tulang Tagalog na palasak na
bago pa man dumating ang mga Kastila. Binububo ng apat na taludturan na may pituhang
pantig. Nahahawig ito sa haiku. Itinuturing na di malayang tula na sagana sa mga talinhaga.
Ildelfonso Santos (Ilaw Silangan) at Leonardo Diangson (Ang Mithi).

Sagisag ng Bansa
 Barong Tagalog – kasuotan ng mga lalaki na ginawang see-through ng mga Espanyol
upang makita kung may bitbit na sandata ang mga Indio.
 Watawat - Ito ay isang piraso ng tela na may iba't ibang disenyo na kadalasang
parihaba at karaniwang ginagamit bilang isang simbolo, kagamitang pansenyas o
panggayak. Asul sa taas (panahon ng kapayapaan) at Pula sa taas (digmaan).
 Walong Sinag ng Araw ang sumisimbolo sa unang walong probinsyang nag-alsa sa
mga kastila: Manila, Cavite, Tarlac, Batangas, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna,
Bulacan.
 Tatlong Bituin – Luzon, Visayas, Mindanao
 Nagtahi ng watawat – Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, Delfina Natividad
 Unang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898
Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang
dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Modipikasyon ng Pangungusap
Ang isang pangungusap ay maaaring baguhin sa isa pang uri o anyo upang magtaglay
ng bagong kayarian. Tinatawag itong modipikasyon ng pangungusap. Ang diwa ng
pangungusap ay maaaring hindi magbago o magbagong anyo sa modipikasyong ginawa nito.

Pag-ibig isinulat ni Emilio Jacinto

You might also like